Share

Chapter 443

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-07-31 05:59:22

Pumikit-pikit pa si Lance bago sumagot sa tanong ni Celestine.

Paano nga ba niya iyon sasagutin? Hindi naman nila iyon napag-usapan ng Tito Benjamin niya. Ang buong akala kasi nila ay matatapos na ang lahat sa pagbibigay kay Celestine ng cypress grass.

Sa isip-isip niya..

‘Itong cypress flower grass na ‘to... Syempre, galing iyon kay Tito. Hindi naman sa akin. Naku, paano ba ‘to?’

Ngumiti si Lance nang makaisip na ng isasagot, “Binili ko rin lang ‘yan sa iba kaya ako nagkaroon niyan.’

“Mahal ba ang bili mo roon sa taong iyon?” tanong ni Celestine sa kanya.

Umiling agad si Lance.

Ni singkong duling, wala siyang ginastos doon, kung sasabihin niya lang ang totoo kay Celestine.

Nagkibit-balikat si Celestine. “Ah, okay.”

“Dahil mukhang marami ka nang alam sa mga halamang-gamot, mayroon ka pa bang ibang bihirang halamang gamot na na sa’yo na pwede mong sabihin sa akin? Kung meron pa, bibilhin ko rin iyon,” Uminom ng tubig si Celestine, may bahid ng pag-asa sa kanyang mga mata na sana ay me
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 447

    May narinig si Celestine na tunog ng lighter malapit sa kanyang tainga.Itinaas niya ang kanyang paningin, nakayuko si Benjamin habang sinisindihan ang sigarilyo niya.Dahan-dahan siyang bumuga ng usok, saka inalis ang sigarilyo sa bibig, kita ang pagod sa kanyang mga mata.May kakaibang tensyon sa paligid nilang dalawa.Kumunot ang noo ni Celestine. Gusto sana niyang magsalita, pero nag-alinlangan siya kung dapat pa ba siyang magsalita.Wala siyang nagawa kundi ibaba ang ulo at tumingin na lamang sa ibang direksyon.May bahagyang kirot sa dibdib ni Benjamin noong mga oras na iyon. Dati, sa tuwing sisindihan niya ang sigarilyo, agad siyang pinapatayan ni Celestine dahil ayaw nito ng amoy na iyon.Ngayon, kunot lang ang noo nito, walang kahit anong sinabi sa kanya.Ilang minuto pa, hindi na siya nakatiis. Siya na mismo ang nagtanong dito."Wala kang sasabihin sa akin?" biglang tanong ni Benjamin.Itinaas ni Celestine ang kanyang mga mata. Kumurap ang kanyang mga mata, "Ano bang dapat k

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 446

    Papasok na sana si Celestine sa parking lot upang kunin ang kanyang sasakyan nang biglang huminto sa harapan niya ang isang itim na Maybach.Napababa ang tingin ni Celestine. Bumaba ang bintana ng kotse, at si Benjamin ang nasa loob noon.Pinagdiinan nito ang mga labi, malamig ang ekspresyon, ngunit mainit ang tono ng boses."Sumakay ka sa kotse ko, Celestine."Umiling si Celestine at sinabi, "Gusto ko nang umuwi. Wala kong oras para sa’yo."Ihahatid sana siya nito pauwi, pero paano na si Diana? Kung malaman ni Diana, hindi ba’t magwawala na naman ito sa kanya at baka mag-away din sila?"Sumakay ka. Sinasabi ko sa’yo, sumakay ka," mas seryoso na ang tono ngayon ni Benjamin ngayon kaysa sa kanina.Kumunot ang noo ni Celestine."Ayos ka lang ba? Bakit mo ba ko pinapasakay sa kotse mo? Anong kailangan mo sa akin, huh?""Hindi ba’t dati, kahit wala akong ginagawa, hinahanap mo ako? Ngayon, bawal nang sumakay ka rito sa sasakyan ko ng walang dahilan?"Unti-unting nawawalan ng pasensya si B

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 445

    Lumingon si Benjamin, ngunit sinalubong siya ng matalim na tingin ni Celestine. Tila may nais pa itong sabihin, pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi habulin si Diana.Tahimik lang si Celestine noon.Makaraan ang ilang sandali, napangiti na lang siya nang may halong panghihinayang.Anong nangyayari?Pag-angat muli ng kanyang ulo, nakita niyang nakatayo pa rin sa harapan niya si Lance.Nahihiyang kinamot ng binata ang kanyang ulo, tila walang magawa sa sitwasyon kung nasaan sila ngayon.Lumapit si Celestine sa kanya at sinabi,"Tapusin na lang natin ang pagkain. Sayang naman kung hindi, ‘di ba? Nandito naman na tayo, e."“Miss Yllana, sigurado ka po ba sa sinasabi niyo? Okay lang po talaga sa inyo na sumabay ako sa pagkain?”Ngumiti si Celestine pagkatapos ay sumagot kay Lance. “Oo naman, sigurado ako. Isa pa, hindi ko naman lalagayan ng lason o kung ano man ang pagkain na ibibigay ko sa’yo.”“Ah, hindi naman ganoon ang iniisip ko. Alam ko naman na hindi mo iyon gagawin sa akin,”

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 444

    "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano dyan." Medyo malamig ang boses ni Benjamin nang sabihin niya iyon, may halong pakiramdam ng pag-iwas sa anumang hinala ni Diana sa kanya.Nakatayo lang si Celestine, tulala, at hindi sinasadyang nagtagpo ang tingin nila ni Benjamin, sa malalim nitong maitim na mga mata.Kumunot ang noo ni Benjamin at ganoon din si Celestine. Nagkatinginan sila, at ni isa sa kanila ay walang umiwas ng tingin.Si Diana ang unang lumingon at siyang nakaagaw ng atensyon ni Celestine.Ang mga kamay ni Celestine na nakalaylay sa kanyang tagiliran ay hindi niya namalayang napakuyom, saka mahinahong nagtanong,"Ang halamang binili ko, ang cypress grass, kay Benjamin ba talaga iyon?”Akmang magsasalita na si Benjamin para sagutin si Celestine.Ngunit malamig na sumingit si Diana sa usapan nila,"Kung hindi sa kanya, kanino mo sa tingin galing ang cypress grass na nakuha mo, ha? Mag-isip ka nga! Nag iisa lang ‘yon sa buong mundo."Hindi pinansin ni Celestine si Diana, sa hal

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 443

    Pumikit-pikit pa si Lance bago sumagot sa tanong ni Celestine. Paano nga ba niya iyon sasagutin? Hindi naman nila iyon napag-usapan ng Tito Benjamin niya. Ang buong akala kasi nila ay matatapos na ang lahat sa pagbibigay kay Celestine ng cypress grass.Sa isip-isip niya..‘Itong cypress flower grass na ‘to... Syempre, galing iyon kay Tito. Hindi naman sa akin. Naku, paano ba ‘to?’Ngumiti si Lance nang makaisip na ng isasagot, “Binili ko rin lang ‘yan sa iba kaya ako nagkaroon niyan.’“Mahal ba ang bili mo roon sa taong iyon?” tanong ni Celestine sa kanya.Umiling agad si Lance.Ni singkong duling, wala siyang ginastos doon, kung sasabihin niya lang ang totoo kay Celestine.Nagkibit-balikat si Celestine. “Ah, okay.”“Dahil mukhang marami ka nang alam sa mga halamang-gamot, mayroon ka pa bang ibang bihirang halamang gamot na na sa’yo na pwede mong sabihin sa akin? Kung meron pa, bibilhin ko rin iyon,” Uminom ng tubig si Celestine, may bahid ng pag-asa sa kanyang mga mata na sana ay me

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 442

    Natigilan sandali si Benjamin. Lumingon siya sa direksyong pinuntahan ni Celestine at bahagyang napakunot ang noo.Magkikita si Celestine at si Lance para kumain? Bakit? Anong gustong malaman ni Celestine tungkol sa kanya?’Sumagot si Benjamin sa message ni Lance sa kanya, “Tumanggi ka. Hindi kayo dapat magkita.”Agad namang nag-reply si Lance."Tito, sabi niya maraming salamat daw sa pagbibigay ng cypress grass sa kanya. Wala siyang ibig sabihin, gusto lang daw niyang magpasalamat at ilibre ako ng pagkain. Okay lang naman siguro iyon, hindi ba?”Nanatiling tahimik si Benjamin. Iniisip pa rin kung anong plano ni Celestine kay Lance. Nag-text ulit si Lance sa kanya, “Pupunta ba ako?”Papasagot na sana si Benjamin nang hawakan ni Diana ang kanyang palad at nakangiting nagtanong, “Ano yang tinitingnan mo?”Umiling lang si Benjamin at pinatay ang kanyang cellphone para hindi na magtanong pa si Diana sa kanya.Nakangiting medyo nakapikit si Diana, “Benj, kain tayo sa labas? Gutom na ko, e

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status