Share

Chapter 510

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-09-04 12:08:33

“So, I admire you, Celestine. Ikaw ang nagligtas kay Benjamin, pero sa napakaraming taon, ni minsan ay hindi mo binanggit sa kanya ang totoo.” Ibinuka ni Rico ang kanyang mga kamay, puno ng tanong ang mga mata.

Isang tanong na dumadagundong, totoo bang siya ang nagligtas kay Benjamin?

Kahit noong ikinasal sila ni Benjamin, hindi man lang niya sinabi na siya ang nagligtas dito.

Paano niya nagawa iyon?

Sa alaala ni Rico, si Diana, hindi lamang ito binanggit paulit-ulit niya itong ipinagmamalaki, araw-araw, bawat sandali ng buhay niya kasama si Benjamin ay bukang-bibig niya ito.

Ibang-iba kay Celestine.

Naalala pa ni Rico ang isang taon, nang bumalik siya sa bansa para mag-asikaso ng mga dokumento. Nag-organize si Sean ng isang salu-salo para sa kanilang tatlo, ngunit dumating si Benjamin kasama si Diana, hindi si Celestine.

Lumabas si Benjamin para sagutin ang isang tawag, at nakipag-usap siya kay Diana. Halos hindi ito tumigil sa pagkukuwento kung paano siya muntik nang mamatay para i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Miel Vermon
shunga ka rin Celestine hay ewan
goodnovel comment avatar
Mar IA
hmmm Iwan ko sau author kung kailan gumanda pinaikot mo na Naman Ang kwento
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
thank you sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 522

    Nang makita ni Diana si Celestine, lumingon ito at akmang umalis.Agad siyang hinabol ni Celestine, hinawakan ang braso ni Diana, inakbayan siya at dinala papunta sa parking lot."Celestine! Ikaw talaga, bitawan mo na ako, Celestine!!" sigaw ni Diana.Tahimik si Celestine, pero hinihila niya si Diana nang walang ipinapakitang emosyon. Medyo marahas ang lakas niya at nasasaktan ang mga kuko ni Diana. "Celestine! Tatawag ako ng pulis kapag—"Pinalo ni Celestine ang mukha ni Diana. Wala na siyang pakialam kung masaktan pa ito ng ilang ulit.Diretso na tumama si Diana sa isang sasakyan.Nagtaas siya ng tingin, nagulat na tumingin kay Celestine."Tawagin mo talaga ang pulis."Sabay bunot ng manggas si Celestine, "Aawatin kita hanggang sa makulong ka habang buhay ngayon. Naiintindihan mo?" Tumigil ka na sa ginagawa mo, tao ka pa ba, Diana?”Nang marinig iyon, alam na ni Diana na nalaman na ni Celestine ang lahat, kaya napababa na lang siya ng mukha at di na nangahas pang magsalita.Tinikom

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 521

    Kaya pala mainit ang mga kamay niya nang puntahan niya si Celestine, kaya pala nawalan siya ng malay. Pabalik-balik palang impeksiyon ng sugat niya noon.Mas mahina pa ang katawan niya kaysa noong nasa isang business trip siya.At least doon, mas matibay pa ang resistensya niya.At saka, kung tungkol sa business party nga pala…Kinuha ni Celestine ang kanyang cellphone at akmang tatanungin kung nakarating na ba si Rico sa dapat niyang puntahan,, nang biglang nakatanggap siya ng mensahe mula kay Rico mismo.Nagpadala ito ng picture na may kasamang message. “Arrive safely, see you in a few days. Ingat ka dyan ah. I know you have a lot of things to do. Kaya mo iyan. Maniwala ka lang."Sumagot si Celestine kay Rico: “Pasensya na, hindi ako nakasama sa iyo. Sa susunod na lang tayo magkita. Kapag okay na ang lahat."Sumagot si Rico pabalik sa kanya. “Family is important, I hope your grandma is safe. Nandito lang naman ako. Update me kung kailan tayo pwedeng magkita. Kahit nasa ibang bansa p

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 520

    "Karapat-dapat siya sa kung anuman ang nangyayari sa kanya!" singhal ni Nancy.Bagama’t sumang-ayon si Wendell sa sinabi ni Nancy, pinagsabihan pa rin niya ito, “Alam mo naman sa sarili mo na totoo iyan, bakit kailangan mo pang sabihin? Hayaan mo na ang mga iyan.”Agad namang nag-ingay pa lalo si Nancy. Kung anu-ano na ang sinasabi.Umubo si Manuel sa di kalayuan at agad siyang nilapitan ni Nancy."Pa, may masama ba sa pakiramdam mo? Sige, sabihin mo lang sa akin," tanong niya.Ilang araw pa lang ang nakararaan ay may sakit na ang matanda.Mukhang kailangan na talaga siyang iuwi sa madaling panahon. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil mukhang delikado na siya."Pa, umuwi ka muna. Nandito naman si Celestine at si Wendell. Ako na ang bahala rito," pag-aalo ni Nancy kay Manuel.Umiling si Manuel, ngunit inubo ulit nang tuluyan. Hindi na niya iyon mapigilan.Lubos itong ikinadurog ng puso ni Nancy. Naaawa na siyang lubos sa mag-asawa, grabe na ang kanilang pinagdaanan.Magmula’t sapul,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 519

    Hindi na nakapagsalita si Samuel.Dalawang taong litong-lito ang nakatingin sa isa’t isa.“Andito si Boss? Kanina lang nakita ko pa ‘yung record niya. Hahanapin ko siya–” tatakbo sana si Samuel.Pero sabay na hinila nina Vernard at Berna ang mga braso niya pakaliwa’t pakanan, at literal na kinaladkad siya palayo.“Hoy, hoy, hoy! Ano ‘to?! Ano bang problema niyo? Hinahanap ko lang naman si boss, e!” reklamo ni Samuel, lutang na lutang.Samantala, hawak ni Celestine ang phone niya habang binabasa ang balita tungkol sa aksidente.Sa paligid, siya lang yata ang pinakanasaktan sa nangyari.Kahit si Mr. Macabuhay na kasama sa sasakyan, gasgas at piraso lang ng salamin ang tumama sa braso.Pero si Lola Celia… siya ang pinakatinamaan.Nagpahayag ng pagkabahala ang mga netizen online dahil sa aksidenteng nangyari.“Sana wala nang mangyari Dr. Celia Yllana! Ang ganda ng project na ginagawa niya. Kung magtagumpay iyon, magiging inspirasyon siya sa buong bansa! Sana maging okay na siya agad!”“Ka

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 518

    Muling bumuhos ang ulan pagsapit ng gabi.Alas-otso y media ng umaga nang lumabas si Celestine mula sa operating room. Gutom, antok at pagod na siya pero hindi niya ininda iyon dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang Lola Celia.Wala na nga rin siyang pakialam sa kanyang itsura at sa mga taong nakapaligid sa kanya.Pagkalabas niya, hindi siya dumiretso sa pintuan ng ER.Natakot siyang makita ang mga mukha ng pamilya niya.Natakot siyang makita ang mga mata ng mga ito na puno ng pagkadismaya dahil sa nangyari sa kanyang Lola Celia.Wala siyang mapuntahan, kaya nagtago siya sa base. Kahit malayo pa iyon sa ospital, ayos lang. Ang importante sa kanya ay makalayo muna siya sa lahat dahil sa mga nangyayari.Sa totoo lang, gusto na niyang umiyak noon pero wala siyang magawa. Gusto niyang ipakita sa lahat, lalo sa pamilya niya na malakas siya kahit ano pa ang mangyari sa kanila.“Boss, kamusta si Lola Celia ?” agad na tanong ni Vernard, halatang balisa nang makita siyang dumating sa base.Tum

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 517

    Mabigat pa ang bisig ni Mr. Macabuhay, puno pa ng mga piraso ng bubog mula sa nabasag na bintana ng sasakyan. Wala pa siyang oras na gamutin ang sariling sugat.Nakita iyon ni Celestine, kaya agad niyang inurong ang kamay na nakahawak dito. Napatingin siya nang hindi makapaniwala. Paano nangyari ang lahat ng ito?“Miss Celestine… hindi ba’t aalis ka patungong abroad?” gulat na gulat si Mr. Macabuhay nang makita siya roon.Napakagat-labi si Celestine, nangingilid ang mga luha. “Nasa panganib si Lola Celia, bakit pa ako aalis? Nasaan siya ngayon? Nasaan si Mama at Papa?!”Kumakabog ang dibdib niya, nanginginig ang tinig at bahagyang tumaas ang kanyang boses.Bago pa makasagot si Mr. Macabuhay, may kamay na dumampi sa balikat ni Celestine.“Celestine, sumama ka sa akin.”Lumingon siya at bumungad ang tinig ng kanyang tiyuhin, kapatid ng kanyang ama.“Tito Axl,” gulat na tawag ni Celestine.“Hmm.” Tumitig ito sandali sa kanya at ngumiti ng payak. “Akala ko tuluyan ka nang aalis papuntang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status