หน้าหลัก / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 81: Heartbreak and Cheating

แชร์

Chapter 81: Heartbreak and Cheating

ผู้เขียน: SQQ27
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-08-27 23:47:16

Hindi mapakali si Claire dahil dis-oras na ng gabi ay wala pa ang asawa. Nangako ito kanina na babalik ito kaagad pagkatapos ng meeting nito kaya’t naghanda siya ng hapunan. Pero maghahatinggabi na ay wala pa rin ito na labis niyang ikinakabahala. Hindi rin niya makontak ang cellphone nito kahit ilang beses na siyang nagtangkang tumawag.

Nakagat niya ang kuko sa sobrang pag-aalala at hindi mapakaling naglakad-lakad sa harap ng foyer.

“Manson, saan ka na ba? May masama bang nangyari sa ‘yo?” puno nang pag-aalala na bulong niya habang nakatitig sa cellphone. Umaasa siya na tatawagan siya ng asawa para sabihin na ayos lang ito.

Hindi alam ni Claire kung ano ang gagawin sa sarili kapag may nangyari kay Manson. Masiyado nang nahulog ang loob niya rito para makita ito sa miserableng kalagayan. Ayaw niyang bumalik ito sa pagkakalumpo. They have a happy life now. Isa pa, nagbabalak pa silang magkaroon ng baby.

“Stop the negativity, Claire!” saway niya sa sarili. “Hindi ka dapat nag-iisip
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (6)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
goodnovel comment avatar
Marites Mendez
anu ba yan,,talaga lang veena ha!
goodnovel comment avatar
SQQ27
Paano pala kung si Lucas at Claire.........
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 225: Tracking The Truth

    Next:Isang linggo pa matapos ang insidente ay nailabas na ng mental institution si Odette at nanatili ang mga ito sa bahay ni Khaleed. Mag-asawa na ang dalawa sa mata ng mga tao lalo na kay Claire dahil tanggap na tanggap niya si Khaleed bilang ama. Hindi pa nasasabi ni Khaleed kay Claire na bumisita si Benjamin kay Odette upang komprontahin ito kung sino ang tatay ni Claire. Hindi rin alam ng anak niya na isa itong produkto ng test-tube baby at hindi pa alam kung sino ang tunay na ama. May dalang maraming shopping bags sina Manson at Claire nang bumisita sa kanyang ina kinagabihan. Lahat ng iyon ay mga damit at jewelries, saka mga cosmetics na pinamili nila para sa kanyang ina. Excitement was written all over Claire’s face as she entered the house. Nang makita siya ng kanyang ina na naghihintay na sa pagdating nila ay napamangha siya at napaawang ang labi. Tila bumalik sa dating anyo, dalawampung taon na ang nakalilipas, ang mukha ng kanyang ina. Kinulayan ng itim ang namumuti ni

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 224: Who Is The Father

    Next:Nang malaman ni Claire ang ginawa ng kanyang ama, ni Benjamin ay lalo siyang nagkaroon ng galit para dito. Hindi niya akalaing pagdududahan siya ng ama pero kung negatibo ang resulta, na hindi nga si Benjamin ang kanyang ama ay matutuwa siya. Ang problema…“Maapektuhan ang reputasyon ng aking ina. Kung hindi nga si Benjamin ang aking ama, ibig sabihin ay nagloko din ang aking ina?” Claire shuddered with that thought. Ipinaalam na niya sa kanyang lolo, sa tatay ni Benjamin ang tungkol dito pero nag-aalala pa rin siya na baka ituloy ni Benjamin ang paternity test. Nabalitaan niya mula kay Manson na pinakulong ni Benjamin sina Lanette at Oscar sa iisang bahay bilang parusa. Malaya si Oscar na gawin kung ano ang gusto nitong gawin kay Lanette habang sa loob ang mga ito ng iisang bahay. Kung malaman nito na nagtaksil din ang unang asawa, ano naman kaya ang gawin nito sa kanyang ina?“Huwag kang mag-alala, Claire. Sigurado akong hindi nagtaksil ang iyong ina. Hindi siya katulad ng ka

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 223: Hidden Truth

    Next:Agad na pinadakip ni Manson si Oscar pati na si Mrs. Vea dahil sa confession ni Jessie sa tulong na rin ni Gen. Torquino. Pero hindi tuluyang naniniwala si Claire na walang kinalaman si Joseph Tang sa nangyari sa kanya lalo pa at ito ang may galit kay Benjamin, sa kanyang ama. Ang problema nga lang ay wala pa silang ebidensya na magsusuporta kung may kasalanan nga si Joseph o wala lalo pa at inako na ng pamangkin nito ang lahat. Nahuli ng mga pulis si Mrs. Vea pero hindi nakasama ang ina ni Veena na si Lanette dahil katulad ni Jessie ay inako lahat ng matanda ang kasalanan at napawalang sala si Lanette. They were sentenced for ten years in prison, but Claire was not satisfied by the result. Lalo na at alam niya na ang tunay na salarin ay buhay pa at malayang makakagawa ng masama. Isa pa, naawa siya sa lolo Rigor niya dahil ilang beses na itong niloko ng asawa, ni Vea. hindi makapaniwala ang matanda na ang asawa at bayaw nito ang siyang mismong nagdala ng kapahamakan sa anak at

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 222: The Culprits

    Next:Habang nakaantabay si Manson sa pag-umpisa ng kanilang plano, si Lucas naman ay pasikretong inakyat ang isa sa pinakamataas na puno, limandaang metro ang layo mula sa abandonadong factory. Kailangan nilang mag-ingat dahil may hostage na hawak ang mga ito at iyon ay ang anak ng taong nagligtas kay Claire. Bagama’t ginawan nang masama ni Carla si Claire noong bata pa ito ay ang babae rin naman ang nagtanggol dito. “I’m in position, Manson. Tell me when you are ready and I’ll shoot.”“Copy that, Luke. nagpadala na ako ng tao para guluhin sila sa loob.”Pagkaraan pa ang ilang minuto ay biglang umusok ang buong factory at agad iyong sinamantala ng mga tauhan ni Manson para pumasok. Nagsilabasan naman ang lahat ng tauhan na nasa loob pero hindi kasama ng mga ito ang anak ni Carla. Malamang ay nakagapos pa ito sa loob. Lahat ng tauhan na lumabas ay isa-isang nagtumbahan matapos pagbabarilin ito ni Lucas. Tranquilizer gun lang ang ginamit nito kaya walang namatay ni isa sa mga kalaban

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 221: Revelations

    Next:Matagumpay ang ginawa nilang pagkuha sa kapatid ni Carla at ang pagmamanman sa asawa at anak nito. Dalawang araw lang ang lumipas ay nagparamdam na ito at tumawag pa kay Claire sa kalagitnaan ng gabi.“Hello?” “Hello, iha! Ikaw ba ito, Nyxie?” Nang marinig ni Claire ang garalgal na pagtawag sa tunay niyang pangalan ay nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo dahil nakikilala niya kung sino ang nasa kabilang linya. “Carla. Mabuti naman at ikaw mismo ang tumawag sa akin. Baka kapag si manson ang makahanap sa ‘yo ay hindi mo na makikita ang kapatid mo.”Dahil sa tawag na ito ni Carla ay nagising rin ang katabi niyang si Manson pero sinenyasan niya itong huwag maingay at inilagay sa loudspeaker ang tawag upang marinig din nito kung ano ang sasabihin ni Carla. Yakap siya ng asawa sa beywang habang pareho nilang pinakinggan ang kuwento ni carla. “Patawarin mo ako sa ginawa ko sa ‘yo, Nyxie. Patawad… pero kailangan ko ngayon ang tulong mo. Kinuha nila sa akin ang anak ko at kung hind

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 220: Looking for truth

    Next:Hindi kayang tanggapin ng puso ni Claire ang natuklasan. Mabilis siyang napatayo at nandidilim ang mukha na naglakad-lakad sa harapan ng mesa ng kanyang lolo. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. “Sino? Sino ang mga walang hiyang gumawa niyon sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol?” Naiiling at naluluhang sumagot ang kanyang lolo. “Dahil sa negosyo ni Benjamin ay maraming tao siyang nakakabangga. Baka isa sa mga kalaban niya sa negosyo ang gumawa niyon sa apo ko.”Lalong naikuyom nang mariin ni Claire ang kamao pero hindi niya kayang sabihin dito na ang totoong pinaghihinalaan niyang mastermind ng pag-kidnap ay ang anak at ang pangalawang asawa nito. “Hindi maari ito. Kailangan kong hanapin ang Carla na iyon at ang kapatid niya para malaman ko ang totoo. Kung sino ang taong gustong manakit sa aking ina…” sa wakas ay hindi na kayang itago ni Claire ang tunay na katauhan. Hindi na nagulat si Rigor nang marinig kung ano ang sinabi ni Claire. Panahon na rin para ipaalam sa la

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status