BUMALIK sa Manila si Zia ngunit dumaan muna sandali sa sementeryo pag-alis sa airport.
May mahinang ambon ng mga oras na iyon at may hawak pa siyang bulaklak para sa pinakamamahal na yumaong Ina. Pinagmamasdan ang lapida nito.Ang kanyang Ina na si Isabel ay namatay dahil sa car accident.Sa alaala ni Zia ay maamo, malambing at mapagmahal na asawa si Isabel kay Arturo. Masaya ang pamiya nila noong nabubuhay pa ito. Alagang-alaga ang bahay at ang paborito nitong garden kung saan madalas itong nagpipinta.Habang inaalala ang nakaraan ay may luhang pumatak sa mga mata ni Zia. Matapos alisin ang damo sa paligid ay nag-alay siya ng dasal sa lapida ng Ina.Nanatili siya roon ng ilang oras habang lumuluha hanggang sa tumigil ang mahinang ambon at muling sumilip ang sikat ng araw.Kinagabihan ay tuluyan nang umuwi si Zia. Nang mapansin ng katulong ay maingat itong nagsalita, “Welcome back po, Ma’am. Tumawag nga po pala rito si Sir kaninSA ARAW na iyon ay bumisita si Alice. Kaagad namang pinagbigay alam ng katulong ang pagdating nito.Nang mga oras na iyon ay hawak ni Louie sa kamay ang iniwang wedding ring ni Zia.“Sabihin mong maghintay at bababa rin ako,” aniya.At iyon naman ang ginawa ni Alice. Nang dumating siya kanina ay nasabi ng katulong na umalis ng bahay si Zia. Dapat ay masaya siya sa balitang iyon, pero hindi.Hanggang sa tuluyang bumaba si Louie na halatang pagod. “Anong meron at kailangan mong pumunta rito?” aniya saka nagtungo sa dining area para kumain.Kahit walang gana ay kailangan niya pa ring kumain.Sumunod naman si Alice na bahagyang nagbago ang ekspresyon, tila kabado at napapalunok pa ng laway. “Hinahanap kayo lagi ni Bea matapos ng nangyaring insidente. Pero hindi niya kayo laging makontak at hindi na rin po kayo dumadalaw sa kanya kaya…” Saka napabuntong-hininga, tila nahihirapang sabihin ang susunod na nangyari. “Naglasl*s po siya… ul
KINABUKASAN, patungo na sana si Louie sa kompanya ng sabihan siya ng katulong na may nagpuntang staff mula sa Repair shop at may binigay na package.Kasalukuyang inaayos ni Louie ang butones sa manggas ng suot na damit saka nagtanong, “Nasaan na?”Binigay ng katulong ang kailangan ni Louie saka siya bumalik sa kwarto at maingat na binuksan.Sa loob ay ang diary ni Zia na naibalik na sa dati, kung matatawag ngang ganoon dahil gaya ng sinabi ng may-ari ng repair shop…[Mapalitan man ang papel pero ang mahahalagang bagay na nakasulat ay hindi na…]Kalahati ng diary ay naroon pa rin ang madamdamin at nakakatuwang salita na isinulat ni Zia. Habang ang kalahati ay purong papel na lamang, blangko.Marahang humaplos ang kamay niya sa sulat. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal sa kanya noon ni Zia. Nang magsawa ay maingat niyang binalik sa drawer ang diary.***ILANG ARAW ang lumipas nang muling magkita ang mag-asawa sa i
GULAT ding nakatingin si Zia ng mga sandaling iyon kay Louie. Ilang sandali pa ay tumatawag na ito sa cellphone.May kaba pa rin sa dibdib si Zia ng sagutin ang tawag at bumungad kaagad sa kanya ang galit na boses ni Louie sa kabilang linya, “Get out of the car!”Huminahon at kinakalma ni Zia ang sarili ng sumagot, “Louie, ilang beses ko bang ipapaalala sa’yong hiwalay na tayo? Kung ano o sino man ang kasama ko ay wala ka ng pakialam doon. Kakain lang ako sa labas kung gusto mo ng matinong rason kung bakit ko kasama si Patrick ngayon. Hindi ko pwedeng balewalain ang mga kaibigan kong nag-aayang makipag-bonding ng dahil sa’yo.”“Sigurado kang kaibigan lang siya? Alam mong may gusto ang Patrick na ‘yan sa’yo, Zia.”“So what? May gusto rin naman si Bea sa’yo pero umiwas ka ba, hindi naman ‘di ba?” saad ni Zia at pagkatapos ay binabaan ito ng tawag.Through the windshield, ay napansin ni Louie na naluluha ang asawa. Bakit? Anong dahilan? Si B
ILANG KATOK ang ginawa ni Alice saka marahang binuksan ang pinto ng opisina ni Louie, at nakitang abala ito sa pagbabasa ng ilang dokumento.Sandaling nag-angat ng tingin si Louie at nagtanong, “Ano na’ng balita?”Umiling naman si Alice. “Kani-kanina lang po ay nakipag-usap ako sa assistant ni Mr. Samuel at ayaw po nilang tanggapin ang investment niyo, Sir.”Napasandal at natahimik sa kinauupuan si Louie ng ilang sandali. “Okay, pwede ka ng umalis,” utos na lamang niya.Umalis naman kaagad si Alice ng mapunang iritado na ang ekspresyon nito.Pagkasara ng pinto ay tahimik na muli ang opisina hanggang sa dinukot ni Louie sa bulsa ang wedding ring at saka tinitigan.Ayaw tanggapin ni Zia ang kotse, ang investment sa concert. Maging ang dating bahay ng pamilya Cruz ay hindi rin nito nais. Hindi na niya alam kung anong gagawin... Wala siyang maisip na paraan para bumalik ito.Ang nais lang nito ay makalayo na ng tuluyan at ma
NAKAUWI si Zia sa inuupahang apartment at nang balikan ang kaninang nilulutong pritong tilapia ay inahon lang niya sa kawali saka tinakpan.Matapos ay nagtungo siya sa kwarto, hindi na nag-abalang buksan ang ilaw saka naupo sa sahig habang nakasandal sa kama.Nakayakap sa tuhod nang muli niyang binalikan ang alaala ng nakaraan…Noong mga panahong pat*y na pat*y siya kay Louie at walang ibang iniisip kundi ang makasal dito.Magkaroon ng dalawang anak o kahit ilan pang nais nito at mag-alaga ng aso.Ang binitawang salita kanina ni Louie. Na nagtatanog kung nais niya bang mag-alaga ng aso ay parang patalim na humihiwa sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ay pinangarap niyang makasama si Louie habang buhay…Pero hindi pala lahat ng pangarap, saya ang maibibigay.***NANG magsawa sa kwarto ay lumabas si Zia sa apartment at naupo sa labas. Buong gabi siyang naroon, pinagmamasdan ang bituin sa langit. Napapatulala pa nga siya madalas hanggang sa makaramdam ng panunuyot ng lalamunan.Ka
NANUNUOT ang tingin ni Louie, may ngiti sa labi at marahan ang salitang sinabi kay Zia, “Bakit hindi mo muna subukan kay Hara? Hahayaan kitang alagaan siya, hindi ako mangingialam. I just want to act as a father.”Napatitig naman si Zia. Kapag ganito si Louie ay mahirap talagang hindian. Bukod roon ay ito talaga ang gusto niya noong maliit pa lang siya.Pangarap na kinalimutan niya gaya ng paglimot sa nararamdaman kay Louie. Para muling bumangon nang paunti-unti sa buhay na dapat noon niya pa pinili.“Sorry,” bulong ni Zia saka nagpatuloy pabalik sa bahay.Kusang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.Habang nanatili namang nakatayo roon si Louie, hindi nakaligtas ang nakitang pagluha ng asawa. Kahit hindi man ito ang inaasahang mangyayari ay masaya pa rin siya at nagkausap sila ni Zia. Sa pag-alis nito ay muling kumahol ang tuta.Mayamaya pa ay napagpasiyahan na ni Louie na umalis. Pagbukas ng pinto at pagkalapag sa tuta ay nakarinig siya ng sigaw mula sa loob ng bahay.Boses
NAUPO naman si Zia sa kandungan ni Louie na hiyang-hiya at mapula ang pisngi. Talagang nakabukaka siyang umupo at tungong-tungo ang ulo.Inilapit naman ni Louie ang katawan para mapagmasdan ang mukha ng asawa. Nakangiti pa siya at natutuwa na tila ito pa lang ang unang beses na gagawin ni Zia ang ganitong bagay kahit matagal na silang mag-asawa. “Natatakot ka o hindi ka lang talaga sanay sa ganitong bagay?” aniya.“H-Hindi,” mahinang tugon ni Zia. Matapos ay idinantay ang ulo sa balikat nito para hindi makita ang kanyang mukha.Humaplos naman si Louie sa buhok ng asawa saka sinilip ang mukha nitong pilit iniiwas kaya hinawakan na niya ang pisngi nitong nag-iinit sa hiya. Tuluyan siyang hindi nakatiis at binuhat si Zia patungo sa hospital bed na naroon.Sumaboy ang itim at mahabang buhok nito sa puting kama. Saka niya ginawaran ng marahan na halik sa labi. Matapos ay makailang ulit na hinaplos ang pisngi. “Matulog ka muna, alam kong pagod ka.” Sabay ayos ng kumot sa lantad nitong kataw
PAGLINGON ay nabigla si Zia ng makita si Austin. Sa article na nabasa ay nakangiti pa ito ngunit iba naman ang nakikita niyang itsura ngayon ng binata.Malalim at nangingitim ang mga mata. Halata rin hindi nakapag-shave ng bigote at ang buhok ay bahagyang magulo. Maging ang damit ay tila ilang araw ng suot.“Nasaan si Lindsay?” ani Austin sa namamaos na boses.Napangiwi si Zia dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. “Nagkausap pa kami kahapon, ang sabi niya’y nasa bahay lang siya. Ano bang kailangan mo? Mai-engage ka na, kaya ‘wag mo na siyang guluhin pa.” Inis naman pinakawalan ni Austin ang braso nito. “Hindi ko siya makontak simula pa kagabi. Kaya, Zia… hindi sa nanggugulo ako pero hindi ko lang talaga kaya siyang bitawan. Ikasisira ng bait ko.”“Pero Austin, you’re getting engage! Anong mangyayari kay Lindsay, gagawin mong kabet? Ano sa tingin mo ang posibleng gawin ng fiancee sa oras na malaman nitong hindi mo kayang bitawan ang kaibigan ko? Alam mong walang kalaban-
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang