MasukNAPAKURAP NG MGA mata niya si Gail. Tila nabingi na sa kanyang narinig na sinabi ng anak. Buong akala niya ay wala ng sasakit pa sa narinig niya kanina, mayroon pa pala. Hindi niya rin ito napaghandaan.
“Saka ang sungit ni Mommy, Yaya. Lagi niyang sinisigawan at inaaway si Tita Nica—” “Hijo, saan mo nakuha ang ganyan mong ugali ha? Hindi ba dapat na masaya ka dahil umuwi ang Mommy mo dito? Ilang buwan mong hindi nakita.” “Ayoko nga na nandito si Mommy, Yaya.” “Kung maririnig ka ng Mommy mo, tiyak na masasaktan ang damdamin niya. Mahalin mo ang Mommy dahil siya ang nagbigay sa’yo ng buhay.” “Alam ko Yaya, pero si Daddy at ako si Tita Nica na ang pareho naming gusto. Yaya, hindi ba pwedeng si Tita Nica na lang ang maging Mommy ko?” Kasabay ng pagkagulat ng maid ay ang panghihina ng buong katawan ni Gail. Hindi na niya nasundan pa kung ano ang sinabi ng maid nitong kasama. Si Gail ang halos ang nagpalaki sa bata hanggang mag-apat na taon. In the past two years, laging si Jax at Leon ang magkasama kung kaya naman mas naging attached ang bata sa kanyang ama. Last year, nang magdesisyon si Leon na pumunta ng Mindoro upang dito mag-develop ng market ng negosyo, pinilit ni Jax na sumama sa kanyang ama. Ayaw na pumayag ni Gail doon, ngunit hindi kalaunan ay pinayagan din niya ang anak. Kung alam niya na ganito ang kalalabasan, hindi na lang siya sana pumayag. Bilang ina ng bata, sobrang nasasaktan siyang makarinig ng ganung mga salita. Hindi na nagawang makagalaw pa ni Gail. Nag-leave siya ng ilang araw sa trabaho sa Laguna nang sa ganun ay makasama ang anak dahil gusto niyang habang lumalaki ito ay naroon pa rin siya sa picture ng mga alaala ng bata. Ngayon, mukhang hindi na iyon kailangan. Muling umakyat na lang si Gail bitbit ang napakabigat niyang pakiramdam. Pinagmasdan niya ang mga pasalubong niya para sa bata na inilabas niya sa kanyang maleta. Walang imik na muli niyang ibinalik na iyon sa loob. “Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali?” Buong gabi ay nanatiling dilat ang mga mata ni Gail. Hindi siya makatulog. Nagising siya kinabukasan sa tawag ng maid. “Madam, inilabas ko po si Jax upang maglakad-lakad. Tawag na lang po kayo sa akin kung may kailangan.” Mahina pa rin ang katawan na naupo si Gail sa gilid ng kanyang kama. Bukod sa nanghihina ay para siyang nawawala. She dropped everything and rushed over, only to find out that no one really needed her. Ang pagpunta niya doon ay walang halaga. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas siya. Ginalugad niya ang bagong lugar na sa kanya ay hindi pamilyar. It was almost noon when she remembered na may appointment nga pala sila ni Leon upang kumain ng lunch. Iyon daw ang pambawi ng asawa sa hindi nito pag-uwi nang nagdaang gabi. Ayon sa message niyang nabasa kaninang umaga. Sino ba siya para tumanggi? Si Leon mismo ang nag-offer eh. Habang inaalala niya ang narinig mula sa bibig ng sariling anak, nagdadalawang isip siya kung isasama pa ba ito sa lunch. Baka mamaya kung anu-ano pang mga salita ang kanyang marinig na paniguradong mas masasaktan siya. Tumunog ang kanyang cellphone upang may matanggap lang na message mula sa kanyang asawang hindi pa nakikita. Leon: May importante akong gagawin ngayong lunch, cancel na lang muna natin ang pagkain sa labas. Hindi na doon na-surpresa pa si Gail. Uulitin niya, sanay na siyang ganun palagi ang ginagawa ng kanyang asawa. Papangakuan, papaasahin tapos hindi naman sisiputin. Ano pa bang bago sa asawa? Para kay Leon, pagdating sa business or gathering with friends mahalaga iyon kumpara sa kanyang asawa. He would cancel the plans he made with her at will. Hindi ni Leon kino-konsidera kung ano ang mararamdaman ni Gail na minsan pakiramdam ng babae ay nawawala na siya sa tamang katinuan. Perhaps because it would have been in the past. Gail was numb now and can’t feel anything anymore. Na-confused pa doon si Gail. Namalayan na lang ng babae na nasa harap na siya ng restaurant na napag-usapan na pupuntahan sana ng pamilya nila. Nakapunta na siya doon ng ilang beses. May park sa gilid na paborito noong takbuhan ng kanilang anak. “Narito na lang din naman ako, kumain na lang kaya ako kahit na solo? Gutom na rin kasi ako.” Bumaba na siya ng sasakyan matapos na hubarin ang seatbelt, just as she was about to go in nakita ni Gail ang asawa niyang si Leon at ang anak na si Jax sa gilid na park. Napangiti na si Gail, buong akala niya ay nais siyang surpresahin ng mag-ama. Lalapit na sana siya nang matigilan at sundan ang tinitingnan nila. Hindi kalayuan ay naglalakad palapit si Nica, may bitbit na basket na malamang ay may lamang pagkain. Sa malayuan, at hindi nakakakilala sa kanila nang lubusan ay iisiping isang masaya at buong pamilya sila. Nica sat affectionately on the same side as her daughter. May bench doon na pwedeng tambayan sa ilalim ng malaking punong mangga. She talked to Leon while playing with her daughter after Nica sat down. Maligayang inugoy ni Jax ang kanyang dalawang binti, habang kumikinang ang matang nakatingin kay Nica. Maligayang tinanggap ng kanilang anak ang kinagatang pagkain ni Nica na kinuha sa basket na dala. Halos mapunit naman ang labi ni Leon sa tuwa habang tinitingnan ang iba pang pagkain sa loob ng basket. Hindi na napigilan ni Gail ang pumatak ang mapaklang mga luha dala ng sama ng loob na namumuo sa loob ng kanyang dibdib. Iyon ba? Iyon ba ang sinasabi nitong mas mahalaga sa kanya? Anak niya si Jax. Iningatan niya ito. Siya rin ang nagdala dito sa sinapupunan ng siyam na buwan na muntik pa nga niyang ikamatay noong ilabas. Pumait pa ang mga ngiti ni Gail na kalasa na ng kanyang walang patid na baha ng mga luha. Nanatiling nakatayo lang siya. Makaraan ang ilang nadali ay tumalikod na siya upang umalis. Pinili na lang niya na umuwi ng villa at ihanda ang divorce papers nila tutal ay sa ibang bansa naman sila kinasal kaya mabilis lang din ang proseso. Sigurado siyang ipagpapasalamat iyon nang malaki ni Leon oras na mapasakamay niya. Walang kahirap-hirap na niya itong hihiwalayan. Hindi lang ‘yun, pumirma rin siya ng kasulatan na ang buong custody ng anak na si Jax ay sa kay Leon mapupunta. “Ayaw niyo na akong maging bahagi ng buhay niyo? Sige, ibibigay ko ang hiling niyo nang walang kahirap-hirap.” malungkot na sambit ni Gail na pilit na pinapakalma ang sarili at huwag doon tuluyang mag-breakdown at maiyak.TULOG PA SI Gail nang magising si Jaxon, ilang minutong pinagmasdan ng bata ang mukha ng ina habang nakangiti ang kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng ina ngunit hindi man lang ito nagising. Nais sanang gisingin ng bata ang ina at tanungin kung gutom na, ngunit nang marinig niya ang munting mga hilik nito ay hindi niya ginawa. “Babalikan ko na lang siya mamaya…” Maingat na bumangon si Jaxon at bumaba ng kama. Pumanaog na siya na agad namang sinalubong ng tiyahin ni Gail. “Ang Mommy mo?” “Tulog pa po.” “Ah, halika at mag-almusal ka na. Hayaan mo siyang magpahinga. Pagod na pagod siya sa kanyang trabaho.” Tumango lang si Jaxon at obedient na sumunod sa tiyahin ni Gail. Nang pumanhik si Jaxon bandang tanghali upang gisingin ang ina, niyakap lang siya ni Gail at hindi idinilat ang kanyang mga mata. Nagtuloy sa pagtulog ang kanyang ina.“Antok pa ang Mommy, anak. Mamaya na lang ako kakain. Baba ka na doon at kumain. Okay?” hindi dumidilat ang matang sambit ni Gail
MASUYONG PINUNASAN NI Gail ang mga luha ng anak at hinagod nang paulit-ulit ang likod nito. Bilang ina ng bata ay hindi na niya napigilan na maramdaman ang kirot ng pagtatampo na pinagdadaanan ngayon ng kanyang anak.“Daddy is a liar, Mommy! He is a liar!” Hindi nagkomento ang babae. Hinayaan na lang niyang magsabi nang kung anu-ano ang anak, pero hindi niya ginatungan ang kung anong nararamdaman ng bata para sa kanyang ama. Alam niyang lilipas din ang bagay na iyon. “Sabi niya, wala siyang kasama pero kasama niya pala si Tita Nica! I hate him! I hate him! I hate him, Mommy!” Inalo pa ni Gail ang anak sa pamamagitan ng mahigpit ditong pagyakap. Hindi niya kailangang magsalita upang pasamain pa nang lubha si Leon. Anak niya na mismo ang nakadiskubre kung anong ginagawa ng kanyang ama. Siya na lang ang bahala doong magdala. Ang mahalaga ay hindi niya siniraan ang imahe nito. Wala siyang binanggit na masama.“Bakit hindi mo kausapin ang Daddy—”“No, I don’t want to talk to him! Ayoko
TUMANGO LANG DITO si Gail na makikita ang pagiging proud sa kanyang mga mata na ina. “Opo.” “Oh, he looks a lot like you.” Binalingan na ng matanda si Jaxon na nakatingin na rin noon sa matandang lalaki. Tila sinisiyasat kung sino siya na kailangang i-meet ng ina niya. Inakala ng bata na ibang lalaki iyon ng ina niya.“Hi, young handsome. Ano ang pangalan mo?” friendly ang tono ng pagkakatanong nito dito.“Jaxon Lombardi po.” “Lombardi?” Binalingan na ng matandang General si Gail na hustong prenteng kakaupo lang noon. Ilang sandali lang ay binalik niya ang paningin sa bata dahil abala na si Gail sa hawak nitong menu upang pumili na kung ano ang kakainin nilang mag-ina sa nasabing restaurant.“Lombardi ang apelyido mo, hijo, tama ako di ba?” “Opo, Jaxon Espinoza Lombardi…” ulit ng bata na isinama na ang apelyido doon ng kanyang ina.Tuluyang natigilan ang matandang lalaki. The moment he saw Jaxon, he felt he looked familiar, but he couldn't quite place where he had seen the child
AROUND NOON, JUST as Gailyn was about to take Jaxon out when her phone rang. Si Nicolas ang tumatawag sa kanya. She chuckled, and just as she answered the call, she heard Nicolas in a low voice. “Hulaan mo kung nasaan ako ngayon, Gail.” Umikot sa kawalan ang mga mata ni Gail. “Nasa planet Earth ka pa rin naman. Ano bang pagkakaiba?” pilosopong sagot sa kanya ni Gail kahit alam niyang nasa ibang bansa ito.Malutong na tumawa si Nicolas sa pagiging baliw ng kanyang kaibigan.“Ikaw? Ano pa lang pinagkakaabalahan mo? Sabi ko naman sa’yo sumama ka sa akin eh.” “Gumagayak paalis ng bahay, manonood ako ng movie.” “Mag-isa ka lang o mayroon kang kasama?” “Kasama ko si Jaxon.” “Oh, nariyan siya sa’yo? Buti at hindi kinuha ng kanyang ama? Di ba doon siya dapat?” “Hindi naman, dito siya nag-celebrate ng New Year sa akin. Eh, kailangan ni Leon na umalis ng bansa. Hinatid dito kagabi. Gulat nga kami.” Nagulat sila dahil kahit nasa business trip si Leon noon ay hindi si Jaxon dinadala sa i
PRENTENG TAHIMIK NA tinungo ni Gail ang ibabaw ng kama, naupo na doon kinuha ang laptop at binuhay ito matapos na ilagay sa kandungan. “Ano ang plano niyong gawin ng Mommy, ngayong araw Jaxon?” excited na tanong ni Leon na hindi nakaligtas sa pandinig ni Gail dahil naka-volume ang cellphone na hawak ng kanilang anak na gumulong na noon palapit sa ina niya.Malambing na yumakap ang isang kamay ni Jaxon sa isang braso ng ina na hindi naman sinaway ni Gail dahil sanay na.“Manonood kami ng movie ni Mommy, Daddy. Sayang wala ka dito. Kasama ka sana namin mamayang tanghali.”Nanatili ang mga mata ni Gail sa screen ng kaharap niyang laptop, habang ang tainga niya ay nasa usapan ng mag-ama.“Really? Then enjoy kayo ng Mommy. Pagbalik ko babawi ang Daddy sa’yo—” “Huwag lang sa akin, Daddy, pati na rin kay Mommy, okay?” “Alright…” “Binigay ko na pala iyong pinagawa natin na family treasure sa kanya, Daddy.” Tumango lang si Leon at kapagdaka ay ngumiti sa anak. “Jax, pwede mo bang ibigay
MATAPOS NA MAGPALIT ng damit ni Jaxon at maglinis ng katawan ay excited na patalon-talon na itong sumampa ng kama. Noong una ay humahagikhik na gumapang ang bata sa ibabaw ng inang agad namang iniyakap ang mga bisig sa katawan ng kanyang anak. Marahan ni Gail hinagod ang likod ng bata na sa pagkakataong iyon ay nakatingin na ang pares ng mga mata sa mukha niya. Titig na titig iyon sa mukha niyang inabot ng dalawang munting mga kamay ni Jaxon.“Mom, I missed you so much.” marahan niyang pisil sa magkabilang pisngi ng ina.“Talaga? Hindi pa nagtatagal noong huli kita nating dalawa ah?” kinikilig ng tanong ng bata sa kanyang ina. “ Ganun mo ako kabilis na-miss?” pindot pa ni Gail sa dulo ng ilong ni Jaxon na mas lalong ikinahagikhik ng bata na parang kinikiliti.“Hmm, you smell so good kaya araw-araw ay gusto kitang mayakap, Mommy. Kailan ka ba uuwi ng bahay natin? Gusto ko na kayong makatabi ni Daddy sa iisang kama kapag matutulog ako Tapos paggising ko ay kayo ang makikita ko ni Dad.”
NANG MALAMAN NA kasalukuyang ongoing na ang pagdi-distribute ng tickets ay walang inaksayang sandali si Gail na tumawag na. Agad namang sinagot iyon ng organizer ng magiging events doon.“Please reserve a ticket for me at the partnership announcements and medical conferences next month.” Biglang n
MATAPOS AYUSIN ANG kanyang sarili ay nagpalit na ng damit si Gail at nahiga na upang matulog. Kung hindi pa tumunog ang alarm ng kanyang cellphone tanghali kinabukasan ay hindi pa magigising si Gail. Ilang sandaling tinitigan niya ang oras na alarm ng kanyang cellphone. Iyon ang oras ng pagtawag ni
LEON WAS GAILYN’S dream during her teenage years but Leon's dream was her stepsister Nica. If it weren’t for the accident that night and the pressure from their family, Leon would never have married her. In the past, Gailyn naively believed that as long as she worked hard, Leon would eventually see
NANUYO ANG LALAMUNAN ni Gail sa kanyang narinig. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa sinabi ng anak. Kaarawan niya sa araw na iyon at hindi man lang siya nito naalala? At ibang tao pala ang iniisip ng anak habang ginagawa.“Daddy also ordered gifts for Tita Nica, tom







