تسجيل الدخولMATAPOS AYUSIN ANG kanyang sarili ay nagpalit na ng damit si Gail at nahiga na upang matulog. Kung hindi pa tumunog ang alarm ng kanyang cellphone tanghali kinabukasan ay hindi pa magigising si Gail. Ilang sandaling tinitigan niya ang oras na alarm ng kanyang cellphone. Iyon ang oras ng pagtawag niya kay Jax. Dahil half day lang ang school ng anak, minabuti niya na tawagan ito after ng klase. Iyon lang ang pagkakataon na nakakapag-usap sila nito.
“Hindi ko na rin ngayon kailangang tumawag.” Pinatay ni Gail ang alarm kahit na may bigat sa kanyang puso. Ilang beses niyang sinulyapan ang cellphone. Kagat na ang labing sinupil ang sarili na tawagan at kausapin ang kanyang anak. Matapos niyang marinig ang sinabi nito sa kanyang Yaya ay sumama na ang loob niya. “Tutal ayaw naman na niya akong maging ina, pagbibigyan ko ang hiling niya.” Sa mga sandaling iyon ay panay ang sulyap ni Jax sa cellphone na nakapatong sa gilid ng lamesa. Kakarating lang nila ng bahay. Sinundo siya ng ama upang sabayan na kumain lang. Hapon ang usapan nilang pupunta ng camp site kasama ang Tita Nica niya sa araw na iyon. “Dad, nakalimutan ba ni Mommy na tawagan ako?” Binanggit ng ama ang pag-alis ng ina sa kanya nang umagang iyon. Syempre natuwa ang bata dahil wala ng hadlang sa pagpunta nila ng camp site, ngunit dahil nakasanayan niya na tumatawag ang ina kapag ganitong oras. Nakaramdam na siya ng pagtataka na wala na iyon. “Baka busy lang ang Mommy mo dahil alam mo na, bumalik siya agad kahapon hindi ba?” “Kahit na, kahit busy siya tatawag pa rin siya kahit saglit.” dabog pa ng kanyang mga paa. “Anak, noong narito siya hindi mo siya kinausap tapos ngayon nagagalit kang—” “It was her promise, Dad. Mabuti pa talagang si Tita Nica na lang ang Mommy ko eh!” Hindi pinansin ni Leon ang napipintong pag-aalboroto ng anak kahit pa maging siya ay curious na rin sa hindi pagtawag ni Gailyn. Ganunpaman, hindi niya ito binigyan ng halaga. “Tatawag din iyon sa’yo, malay mo bukas dahil nakalimutan niya lang ngayon.” Pinagsalubong pa ni Jax ang kanyang mga kilay na manang-mana sa kanyang ama na makapal. Pinapakita lang noon na hindi siya masaya sa ginawang iyon ng sarili niyang ina. “Kapag tumawag siya bukas, hindi ko siya kausapin. She needs a silent treatment from me.” Matapos ng kasal ni Gailyn kay Leon na ginanap sa ibang bansa, nagsimula siyang magtrabaho sa kanilang kumpanya na Lombardi Enterprises. Ginawa lang niya iyon nang dahil kay Leon. Ngayong maghihiwalay na sila, walang dahilan upang magtagal pa siya dito. Kung kaya naman kinabukasan pagpunta niya ng kumpanya, una niyang ini-abot ang resignation letter niya kay Zion. Kulang ang salitang halos mahulog ang panga nito sa nakita. “Mag-re-resign ka?” Isa lamang si Zion sa mga nakakaalam kung ano ang tunay na relasyon niya kay Leon. Tutal sa ibang bansa sila ikinasal, karamihan sa mga employee doon ay walang alam na asawa siya ng kanilang CEO. Wala rin namang plano si Gail na ipangalandakan iyon sa mga employee eh. Alam ni Zion na ginawa iyon ni Gail upang mas mapalapit sa kanyang asawa kahit pa napakalayo nito sa kanyang tinapos sa kolehiyo. Pinili niyang maging secretary lang na katulong ni Zion gawin ang trabaho habang nasa malayong probinsya ng Mindoro si Leon. “Bakit?” Hindi lubos ma-imagine ni Zion na darating ang araw na mag-re-resign si Gail dahil nakita niya kung gaano nito ginalingan sa kanyang trabaho kahit habang nagdadalang-tao na ito. “Tanggapin mo na lang, nasa policy ng company na kapag ayaw na ng trabahante may karapatan silang mag-resign. Pwede mo rin basahin ang reason ko diyan ng maintindihan.” Tinanggap iyon ni Zion. “Oo na, tinatanggap ko na ang resignation letter mo. I will arrange for someone to take over your work position as soon as possible.” “Thank you, Zion!” Bumalik na si Gail sa kanyang table. Kailangan niya pa ‘ring hintayin iyon na ma-approved. Bagay na alam niyang hindi matatapos ang araw na iyon at magkakaroon ito agad ng result. Sa umagang iyon bago ang coffee break ay may ipinasang report si Zion kay Leon through online. As the conversation was winding down, naalala niya ang resignation ni Gail. Kailangan niya pa ‘ring sabihin iyon dito bilang respeto. Bagamat tinanggap na niya ang resignation nito, kailangan pa rin iyong malaman ng kanilang CEO. Baka kasi magalit ito kung hindi niya papaabutin dito. “Siya nga pala Sir, about sa—” Hindi magawang ituloy iyon ni Zion nang maalala na wala nga palang pakialam dito si Leon. Kumbaga, kung ano ang mangyari kay Gail sa company ay hindi siya nakikialam kahit na malala pa. hinahayaan niyang company ang mag-ayos. “What is it, Zion?” Iniiling ni Zion ang kanyang ulo. Hindi niya na kailangang iparating pa iyon sa kanya. “Wala po, Sir.” Naniniwala si Zion na alam na ni Leon ang ginawang pagbibitaw sa trabaho ni Gail. Malamang asawa ito kung kaya ito ang unang makakaalam. Ayaw niyang sumama ang mood ng amo matapos niyang banggitin iyon. He can simply handle it according to company regulations, just like before ng mag-file si Gail ng maternity leave sa kanilang anak ng CEO. “Alright…” Panay ang sulyap ni Gail sa table ni Zion, hinihintay siyang lapitan nito at sabihin na approved na ang resignation. Napalingon siya sa kasamahan ng tapikin ang balikat niya. “Huy, akala ko ba naka-leave ka ng two weeks? Bakit narito ka na agad?” “Hmm, oo nga eh.” “Hindi ka natuloy na umuwi sa anak mo? Akala ko ba sobrang miss mo na?” “Hindi na ako tumuloy. Sayang din ang sweldo.” “Hindi ka tatawag sa anak mo?” Dalawang beses kung tumawag si Gail kay Jax, isang after lunch at isang hapon bago uwian. Halos ng mga ka-trabaho niya ay alam ang routine niyang iyon. “Hindi, mamayang gabi na lang.” Ang hindi nila alam ay ang big boss ng kanilang company ang lihim na ama ng kanyang anak. Matapos ng trabaho sa araw na iyon ay nagtungo si Gailyn sa wet market upang bumili ng ilang mga gulay na kailangan niya at potted plants nang magkaroon naman ng buhay ang kanyang bahay. Matapos na kumain ay nag-check si Gail ng balita tungkol sa partnerships announcements na may kasamang medical conferences kung saan ay may mga hospitals or research institutions na involved, sponsorship iyon o exhibit naman ang para sa medical conferences.DUMATING NA ANG mga pagkain na order ng grupo nina Leon kung kaya naman iyon na ang kanilang unang hinarap. Hindi na rin nagtagal pa doon ang kanilang grupo, gaya ng grupo nina Gail na matapos kumain ay nagpasya na rin na umuwi. Bago matulog ay nakatanggap ng tawag si Gail mula kay Jaxon. Sinagot niya iyon agad nang maisip ang mga paratang ni Leon sa kanya sa huling message. “Mom, hindi ka busy?”“Hindi naman. Kumusta ka?”“Kumain kami sa labas. Kasama si Danna. She gave me souvenir. Nanood sila ng sine ng Tito at Tita niya, naiinggit ako sa kanya Mommy.”Nakagat ni Gail ang labi. Nilamon na naman siya ng konsensya. Bakas na sa boses ng anak ang lungkot at inggit. Mukhang hindi nga ito nakapanood ng movie na kanyang ninanais gaya ni Danna. Bagay na ipinagtaka noon ni Gail.“H-Hindi ka sinamahan ng Daddy?”“Busy siya, kagaya mo.”Napakurap na ang mga mata ni Gail. Tila isang malaking sampal ang nangyari.“Showing pa naman ‘yun, gusto mong panoorin. Gusto mo bang samahan kitang—”“Ayo
NORMAL NA LUMIPAS ang mga araw. Lunes ng umaga nang magpasya si Nicolas, Maura at Gail na makipag-dine out sa gabi ng araw na iyon kay Professor Lane na matagal na nilang hindi nakakasama kumain sa labas. Hindi rin naman iyon tinanggihan pa ng professor nila. Nagkasundo sila na dadaanan ni Gail si Mr. Lane, tapos sina Maura at Nicolas ang sabay na pupunta sa napag-usapan nilang restaurant. Upon arriving at the restaurant, Gail and Mr. Lane got out of the car and went upstairs, unaware that Caden's car was parked not far from theirs. Kakain din sila sa restaurant ng mga kaibigan kasama ang kanilang mga anak.“Bakit sila magkasama?”Natigilan si Caden sa tangkang paglabas ng sasakyan nang makita ang kanilang bulto. Ipinagpasalamat niya na nakatulog si Danna sa byahe, dahil kung hindi at nakita si Gail tiyak na takbo na naman ang bata papalapit. “Baka naman business matters.” sagot ni Caden sa naunang tanong niya kanina sa saril
THIS TIME, ANG family driver lang ang naghatid sa bata na umalis na rin agad. Nagmamadali na parang may susunduin pa.“Gail…” untag ng kanyang Lola nang makita ang di maayos na hitsura ng kanyang apo. Jaxon has to go to school tomorrow, so Gail took him to have a shower and went to bed shortly. Hindi pinansin ang paninitig ng matanda sa kanya dahil nababasa nitong inis na naman siya sa ama ng anak na naroroon. “Mommy, hindi ka ba masaya na narito ako?”Inayos ni Gail ang kumot ng anak bago sagutin ang tanong nito. Pinilit niyang ngumiti dito. “Of course, I am happy anak. Hindi lang ako masaya dahil hindi ka hinatid ng personal ng Daddy. Dapat hinahatid ka niya, di ng driver.”“Marami kasing bisita si Lolo, Mommy. Kailangang bumalik doon agad ni Daddy. Huwag ka ng magalit. Pinilit ko lang talaga siya na ihatid ako dito dahil gusto kitang makasama.” paliwanag na ni Jaxon kay Gail. “Alright, naiintindihan na ng Mommy.”“Hindi ka na galit?”“Hmm, tulog na. Maaga ka pa bukas.”“Okay, g
GUMAAN ANG PAKIRAMDAM doon ni Jaxon na umalis na sa mga bisig ng ama. Bumalik sina Leon, ang ama at ang kapatid na si Leonila upang harapin ang mga naiwang guest kanina. Ayaw naman ng makipaglaro pa ni Jaxon sa pinsan kahit na nakapag-sorry na ito sa kanya.“May tatawagan ako.” katwiran niya nang ayain siya ni Lyro sa pag-aakalang okay na ito. “Sige…”Tinawagan ni Jaxon ang kanilang school teacher upang itanong lang ang contact number ni Tiana. Ang kaklaseng minsan niyang inaway noon nang dahil din sa ina niya.“Why, Jaxon?”“May gusto lang akong itanong,Teacher.”“Alright, tatawagan ko muna ang mother ni Tiana ha? Saka kita tatawagan uli. Saglit lang.”“Okay po, Teacher.”Hindi nagtagal ay tumawag ang teacher at binigay kay Jaxon ang contact details ng ina ni Tiana. Sinabi nitong walang sariling social media ang kaklase unlike sa kay Jaxon ngayon. “Details
SEEING THIS, LEON had no choice but to hug him tightly as he lunged at him. Sinubsob na ng bata ang mukha sa leeg ng ama. Hindi alintana ang mga bisita na napatingin na noon sa bata. Tahimik na ito doong umiyak. Hindi niya matanggap ang sinabi ng pinsan. After greeting the guests at magpaalam saglit, Leon carried Jaxon out of the living room and asked after they had walked a distance. “Anong meron? Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ni Lyro? Sinaktan ka ba niya? Jax, tell me…”Jaxon was about to repeat what his cousin had just said, but before he could even finish speaking, the thought of his mother spending time with other children who were even cuter than him brought tears to his eyes. Selos na selos na siya agad kahit pa sabihin na hindi niya pa alam kung tunay nga ba iyon o hindi. “Sabihin mo sa Daddy, inaway ka ni Lyro?” ulit ni Leon nang makitang umiiyak lang si Jaxon.Nakarating na rin iyon sa kaalaman ng kanilang Lolo. Sinabi ni Leonila dahil umiyak na rin si Lyro dahil pakiramd
KASALUKUYANG NAGLALARO NOON si Jaxon ng kanyang mga bagong robot nang mag-isa sa bandang gilid ng lumang tirahan ng mga Lombardi. Nakita siya agad ni Lyro pero hindi nilapitan. Kailangan niyang hintayin ang senyas ng ina. Pagkatapos magpalitan ng mga pagbati, doon pa lang sinabihan ni Leonila si Lyro na makipaglaro na sa kanyang pinsang si Jaxon. Masunuring sumunod na sa kanya ang anak na nakatnggap na rin ng regalo na pasalubong mula sa kanilang Lolo na dumating. Mostly, parehas lang ito kay Jaxon.“Hello, Jaxon!” maligayang turan ng bata na full energy, magkasundo silang magpinsan.“Oh? Narito ka na pala, Lyro. Kailan ka pa dumating?”“Ngayon lang. Ganito rin ang bigay sa akin ni Lolo na pasalubong.” Ngumiti lang si Jaxon na tumango ang ulo. “Si Lolo, laging pareho ang pasalubong sa atin.”Nagtawanan na ang dalawang bata. Lyro sat down and, while playing with Jaxon bigla na itong nagyabang. Iniyabang niya kung saan sila galing ng kanyang ina bago pumunta dito.“Nanood kami ni Mom
HINAPLOS NA ANG puso doon ni Gailyn na sa unang pagkakataon ay nanalo siya kay Nica. Iyong tipong sa wakas, may nag-agree din na ayaw nito sa kanya. Hindi iyong palagi na lang ang babae ang nananalo kapag may pinag-aagawan sila.“Thank you. However, this means you’ve already directly lost a genius.
PAGKARAAN PA NG ilang sandali ay sa wakas nagawa ng makapili ni Gail ng kanyang damit na isusuot. She chose a long, off-white silk dress with embroidery. Napipilitan lang siya doon pero wala na siyang ibang option kaya iyon na lang ang kanyang pinili. Nang mabayaran ang damit at maibalot na rin iyo
LUMIPAD NA ANG kanilang paningin sa kamay ni Gailyn. Even though her married life with Leon was cold and distant after marriage, Gailyn always wore the wedding ring na mismong ang biyenang babae niya ang naghanda. Kahit pa si Leon ay hindi iyon sinusuot. Hindi nila mapilit ang lalaki kaya bakit par
TUMAWA LANG SI Caden na nilingon ang banda ni Gail kung saan nakabalik na si Danna dito. “Wait a minute, pumunta ka diyan tapos hindi mo man lang kami ini-invite?” “I'll definitely do it next time.” Napahawak na sa kanyang baba si Yohan. Isang magandang ideya na ang naisip niya. “Sinong kasama







