Mag-log in“Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo
Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas
“Zachary! Nasaan ka na? Hubby?” patuloy sa paghiyaw ni Nimfa.Pero hindi pa rin ito lumulutang kaya humahagulgol siyang bumalik sa loob ng bahay. At saktong nakita niyang masayang nakikipag-usap si Benjie sa nanay-nanayan niya.“Benjie, tulungan mo si Zachary!” sigaw niya rito.“Bakit, Ma'am Nimfa? Ano'ng—”“Nasa ilalim siya ng tubig,” tugon niya habang nanginginig ang boses.Dali-dali namang tumalima si Benjie. Sumunod siya rito, at nakita niyang tumalon na ito sa swimming pool. Hindi na niya alam ang gagawin nang sandaling, malakas ang pagkabog ng puso niya, pakiramdam niya'y kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.“Oh my God, Nimfa. What happened?” mayamaya pa'y tanong ng nanay-nanayan niya.Kinagat niya ang ibabang labi bago umiling. “K-Kasalanan ko po ang nangyari, ‘nay. Inutusan ko po siyang tumalon, h-hindi ko naman po inaasahan na susundin niya ako,” sagot niya.“He'll be alright, I know it.” At sinapo nito ang magkabila niyang balikat.Hindi na siya umimik, patuloy pa rin siya s
Nang makabalik si Marcus, agad ibinalik ni Nimfa ang anak nito. Pero hindi pa man ito nahahawakan ng dating asawa, muli na namang umiyak ang bata. “He liked you,” natatawang sambit ni Marcus.“Mukha nga,” tugon niya bago inayos ang pagkakahawaak sa anak nito. “Akin na ‘yang gatas niya, ako na magpapadėde sa kaniya.”Tumango naman ang lalaki. Nang iabot nito sa kaniya ang bote, isinubo niya agad iyon sa bata. Tinanggap nito iyon kaya wala sa sariling siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.“Okay lang ba ‘yan sa iyo, Nimfa? If you're uncomfortable, just tell me. Hayaan mong ako na lang ang mag-alaga kay Marco.”Bumuntong-hininga siya bago ito binalingan na kasalukuyang nang nakaupo sa tabi niya.“Sa tingin mo ba lalapit ako sa iyo kung hindi kumportable sa akin? Bata ang pinag-uusapan natin dito, Marcus. Pareho nating alam na may nakaraan tayo, pero ‘wag mo na ‘yong isipin. Si Marco ang dahilan kaya lumapit ako, h-hindi i—”“I know. I know he's the reason because you're also a mothe
“Kaya ko naman to, eh, wifey. Hindi ka na sana sumama sa akin. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay,” sambit ni Zachary nang huminto sila sa harap ng ospital kung saan nila ipapa-check up si Zacharias sa pediatrician nito.“Ayokong manatili sa bahay na hindi nakikita si Zacharias. Kung nag-aalala ka pa rin sa akin, ‘wag na, hubby. Okay na okay ako, oh,” saad ni Nimfa sa asawa bago inalis ang seatbelt sa katawan.Walang gawa ang asawa kundi umiling bago bumuntong-hininga. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan, habang si Zachary naman ay kinuha ang anak nila sa backseat. Pagkatapos, naglakad na sila patungo sa ospital habang bitbit ng asawa ang anak nilang nasa carrier. Subalit nakakailang hakbang pa lang sila, bigla na lang huminto si Zachary.“Oh, ano'ng nangyari, hubby?” naguguluhan niyang tanong sa asawa.“Tāngina,” mura nito habang nakatingin sa isang direksyon.Sinundan niya iyon, at bahagya siyang nagulat nang makita ang dating asawa, si Marcus, habang bitbit din nito ang anak papa
“Appointment? Ano'ng sinasabi mo, Marcus?” naguguluhang tanong ni Claire nang ipaalam niya rito na magkakaroon ito ng appointment bukas kay Dr. Devanadera, ang kilalang psychiatrist ni Bryes.Bumuntong-hininga si Marcus bago umupo sa kama kahit nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Mataman niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago mariing lumunok.“Dr. Devanadera is a psychiatrist. She will help you, baby,” kalmado niyang sambit upang hindi ito mabigla.Pero nanlaki agad ang mga nito, tila hindi makapaniwala sa sinaad niya. Inalis nito ang suot na headphones bago tumitig sa kaniya.“Psychiatrist? Ano'ng tingin mo sa akin, baliw? Marcus naman, bakit sa daming klase ng doktor sa mundo, bakit sa doktor pa ng utak? Hindi ako baliw, Marcus! Hindi ako ba—”“I'm not saying you're crazy, baby. Iniisip lang kita, lalo na si Marco. You almost kīlled him, remember? Kung hindi ako dumating, b-baka pinaglalamayan na natin siya. You need Dr. Devanadera, baby. Please, baby, para rin naman sa ka







