
Divorced While Pregnant: The Billionaire's Accidental Heir
First-Person POVDramaGirl PowerCEOBillionaireHeir/HeirnessBetrayalDivorceInstant Billionaire
Akala ni Seraphina Alvarado natagpuan na niya ang perpektong buhay nang pakasalan niya si Adriano Villareal, ang makapangyarihang CEO ng Villareal Group.
Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan sa IVF treatments, tiniis niya ang lahat para lang mabigyan ang asawa niya ng anak.
Pero sa araw na nalaman niyang buntis na siya, aksidente niyang narinig ang isang pag-uusap na tuluyang sumira sa mundo niya.
Hindi pala kailanman gustong magkaroon ng anak ni Adriano sa kanya, hindi sa kanya. Gusto lang nitong gamitin ang sinapupunan niya. Para dalhin ang anak nito at ng babaeng tunay nitong mahal—si Vittoria Salcedo.
Sa kanila, si Seraphina ay walang iba kundi isang breeding machine.
Basag ang puso at puno ng galit, bumalik siya sa ospital para alamin ang buong katotohanan, pero mas malala pa ang nadiskubre niya.
Ang batang dinadala niya sa sinapupunan… Ay hindi anak ni Adriano Villareal.
Dahil sa isang medical mistake, ang ama ng batang iyon ay si Cassian Monteverde—cold-hearted at makapangyarihang billionaire heir ng Monteverde empire.
Niloko ng asawa. Pinahiya ng pamilya.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na iiyak si Seraphina, lalaban siya. At siya mismo ang mang-iiwan.
Divorce ang susi niya, at palalakihin niya ang anak niya.
At balang araw…
Pagsisisihan ng lahat ang ginawa nila sa babaeng akala nila ay kaya nilang sirain.
読む
Chapter: Chapter 5 Your Banquet, My BattlefieldKung hindi lang dahil sa parehong pangalan, siguro kahit papaano ay komportable ako, kaso hindi, dahil iisa sila ng pangalan, ngayon halos naiipit ang hininga ko, napatingin ako sa lalaking nasa loob ng sasakyan.Pero gaya kanina, parang anino lang ang nakita ko.Hindi ko pa rin siya malinaw na nakikita, parang sinasadya ng dilim na itago siya.Mabilis kong itinago ang nanginginig kong mga kamay sa likod ko.Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may gustong kumawala.Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko…Parang malapit nang mabunyag ang pinakamalaki kong sikreto.At natatakot ako, hindi sa kanya, kundi sa kung anong mangyayari kapag nalaman niya na anak niya ang dinadala ko. “Thank you…” mahina kong sabi.Hindi ko na hinintay ang sagot.Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya.Pagdating ko sa gate ng Villareal ancestral mansion, napahinto ako sandali.Napakaliwanag, napapailing na lang ako dahil talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Parang walang lugar ang dilim
最終更新日: 2026-03-21
Chapter: Chapter 4 The Night I Met My Child’s Real Father“Someone just doesn’t want me to have a peaceful pregnancy.” Mahina pero matigas ang boses ko habang nakatingin ako kay Dr. Vergara.Hindi ko na kailangang magpanggap sa harap niya.Hindi na ako ‘yung babaeng clueless.Hindi na ako ‘yung madaling lokohin.Hindi na.Hindi ko mapigilang isipin ang katawan ko—ang tiyan kong puno ng pasa, ang balat na paulit-ulit tinutusok ng karayom araw-araw. Yung pagsusuka ko gabi-gabi, hanggang sa manghina ako, mahilo, mawalan ng gana sa pagkain.Paano ko hindi kamumuhian ang mga taong gumawa nito?Tahimik si Dok. Vergara, pero kita ko ang awa sa mata niya.“So… what are you planning to do now?” maingat niyang tanong. Nung lumaon, siya ang naging kakampi ko ngayon. Napatingin ako sa bintana ng clinic. Sa labas, kita ang traffic, as usual naman. Normal na bagay sa Pilipinas.Pero ako? Parang nasa ibang mundo.“I’m waiting,” sagot ko. “For the right timing.” at parang nakinig ang mundo.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang notification.Villareal Su
最終更新日: 2026-03-21
Chapter: Chapter 3 They Wanted Me Broken… I Chose WarMula sa nangyari kagabi, naisipan kong magpahinga muna ngayon dahil ayaw ko namang may mangyari sa anak ko. Dapat maging aware na ako lalo na buntis ako at hindi lang ako ang nabubuhay ngayon, kundi dalawa na kami. Matapos kong makausap si Senior kagabi, may mga bagay akong gustong ipaulit-ulit sa sarili ko, na hindi mali ang ginagawa ko. Hindi ko na nga namalayan na ang pahinga ko ay matagal-tagal, siguro ganito epekto sa akin ng pregnancy, antukin kaya nagising ako hapon na at nag empake na agad ako, naabutan pa ako ng dilim dahil gabi na. Tinitigan ko ang mga kamay ko.Namumula pa rin, mula sa stress, sa injections, sa lahat ng pinagdaanan ko.Huminga ako nang malalim.“Of course,” bulong ko sa sarili ko. “From now on… I’ll live for myself.” hindi na para sa kanila.Hindi na para kay Adriano, hindi na para sa pamilyang paulit-ulit akong dinurog at pinaramdam na hindi ako karapat-dapat sa Villareal. “I want to pursue my dreams again.” sambit ko pa sa sarili ko. Parang ang tagal
最終更新日: 2026-03-21
Chapter: Chapter 2 The Day the ‘Fake Heiress’ Fought BackMay malamig na kislap sa mga mata ko habang nakatitig ako kay Doña Veridiana. Hindi na ako ‘yung dati niyang manugang na tahimik lang na tumatanggap ng lahat.“Hindi lahat ng mga bagay na gusto mong gawin ay malaya mong gagawin basta-basta sa akin, maliwanag?” kalmado kong sinabi sa mukha niya. “Anong—” naputol ang sasabihin niya, halatang hindi niya in-expect na lalaban ako.Itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako ngunit biglang may malakas na pwersang tumulak sa akin.Napaatras ako.“Seraphina, anong ginagawa mo?!” matinis na sigaw ni Ara, kababatang kapatid ni Adriano, kita mo ang mukha niyang puno ng galit. “This is the Villareal family! Ano, gusto mong mag-rebelde? Sasaktan mo si Mama?! Ang kapal naman ng mukha mo!”Halos mawalan ako ng balanse. Pakiramdam ko mahuhulog ako sa sahig na marmol ng living room, malamig, makintab, parang repleksyon ng pamilyang ‘to.Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng may braso na sumalo sa likod ko.“Adriano?” patanong na tawag ko sa k
最終更新日: 2026-03-21
Chapter: Chapter 1 The Child That Was Never HisThe air-conditioning inside the fertility clinic hummed softly, malamig at sterile ang hangin na parang sinasadyang pakalmahin ang kaba ng mga pasyente. Sa labas ng floor-to-ceiling window ng clinic sa Villareal Medical District sa Makati isa pagmamay-ari ng pamilya ng asawa ko. Kita ko ang traffic lalo na’t tanghaling tapat, ang mga jeep, taxis, at mga office workers na naglalakad para mag-lunch break.Pero sa loob ng maliit na consultation room na iyon, parang ako lang ang tao sa mundo.Nakaupo ako sa harap ni Dr. Emiliano Vergara, mahigpit ang hawak ko sa ultrasound report na kakabigay lang niya sa akin.Ngumiti siya habang binabasa ang chart sa tablet niya.“Mrs. Villareal,” sabi niya. “It seems your IVF attempt was very successful this time.”Parang tumigil ang paghinga ko.Successful.Ang salitang ‘yon ang anim na buwan ko nang hinihintay.“Currently,” dagdag niya habang tinitingnan ang report, “both you and the fetus are healthy.”Unti-unting lumuwag ang dibdib ko.Pakiramdam k
最終更新日: 2026-03-21
I Carried His Child While He Loved Another
First-Person POVDramaGirl PowerIndependentBillionaireRebelContract MarriageBetrayalLove-Triangle
Si Ysabel Cruz, akala niya natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay. Limang taon niyang pinaniwalaan ang isang kasal na kala niya ay totoo, hanggang sa isang araw, habang dala ang balitang matagal niyang ipinagdasal.
Nalaman niyang hindi pala siya ang tunay na asawa ni Luis.
Habang dinadala niya ang anak ng lalaking minahal niya, unti-unti ring nadudurog ang lahat ng paniniwala niya sa pag-ibig.
Ang isang babaeng pinagkakatiwalaan niya, ay siyang sumira sa relasyon nilang dalawa, si Trisha.
Sa gitna ng sakit, kasinungalingan, at isang desisyong kayang baguhin ang buong buhay niya, pipiliin ba ni Ysabel na ipaglaban ang natitirang piraso ng sarili niya… o tuluyan na lang bibitaw?
読む
Chapter: Chapter 6Biglang dumilim ang mukha ni Luis.“Yinyin— I mean, Ysabel, bakit ang sarcastic mo magsalita? Si Trisha, matagal na nating kilala. Para na rin siyang bata na nakita nating lumaki.”Tumayo si Trisha, bahagyang nakaalalay sa sofa, namumula ang mga mata niya.“Hayaan mo na, siguro dapat umalis na lang ako.”Kunwari pa, kita ko naman kung paano siya nagdadrama. Agad lumapit si Luis at hinawakan siya. “Gabi na, mag-isa ka lang, tapos injured ka pa. Saan ka pupunta?”Yumuko lang si Trisha, at nanahimik. Then Luis turned to me, halatang may inis sa boses niya.“Itong villa, pera ko ang pinambili. So I think may karapatan akong magdesisyon kung sino ang gagamit ng master bedroom. Wala kang right makialam.”Napatawa ako, pero hindi sa tuwa kundi sa absurdity.Noong kinasal kami, siya mismo nagsabi, lahat ng meron siya, meron din ako.Ngayon? Wala akong karapatan sa kwarto?Nakakapagod.Sobrang nakakapagod.Hindi ko na kinaya, tumalikod ako at dumiretso sa may pintuan para magpalit ng sapatos.
最終更新日: 2026-05-01
Chapter: Chapter 5Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy
最終更新日: 2026-04-17
Chapter: Chapter 4“Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako
最終更新日: 2026-04-17
Chapter: Chapter 3“What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.
最終更新日: 2026-04-17
Chapter: Chapter 2Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman
最終更新日: 2026-04-17
Chapter: Chapter 1“Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin. Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin. Bakit parang may mali?Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist,
最終更新日: 2026-04-17