LOGINNaramdaman ni Red ang pagbabago ng atmospera habang papalapit ang Disyembre sa United States. Ang hangin ay naging presko at malamig, dala ang pahiwatig ng pagdating ng taglamig. Nabuhay ang mga kalye at tahanan sa maligayang espiritu habang ang mga kumukutitap na ilaw, makukulay na dekorasyon, at mga palamuti ay nagpapaganda sa bawat sulok. Ang tanawin ng mga bahay na may mga wreath, garland, at mga pailaw ay nagdagdag ng engkantong pakiramdam sa paligid.
"Mommy, kailan po tayo pupunta sa Christmas Market? Gustung-gusto ko na pong makita si Santa Claus!" masayang tumatakbo si Erin papuntang kusina para kitain ang kanyang ina.
"Tumawag po si Vaseline at sinabing pumunta raw sila para makita si Santa. Gusto ko rin pong pumunta doon, mommy." Sabi pa nito habang nakayakap sa bewang ng kanyang ina. Tumingala pa ito, at puno ng panunuyong tinitigan ang ina.
Marahan na tinanggal ni Red ang maliliit na braso na nakapulupot sa kanya saka umupo para pantayan ang tangkad ng anak. "Dapat ko bang pakiusapan si butler Nelson na samahan ka?" ngumiti siya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ng anak.
Bigla namang nalungkot ang ekspresyon ng anak, tila hindi pabor sa gusto ng mommy niya. Hindi naman matiis ni Red na makita itong malungkot kaya kaagad niyang binawi ang sinabi. "Pero hindi ba mas masaya kung sasama kami ni Eros sa iyo?"
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng anak. Sa sobrang galak, niyakap nito ang kanyang ina habang nagtatatalon. "Yay! Thank you, Mommy! Pupunta ako at sasabihin ko kay kuya na pupunta tayo sa Christmas market. Hindi na ako makapaghintay!" Masaya itong nagmamadaling lumabas ng kusina para puntahan ang kanyang kakambal na si Eros.
Limang taon na ang nakalipas magmula noong nilisan ni Red ang Pilipinas kasama ang kanyang kambal na sina Erin at Eros. Noong una, ayaw pa sanang pumayag ni Donya Rosalia sa kagustuhan niyang tumira sa States at lumayo sa kanila, pero buo na ang desisyon ni Red na magbagong buhay kasama ang mga anak. Nagbago rin ang pananaw niya sa buhay nang dumating sa kanya ang kambal. Gusto niyang mamuhay malayo sa lugar kung saan niya iniwan ang masasakit na alaala. Wala na siyang gustong hilingin pa, dahil sapat na sa kanya ang mamuhay nang mapayapa kasama nina Erin at Eros.
"Ano iyon, Nelson?" napaayos ng tayo si Red nang biglang pumasok ang kanyang butler sa kusina. "May problema ba?" nag-aalalang tanong niya nang makitang balisa ito.
"Ma'am Red, nakatanggap ako ng tawag mula sa kay Sir Ibrahim, sinasabi niyang si Donya Rosalia ay may dinaramdam na incurable disease." Walang patumpik-tumpik nitong sagot.
"Kumusta siya? Bakit hindi nila tayo binigyan ng paunang abiso tungkol dito?" kunot-noong tanong ni Red habang hinuhubad ang suot na apron.
"Ayaw ipaalam sa inyo ni Donya Rosalia ang kalagayan niya. Pero gayong sobrang lala na ng sakit niya, gusto kayong pauwiin ni Sir Ibrahim dahil nag-aalala siyang baka hindi niyo na siya maabutan."
"Kailangan kong makausap si Ibrahim. Tawagan mo siya, ngayon din," utos nito at dali-daling lumabas sa kusina.
Sakto namang pagkalabas niya ay nakasalubong niya si Manang Pacita, ang katulong niya sa pagpapalaki sa mga bata. "Manang Pacita, paki-impake ang mga gamit ng mga bata. Aalis tayo ngayong gabi."
"Sige po."
Kitang-kita ni Manang Pacita na natataranta sa pagkakataong ito ang amo niya kung kaya't hindi na niya nagawa pang itanong kung anong dahilan ng balak nilang pag-alis.
"Mommy, dapat ko bang isuot ang Santa dress ko—"
"Gusto kong tulungan mo si Manang Pacita na mag-impake ng gamit niyo. Aalis tayo." Putol ni Red sa kanyang anak na excited pa naman sanang ipakita ang bitbit nitong dress, saka ito nilagpasan para hanapin pa ang isang anak.
Laglag balikat habang nakangusong sumagot si Erin. "Akala ko po ba pupunta tayo sa Christmas Market?" Malungkot ang boses nito pero kaagad siyang hinawakan ni Manang Pacita sa magkabilang balikat at iginiya papuntang kwarto.
Alam ni Manang Pacita na namomroblema na ngayon ang amo niya at ayaw niyang dagdagan pa ito ng pangungulit ng anak. "Kakausapin ka ng Mommy mo mamaya, pero sa ngayon, aasikasuhin muna natin ang mga gamit mo dahil magbabakasyon kayo." Rason ng katulong sa bata.
Kahit na dito lumaki sa United States ang kambal, kahit papaano ay nakakaintindi pa rin ang mga ito ng Tagalog dahil halos lahat ng katulong at nagtatrabaho sa mansyon nila ay pawang mga Pinoy.
"Sinabi po ba niya kung saan?" Napalitan ng pagkasabik ang kaninang malungkot na ekspresyon ng bata.
Ngumiti lang ang katulong saka dumiretso sa kwarto ni Erin. Kahit siya ay hindi rin alam kung saan sila pupunta, basta’t mag-impake lang daw sila ng gamit.
Pinagpatuloy naman ni Red ang paghahanap sa isa pang anak. Malawak ang mansyon kung kaya't hindi niya kaagad makita kung saan nagpupunta ang mga anak niya.
"Nakita mo ba si Eros?" tanong ni Red nang mapadaan ang isa pa niyang katulong na halatang katatapos lang maglinis dahil bitbit pa nito ang isang vacuum cleaner.
"Nasa studio po siya, ma'am."
Napahinga naman si Red nang maluwag. "Salamat."
Sumakay siya sa elevator at kaagad na pinindot ang ground floor.
Tatlong taong gulang si Eros nang mapag-alaman ni Red na mahilig itong mag-drawing. Mula noon, nagpagawa siya ng studio sa ground floor para ma-explore pa lalo ng anak ang kahiligan nito.
Pagkarating niya sa ground floor, kumatok siya sa pinto ng studio bago pumasok. Nadatnan niya ang anak na nakaupo, kaharap ang isang wooden easel stand. Nakasuot ito ng headset habang gumuguhit kung kaya't hindi nito namalayan ang biglaang pagpasok ng ina.
"Eros?"
Natigil ang bata sa ginagawa at umangat ang tingin. "Ano pong ginagawa niyo rito, mom?" tinanggal nito ang suot na headset.
Naglakad palapit sa kanya ang ina at umupo sa tabi nitong upuan. "Naabala ba kita?" tanong pa niya at simpleng pag-iling lamang ang isinagot ng anak.
Kung si Erin ay masayahin at maingay, ang kanyang kakambal na si Eros ay ang kabaligtaran. Si Eros ay mahinahon, tahimik, at nag-iisip sa paraang mature. Magkaibang-magkaiba silang dalawa ng pag-uugali.
"Aalis tayo." Diretsong sabi ni Red.
"Saan po?" takang tanong ng anak.
"Sa bahay ng Lola niyo."
"Saan ka galing?" salubong ni Ibrahim sa pinsang si Red na kadarating lang sa Villa. "Kanina ka pa nila hinihintay," tukoy nito sa mga kamag-anak na bumyahe pa galing Manila papunta rito sa Villa para sa isang importanteng diskusyon.Magkakaroon ngayon ng pagpupulong lahat ng executive ng Blanc Group patungkol sa magiging desisyon ni Donya Rosalia Blanc kung sino ang magiging kapalit niya bilang CEO habang may sakit ito. Nandito lahat ang apat niyang anak, kasama sina Ibrahim at Red para pag-usapan ang nasabing desisyon.Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito kung kaya’t ayaw nilang palagpasin ang pagpupulong na ito."May kailangan akong sabihin sa iyo—""Ipagpaliban mo na muna iyan. Ayaw mo namang paghintayin ang mga bisita natin, hindi ba?" pagputol ni Ibrahim at hinila siya papunta sa study area kung saan magaganap ang pagpupulong."Masyadong walang galang ang pagpapahintay sa lahat ng ganito," malamig na salubong ni Faustino Blanc pagkapasok nila.Si Faustino Blanc, ang
"Nagsasabi ako ng totoo, Sebastian. Buhay si Red." Kanina pa pinagpipilitan ni Sue sa asawa na nakita nito ang dating namatay na asawa, pero ayaw naman nitong maniwala.Abala ngayon si Sebastian sa trabaho habang abala din ang asawa sa panggugulo sa kanya. Talagang sinadya pa ng asawa ang puntahan siya rito sa opisina."Naka-move on na ang lahat, Sue. Patahimikin mo na siya." Sabi na lang ni Sebastian habang patuloy sa pagbabasa ng mga dokumento.Minsan naisip ni Sebastian na baka si Red pa rin ang iniisip ni Sue tuwing magkasama silang dalawa ng asawa. Napaghahalataang hindi pa rin nakaka-move on kahit ilang taon na ang nakalipas."Ano ba, Sebastian? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Nakita ko nga siya kahapon sa airport. I even bumped into her daughter!" Iritableng hinampas ni Sue ang table ng asawa para tingnan siya nito at hindi nga naman siya nabigo."Oh, yeah. Late na ako makakauwi mamaya kaya ikaw na lang ang sumundo kay Sabina," bilin ni Sebastian na mas lalong kinairita ni
"Manang Pacita, ikaw na po muna ang bahala sa mga bata. Si Nelson ang gagabay sa inyo sa magiging kwarto nila," bilin ni Red sa katulong at tumango naman ito bilang sagot.Pagkapasok nila sa villa, kaagad silang sinalubong ng mga katulong at kinuha ang dala-dala nilang mga luggage. Lumapit naman ang assistant ni Ibrahim na si Mister Henry kay Red at binati ito sa kanyang pagbabalik."Nasaan siya?" tukoy ni Red sa kanyang lola."Nasa master’s bedroom. Ilang araw na siyang hindi lumalabas," malungkot na sagot ng kausap at iginiya siya papuntang master’s. "Tinawagan ko na rin si Sir Ibrahim at sinabi sa kanya na kararating niyo lang mula sa States. Pauwi na rin siya," pagbibigay alam niya kay Red habang tinutungo ang lokasyon kung nasaan ngayon ang lola nito.Hindi na sumagot pa si Red hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang master’s bedroom. Binuksan nila ang pinto at nakita niya ang lola niyang nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.Maya-maya ay n
Pagkababa nina Red at ng kanyang kambal sa eroplano, sinalubong sila ng mabilis na daloy ng mga tao.Sa gitna ng abalang pulutong, biglang hinila ni Erin ang manggas ng kanyang ina, at bakas sa mukha nito ang pagmamadali. "Mom, I really need to pee," bulalas nito.Mabilis na nalinga si Red sa paligid para maghanap ng mga restroom sign. "Nelson, mauna na kayo ni Eros sa kotse. Susunod na lang kami ni Erin.""Sige po," sagot ni Nelson habang bitbit ang luggage, hawak niya sa kabilang kamay si Eros at saka umalis.Matiyagang naglakad si Red para hanapin ang restroom. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli siyang makapunta rito sa airport. Marami ang nagbago at masyadong malawak ang airport dahilan para mahirapan siya sa pasikot-sikot at maghanap sa hinahanap niya."Diretsuhin mo lang po iyan, at sa may bandang dulo, lumiko lang kayo sa kanan at makikita niyo ang restroom." Sagot ng isang security guard na napagtanungan niya."Thank you."Mabilis nilang tinahak ang direksyon na s
Naramdaman ni Red ang pagbabago ng atmospera habang papalapit ang Disyembre sa United States. Ang hangin ay naging presko at malamig, dala ang pahiwatig ng pagdating ng taglamig. Nabuhay ang mga kalye at tahanan sa maligayang espiritu habang ang mga kumukutitap na ilaw, makukulay na dekorasyon, at mga palamuti ay nagpapaganda sa bawat sulok. Ang tanawin ng mga bahay na may mga wreath, garland, at mga pailaw ay nagdagdag ng engkantong pakiramdam sa paligid."Mommy, kailan po tayo pupunta sa Christmas Market? Gustung-gusto ko na pong makita si Santa Claus!" masayang tumatakbo si Erin papuntang kusina para kitain ang kanyang ina."Tumawag po si Vaseline at sinabing pumunta raw sila para makita si Santa. Gusto ko rin pong pumunta doon, mommy." Sabi pa nito habang nakayakap sa bewang ng kanyang ina. Tumingala pa ito, at puno ng panunuyong tinitigan ang ina.Marahan na tinanggal ni Red ang maliliit na braso na nakapulupot sa kanya saka umupo para pantayan ang tangkad ng anak. "Dapat ko bang
Nang dahan-dahang idilat ni Red ang kanyang mga mata, ang kanyang paningin ay lumingon sa buong silid, pinagmamasdan ang hindi pamilyar na paligid. Nag-adjust ang kanyang paningin sa liwanag, at naging malay siya sa isterilisadong kapaligiran na bumabalot sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang kamay at napansin ang malinaw na plastic tubing na patungo sa isang bag ng fluid.“I’m glad you’re finally awake. You’ve been receiving IV fluids and medications to support your body’s needs while you were comatose for six months. It’s a standard procedure to ensure your well-being and aid in your recovery.” Paliwanag ng doctor na nakatayo sa gilid niya.Napatitig si Red sa doctor at hindi pa makapagsalita, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya.The doctor gently placed a hand on Red’s arm, his touch conveying both care and professionalism. “I’m going to check your condition and monitor your vital signs,” sabi nito. “I just want to ensure that you’re stable and responding w







