LOGINPagkababa nina Red at ng kanyang kambal sa eroplano, sinalubong sila ng mabilis na daloy ng mga tao.
Sa gitna ng abalang pulutong, biglang hinila ni Erin ang manggas ng kanyang ina, at bakas sa mukha nito ang pagmamadali. "Mom, I really need to pee," bulalas nito.
Mabilis na nalinga si Red sa paligid para maghanap ng mga restroom sign. "Nelson, mauna na kayo ni Eros sa kotse. Susunod na lang kami ni Erin."
"Sige po," sagot ni Nelson habang bitbit ang luggage, hawak niya sa kabilang kamay si Eros at saka umalis.
Matiyagang naglakad si Red para hanapin ang restroom. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli siyang makapunta rito sa airport. Marami ang nagbago at masyadong malawak ang airport dahilan para mahirapan siya sa pasikot-sikot at maghanap sa hinahanap niya.
"Diretsuhin mo lang po iyan, at sa may bandang dulo, lumiko lang kayo sa kanan at makikita niyo ang restroom." Sagot ng isang security guard na napagtanungan niya.
"Thank you."
Mabilis nilang tinahak ang direksyon na sinabi ng guard, at kalaunan ay narating na rin nila ang sinasabing restroom. "No need to help me, mom. I can handle this." Ani Erin nang balakin ni Red na samahan siya sa loob ng cubicle.
"Okay, take your time."
Naiiling si Red at hindi maitago ang ngiti. Hindi niya maiwasang mapagtanto kung gaano kabilis lumaki ang kanyang mga anak.
Sino ang mag-aakala na ang Erin na palaging umiiyak kapag walang kasama sa banyo ay gusto nang mapag-isa at ayaw magpasama?
Habang naghihintay, napagpasyahan din ni Red ang pumasok sa isa pang cubicle nang maramdaman niyang parang puputok na rin ang kanyang pantog. Malayo pa naman ang byahe nila dahil doon sila uuwi ngayon ng mga bata sa Villa ng lola niya sa Nueva Ecija.
"Hey! Where the hell are you looking!?" Napapitlag si Red sa gulat nang bigla siyang makarinig ng sigaw mula sa labas. "Hoy, bata! Alam mo ba kung gaano kamahal ang suot kong marni boots?"
Naiiling na lamang siya habang pinapakinggan ang nangyayari sa labas. "How rude. Kahit bata papatulan," bulong niya saka inayos ang suot na trousers para makalabas na rin.
"I-I'm.. sorry, I didn't mean to bump into you po..."
Nanlaki ang mga mata ni Red nang marinig ang kanyang anak. Marahas niyang binuksan ang pinto ng cubicle at nilapitan si Erin na mangiyak-ngiyak habang nakatitig lang sa babaeng sumigaw sa kanya. "Are you okay?" Kitang-kita niya kung paano ito manginig sa takot. Hindi sanay ang anak niya na sinisigawan ito. "Ano bang ginawa ng anak ko para sigawan mo siya nang ganoon?" Bumaling si Red sa babaeng nang-away sa anak.
Walang sino man ang pwedeng sumigaw-sigaw sa anak niya at api-apihin ito.
"R-Red?" Halos natuod ang babae sa kinatatayuan at tinakpan pa ang nakaawang na bibig dahil sa gulat.
Kahit si Red ay nagulat din nang makita na si Sue pala ang kaaway ng anak niya. Akalain mo nga namang pagkalipas ng limang taon, kung kailan pa siya ulit nakabalik ng Pilipinas ay magpapakita ang babaeng sumira sa buhay niya dati. Si Sue na dating kabit ng ex-husband niyang si Sebastian at ngayon ay pumalit sa trono niya bilang may-asawa.
"Ang tanda mo na para pumatol sa bata," hindi pinahalata ni Red na nagulat din siya sa muli nilang pagkikita.
Ang alam nilang lahat ay patay na siya, at papanindigan niya iyon. Hindi siya pwedeng magpadala kay Sue dahil oras na malaman ng ex-father-in-law niya na buhay pa rin siya hanggang ngayon, ay baka ipadispatcha na naman siya at madamay ang kambal niya. Pinagtangkaan na siya dati dahil gusto ng ama ni Sebastian na mawala na siya, kaya hindi malabong gawin ulit iyon sa kanya.
"Ano? Hindi ka makapagsalita? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Pagak na napatawa si Red nang makita ang takot na takot na ekspresyon na nakapaskil sa mukha ni Sue.
"H-How? I-I mean... y-you were found d-dead, five years ago?" Nagkanda-utal-utal na ito na para bang hirap pang sabihin ang buong salita.
"I must be insane. Why do I keep seeing things? She's gone dead! Bakit ayaw pa niyang lumagay sa tahimik?" Tumingin pa ito sa salamin at kinusot ang mga mata. Nang makita niyang nakatayo pa rin si Red sa kanyang likuran ay kaagad siyang naghilamos.
Napangisi naman si Red sa nakikita. Inaakala siguro nito na nakakita ito ng multo, aniya sa kanyang isip. Mas lalo siyang napangisi nang may maisip siyang magandang plano.
"Why do you claim that a person is already dead when they're still alive? Alam mo bang pwede kitang akusahan sa pagbibintang na patay na ang taong buhay pa?" Hirit niya dahilan para mapasigaw si Sue habang tinatakpan ang magkabilang tainga.
"Tara na," binuhat niya ang kanyang anak at lumabas ng restroom na may nakakalokong ngisi.
Sa pagkakataong ito, siya ang nanalo laban kay Sue.
"Saan ka galing?" salubong ni Ibrahim sa pinsang si Red na kadarating lang sa Villa. "Kanina ka pa nila hinihintay," tukoy nito sa mga kamag-anak na bumyahe pa galing Manila papunta rito sa Villa para sa isang importanteng diskusyon.Magkakaroon ngayon ng pagpupulong lahat ng executive ng Blanc Group patungkol sa magiging desisyon ni Donya Rosalia Blanc kung sino ang magiging kapalit niya bilang CEO habang may sakit ito. Nandito lahat ang apat niyang anak, kasama sina Ibrahim at Red para pag-usapan ang nasabing desisyon.Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito kung kaya’t ayaw nilang palagpasin ang pagpupulong na ito."May kailangan akong sabihin sa iyo—""Ipagpaliban mo na muna iyan. Ayaw mo namang paghintayin ang mga bisita natin, hindi ba?" pagputol ni Ibrahim at hinila siya papunta sa study area kung saan magaganap ang pagpupulong."Masyadong walang galang ang pagpapahintay sa lahat ng ganito," malamig na salubong ni Faustino Blanc pagkapasok nila.Si Faustino Blanc, ang
"Nagsasabi ako ng totoo, Sebastian. Buhay si Red." Kanina pa pinagpipilitan ni Sue sa asawa na nakita nito ang dating namatay na asawa, pero ayaw naman nitong maniwala.Abala ngayon si Sebastian sa trabaho habang abala din ang asawa sa panggugulo sa kanya. Talagang sinadya pa ng asawa ang puntahan siya rito sa opisina."Naka-move on na ang lahat, Sue. Patahimikin mo na siya." Sabi na lang ni Sebastian habang patuloy sa pagbabasa ng mga dokumento.Minsan naisip ni Sebastian na baka si Red pa rin ang iniisip ni Sue tuwing magkasama silang dalawa ng asawa. Napaghahalataang hindi pa rin nakaka-move on kahit ilang taon na ang nakalipas."Ano ba, Sebastian? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Nakita ko nga siya kahapon sa airport. I even bumped into her daughter!" Iritableng hinampas ni Sue ang table ng asawa para tingnan siya nito at hindi nga naman siya nabigo."Oh, yeah. Late na ako makakauwi mamaya kaya ikaw na lang ang sumundo kay Sabina," bilin ni Sebastian na mas lalong kinairita ni
"Manang Pacita, ikaw na po muna ang bahala sa mga bata. Si Nelson ang gagabay sa inyo sa magiging kwarto nila," bilin ni Red sa katulong at tumango naman ito bilang sagot.Pagkapasok nila sa villa, kaagad silang sinalubong ng mga katulong at kinuha ang dala-dala nilang mga luggage. Lumapit naman ang assistant ni Ibrahim na si Mister Henry kay Red at binati ito sa kanyang pagbabalik."Nasaan siya?" tukoy ni Red sa kanyang lola."Nasa master’s bedroom. Ilang araw na siyang hindi lumalabas," malungkot na sagot ng kausap at iginiya siya papuntang master’s. "Tinawagan ko na rin si Sir Ibrahim at sinabi sa kanya na kararating niyo lang mula sa States. Pauwi na rin siya," pagbibigay alam niya kay Red habang tinutungo ang lokasyon kung nasaan ngayon ang lola nito.Hindi na sumagot pa si Red hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang master’s bedroom. Binuksan nila ang pinto at nakita niya ang lola niyang nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.Maya-maya ay n
Pagkababa nina Red at ng kanyang kambal sa eroplano, sinalubong sila ng mabilis na daloy ng mga tao.Sa gitna ng abalang pulutong, biglang hinila ni Erin ang manggas ng kanyang ina, at bakas sa mukha nito ang pagmamadali. "Mom, I really need to pee," bulalas nito.Mabilis na nalinga si Red sa paligid para maghanap ng mga restroom sign. "Nelson, mauna na kayo ni Eros sa kotse. Susunod na lang kami ni Erin.""Sige po," sagot ni Nelson habang bitbit ang luggage, hawak niya sa kabilang kamay si Eros at saka umalis.Matiyagang naglakad si Red para hanapin ang restroom. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli siyang makapunta rito sa airport. Marami ang nagbago at masyadong malawak ang airport dahilan para mahirapan siya sa pasikot-sikot at maghanap sa hinahanap niya."Diretsuhin mo lang po iyan, at sa may bandang dulo, lumiko lang kayo sa kanan at makikita niyo ang restroom." Sagot ng isang security guard na napagtanungan niya."Thank you."Mabilis nilang tinahak ang direksyon na s
Naramdaman ni Red ang pagbabago ng atmospera habang papalapit ang Disyembre sa United States. Ang hangin ay naging presko at malamig, dala ang pahiwatig ng pagdating ng taglamig. Nabuhay ang mga kalye at tahanan sa maligayang espiritu habang ang mga kumukutitap na ilaw, makukulay na dekorasyon, at mga palamuti ay nagpapaganda sa bawat sulok. Ang tanawin ng mga bahay na may mga wreath, garland, at mga pailaw ay nagdagdag ng engkantong pakiramdam sa paligid."Mommy, kailan po tayo pupunta sa Christmas Market? Gustung-gusto ko na pong makita si Santa Claus!" masayang tumatakbo si Erin papuntang kusina para kitain ang kanyang ina."Tumawag po si Vaseline at sinabing pumunta raw sila para makita si Santa. Gusto ko rin pong pumunta doon, mommy." Sabi pa nito habang nakayakap sa bewang ng kanyang ina. Tumingala pa ito, at puno ng panunuyong tinitigan ang ina.Marahan na tinanggal ni Red ang maliliit na braso na nakapulupot sa kanya saka umupo para pantayan ang tangkad ng anak. "Dapat ko bang
Nang dahan-dahang idilat ni Red ang kanyang mga mata, ang kanyang paningin ay lumingon sa buong silid, pinagmamasdan ang hindi pamilyar na paligid. Nag-adjust ang kanyang paningin sa liwanag, at naging malay siya sa isterilisadong kapaligiran na bumabalot sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang kamay at napansin ang malinaw na plastic tubing na patungo sa isang bag ng fluid.“I’m glad you’re finally awake. You’ve been receiving IV fluids and medications to support your body’s needs while you were comatose for six months. It’s a standard procedure to ensure your well-being and aid in your recovery.” Paliwanag ng doctor na nakatayo sa gilid niya.Napatitig si Red sa doctor at hindi pa makapagsalita, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya.The doctor gently placed a hand on Red’s arm, his touch conveying both care and professionalism. “I’m going to check your condition and monitor your vital signs,” sabi nito. “I just want to ensure that you’re stable and responding w





![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

