共有

Chapter 3

作者: Maria Bonita
last update 最終更新日: 2026-01-25 13:17:01

Umuwi si Red sa bahay pagkatapos siyang iwan ni Sebastian sa opisina nito. She was expecting na uuwi siya dito, pero mukhang wala na siyang balak na magpakita pa sa kanya.

Sino ba naman ang gugustuhing makita ang asawa niya pagkatapos malaman na nagtaksil ito?

Pumasok siya sa kanilang kwarto at nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit. Gusto niyang magpakalayo muna habang magulo pa ang utak ni Sebastian. Kailangan nitong kumalma muna para pakinggan siya dahil alam ni Red na labis na nakapagpagalit kay Sebastian ang mga litratong ipinakita nito sa kanya kanina. Saka na lang niya kakausapin ang asawa kapag maayos na ang lahat.

Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit nang bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog sa sala. “Red, nasaan ka?!”

Napatayo siya nang marinig ang sigaw ng kanyang Mom. Kaagad niyang tinungo ang sala at bumungad sa kanya ang kanyang ina, kasama ang kapatid niyang si Guia.

“A-Ano po ang ginagawa—”

Hindi pa siya nakapagsalita nang tapos nang bigla siyang nilapitan ng kapatid niya at sinabunutan sa buhok niya. “Anong kagagahan ang ginawa mo kay Sebastian? Pagiging asawa na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa magawa nang tama!” Galit na galit ito at iningudngod ang mukha ni Red sa center table dahilan para mapaupo siya. “Do you know that the company is experiencing trouble because of your husband? Galit na galit siya sa atin dahil sa ginawa mo! Nagawa mo pa talagang lumandi kahit kasal ka na? Hindi mo ba naisip ang balik nun sa pamilya natin?!” Napabitaw ito sa kanya at kinakapos ang hininga na napaupo sa sofa.

Alam na din pala nila ang nangyari sa kanila. Maniniwala ba sila kay Red kapag sinabi niya ang totoo? O magiging kagaya din kay Sebastian na sarado ang isipan at tenga sa paliwanag niya?

“Ang bobo mo talagang bata ka. Magpapakaasawa lang naman sana ang gagawin mo, Red. Mahirap bang gawin ‘yon?” puno ng pangungutyang sambit sa kanya ni Mama. “Wala kang kwentang anak. Napakasimple lang ng gagawin mo para matulungan kami ng ama mo, pero isa kang malaking palpak.”

Naikuyom ni Red ang kanyang mga kamao at dahan-dahang tumayo. Napatingin siya sa kisame para pigilan ang mga luhang nagbabalak na kumawala. Ayaw niyang makita nila siya na umiiyak.

“Sinubukan ko naman, Ma—”

Napaawang ang bibig ni Red nang dumapo ang mabigat na kamay ng kanyang ina sa pisngi niya. “Magdadahilan ka pa? Ang sabihin mo, puro kalandian lang ang inaatupag mo kaya hindi mo magampanan ang pagiging asawa mo!” dinuro-duro siya nito. “Dahil sa ginawa mo, nadadamay kami ng ama mo. Magmula ngayon, huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin. Pinuputol ko na din ang ugnayan natin bilang mag-ina.”

Tinalikuran siya nito pero kaagad siyang hinawakan ni Red sa braso. “Teka lang, Ma. Nagbibiro ka lang di’ba?” sinubukan niyang magpakawala ng maliit na tawa kahit na namamanhid pa din ang pisngi niyang nasampal.

“Why would I be kidding?” iwinaksi nito ang mga kamay ni Red. Muli itong tumalikod at tuluyan na ngang lumabas sa bahay.

“Ampon ka lang, Red. Alam mo naman ‘yon di’ba? Kaya hindi malabong tatanggalin ka na ni Mom sa family registry,” ngisi sa kanya ni Guia habang nakahalukipkip. “Finally, at natauhan na din si Mom. See you never, my dear ex-sister.” Panunukso nito at kumaripas na din ng alis.

Una, si Sebastian. Pangalawa, yung pamilya niya. Sino pa ba ang sunod na tatalikod sa kanya? Napaupo si Red sa sofa at nag-uunahang kumawala ang luha niyang kanina pa gustong lumabas. Sunod-sunod na nagsi-agusan ito sa kanyang pisngi at hindi niya mapigilang magpakawala ng kaunting hikbi.

Kahit anong gawin niya, puro mali na lang ang nakikita nila sa kanya. Ginawa naman niya lahat ng gusto nila, pero bakit pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat na mapabilang sa pamilya nila? Ni minsan hindi niya naramdaman na tanggap nila siya. Magmula pagkabata, isang outsider ang turing nila sa kanya at hanggang ngayon.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iyak nang marinig niya ang pagtunog ng telepono dito sa bahay. Pinahid ni Red ang mga luha sa pisngi at sinubukang pakalmahin ang sarili bago nagtungo sa telepono at sinagot ito.

“H-Hello?”

Wala siyang nakuhang sagot mula sa kabilang linya kaya muli siyang nagsalita. “Hello?”

"Red? Nasaan ka ngayon?" nabosesan niya kaagad si Alex, ang sekretarya ni Sebastian.

“Nandito sa bahay. Bakit?”

"Listen to me. Mag-impake ka na ngayon at umalis diyan," tila nasa panganib ang boses nito. "Magkita tayo sa NAIA bago ka pa nila maabutan," dagdag pa ni Alex.

Kumunot ang noo ni Red at hindi maintindihan ang pinagsasabi nito. Sinong “nila”? At bakit niya ito kikitain sa airport?

"Red? Nakikinig ka ba?"

Natigil siya sa pag-iisip at sinagot ito. “Bakit ako pupuntang airport? At pwede bang kumalma ka? Wala naman sigurong may humahabol sa’yo diba?”

"I heard from Sebastian that his Dad will try to get rid of you. Alam na niya ang dahilan kung bakit makikipaghiwalay si Sebastian sa’yo at alam mo naman kung paano magalit si Chairman."

Saglit siyang napahinto at hindi makapagsalita. Sinabi ba ni Sebastian na nabuntis niya si Sue kaya siya makikipaghiwalay? And why would his Dad try to get rid of Red? Wala naman siyang kasalanan at desisyon ‘yon ni Sebastian.

"He knew about the photo of you, sleeping with a random guy in a hotel. Kalat na kalat na ang pictures mo sa internet."

Nanginginig ang mga kamay ni Red nang patayin ang tawag. Dali-dali siyang dumiretso sa kwarto para kunin ang mga gamit niya. Kailangan niyang makaalis doon nang hindi naabutan ng mga tauhan ni Mister Chairman. He’s the real definition of the word ‘devil’ and when he says it, he’ll do it for sure.

Kinuha niya ang maleta at hindi na nag-aksaya ng panahon at nag-book kaagad ng taxi na masasakyan. Mas matatagalan pa siya kung lalakarin lang palabas ng subdivision dahil medyo malayo ang bahay nila sa main entrance.

Nasa labas na siya ng bahay nang makatanggap na naman siya ng tawag mula kay Alex. Balak pa sana niyang sagutin ito nang bigla siyang mawalan ng baterya at namatay ang phone niya. Kung minamalas nga naman. Bakit ngayon pa?

Hindi katagalan ay dumating na din ang binook niyang taxi. Ipinasok ni Red ang maleta sa compartment at pumasok sa passenger’s seat. “Pakibilisan na lang po papuntang airport,” utos niya sa driver at pinaharurot naman nito nang mabilis ang kotse.

Napasandal siya sa inuupuan at napahawak sa kanyang dibdib. Mas dumoble pa ang kaba na nararamdaman niya ngayon kumpara kanina. Hindi siya pwedeng mamatay lalo pa’t may dinadala siyang anak, anak nila ni Sebastian.

“A-Ano po ang nangyari?” napatanong si Red sa driver nang biglang huminto ang kotse sa gitna ng highway.

Sinubukan nitong muling paandarin ang engine pero ayaw gumana. “Ngayon pa nagkaaberya,” pabulong na usal ng driver pero dinig pa din ni Red.

Makailang beses nitong sinubukan ulit, pero wala talaga. “Ano na po?” muli niyang tanong. Habang tumatagal sila doon, mas lalo lang siyang nababalisa. “Pwede ba akong makahiram ng cellphone?” suyo niya sa driver.

Kinapa ng driver ang cellphone sa bulsa at agad na ibinigay kay Red. Kaagad niyang idinial ang numero ni Sebastian dahil iyon lang ang saulado niya sa lahat ng contact list na nandoon sa phone niyang walang baterya. Wala na din naman siyang mahingan ng ibang tulong kundi ang asawa.

Itinipa ni Red ang numero ni Sebastian at tinawagan ito. Tatlong beses itong nag-ring bago sinagot ng nasa kabilang linya. Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang makarinig ng malakas na busina kasabay ng pagtama ng mabigat na bagay sa kanyang likuran. Nasaksihan ni Red kung paano sumemplang ang sinasakyan niyang taxi and because of the earth-shattering force, it caused metal to crumple and glass to shatter.

"Who’s this?" narinig niya ang boses ni Sebastian mula sa kabilang linya, dahilan para mapaiyak siya.

Napatingin si Red sa driver na walang malay na halos maligo sa sariling dugo. Iginala niya ang paningin at nakita ang mga basag na bintana na nakakalat habang unti-unti silang nababalot ng usok. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan and she could feel her blood dripping down from her head. Namamanhid ang buong katawan niya. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong, pero hindi niya kayang gawin. Sa halip, muli siyang nagpakawala ng ilang luha.

“Yes, boss. Malinis ang pagkakagawa and everything is done according to your plan.” Napabaling ang tingin ni Red sa isang estrangherong lalaki na nakatayo sa labas. Hindi niya makita ang mukha nito, pero alam niyang may kausap ito.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ni Red. Sinubukan niyang labanan ito, pero bigo siya at tuluyan nang dumilim ang paningin niya. Sunod na lang niyang narinig ang isang malakas na pagsabog.

“Sebastian… ang baby natin...”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 4

    Nang dahan-dahang idilat ni Red ang kanyang mga mata, ang kanyang paningin ay lumingon sa buong silid, pinagmamasdan ang hindi pamilyar na paligid. Nag-adjust ang kanyang paningin sa liwanag, at naging malay siya sa isterilisadong kapaligiran na bumabalot sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang kamay at napansin ang malinaw na plastic tubing na patungo sa isang bag ng fluid.“I’m glad you’re finally awake. You’ve been receiving IV fluids and medications to support your body’s needs while you were comatose for six months. It’s a standard procedure to ensure your well-being and aid in your recovery.” Paliwanag ng doctor na nakatayo sa gilid niya.Napatitig si Red sa doctor at hindi pa makapagsalita, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya.The doctor gently placed a hand on Red’s arm, his touch conveying both care and professionalism. “I’m going to check your condition and monitor your vital signs,” sabi nito. “I just want to ensure that you’re stable and responding w

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 3

    Umuwi si Red sa bahay pagkatapos siyang iwan ni Sebastian sa opisina nito. She was expecting na uuwi siya dito, pero mukhang wala na siyang balak na magpakita pa sa kanya.Sino ba naman ang gugustuhing makita ang asawa niya pagkatapos malaman na nagtaksil ito?Pumasok siya sa kanilang kwarto at nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit. Gusto niyang magpakalayo muna habang magulo pa ang utak ni Sebastian. Kailangan nitong kumalma muna para pakinggan siya dahil alam ni Red na labis na nakapagpagalit kay Sebastian ang mga litratong ipinakita nito sa kanya kanina. Saka na lang niya kakausapin ang asawa kapag maayos na ang lahat.Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit nang bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog sa sala. “Red, nasaan ka?!”Napatayo siya nang marinig ang sigaw ng kanyang Mom. Kaagad niyang tinungo ang sala at bumungad sa kanya ang kanyang ina, kasama ang kapatid niyang si Guia.“A-Ano po ang ginagawa—”Hindi pa siya nakapagsalita nang tapos nang bigla siyang nilapitan

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 2

    Dahan-dahang nagkamalay si Red. Ang kanyang mga talukap ay tila bumigat habang ididilat ang mga mata sa loob ng isang silid na nababalutan ng puti at amoy gamot. Hindi pamilyar sa kanya ang paligid. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting pagkahilo.Anong nangyari? Nasaan ako?Habang inililibot niya ang kanyang paningin, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang doktor na nakasuot ng puting coat. “You’re finally awake, Red. How are you feeling? May masakit ba sa katawan mo?” tanong ng doktor habang sinusuri ang kanyang vital signs.Unti-unting nagbalik sa alaala ni Red ang lahat ng nangyari bago siya nawalan ng malay. Ang bawat eksena ay tila isang masamang panaginip na nagdulot ng pagtulo ng kanyang mga luha. Kahit na nasasaktan siya sa pagtrato ni Sebastian, hindi niya pa rin maiwasang mag-alala para dito, lalo na’t alam niyang niloloko lamang ito ni Sue.“Yesterday, your helper rushed you to the hospital after you suffered significant blood loss. Mabuti

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 1

    "Ma'am Red, nariyan na po si Sir Sebastian sa ibaba," humahangos na pumasok sa kwarto ni Red ang kasambahay.Dalawang araw na hindi umuuwi ang asawa niyang si Sebastian sa bahay nila. Kapag tinatawagan naman niya ang assistant nito, parating sinasabi na nasa business trip daw si Sebastian.Pero hindi naniniwala si Red. Alam niya ang totoo, pero pinili niya lang magbulag-bulagan. Umaasa kasi siyang maisasalba pa niya ang kasal nila."Initin mo ang ulam sa ref. Tiyak na maghahanap siya ng pagkain—""Ma'am..." pinutol ng kasambahay ang sasabihin niya at napakamot ito sa ulo. Bakas sa mukha nito na may gustong sabihin, pero nag-aalangan."Sabihin mo, ano yun?""M-May... kasama po siyang babae," mahinang sumbong ng kasambahay.Parang binuhusan si Red nang malamig na tubig sa ulo. Hindi basta-basta mag-uuwi ng babae sa bahay nila ang asawa niya.Napalunok siya bago tumayo mula sa kama. Nanginig ang mga tuhod niya sa kaba, pero napatuloy pa rin siyang naglakad pababa ng hagdan.Bumungad sa k

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status