ログイン
"Ma'am Red, nariyan na po si Sir Sebastian sa ibaba," humahangos na pumasok sa kwarto ni Red ang kasambahay.
Dalawang araw na hindi umuuwi ang asawa niyang si Sebastian sa bahay nila. Kapag tinatawagan naman niya ang assistant nito, parating sinasabi na nasa business trip daw si Sebastian.
Pero hindi naniniwala si Red. Alam niya ang totoo, pero pinili niya lang magbulag-bulagan. Umaasa kasi siyang maisasalba pa niya ang kasal nila.
"Initin mo ang ulam sa ref. Tiyak na maghahanap siya ng pagkain—"
"Ma'am..." pinutol ng kasambahay ang sasabihin niya at napakamot ito sa ulo. Bakas sa mukha nito na may gustong sabihin, pero nag-aalangan.
"Sabihin mo, ano yun?"
"M-May... kasama po siyang babae," mahinang sumbong ng kasambahay.
Parang binuhusan si Red nang malamig na tubig sa ulo. Hindi basta-basta mag-uuwi ng babae sa bahay nila ang asawa niya.
Napalunok siya bago tumayo mula sa kama. Nanginig ang mga tuhod niya sa kaba, pero napatuloy pa rin siyang naglakad pababa ng hagdan.
Bumungad sa kanya si Sebastian, nakahawak sa bewang ng babae. Kilalang-kilala ni Red ang babaeng ito. Sa tuwing palihim niyang sinusundan si Sebastian ay ang babaeng ito ang nakikita niyang kasama niya. Ito ang unang babaeng minahal ni Sebastian, bago siya nito pinakasalan.
Noong isang linggo, nakita niya sa drawer ni Sebastian ang isant folder. Hindi niya iyon sinasadya na buksan, kinain lang siya ng curiosity niya.
Isang iyong divorce paper.
“Talagang dinala mo pa ang kabit mo sa pamamahay natin? Asawa mo ‘ko Sebastian, so please, konting respeto naman!” hiyaw ni Red. Inis niyang napahilamos ang kanyang mukha dahil hindi na magkamayaw ang galit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Sinubukan niyang abutin ang mga kamay ng asawa, pilit itong kinukumbinsi na huwag sirain ang lahat. “Isipin mo naman ang tatlong taon pinagsamahan natin,” pakiusap niya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Sebastian habang nakaigting ang panga nito.
“Hindi ako papayag na basta-basta na lang manggugulo sa’tin ang malanding Sue na ‘yon,” dagdag pa ni Red. Hindi niya inaasahan ang biglang pagbawi ni Sebastian sa kamay nito at ang mabilis na pagdapo ng isang malakas na sampal sa kanyang pisngi.
“Don’t you ever call her that, Red,” may pagbabantang sabi ni Sebastian.
Tuluyan na ngang bumuhos ang kanina pang luhang gustong kumawala sa mga mata ni Red. Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman niya; masyadong mabigat ang kamay ng asawa nang dumapo ito sa kanyang mukha.
“Si Sue ang mahal ko, Red. Buntis siya. Magpapakasal kami pagkatapos natin mag-divorce—”
“No, Sebastian! No! Huwag mo naman gawin sa’kin ‘to,” pagmamakaawa niya. “I’ve stayed loyal to you for the past three years at hindi ko kaya ang iwan mo ‘ko.” Napaluhod si Red habang nakayakap sa mga tuhod ni Sebastian. “M-Magagalit sa’kin ang parents ko oras na malaman nila na maghihiwalay tayo.”
Humahagolhol na siya sa iyak. Wala na siyang ibang maisip na dahilan para lang hindi siya iwan nito. Mukha man siyang tanga sa ginagawa niya, pero hindi niya kayang mawala ang asawa.
“Let go, Red.” Sinubukan ni Sebastian na makawala ulit sa kanya. “I’ve already talked to your parents and they were okay with it. If you’re thinking that your family business will go bankrupt, hindi mangyayari ‘yon,” paniniguro nito, pero hindi pa rin kumbinsido si Red.
Kailangan niyang makaisip ng iba pang dahilan para hindi matuloy ang planong divorce. Naisip niyang kailangan niyang makausap si Sue. Pinunasan niya ang mga namamasang luha sa pisngi bago dali-daling lumabas ng kwarto at tinahak ang hagdan pababa sa living area. Kung hindi niya makumbinsi si Sebastian, sa kabit na lang siya dideretso.
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang marinig niya ang boses ni Sue.
“You better send him those pictures. Masyadong mabait ‘yang Sebastian na ‘yan at baka magbago pa ang isip no’n na hiwalayan ang asawa niya. Mabuti na ang makasigurado tayo,” wika ni Sue habang may kausap sa telepono. “Yeah. Kaya ko nga siya napaniwala na anak niya ‘yung dinadala ko, 'di ba? Kung hindi lang siya mayaman, hindi ko na sana gagamitin ‘tong bata sa sinapupunan ko para lang maangkin siya. Minsan may mabuti din palang dala ang kapalpakan mo.”
Saglit na natuod si Red sa kanyang kinatatayuan. Halos hindi siya makahinga sa narinig mismo sa bibig ni Sue. Ibig sabihin ba nito ay hindi talaga si Sebastian ang ama ng dinadala nito?
Matagal nang alam ni Red ang relasyon ng dalawa, pero hindi niya akalain na niloloko lang din pala ni Sue si Sebastian. Hinayaan niya lang ang mga ito noon dahil doon lang niya nakikitang masaya ang asawa, kahit pa nadudurog siya. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya papayag. Kailangan nitong matuto ng leksyon.
“Walang hiya ka!” mabilis pa sa alas-kwatrong sinugod ni Red ang babae at sinabunutan ito. “Ang kapal ng mukha mong lokohin ang asawa ko!”
Hindi nakapalag si Sue nang unahan siya ni Red ng magkabilang sampal. Napadaing at napasigaw ang babae sa sakit.
“Bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas si Sue hanggang sa tuluyan siyang makaladkad ni Red palayo sa sofa. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ang buhok ko kung ayaw mong pagsisihan ang ginagawa mo sa’kin!”
Ngunit hindi nagpatinag si Red. “Hindi ako papayag na gawin mong tanga ang asawa ko. Huwag ka nang magmalinis dahil dinig na dinig ko ang lahat na galing mismo sa bibig mo!” sigaw niya sa gitna ng pagkadismaya. Muli niyang sinabunutan nang malakas si Sue. Sinubukan siyang gantihan nito pero dahil maiksi ang buhok ni Red, hindi siya maabot ng babae.
“Red!” Isang malakas at baritonong boses ang umalingawngaw sa bawat sulok ng bahay. “Nababaliw ka na ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!”
Nakita ni Red si Sebastian na nagmamadaling bumaba ng hagdan para lapitan sila,pero si Sue lang ang nilapitan nito.
“Are you okay? Were you hurt?” Bakas sa mukha ni Sebastian ang matinding pag-aalala. Tinabig nito ang kamay ni Red na nakahawak pa rin sa buhok ni Sue. Inalalayan nito ang babae at iginiya paupo sa sofa. “How are you feeling? May masakit ba sa’yo? Should I call a doctor? Baka napano na ‘yong anak natin.”
Simula nang magpakasal sila apat na taon na ang nakakalipas, ni minsan ay hindi naranasan ni Red na pag-alalahan siya nang ganoon ni Sebastian. Gustong-gusto niyang titigan din siya nito nang may pagmamahal, pero bakit ipinagkakait sa kanya iyon?
“Hindi ko alam kung anong problema niya pero bigla niya na lang akong sinugod at sinabunutan,” sumbong ni Sue habang nakayakap kay Sebastian at humahagolhol. “N-Natatakot ako, Sebastian. Baka mapano ‘yung baby natin.”
Lalong kumulo ang dugo ni Red. “Sebastian, you need to listen to me. Niloloko ka lang ng babaeng ‘yan! Narinig ko ang sinabi niya! Hindi mo totoong anak—” Aakmang lalapitan niya ang dalawa nang bigla siyang itulak ni Sebastian, dahilan upang maumpog siya nang malakas sa sahig.
“Kapag may nangyaring masama kay Sue at sa magiging anak namin, hinding-hindi kita mapapatawad, Red!” malamig ang titig na wika ni Sebastian.
Biglang naramdaman ni Red ang matinding panghihina. Nahihilo siya at tila bumibigat ang kanyang mga mata.
“Dugo... B-Bakit ako dinudugo...” mahina niyang sambit nang makitang dinudugo siya.
Hindi na niya nagawang magsalita pa dahil tuluyan nang lumabo ang kanyang paningin at nagdilim ang paligid.
Nang dahan-dahang idilat ni Red ang kanyang mga mata, ang kanyang paningin ay lumingon sa buong silid, pinagmamasdan ang hindi pamilyar na paligid. Nag-adjust ang kanyang paningin sa liwanag, at naging malay siya sa isterilisadong kapaligiran na bumabalot sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang kamay at napansin ang malinaw na plastic tubing na patungo sa isang bag ng fluid.“I’m glad you’re finally awake. You’ve been receiving IV fluids and medications to support your body’s needs while you were comatose for six months. It’s a standard procedure to ensure your well-being and aid in your recovery.” Paliwanag ng doctor na nakatayo sa gilid niya.Napatitig si Red sa doctor at hindi pa makapagsalita, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya.The doctor gently placed a hand on Red’s arm, his touch conveying both care and professionalism. “I’m going to check your condition and monitor your vital signs,” sabi nito. “I just want to ensure that you’re stable and responding w
Umuwi si Red sa bahay pagkatapos siyang iwan ni Sebastian sa opisina nito. She was expecting na uuwi siya dito, pero mukhang wala na siyang balak na magpakita pa sa kanya.Sino ba naman ang gugustuhing makita ang asawa niya pagkatapos malaman na nagtaksil ito?Pumasok siya sa kanilang kwarto at nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit. Gusto niyang magpakalayo muna habang magulo pa ang utak ni Sebastian. Kailangan nitong kumalma muna para pakinggan siya dahil alam ni Red na labis na nakapagpagalit kay Sebastian ang mga litratong ipinakita nito sa kanya kanina. Saka na lang niya kakausapin ang asawa kapag maayos na ang lahat.Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit nang bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog sa sala. “Red, nasaan ka?!”Napatayo siya nang marinig ang sigaw ng kanyang Mom. Kaagad niyang tinungo ang sala at bumungad sa kanya ang kanyang ina, kasama ang kapatid niyang si Guia.“A-Ano po ang ginagawa—”Hindi pa siya nakapagsalita nang tapos nang bigla siyang nilapitan
Dahan-dahang nagkamalay si Red. Ang kanyang mga talukap ay tila bumigat habang ididilat ang mga mata sa loob ng isang silid na nababalutan ng puti at amoy gamot. Hindi pamilyar sa kanya ang paligid. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting pagkahilo.Anong nangyari? Nasaan ako?Habang inililibot niya ang kanyang paningin, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang doktor na nakasuot ng puting coat. “You’re finally awake, Red. How are you feeling? May masakit ba sa katawan mo?” tanong ng doktor habang sinusuri ang kanyang vital signs.Unti-unting nagbalik sa alaala ni Red ang lahat ng nangyari bago siya nawalan ng malay. Ang bawat eksena ay tila isang masamang panaginip na nagdulot ng pagtulo ng kanyang mga luha. Kahit na nasasaktan siya sa pagtrato ni Sebastian, hindi niya pa rin maiwasang mag-alala para dito, lalo na’t alam niyang niloloko lamang ito ni Sue.“Yesterday, your helper rushed you to the hospital after you suffered significant blood loss. Mabuti
"Ma'am Red, nariyan na po si Sir Sebastian sa ibaba," humahangos na pumasok sa kwarto ni Red ang kasambahay.Dalawang araw na hindi umuuwi ang asawa niyang si Sebastian sa bahay nila. Kapag tinatawagan naman niya ang assistant nito, parating sinasabi na nasa business trip daw si Sebastian.Pero hindi naniniwala si Red. Alam niya ang totoo, pero pinili niya lang magbulag-bulagan. Umaasa kasi siyang maisasalba pa niya ang kasal nila."Initin mo ang ulam sa ref. Tiyak na maghahanap siya ng pagkain—""Ma'am..." pinutol ng kasambahay ang sasabihin niya at napakamot ito sa ulo. Bakas sa mukha nito na may gustong sabihin, pero nag-aalangan."Sabihin mo, ano yun?""M-May... kasama po siyang babae," mahinang sumbong ng kasambahay.Parang binuhusan si Red nang malamig na tubig sa ulo. Hindi basta-basta mag-uuwi ng babae sa bahay nila ang asawa niya.Napalunok siya bago tumayo mula sa kama. Nanginig ang mga tuhod niya sa kaba, pero napatuloy pa rin siyang naglakad pababa ng hagdan.Bumungad sa k







