Share

Chapter 7

Author: Maria Bonita
last update Last Updated: 2026-02-08 11:53:48

"Manang Pacita, ikaw na po muna ang bahala sa mga bata. Si Nelson ang gagabay sa inyo sa magiging kwarto nila," bilin ni Red sa katulong at tumango naman ito bilang sagot.

Pagkapasok nila sa villa, kaagad silang sinalubong ng mga katulong at kinuha ang dala-dala nilang mga luggage. Lumapit naman ang assistant ni Ibrahim na si Mister Henry kay Red at binati ito sa kanyang pagbabalik.

"Nasaan siya?" tukoy ni Red sa kanyang lola.

"Nasa master’s bedroom. Ilang araw na siyang hindi lumalabas," malungkot na sagot ng kausap at iginiya siya papuntang master’s. "Tinawagan ko na rin si Sir Ibrahim at sinabi sa kanya na kararating niyo lang mula sa States. Pauwi na rin siya," pagbibigay alam niya kay Red habang tinutungo ang lokasyon kung nasaan ngayon ang lola nito.

Hindi na sumagot pa si Red hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang master’s bedroom. Binuksan nila ang pinto at nakita niya ang lola niyang nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.

Maya-maya ay nakita niya ang nurse na lumapit sa kanyang lola habang bitbit ang tray na pinaglagyan ng isang basong tubig at gamot. Kaagad namang tinabig ni Donya Rosalia ang tray nang balakin ng nurse na ipainom ang gamot.

"Kailangan niyo pong—"

"Lumayo ka sa akin! Lalasonin mo lang ako!" sigaw ng matanda.

Hindi mapigilan ni Red ang magpakawala ng maliliit na hikbi. Tinakpan pa nito ang kanyang bibig para hindi marinig ng lola niya ang pag-iyak.

"May Alzheimer's disease siya kaya ganyan ang trato niya sa mga tao rito. Wala siyang pinagkakatiwalaan kahit pa ang pinsan mong si Sir Ibrahim," paliwanag ng assistant. "Ikaw lang ang hinahanap ni Donya Rosalia," dagdag pa nito.

Hindi kita nakontak nang ilang buwan pero bakit nagkakaganyan ka na, tanong ni Red sa sarili. Nilapitan niya ang kanyang lola at niyakap ito sa likuran. "Lola," mahina niyang bulong habang patuloy pa rin sa pamumuo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. "Nandito na ako."

Malaki ang utang na loob niya sa lola niya simula noong iniligtas siya nito pagkatapos niyang maaksidente at sumabog ang sinasakyang taxi. Kung hindi dahil sa lola niya at pinsan niya, paniguradong matagal na siyang nakalibing at hindi mararanasang mabuhay kasama ang kambal niya.

Unti-unting kinalas ni Donya Rosalia ang brasong nakayakap sa kanya at binalingan ito ng tingin. "Sino ka? Hindi kita kilala."

"Lola... ako ito, si Red." Pagpapakilala niya.

"Hindi ikaw ang apo ko." Tulak sa kanya ni Donya Rosalia.

Kahit na basang-basa na ang pisngi ni Red sa mga luha, pinilit niya pa rin ang ngumiti alang-alang sa lola niya. "Kasama ko ang kambal. Miss ka na namin."

"Umalis ka sa harapan ko. Si Red lang ang gusto kong makita!" Mababakas ang galit sa reaksyon nitong nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.

Magsasalita pa sana si Red nang biglang dumating si Ibrahim at hinila siya palabas ng kwarto. Iginiya niya ito papunta sa study area para makapag-usap silang dalawa.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit siya? Ikaw lang ang inaasahan ko rito Ibrahim, pero bakit nagawa mong itago sa akin ang kalagayan ni Lola?" Iyak pa rin nang iyak si Red kaya niyakap na lang siya ng kanyang pinsan.

"Sinabi niya sa akin na huwag ipaalam." Hinaplos nito ang likod ng pinsan para tumahan ito. "I’m sorry for not telling you."

Puno ng pagsisisi ang nararamdaman ni Red. Natatakot din siyang baka hindi na niya makakasama nang matagal ang kanyang lola dahil sa sakit nito. Si Ibrahim at ang lola niya na lang ang natitira na itinuturing niyang pamilya dahil wala na rin ang totoo niyang mga magulang.

Limang buwang gulang pa lamang siya noong mamatay ang kanyang mga magulang sakay ng eroplano. Hindi siya kasama sa mga sakay at naiwan lang sa mansyon ng kanyang lola, ngunit hindi nila inaasahan na kasabay ng pagsabog ng eroplanong sinasakyan ng kanyang mga magulang ang pagdukot din sa kanya ng mga hindi kilalang lalaki sa mansyon. Sugatan habang nasawi naman ang ibang nagbabantay sa mansyon kaya wala na silang nagawa nang tangayin ng mga lalaki ang walang muwang na sanggol.

Mula noon, sinisisi ni Donya Rosalia ang sarili kung bakit hindi niya nabantayan nang husto ang apo. Pagkatapos ng insidente, wala siyang sinayang na panahon para mahanap si Red. Wala siyang pakialam kung maubos man ang kanyang pera sa paghahanap, basta masiguro niya lang na buhay pa ang apo.

Kalaunan, may nakapagsabi kay Donya Rosalia sa lokasyon ni Red. Pinakumpirma niya ito at pinabantayan ang bawat kilos. Mabuti na lamang at kasalukuyang nakabuntot ang hinarang private investigator kay Red noong mangyari ang aksidente limang taon na ang nakakalipas, kaya nailigtas ito bago tuluyang sumabog ang sinasakyang taxi. Nakumpirma naman nila na si Red nga ang nawawala niyang apo dahil pina-DNA niya ito habang comatose sa ospital pagkatapos maaksidente.

"Babalik ka pa rin ba sa States?" tanong ni Ibrahim nang medyo kumalma na ang pinsan. Napabitaw si Red sa kanya at pinahiran ang mga luha sa pisngi. "Mananatili na kami rito para sa ikabubuti ng lahat. Ayokong iwan ulit si Lola." Muli na namang nagbadya ang mga luha niya.

"Pero paano ang kambal?"

"Sila ay mananatili kasama ko," buo ang desisyong pahayag ni Red.

"Paano naman ang tatay nila? Nasabi mo na ba?" muling tanong ni Ibrahim.

Umiling lang si Red saka pilit na ngumiti. "Masyado pa silang bata para maintindihan ang lahat."

Simula noong magkaisip ang kanyang kambal at tuwing magtatanong tungkol sa ama nila, lagi niyang inililihis ang mga ito sa ibang bagay para hindi sila masagot. Hindi pa siya handa para sabihin sa kanila ang tungkol sa ama nila at natatakot siyang baka magalit o magtampo sa kanya ang kambal kapag nalaman nila ang totoo. Ayaw niyang mangyari iyon.

"Gayunpaman, kailangan mong sabihin sa kanila ang tungkol sa tatay nila. Hindi mo pwedeng itago habambuhay ang tungkol sa ama nila."

"Alam ko, pero hindi pa ito ang tamang panahon, Ibrahim." Rason niya saka napabuntong-hininga.

Malalaman din nila pero huwag muna ngayon. Masaya siyang kapiling ang kambal niya at ayaw niya munang guluhin ang mga utak nito. Gusto niyang sulitin ang pagkakataong kasama niya pa ang mga ito.

"Magpahinga ka na. Ilang oras din ang byahe niyo ng kambal at sigurado akong pagod din sila." Tinapik ni Ibrahim ang balikat ni Red saka ito lumabas at iniwan siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 9

    "Saan ka galing?" salubong ni Ibrahim sa pinsang si Red na kadarating lang sa Villa. "Kanina ka pa nila hinihintay," tukoy nito sa mga kamag-anak na bumyahe pa galing Manila papunta rito sa Villa para sa isang importanteng diskusyon.Magkakaroon ngayon ng pagpupulong lahat ng executive ng Blanc Group patungkol sa magiging desisyon ni Donya Rosalia Blanc kung sino ang magiging kapalit niya bilang CEO habang may sakit ito. Nandito lahat ang apat niyang anak, kasama sina Ibrahim at Red para pag-usapan ang nasabing desisyon.Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito kung kaya’t ayaw nilang palagpasin ang pagpupulong na ito."May kailangan akong sabihin sa iyo—""Ipagpaliban mo na muna iyan. Ayaw mo namang paghintayin ang mga bisita natin, hindi ba?" pagputol ni Ibrahim at hinila siya papunta sa study area kung saan magaganap ang pagpupulong."Masyadong walang galang ang pagpapahintay sa lahat ng ganito," malamig na salubong ni Faustino Blanc pagkapasok nila.Si Faustino Blanc, ang

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 8

    "Nagsasabi ako ng totoo, Sebastian. Buhay si Red." Kanina pa pinagpipilitan ni Sue sa asawa na nakita nito ang dating namatay na asawa, pero ayaw naman nitong maniwala.Abala ngayon si Sebastian sa trabaho habang abala din ang asawa sa panggugulo sa kanya. Talagang sinadya pa ng asawa ang puntahan siya rito sa opisina."Naka-move on na ang lahat, Sue. Patahimikin mo na siya." Sabi na lang ni Sebastian habang patuloy sa pagbabasa ng mga dokumento.Minsan naisip ni Sebastian na baka si Red pa rin ang iniisip ni Sue tuwing magkasama silang dalawa ng asawa. Napaghahalataang hindi pa rin nakaka-move on kahit ilang taon na ang nakalipas."Ano ba, Sebastian? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Nakita ko nga siya kahapon sa airport. I even bumped into her daughter!" Iritableng hinampas ni Sue ang table ng asawa para tingnan siya nito at hindi nga naman siya nabigo."Oh, yeah. Late na ako makakauwi mamaya kaya ikaw na lang ang sumundo kay Sabina," bilin ni Sebastian na mas lalong kinairita ni

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 7

    "Manang Pacita, ikaw na po muna ang bahala sa mga bata. Si Nelson ang gagabay sa inyo sa magiging kwarto nila," bilin ni Red sa katulong at tumango naman ito bilang sagot.Pagkapasok nila sa villa, kaagad silang sinalubong ng mga katulong at kinuha ang dala-dala nilang mga luggage. Lumapit naman ang assistant ni Ibrahim na si Mister Henry kay Red at binati ito sa kanyang pagbabalik."Nasaan siya?" tukoy ni Red sa kanyang lola."Nasa master’s bedroom. Ilang araw na siyang hindi lumalabas," malungkot na sagot ng kausap at iginiya siya papuntang master’s. "Tinawagan ko na rin si Sir Ibrahim at sinabi sa kanya na kararating niyo lang mula sa States. Pauwi na rin siya," pagbibigay alam niya kay Red habang tinutungo ang lokasyon kung nasaan ngayon ang lola nito.Hindi na sumagot pa si Red hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang master’s bedroom. Binuksan nila ang pinto at nakita niya ang lola niyang nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.Maya-maya ay n

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 6

    Pagkababa nina Red at ng kanyang kambal sa eroplano, sinalubong sila ng mabilis na daloy ng mga tao.Sa gitna ng abalang pulutong, biglang hinila ni Erin ang manggas ng kanyang ina, at bakas sa mukha nito ang pagmamadali. "Mom, I really need to pee," bulalas nito.Mabilis na nalinga si Red sa paligid para maghanap ng mga restroom sign. "Nelson, mauna na kayo ni Eros sa kotse. Susunod na lang kami ni Erin.""Sige po," sagot ni Nelson habang bitbit ang luggage, hawak niya sa kabilang kamay si Eros at saka umalis.Matiyagang naglakad si Red para hanapin ang restroom. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli siyang makapunta rito sa airport. Marami ang nagbago at masyadong malawak ang airport dahilan para mahirapan siya sa pasikot-sikot at maghanap sa hinahanap niya."Diretsuhin mo lang po iyan, at sa may bandang dulo, lumiko lang kayo sa kanan at makikita niyo ang restroom." Sagot ng isang security guard na napagtanungan niya."Thank you."Mabilis nilang tinahak ang direksyon na s

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 5

    Naramdaman ni Red ang pagbabago ng atmospera habang papalapit ang Disyembre sa United States. Ang hangin ay naging presko at malamig, dala ang pahiwatig ng pagdating ng taglamig. Nabuhay ang mga kalye at tahanan sa maligayang espiritu habang ang mga kumukutitap na ilaw, makukulay na dekorasyon, at mga palamuti ay nagpapaganda sa bawat sulok. Ang tanawin ng mga bahay na may mga wreath, garland, at mga pailaw ay nagdagdag ng engkantong pakiramdam sa paligid."Mommy, kailan po tayo pupunta sa Christmas Market? Gustung-gusto ko na pong makita si Santa Claus!" masayang tumatakbo si Erin papuntang kusina para kitain ang kanyang ina."Tumawag po si Vaseline at sinabing pumunta raw sila para makita si Santa. Gusto ko rin pong pumunta doon, mommy." Sabi pa nito habang nakayakap sa bewang ng kanyang ina. Tumingala pa ito, at puno ng panunuyong tinitigan ang ina.Marahan na tinanggal ni Red ang maliliit na braso na nakapulupot sa kanya saka umupo para pantayan ang tangkad ng anak. "Dapat ko bang

  • Divorced Wife Is Secret Heiress    Chapter 4

    Nang dahan-dahang idilat ni Red ang kanyang mga mata, ang kanyang paningin ay lumingon sa buong silid, pinagmamasdan ang hindi pamilyar na paligid. Nag-adjust ang kanyang paningin sa liwanag, at naging malay siya sa isterilisadong kapaligiran na bumabalot sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang kamay at napansin ang malinaw na plastic tubing na patungo sa isang bag ng fluid.“I’m glad you’re finally awake. You’ve been receiving IV fluids and medications to support your body’s needs while you were comatose for six months. It’s a standard procedure to ensure your well-being and aid in your recovery.” Paliwanag ng doctor na nakatayo sa gilid niya.Napatitig si Red sa doctor at hindi pa makapagsalita, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya.The doctor gently placed a hand on Red’s arm, his touch conveying both care and professionalism. “I’m going to check your condition and monitor your vital signs,” sabi nito. “I just want to ensure that you’re stable and responding w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status