Sahara POV
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa man tuluyang lumalakas ang katawan ko mula sa aksidente, pinilit ko nang bumangon. Wala akong karapatang humilata lang habang ang kalagayan ni Daddy ay pabigat nang pabigat. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maghanap ng paraan. Pagkaligo ko, inabutan ko si Manang Rosa sa kusina, abalang naghahain ng agahan. Simpleng sinangag, itlog, at kapeng barako ang aroma na bumungad sa akin. "Mabuti naman at bumangon ka na, iha. Kumain ka muna," sabi ni Manang Rosa, ngiting-ngiti kahit kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Napabuntong-hininga ako. "Salamat po, Manang." Umupo kami sa maliit naming hapag-kainan. Maliit lang ang bahay pero ito ang pinagmumulan ng init at lakas ko. Si Manang Rosa na lamang ang kasama namin ngayon. Kahit hindi siya kadugo, para ko na siyang pangalawang ina. Habang nagkakape siya, bigla niyang tinanong, "O, kamusta naman ang mga pinag-aaplayan mo, iha?" Napanguso ako habang nilalaro ang kutsara ko sa kanin. "Ganun pa rin po, Manang... puro ‘we will call you’ ang sagot nila. Kanina po, sa huling napuntahan ko, sabi nila wala raw bakanteng posisyon para sa akin." Hinaplos ni Manang Rosa ang balikat ko. "Huwag kang mawalan ng pag-asa, anak. Alam ko, hindi madali. Pero mabait ang Diyos. May darating ding biyaya." Pinilit kong ngumiti kahit mabigat ang loob ko. "Pero may isa pa po akong ina-applyan... waitress po sa bagong restaurant sa kanto. Sabi po ng manager, tatawagan daw ako kung matatanggap ako." "Eh di mabuti kung ganon, iha. Ipagdarasal ko na matanggap ka doon." Tumango ako, bagama’t sa loob ko’y nag-aalangan. Hindi ko alam kung kakayanin ko iyon lalo na’t hindi pa lubos ang lakas ko. Pero wala na akong ibang pagpipilian. "Huwag kang mag-alala, iha," dagdag pa ni Manang Rosa, mariin ang boses. "Nandito lang ako. Kahit anong mangyari, hindi ko kayo iiwan ni Don Ramon." Naiiyak akong napatingin sa kanya. "Salamat po, Manang. Kung wala po kayo... ewan ko na lang po kung paano ko kakayanin lahat." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko kayang pabayaan kayo. Simula pa noon, mahal ko na ang Daddy mo at ikaw. Hindi lang trabaho ang turing ko sa inyo, pamilya ko na kayo." Tumingin ako sa hapag-kainan—sa simpleng pagkain sa harap namin. Parang lalo akong nakaramdam ng mabigat na responsibilidad. "Hindi ako puwedeng sumuko. Para kay Daddy... para kay Manang... kailangan kong lumaban." Pagkatapos ng agahan, agad akong nagligpit ng pinagkainan. Kahit gusto ni Manang Rosa na ako’y magpahinga, pinilit kong gumalaw. Hindi ko kayang nakatunganga lang habang may kailangan pang gawin. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan, nagtimpla ako ng tsaa at dinala ito sa labas, kung saan pinapainitan ni Daddy ang sarili. Nakaupo siya sa lumang silya sa harap ng bahay, bahagyang nakasandal, tila nagbabakasakaling lumakas pa kahit paano ang katawan. "Daddy, heto po ang tsaa niyo," malambing kong sabi habang iniabot ang tasa. "Salamat, anak," mahina niyang sagot, nginitian ako kahit kapansin-pansin ang pagod sa kanyang mukha. Umupo ako sa tabi niya, pinagmamasdan ang matanda na ilang buwan nang nilalabanan ang sakit. "Kumusta ka naman, anak?" tanong niya, pilit nilalakas ang boses. "Okay lang po, Daddy. Nag-aapply pa rin po ako. May pinag-applyan po akong restaurant. Nag-aantay lang ng tawag." "Hmm. Alam kong mahirap, Sahara... pero alam ko ring malakas ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako proud sa'yo," mahinang sabi ni Daddy habang nilalaro ang tasa sa kamay. Naiiyak akong ngumiti. "Para po sa inyo lahat ito, Daddy. Gagawin ko ang lahat para gumaling po kayo." Tahimik kaming nagmasid sa paligid. Ang araw ay unti-unting tumataas, banayad ang hangin. Saglit akong nakaramdam ng kapayapaan sa gitna ng lahat ng problema. Biglang may mga yabag akong narinig. "Sahara!" tawag ni Manang Rosa, may bahid ng kasabikan sa tinig. Hawak niya ang cellphone, kumikislap ang screen. Tumayo agad ako, kabado. "Ano po yun, Manang?" "May tawag! 'Yung sa inaplayan mong restaurant!" Agad kong kinuha ang telepono. Nanginginig ang kamay ko habang inilapit ito sa tainga. "Hello... Sahara po ito." Isang boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. "Good morning, Ms. Sahara. This is from Café Verona. We would like to inform you that you’ve been hired. You can start working tomorrow, if that’s okay." Napatakip ako ng bibig, halos maiyak sa tuwa. "Po? Talaga po? Salamat po! Salamat po!" "Nakita namin ang sipag mo sa interview, at kailangan na rin namin ng dagdag na staff. We’re looking forward to seeing you tomorrow." "Opo! Magtatrabaho po ako ng maayos. Maraming salamat po!" Pagkaputol ng tawag, napayakap ako kay Manang Rosa. "Manang... tanggap na ako! Tanggap na po ako!" "Ay, anak! Salamat sa Diyos!" sabay haplos ni Manang sa likod ko. Ngunit sa sobrang saya, biglang umikot ang paningin ko. "Ugh..." Naramdaman kong lumalamlam ang paningin ko. Mabilis akong napahawak sa ulo ko, halos mawalan ng balanse. "Sahara!" huling narinig kong tawag ni Manang Rosa bago tuluyan akong napaupo sa sahig. "Siguro... dahil pa rin ito sa aksidente nung isang araw..." Dahan-dahang bumigat ang mga talukap ng mata ko. Nasapo ko ang aking noo pagkamulat ng mga mata ko. "Ano bang nangyari...?" Unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga huling pangyayari. Ang saya ko pa kanina — natanggap na ako sa trabaho. Ngunit sa isang iglap, nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Napabuntong-hininga ako habang nakahiga pa sa kama. "Bukas na ang unang araw ko sa trabaho. Hindi dapat ako ganito kahina. Kailangan kong maging matatag." Kahit nanginginig pa ng kaunti ang katawan ko, pilit akong bumangon. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Muling sumagi sa isip ko ang dami ng iniisip ko ngayon — ang kalagayan ni Daddy, ang bayarin sa gamot, at ngayon, ang trabahong kailangang pagbutihin. Lumapit ako sa tokador sa gilid ng kwarto. Binuksan ko ang lumang kahon kung saan nakasalansan ang ilang piraso ng damit ko. Marami sa mga ito ay kupas na, may mga himulmol na rin ang tela. Isa-isa ko silang niladlad sa ibabaw ng kama. "Wala man lang akong matinong isusuot bukas... Hindi ko naman puwedeng ipagsawalang-bahala ang itsura ko sa unang araw ng trabaho." Napakagat ako ng labi ko habang pinipisil-pisil ang ilang lumang blouse. Ilang taon na rin ang ilan sa mga ito — mga damit pa noong nag-aaral pa ako. "Kung sana may extra akong pera..." Pero alam ko rin naman kung saan napupunta ang bawat sentimo sa wallet ko. Sa gamot ni Daddy. Sa pambili ng gatas at pagkain. Sa pamasahe tuwing mag-aapply ng trabaho. At kung hindi dahil kay Manang Rosa, baka matagal na kaming walang makain. Muling sumikdo ang hiya sa puso ko. "Manang Rosa... halos siya na ang bumubuhay sa amin. Kahit hindi kadugo, siya na ang umaalalay sa akin at kay Daddy. Hanggang kailan ko pa siya gagamitin ng ganito?" Napapikit ako, pinigilan ang mga luhang gustong pumatak. "Hindi ko pwedeng ipakitang mahina ako. Kailangan kong bumangon. Para kay Daddy. Para sa amin." Matapos ang ilang minuto ng pagmumuni-muni, pinili ko ang pinaka-maayos sa mga lumang damit — isang puting blouse na kahit papano'y presko at malinis tingnan, at isang simpleng itim na slacks. "Ito na muna. Hindi importante kung bago o hindi. Importante, magagawa ko ang trabaho ko." Tumayo ako, itinupi ang mga napili ko at inilagay sa upuan sa tabi ng kama. Bumuntong-hininga muli. "Kaya ko 'to. Bukas, panibagong simula. Hindi ako susuko." Pagkatapos kong ayusin ang isusuot ko bukas para sa bagong trabaho, napabuntong-hininga ako ulit. "Kailangan ko munang kumilos ngayon. May part-time pa ako kay Aling Merly. Dagdag din 'to sa pambiling gamot ni Daddy." Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang isang lumang pambahay na bestida mula sa tokador. Simpleng bulaklakin, manipis na tela — pero komportable kahit papaano. "Kahit paano, may magagawa pa ako ngayong araw." Nagmadali akong maligo. Hindi ko na inalintana ang lamig ng tubig. Sa isip ko, inuulit-ulit ko lang: “Kailangan ko maging malakas.” Matapos magbihis, agad kong sinuklay ang basang buhok at pinulot ang lumang eco bag na ginagamit ko sa pagdadala ng mga tahi. Lumabas ako ng bahay, muling tinanaw si Daddy sa kanyang silid. Mahimbing pa rin ang tulog niya. "Manang, pupunta po muna ako kay Aling Merly. Baka matagal-tagal ako doon, marami po akong ihahatid ngayon," sabi ko bago lumabas. "Sige, anak. Ingat ka. Text ka kung anong oras ka uuwi," sagot ni Manang Rosa mula sa kusina. Naglakad ako papunta sa kabilang kalye kung saan nakatira si Aling Merly. Simple lang ang bahay niya — maliit ngunit malinis. Ilang taon na rin akong tumutulong sa kanya bilang tagahatid ng mga tahi sa mga suki niyang nag-oorder ng mga damit. Pagdating ko sa may gate, nakita ko agad si Aling Merly sa veranda, naglalagay ng mga tinahing tela sa malaking plastic bag. "Sahara! Mabuti at dumating ka!" bati niya agad nang makita ako. Ngumiti ako at lumapit. "Pasensya na po, Aling Merly. Hindi po ako nakapunta nung isang araw." Napailing ang matanda, kunwa’y may tampo. "Ay nako, iha! Hinanap-hanap kita! Yan tuloy, ang dami mong ihahatid ngayon." Itinuro niya ang tatlong malalaking bag ng tinahing tela. Napakamot ako ng ulo. "Pasensya na po talaga. Nagkaroon po kasi ako ng—" saglit akong natigilan, bumalik sa alaala ko ang aksidente. "Hindi ko na nga rin masabi na nawalan ako ng malay..." "—kaunting aberya po," pagtatapos ko. Napatingin si Aling Merly sa akin, halatang napansin ang bahagyang pamumutla ko. "Ay, naku! Okey ka lang ba talaga, iha? Mukha ka pang matamlay." Ngumiti ako, pilit pinatatag ang boses. "Opo, ayos lang po ako. Kailangan ko po kasi ng kita ngayon. Kailangan po ni Daddy ng gamot." Huminga nang malalim si Aling Merly. "Hay... ikaw talagang bata ka. Ang sipag mo. Sige na nga, pero kapag di mo na kaya, magsabi ka ha. Wag mo pilitin sarili mo." "Opo, Aling Merly. Salamat po." Inilagay ko ang mga tahi sa eco bag ko at isa pa niyang pinahiram na bayong. "Bukas na nga pala ang start ng trabaho ko sa restaurant," dagdag ko, medyo nahihiya. "Talaga? Naku, mabuti naman! Good luck, iha. Basta kahit may bago kang trabaho, pwede ka pa ring pumunta rito paminsan-minsan ha." "Opo, promise po. Kailangan ko pa rin po ng extra." Nginitian ako ni Aling Merly. "Sige, ingat ka. Eto ang listahan kung saan mo ihahatid ngayon." Inabot niya sa akin ang isang papel. Kinuha ko ito at nagsimula na akong maglakad muli, mabigat man ang bitbit pero magaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano, may kaunting pag-asa na ulit sa puso ko. "Kahit mahirap... basta para kay Daddy, kakayanin ko."Napatingin si Sahara sa address na ibinigay sa kanya ni Aling Merly. Napakunot ang noo niya at napanguso. "Medyo malayo-layo rin pala ito..." Pero wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang kumayod. Inayos niya ang bitbit na mga tahi, saka tinawag ang paborito niyang pedicab driver para dalhin siya sa sakayan ng cab. Gamit niya ang cab tuwing may malalayong delivery — isang bagay na pinag-iipunan niya rin para lang di mapagod si Daddy sa pag-aalala. Pagkaupo sa loob ng cab, muling sinipat ni Sahara ang address. "Buti na lang, kahit malayo, dagdag kita naman ‘to." Habang nasa biyahe, napansin niyang unti-unting sumisikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya kasi, bumababa na ang natitirang lakas niya. Pero pinilit niyang iwaksi ang pagod. "Hindi pwede. Kailangan ko 'to matapos." Matapos ang tatlumpung minutong biyahe, narating din niya ang destinasyon. Napataas ang kilay niya nang makita ang bahay — medyo may kalakihan ito. "Mukhang may kaya rin ang mga ito..." Bumaba siya ng cab, k
Sahara POV Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa man tuluyang lumalakas ang katawan ko mula sa aksidente, pinilit ko nang bumangon. Wala akong karapatang humilata lang habang ang kalagayan ni Daddy ay pabigat nang pabigat. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maghanap ng paraan. Pagkaligo ko, inabutan ko si Manang Rosa sa kusina, abalang naghahain ng agahan. Simpleng sinangag, itlog, at kapeng barako ang aroma na bumungad sa akin. "Mabuti naman at bumangon ka na, iha. Kumain ka muna," sabi ni Manang Rosa, ngiting-ngiti kahit kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Napabuntong-hininga ako. "Salamat po, Manang." Umupo kami sa maliit naming hapag-kainan. Maliit lang ang bahay pero ito ang pinagmumulan ng init at lakas ko. Si Manang Rosa na lamang ang kasama namin ngayon. Kahit hindi siya kadugo, para ko na siyang pangalawang ina. Habang nagkakape siya, bigla niyang tinanong, "O, kamusta naman ang mga pinag-aaplayan mo, iha?" Napanguso ako habang nilalaro ang kutsara ko sa
Sahara’s POV Dalawang kumpanya na ang pinasukan ko ngayong linggo, pero pareho lang din ang naging sagot sa akin—"Pasensya na, Miss Villareal. Hindi ka namin matatanggap sa ngayon." Paulit-ulit. Parehong linyang halos butas na ang tenga ko sa kakarinig. Lumabas ako ng building ng huling kumpanya na inaplayan ko, dala-dala ang maruruming papel ng resume na ilang beses ko nang binasa sa pag-asang baka sa susunod, may pag-asa. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko, pero hindi pa rin ako sumusuko. Bumuntong-hininga ako at muling pinunasan ang pawis sa noo habang nilingon ang maliit na papel sa aking kamay—isang listahan ng mga gamot ni Daddy na kailangan ko nang bilhin bago pa lumala ang kanyang lagay. "Sahara, kailangan mong bilhin ang gamot. Hindi pwedeng magpahinga si Papa ngayon," bulong ko sa sarili, pilit na pinapalakas ang loob. Mabilis akong sumakay ng jeep patungo sa pinakamalapit na pharmacy. Kahit kapos sa pera, wala akong pakialam. Kahit magkanda-utang ako, ang mahalaga ay
PROLOGUE “You want your father to live? Then pay the price. Don’t worry, Sahara… katawan mo lang ang kailangan ko—hindi ang puso mo.” ******* Calyx’s POV Tahimik ang gabi sa hospital. Ang mga fluorescent lights sa corridor ay malamlam na kumikislap, tila pagod na rin tulad ng mga taong naririto. Katatapos ko lang ng isang operasyon—isang batang babae na muntik nang mawalan ng buhay. Ngayong patay-sindi na ang adrenaline sa aking katawan, balak ko sanang pumasok na sa aking opisina. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses mula sa kabilang sulok. "Please... please po, Ma'am. Kahit hulugan. Gagawin ko po ang lahat, ma-operahan lang ang Papa ko... konti na lang daw po ang oras niya." Ang boses ay puno ng pagmamakaawa, halos punit na sa hirap at takot. Pumanhik ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng pasyente—Don Marcelo Villareal. Isang matandang negosyanteng kilala sa kanyang kabisera noon, ngayo’y halos lugmok. Muli kong narinig ang boses na iyon. B