SAHARA’S POV
“Ma, siguro dalhin na lang natin siya sa pinakamalapit na clinic,” mungkahi ko habang pinipiga ang tuwalya at muling idinampi sa sugat ng lalaki. “Hindi ko na rin siya maaasikaso, may pasok pa ako mamaya.” Napatingin siya sa akin. Mahina pa rin ang kilos niya pero kita ko ang tangkang pagtutol sa mga mata niya. “Huwag na... huwag niyo na akong dalhin kahit saan,” mahinang sabi niya. “Magpapasundo na lang ako.” “Sigurado ka ba?” tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo niya. “Mukhang matindi yung tama mo sa ulo.” “Wala ‘to. Sanay ako sa puyat at sakit,” ngumisi siya kahit halatang hirap. “Nakainom lang ako ng maraming kape, wala pang tulog. Galing kasi akong trabaho, tapos pinilit ko pang bumiyahe pauwi. Hindi ko napansin, antok na pala ako.” Sumabat si Mama, medyo kunot ang noo. “San ka ba talaga galing, iho? At saan ka ba dapat pupunta?” Napahikab siya saglit bago tumingin kay Mama. “Galing akong Manila, Tita. Pupuntahan ko sana ‘yung lolo ko dito sa probinsya. Pero... mukhang naligaw yata ako.” Napakunot naman ang noo ko. “Naligaw?” tanong ko. “Baka napasobra ka ng liko. Kasi kung ‘yung part ng bayan na halos mayayaman ang nakatira ang pupuntahan mo, eh hindi ito ‘yon. Ilang barangay pa ‘yon mula rito. Malayo pa.” Napakamot siya sa batok niya. “Mukhang ganun na nga,” mahina niyang sambit. “Siguro sa sobrang pagod, hindi ko na namalayan na nalihis na pala ako ng daan. Mali yata yung diniretso ko pagkagaling ng highway.” Napatingin ako sa kanya. Maputla pa rin siya, pero may kaunting kulay na sa pisngi. “Sigurado ka talagang ayaw mo sa clinic?” tanong ko muli. Tumango siya, mas matatag na ang boses ngayon. “Oo. Nakakahiya na nga sa inyo. Hindi ko naman kayo kilala, tapos ganito pa ang nangyari. Ako nga pala si Calyx... Doctor Calyx Montañez.” Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ang salitang “Doctor.” Hindi ko alam kung dahil sa bigat ng responsibilidad na dala ng propesyong ‘yon o dahil ba sa kung paano niya iyon binanggit—tama lang sa tono, walang kayabangan. “Doctor ka pala,” bulong ko. “Eh lalo ka na dapat nagpapatingin.” Napatingin siya sa akin at ngumiti, kahit may bahid pa ng pagod ang mga mata. “Ikaw lang ang kailangan ko para gumaling.” Napairap ako. “Hay naku. May pa-sweet ka pang nalalaman. Buti’t buhay ka pa. Kung hindi ka nabangga sa harap ng bahay namin, baka kung saan ka pa natagpuang duguan.” “Mas okay na rin na dito ako napadpad,” sagot niya, at sa unang pagkakataon ay nakita kong bumalik ang kaunting sigla sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ‘to—kung bakit kahit duguan at haggard ay may kung anong misteryo sa presensiya niya. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon... Hindi ito ang huling beses na makikita ko si Doctor Calyx. Pagkatapos kong ihanda ang malamig na tubig at tinapay para kay Doctor Calyx, narinig ko siyang may kinakausap sa cellphone. Mukhang tumawag siya. “Lolo, nasa barangay San Luis ako… Oo, nabangga 'yung kotse sa may gilid ng kalsada… Huwag kang mag-alala, maayos na ako. May tumulong sa akin. Maya-maya, okay na 'ko. Susunduin n'yo ako? Sige po, salamat, Lo.” Napatingin ako sa kanya habang inaayos ang bag ko. “Susunduin ka na raw?” Tumango siya. “Oo. Papapuntahin na lang ni Lolo 'yung isa sa mga driver niya rito. Baka abutin lang ng trenta minutos.” “Lolo mo? Si Congressman Montañez?” tanong ko, medyo pabulong. Ngumiti siya, bahagyang tumango. “Yup. Siya ang tinutukoy ko.” Napahinto ako saglit. Congressman Montañez. Ang pinaka-pinagkakarespetuhan—at kinatatakutang—tao sa buong bayan namin. Ibig sabihin, apo siya ng congressman? Kaya pala kahit duguan at hilo kanina, ramdam mong may… presensiya pa rin siya. ‘Yung aura na hindi mo basta-basta mapapansin sa ordinaryong tao. Tahimik lang akong tumango. “Sige. Maiwan na muna kita rito, ha? May trabaho pa ako.” “Salamat, Sahara,” aniya. “Hindi ko makakalimutan ‘tong araw na ‘to.” “Sana hindi mo rin makalimutan kung paano ka nabangga sa harap ng bahay namin,” biro ko, sabay ngiti. Tumawa siya nang mahina, at muling napahawak sa may sentido niya. “Oo nga eh. Para akong sinadya ng tadhana para mapunta rito.” Hindi ko na pinansin ang kilig na gumapang sa dibdib ko. Baka epekto lang ng antok o ng daming iniisip. Umalis na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa main road kung saan ako sasakay pa-trabaho. Ngunit di pa man ako nakakalayo, nasalubong ko na agad ang tatlong reyna ng tsismis sa kanto—sina Aling Letty, Aling Mercy, at si Bebang. “Oy, Sahara!” sabay-sabay nilang bati, sabay nagkakatinginan at pabulong-bulong. “Sino ‘yung lalaking nabangga sa tapat ng bahay n’yo, ha? Gwapo raw! Mayaman pa raw, sabi ni Cardo na tricycle driver!” “Hindi ba boyfriend mo si Elian?” bulalas ni Aling Mercy, todo sipat sa mukha ko. “Baka iba na ‘yan ha…” Napailing ako. “Hindi po. Nabangga lang ‘yung sasakyan niya. Tinulungan lang namin ni Mama. Susunduin na rin siya ng pamilya niya. Wala pong malisya.” “Talaga lang ha?” usisa ni Bebang, taas-kilay. “Bakit parang special treatment naman ang pagkakatulong n’yo? Eh kung ibang naligaw lang ‘yan, baka hindi n’yo pa pinapasok sa bahay.” “Doctor po kasi siya,” sagot ko, sabay lakad palayo. “Apo siya ni Congressman Montañez.” Sabay-sabay silang napatigil. Nakita ko ang paglawak ng mga mata nila. Nagsimula na akong humakbang papalayo habang naririnig ko pa ang sabay-sabay nilang mga bulungan at huni ng tsismis. “Totoo ba ‘yon?! Apo ni Congressman?!” “Naku, baka siya na ‘yung susunod na congressman!” “Sahara talaga, may pa-doctor doctor pa—aba, upgrade girl!” Napailing na lang ako, pinilit iwasan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Hindi ko alam kung anong sinadya ng pagkakataon sa araw na ito… pero isang bagay ang malinaw: Hindi lang basta nabangga si Doctor Calyx. Parang sinadya talaga ng tadhana na ipahulog siya... sa harap ng buhay ko. Pharmacy – alas-nuebe ng umaga Pagkarating ko sa trabaho, parang lumulutang ako sa hangin. Kahit ilang beses na akong nagbilang ng gamot sa harap ng counter, paulit-ulit pa rin ang isang tanong sa utak ko: "Nasaan na kaya si Elian ngayon?" Tiyak na magtataka siya. Hindi ako dumaan sa kanila kanina bago pumasok. Sanay siyang makita ako tuwing umaga—kahit sandali lang. Kahit masungit siya. Kahit lagi niya akong pinaparinggan. Basta makita ko lang siya, kahit saglit, sapat na. Pero ngayon, hindi ko nagawa. At alam ko, sigurado, mamayang hapon… pag-uwi ko roon, mag-aaway na naman kami. "Hoy, Sahara," tawag ng boses mula sa likuran. Si Jam, isa sa mga kaibigan kong pharmacist din sa botika. Lumapit siya habang may hawak na reseta. "Anong iniisip mo d'yan, ha? Kanina ka pa tulala. Tuloy muntik ka nang magkabaliktad ng gamot sa reseta." Napabuntong-hininga ako. “Wala… si Elian lang.” Naupo siya sa tabi ko, pabirong binunggo ako sa balikat. “Si Elian pa rin? Girl, ilang taon na ba kayong ganyan? Ang dami mong isinakripisyo. Pero siya? Puro init ng ulo at reklamo.” Hindi ako nakaimik. Pinipigilan kong mapaluha, kahit ramdam ko na ang kurot sa dibdib. “Kamusta na ba siya? Hindi pa rin talaga makalakad?” Umiling ako. “Wala pa ring pagbabago. Sabi niya, huwag ko na raw ipacheck-up. Sayang lang daw ang pera.” Napailing si Jam. “Paano kung wala na talagang pag-asa? Paano na ang buhay mo? Wala ka nang ibang iniisip kundi siya. Eh paano ikaw? Hindi mo ba gustong maging masaya rin?” Gusto kong sumagot, pero tila may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko rin alam ang isasagot. Dahil sa kabila ng lahat ng hirap, mahal ko pa rin si Elian. Hindi ko siya maiwan. Kahit sa tuwing kinikimkim ko ang pagod, ang sakit, ang kawalang-pansin niya, pinipili ko pa ring manatili. “Sahara, alam kong mabait ka. Pero hindi mo kailangan magdusa habang buhay. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya. Hindi mo rin obligasyon ang lahat ng galit niya sa mundo.” Napatingin ako sa kanya. Alam kong may punto siya. Lahat ng ito ay nangyari dahil sa mga pinsan niyang lasing nung gabing iyon—‘yung gabi bago kami ikasal. Kung hindi sila nagpa-drag race sa kalsada, sana wala siya sa wheelchair ngayon. Sana... kasal na kami. Masaya. Buo. Pero hindi gano’n ang nangyari. “Kung hindi lang dahil sa mga pinsan niya…” mahinang sabi ko. “Wala siya sa ganyang kalagayan. Wala rin ako sa ganitong sitwasyon.” Tahimik kami saglit. Tanging tunog ng aircon at mga customer na pumasok lang ang maririnig. “Alam mo, Sahara,” dagdag ni Jam, “hindi kita hinuhusgahan. Pero sana, isipin mo rin ang sarili mo. Minsan ang pagmamahal, hindi sapat kung ikaw lang ang lumalaban.” Huminga ako nang malalim. Tumingin sa malayo, sa likod ng salamin ng pharmacy, sa mga taong masaya, malaya, at tila walang mabigat na pasan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kaya ito. Pero ngayon, pipiliin ko pa rin si Elian. Hanggang kailan? 'Yun ang hindi ko pa alam. Maaga pa lang, nag-empake na ako ng uuwiin. Naisipan kong daanan muna sa bayan ang paboritong meryenda ni Elian—‘yung bibingka na may keso sa ibabaw at mainit pang biko na nilalagyan ko ng gata. Kahit madalas niya akong pagalitan, kahit parang hindi na niya ako pinahahalagahan, hindi ko pa rin maiwasang alalahanin siya. Pagkarating ko sa bahay nila, agad kong napansin ang ekspresyon niya. Hindi niya ako nginitian tulad ng dati—kahit konti. Nakaupo siya sa sofa, nakahalukipkip, at halatang naglalagablab ang inis sa mga mata niya. “Ayan ka na,” bungad niya agad, malamig ang boses. “Hindi ka man lang dumaan kaninang umaga. Ano bang meron, Sahara?” Napalunok ako. Dahan-dahan akong lumapit at inilapag ang meryenda sa mesa. “Pasensya ka na, Elian. May nangyari kasi—” “Anong nangyari? Ano na naman?” singit niya agad, puno ng paghihinala ang tono. Huminga ako nang malalim. “May nabangga sa harapan ng bahay namin kaninang umaga. ‘Yung sasakyan niya, diretso sa poste. May sugat siya sa ulo kaya tinulungan namin ni Mama.” Napakunot ang noo ni Elian. “Lalaki?” Tumango ako. “Guwapo?” Nabigla ako sa tanong niya. “Ha? Bakit mo—” “Sumagot ka. Guwapo ba?” “Ewan. Hindi ko naman siya tinitigan nang gano’n,” sagot ko, pilit na pinapanatili ang tono kong kalmado. “Pero mukhang hindi siya tagarito. Magara ‘yung kotse niya. Galing daw siya ng Maynila, pupunta sa Lolo niya.” “Nasaan na siya ngayon?” tanong niya ulit, mas mapilit na. “Sinundo na raw siya ng mga tauhan ng Lolo niya. Congressman daw yata ang Lolo niya. Apelyido niya Montañez.” Napahigpit ang hawak ni Elian sa armrest ng wheelchair niya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. “Ang dali mo namang tumulong sa hindi mo kilala,” aniya, may halong selos at hinanakit ang boses. “Pero ako, iniwan mo lang kanina. Ni hindi mo naisip na dadalawin mo muna ako bago pumasok sa trabaho?” “Hindi naman gano’n, Elian. Sinubukan kong gawin ang tama. Nasugatan ‘yung tao, hindi ko naman puwedeng balewalain.” “Baka next time, ‘wag ka nang bumalik dito. Baka ‘yung nabangga na ‘yan, palitan na ako sa puso mo.” Napayuko ako, pigil ang luha. “Hindi mo kailangang magselos, Elian. Ikaw pa rin ang pinipili ko, araw-araw. Kahit gaano kahirap.” Pero sa puso ko, may munting tanong na nagsimulang kumislot: Hanggang kailan ko kakayanin?SAHARA'S POV Kumunot ang noo ko nang dumaan lang si Doctor Calyx sa harapan ko na parang wala lang. Hindi man lang siya tumingin, ni hindi ako pinansin. Mukhang hindi niya ako nakilala. Sabagay, sino ba naman ako para lingunin pa niya? Eh 'yung itsura ko nga ngayon, parang nilamon ng lupa at niluwa lang. Naka-ponytail na kulang sa buhol, may mantsa pa ng mantika 'yung blouse ko dahil sa nilutong longganisa kagabi. Samantalang siya? Diyos ko! 'Yung mukha niya parang nililok—matangos ang ilong, matitigas ang panga, tapos 'yung mga mata niya, parang sinasala ang kaluluwa mo sa titig. Nakaka-pressure. Nakaka-ilang. At higit sa lahat... nakaka-attract. Pero bakit ko nga ba siya iniisip? Tanong ko sa sarili ko habang napatigil ako sa gilid ng kalsada. Napailing ako. “Focus, Sahara,” bulong ko sa sarili. May trabaho pa ko! Napatingin ako sa relo. 7:52 AM. "Shit! Late na naman ako!" Para akong sinapian ng multo. Dali-daling tumakbo, halos mapatid sa sarili kong paa. Minsan iniis
SAHARA’S POV Tahimik lang akong naglakad pauwi mula sa bahay ni Elian. Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng lungkot ‘to—parang pinaghalong pagod, guilt, at pangungulila. Pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, mali pa rin sa paningin niya. Pagdating ko sa tapat ng bahay namin, napansin ko agad—wala na ang sasakyan. Wala na si Dr. Calyx. Parang biglang may umigting sa dibdib ko. Bakit ba parang may kung anong hinahanap ako? O baka dahil hindi ko pa rin nasasabi kay Elian ang totoo—na oo, guwapo nga ‘yung lalaking nabangga. Maayos ang tindig, malinis, at ‘yung mga mata niya… para bang kahit may sugat siya, matalas pa rin ang titig. Umiling ako. Hindi, Sahara. Hindi iyon mahalaga. Wala kang karapatang mag-isip nang gano’n. Pumasok ako sa bahay, at naamoy ko agad ang nilutong ulam ni Mama—tinolang manok. Nakahain na sa mesa. Naroon siya, nagsasalin ng sabaw sa mangkok. “O, nandiyan ka na pala,” nakangiti niyang bati. “Maghugas ka na’t kumain ka na.”
SAHARA’S POV “Ma, siguro dalhin na lang natin siya sa pinakamalapit na clinic,” mungkahi ko habang pinipiga ang tuwalya at muling idinampi sa sugat ng lalaki. “Hindi ko na rin siya maaasikaso, may pasok pa ako mamaya.” Napatingin siya sa akin. Mahina pa rin ang kilos niya pero kita ko ang tangkang pagtutol sa mga mata niya. “Huwag na... huwag niyo na akong dalhin kahit saan,” mahinang sabi niya. “Magpapasundo na lang ako.” “Sigurado ka ba?” tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo niya. “Mukhang matindi yung tama mo sa ulo.” “Wala ‘to. Sanay ako sa puyat at sakit,” ngumisi siya kahit halatang hirap. “Nakainom lang ako ng maraming kape, wala pang tulog. Galing kasi akong trabaho, tapos pinilit ko pang bumiyahe pauwi. Hindi ko napansin, antok na pala ako.” Sumabat si Mama, medyo kunot ang noo. “San ka ba talaga galing, iho? At saan ka ba dapat pupunta?” Napahikab siya saglit bago tumingin kay Mama. “Galing akong Manila, Tita. Pupuntahan ko sana ‘yung lolo ko dito sa probinsya
THIRD POV. Katatapos lang ng trabaho ni Sahara sa maliit na parmasya sa bayan. Gabi na, at ramdam niya ang pagod sa katawan—mga talampakang nananakit, likod na tila mababali, at mga mata na gusto nang pumikit. Pero hindi iyon mahalaga. Ang tanging nais niya ay makita si Elian. Tahimik siyang pumasok sa bahay ng nobyo. Wala siyang dala kundi ang kanyang sarili at ilang pirasong tinapay na binili pa niya sa huling baryang natira sa bulsa. Pagpasok niya sa sala, agad niyang nakita si Elian—nakaupo sa lumang sofa, nakatingin sa kawalan, tila malayo ang iniisip. “Love?” mahina niyang tawag habang lumalapit. “Kumusta ka ngayon?” Napalingon si Elian, bahagyang ngumiti ngunit mabilis din iyong naglaho. “Eto, gaya pa rin ng dati. Walang bago,” malamig niyang sagot. Hindi nagpakita ng sama ng loob si Sahara. Umupo siya sa tabi nito at maingat na hinaplos ang likod ng kanyang nobyo. “May dala akong tinapay, 'yung paborito mong may palamang coco jam. Gusto mo?” Umiling lang si Elian.