[SAGE's Point of View]
When I finally decided to do what I want, I thought it was already it. Pakiramdam ko sobrang tapang ko na dahil nagawa kong sabihin sa kanila kung anong gusto ko. Akala ko 'yun na 'yun, e. That everything will fall into place when I chose to be who I am. But I was wrong. Really wrong.
I never thought world could be this cruel, that life could be this hard. Ibang-iba pala ang mundo sa labas ng nakagisnan kong buhay.
"Hoy! Bilisan mo nga d'yan! Napakarami pang kailangang linisan. Ang kupad-kupad mo!" the grumpy manager shouted at me. Wala akong nagawa kundi mas lalong bilisan ang pagma-mop ng sahig habang nililigpit din ang mga silya.
It's already 4 in the morning but here I am, still mopping and cleaning the club's damn floor. Never in my life, not even once, I experience cleaning even a single dust. Pero tinalikuran ko ang buhay na 'yun for the sake of my dreams. And I'm starting to regret it.
"Sage, patulong naman muna du'n sa may CR," I heard Amy, my boy-like co-worker in this club, said. But I was too preoccupied to gave her a look.
"Hoy Sage! Tawag ka ni Amy!"
Natauhan ako bigla nang kalabitin ako ng isa pang katulad ko ay naglilinis din. That's when I realized I was the ‘Sage’ whom Amy was calling. Mas sanay kasi ako sa pangalang Sebastian. But I have to change my name and falsify my identity para hindi ako makilala ng sinuman. Hindi ako makakagalaw ng maayos kung malalaman ng lahat na isa akong Arellano.
It was hard to adjust, yes. I found it funny sometimes, though. People used to call me ‘Sir’. Pero ngayon, ‘hoy’ na lang. At kung ako dati ang nag-uutos, ngayon naman ako na ang inaalila.
"Ah, sige."
Sumunod ako sa bathroom to help Amy. But it was hell. I was a step closer to the door when an emanating and awful smell lingered in my nose.
"Sage, bilisan mo na!" Amy had to pull me inside dahil hindi na ako nakagalaw. At halos bumaliktad ang sikmura ko nang makita ang kalat ng lugar. I immediately covered my nose as my eyes roamed the disgusting place.
"Hays buwisit talaga, no? Ang bababoy ng mga lasing na gumagamit ng CR," she said while picking the cluttered rubbish on the tiled floor like cigarette butts and packs, broken glasses, plastic wrappers and those thin rubber-like sheath used as contraceptives. Seriously?
"Uy! Gumalaw ka na nga d'yan. Hindi magsasariling maglinis 'yan, no!" saway n'ya pa sa akin.
"What... should I do?" I hesitantly asked.
"Linisin mo 'yang sink. Puro suka, bumara na yata. Ayusin mo na lang."
I nipped my lips to prevent my self from saying anything or worst to curse. I'll clean someone's puke. How great.
Mabuti na lang ay may bitbit akong facemask, kahit papaano. I'm actually using this to cover half of my face, still to hide my identity. I also let my brunet hair to be dishevelled and covered my forehead. I bet, no one will notice me being an Arellano with this kind of get-up— messy and miserable.
"Oh ano? Nandidiri ka no?" I almost jump when Amy suddenly appeared beside me while I'm staring at the puke heaping in the sink.
Piniling ko na lang ang ulo ko at nagsuot ng rubber gloves. Pikit-mata kong inilubog ang kamay ko sa sink at pinilit tanggalin ang bumara sa drain.
"Alam mo, nagtataka talaga ako sa'yo Sage," Amy opened up while wiping the mirrors. "Obvious naman na rich kid ka kaya napapaisip talaga ako kung bakit ka nagtatrabahong server at cleaner sa ganitong lugar."
Saglit akong napatigil dahil sa mga sinabi n'ya. I don't know if this tomboy was just being observant or I was being too obvious.
"Bartender talaga ang in-apply-an ko," sagot ko sa kanya habang kinukutingting pa rin ang drain.
"Ah, kaya naman pala! Hulaan ko, wala ka pang experience sa pagba-bartending kaya hindi ka nakapasa no? Kaya heto ka ngayon, tagalinis ng suka ng iba."
I pulled my hands off the sink. I gave up. It was hopeless!
"The drain was clogged. Hindi ako marunong mag-ayos n'yan."
Tinanggal ko ang rubber gloves sa kamay ko at itinapon ito sa trash bin bago s'ya iwan doon. I'm not mad. I'm pissed. Not to that boyish Amy but to my self. I couldn't help but to feel so stupid, so predictable.
"Sage! Ang pikon mo naman," paghabol sa akin ni Amy. Kinuha ko na lang ulit ang mop at itinuloy ang ginagawa ko kanina.
"I am not," pagtanggi ko sa sinabi n'ya. "Hindi lang talaga ako marunong mag-ayos ng baradong sink."
"Alam ko, alam ko. Pero hindi naman tungkol du'n 'yung sadya ko sa'yo." Inagaw n'ya ang mop na hawak ko at iniabot sa kasamahan naming dumaan.
"May isa-suggest akong trabaho sa'yo. 'Di ba gusto mong mag-bartending? Ito parang bartending din pero... hindi alak ang mga hinahalo-halo." May dinukot s'ya sa bulsa ng kanyang pants at inabot sa akin ang isang maliit na card.
"Ayan. Barista ang hanap nila d'yan. Marunong ka namang magtimpla ng kape, no?"
I gave her a perplexed look. Why did she gave me this?
"‘Wag mo nga akong tignan ng ganyan!" saway n'ya sa akin. "Hindi ko na maatim na nakikita kang halos mamatay sa sobrang pandidiri sa paglilinis. At least d'yan, disente ang trabaho. Magtitimpla ka lang ng kape. Pero syempre, hindi ko pa rin sigurado kung tanggapin ka nila. I-try mo na lang!"
She patted my shoulder and left me dumbfounded while staring at the card. What's with her sudden concern? I know there is something off.
Binasa ko ang nakalagay sa maliit na card. There was a printed address on it. The name of the establishment was boldly written at the center and under it was its slogan.
DREAMS CAFÉ:
Take a sip of your dream![LOVELY's Point of View] "I’m really sorry, Miss Ferrell. Kumpleto na kasi talaga ang batch ng model namin for this summer," the fatty agency personnel told me with her forced and plastic smile. "What?! But why naman gano'n? I saw the poster outside saying na naghahanap pa kayo ng model. Like duh? Joke ba 'to?" reklamo ko sa kanya and rolled my eyes heavenward. "Kumpleto na nga, e. Naiintindihan mo ba? Kumpleto na. Don't worry, aalisin na namin mamaya 'yung poster para sa ikaliligaya mo." Hindi ko mapigilang magngitngit sa mataray n'yang sagot sa akin. She's so rude! Akala mo kung sinong maganda! E, drawing lang naman 'yung eyebrows n'ya. "Kung gusto mo, iwan mo na lang sa akin 'yung contact number mo para masabihan kita sa mga susunod na projects. Sa Halloween season, for sure makukuha ka. Sa ngayon, p'wede ka ng umalis—" "Wait a sec!" I cut her words off. "What do you mean by that, huh?" She huffed a litt
[LOVELY's Point of View]Tinanaw ko ang crossing lane. When I saw na tumawid ang mga taong kanina pa naghihintay na makapunta sa kabilang side despite of the exhausting heat, I made my first step and walked with confidence. Hindi ko iwi-waste ang fitted crop top shirt, high waist scalloped shorts, ang mamahalin kong aviators at pati na rin ang ankle booties ko para lang magmaktol. I dressed fashionably today thus, I'll ramp this with pride.Tinuring kong runway stage ang pedestrian lane at sumabay sa mga tumatawid. I let my hips move left and right as well as my swaying arms. Hindi na 'ko nag-care sa mga taong napapa-second look pa sa akin. Like duh? Why should I care?So, matapos ng pangmalakasan kong rampa sa street ay pumasok ako sa isang cafe na una kong nakita. Hindi ko pa din nakakalimutang my stomach was screaming hunger already.When I opened the door, the cold whiff from their air conditioner touched my heated skin. It was heaven! Dumiretso
[PSALM's Point of View] “In the midst of your dream, you'll experience a nightmare.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitingala ang dalawang palapag na bahay na ngayon ay malapit nang matapos. Tignan mo nga naman, oh. Parang kahapon lang puro pa 'yan pinagtagpi-tagping kahoy pero ngayon, isa ng mansyon. Sa wakas, matatapos na din. Matatapos na din ang bahay na katabi lang ng sa amin. Tsk, tsk. Kainggit. "Hoy Psalm! Ang gara ng suot natin, ah? S'an ang party-party?" Napaismid ako sa sinabi ng dakilang tambay na si Mang Gano na tumigil sa tabi ko. Ki-aga-aga ay amoy alak ito at wala pang pang-itaas na damit kaya nagsusumigaw ang bola-bola n'yang tiyan. "May gig ho ako ngayon e," swabe kong sagot ko sa kanya at inimuwestra ang sukbit kong bag ng aking gitara. "Gig, gig. Sus! E, manlilimos ka lang naman sa kalye habang ngumangawa ng kanta." Unti-unting napawi ang ngisi ko dahil sa sinabi n'ya at lihim ako
[PSALM's Point of View]"Jude sige na, oh. Kahit isang gabi lang. Sige na!" pagpupumilit ko kay Jude na akala mo ina-allergy kung makakamot ng batok n'ya."Hindi nga p'wede, pare. May nakuha na kaming singer, e. Hindi talaga kita maisisingit sa ngayon. Pero hayaan mo, kapag may bakante tatawagan agad kita.""Sure ball 'yan, ha? Aasahan kita," paniniguro ko."Oo, oo! Sige na, may gagawin pa ako e. Sa susunod na lang!"Mabilis n'ya akong tinalikuran at muling pumasok sa bar. Kasabay nito ang pagbagsak ng mga balikat ko. Bahagya akong sumilip sa glass door nito at nakitang nagpa-praktis s'ya kasama ang kanyang buong banda. Hindi ko maiwasang isipin na baliktad na talaga ang mundo. Dati sila itong nagmamakaawa na kumanta ako para sa banda nila. Nawala lang ako ng ilang linggo, mukhang nakalimutan na nila ako. Kaya heto ako ngayon, hindi basang-basa sa ulan pero 'yung mata ko malapit ng bumaha."Hays Psalm," kagat-labi kong bulong s
Chapter's Theme: “A mere coincidence might be a tricky destiny.”[PEN's Point of View]Kanina pa kumakatok sa pinto ko si Faye. Sa ilang minuto n'yang pagkalampag ng pintuan ko, dapat alam na n'yang ayoko s'yang pagbuksan. Hindi naman sa ayaw ko talaga s'yang pagbuksan. Sabihin na lang nating... ayoko lang.Matapos n'yang sabihing bumaba na lang ako para kumain, tumigil na din s'ya sa pagkalampag ng pintuan ko. Kaya naging tahimik na ulit ang paligid ko. Tahimik at madilim. Tanging ang isang bukas na lampshade sa ibabaw ng drawer chest ang maliwanag. Tumatama ang ilaw nito sa aking mukha dahilan para mas lalo kong makita ang katangahang ginawa ko.Tulala ako sa sarili kong repleksyon sa salamin habang hawak-hawak ang isang gunting. Nanginig ang mga labi ko kaya agad ko itong kinagat."Bakit ko ba naisip na gawin 'to?" tanong ko sa kawalan habang pi
[PEN's Point of View]Makailang beses akong napakurap. Huli na ng ma-realize ko kung sinong kaharap ko."Ah— g-good morning, ma'am?" Kinakabahan kong pagbati. Ngayon ko nakumpirma na mabagal talaga ang proseso ng utak ko dahil inabot ako ng isang minuto bago mag-sink in sa utak ko kung sino s'ya.Tinignan n'ya ako pabalik na umabot din ng ilang segundo bago s'ya tumawa ng mahina. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at sumilay ang mapuputi n'yang ngipin. Nakakainggit. Parang hindi n'ya naranasang mabungi dahil perpekto ang kanyang ngiti."Ma'am? I'm just an applicant here, silly."Nabalik ako sa wisyo at naramdaman ang paglaki ng mga mata ko. Tinignan ko ulit s'ya mula ulo hanggang sa takong ng sapatos n'ya.S-seryoso? Aplikante s'ya sa lagay n'yang 'yan?Nakasuot s'ya ng fitted na pink blouse at pencil skirt na hindi man lang umabot sa tuhod n'ya kaya kitang-kita ang makinis at kumikinang sa puti n'yang
Chapter's Theme: “Dare to do the things that scare you.” [PEN's Point of View] "Thank goodness!" Natauhan ako nang marinig ang sigaw ni Lovely at ang pagtunog ng chime hudyat ng pagbukas ng pinto kaya mabilis akong lumingon ulit paharap. May nakatayong babae sa may entrance. Base sa suot n'yang uniform, s'ya yata ang manager ng cafe. Malinis at pormal s'yang tignan pero nakaguhit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti. "Oh, kayo na pala 'yan. Akala ko may narinig akong aso't pusang nag-aaway," malumanay at medyo natatawa n'yang sambit. "Anyway, come in." Nag-unahang pumasok si Lovely at Psalm kaya halos ma-stuck sila sa pinto. Kung hindi pa nagpaubaya si Psalm ay baka hindi na din ako nakapasok. Malalaki ang hakbang ko papasok pero agad ding akong napatigil nang makita ko ang kabuuan ng loob ng cafe. Katulad ng inaasahan ko, hindi ito masyadong malaki pero dahil maayos ang pagkaka-ayos ng mga kagamitan, maluwag itong tignan.
[PEN's Point of View]"I guess, may nakita s'ya na something special sa applications n'yo kaya hinire n'ya kayo agad and don't worry, we're operating legally." Dagdag pa ni Miss Maggie at itinuro ang isang frame na naka-display malapit sa counter. Business permit yata 'yun.Ilang minuto din ang lumipas bago s'ya muling magsalita. Wala kasing nagbabalak na umimik sa aming apat."Okay, kung wala na kayong tanong, I have here the contract." Kinuha n'ya ang isang envelope at inilabas ang sinasabi n'yang kontrata. Binigyan n'ya kaming apat at hinayaang basahin muna iyon."Go on. Read the terms and conditions carefully. You can take your time."Binasa ko naman ng mabuti ang kontrata. Nakalagay dun na weekly ang sweldo namin. Monday to Friday ang trabaho, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-quatro ng hapon. Malaki-laki din ang sweldo kung tutuusin. Actually, first time kong magtatrabaho kaya hindi ako aware sa mga salary rate pero para sa akin, malaki n