แชร์

CHAPTER 2

ผู้เขียน: Morticia
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-19 20:23:21

“Maria Rassa!” sigaw ni Felize. Lumipat nga pala kami ng puwesto kanina kaya heto at sinisigaw niya ang pangalan ko, hinahanap kami. Agad naman akong kumalas kay Alezandro at iniwas ang aking tingin. I felt Alezandro smile because of my actions.

‘Wag mo ko titigan Alezandro. Natutunaw ako.

“Felize!” sigaw ko sa kanya. Winagayway ko ang dalawa kong kamay para makita agad niya kami. Sumusungad pa lamang siya ay nakataas na ang kanyang kilay. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagtataka bakit kakaiba ang ikinikilos naming dalawa ni Alezandro pero ipinagkibit-balikat ko na lang.

“Your dad is calling for us. Let’s go eat.” sabi nito kay Alezandro. Tumango naman kaming dalawa. Hinatak ko si Felize at nauna na kaming naglakad.

“Gurl para kang nakakita ng multo.” natatawang sabi nito. “May ginawa ba sa’yo si Alezandro?” sunod niyang tanong. I shrugged and continued walking. Ang mga ganitong bagay ay dapat pinag-iisipan ikwento kay Felize dahil hindi niya ako tatantanan tanungin ng mga detalye.

Besides, who knows if nakikipaglaro lang si Alezandro?

Natapos ang dinner at wala namang kakaibang pinag-usapan kundi ang negosyo at pagtira nila Felize sa America. Aaminin ko, isang tinik ang mawala si Felize sa tabi ko. I don’t have a lot of friends, and I treat her as my sister. Sinabi niya rin sa akin noon na isang sabi ko lang na huwag siyang umalis ay hindi niya itutuloy. But what kind of friend am I kung ipagkakait ko kay Felize ang mas successful na career sa ibang bansa.

Bukod sa nararamdaman kong lungkot, buong dinner naramdaman ko ang malagkit na titig ni Alezandro. Minsan ay sinususlyap ko siya at kumukunot ang aking noo dahil ngumingiti siya sa akin. Nginingitian din naman niya ako noong magkaibigan kami, pero kakaiba ang ngiti niya ngayon. Napapansin na rin ni Felize ang tinginan naming dalawa kaya iniwasan ko munang lingunin si Alezandro.

Ang haba na yata ng nilakad namin ni Felize patungo sa aming kwarto. Hindi naman ganon kalayo ang cottage namin pero the walk going there feels long, yet dreamy. Dahan-dahan kong hinaplos ang mga labing hinalikan ni Alezandro. Hindi pa rin ako makapaniwala na hahalikan niya ako nang ganoonn na lamang. What happened? Tama ba ang narinig ko? Gusto niya rin akong pakasalan?

“Maria Rassa.” Felize firmly called my name trying to bring me back to reality. Tiningnan ko naman siya agad at nagtaas ang kanyang kilay. Umiling naman siya habang binubuksan ang aming p***o.

Nang makapasok kami sa loob ay nadatnan namin si daddy naka-upo sa sofa bed. Felize motioned to stay outside habang mag-uusap kami ni daddy sa loob. Sa sobrang focus ko kay Alezandro, ni hindi ko man lang napansin na umalis na pala ang tatay ko kanina sa hapagkainan.

Damn you, Dela Vega.

“Raze.” tawag niya sa akin. Siya lamang ang nagtatawag sa akin ng ganyang pangalan. Napansin ko ang mga mangilan-ilan niyang puting buhok at kulubot sa kanyang noo. Due to the company’s problem, my daddy looked 10 years older because of stress. If only mommy is around.

“Daddy, kumain ka po ba nang maayos?” concerned kong tanong sa kanya habang tumatabi sa kanya. He smiled widened when I playfully poked his tummy. He hesitated for a few more seconds before finally asking his question.

“I didn’t expect that the arrangement would move faster than I expected.” wika niya. “Even if we are in this circumstance, Raze, gusto mo bang maikasal kay Alezandro? Kasi I can talk to your Tito Gabriel if you want.”

I gently pressed his hand and smiled reassuringly. Tumango naman ako sa kanya bago sumagot.

“Daddy, you don’t have to worry about me. You’ve known Alezandro all his life. Wouldn’t it be better to trust him than anyone, especially with the company?”

“I can ask for help from other people kung ang kumpanya lang ang iniisip mo. I know someone out there still believes in our company.” mariin niyang sabi.

“Dad, I am gonna be fine. Gusto ko maikasal kay Alezandro.”, banayad kong sabi. Bahagyang napaawang ang labi ang tatay ko.

“I like him, Daddy.” nahihiya kong dugtong. He nodded and patted my hand. Bumuntong hininga siya bago magsalita ulit.

“Hay, Elizabeth. Our daughter is finally a woman.” my dad smiled at me. “You look like your mom as you grow older.”

Nagkwentuhan pa kami saglit ni daddy bago siya lumabas ng aming cottage. Pumasok naman agad si Felize sa aming cottage at ngumiti. Naramdaman din niya siguro ang bigat ng usapan namin ng daddy ko.

Nauna nang magshower si Felize dahil napagdesisyunan kong tumambay muna sa tabi ng dalampasigan. Moments like these make me question what would life be if my mom was around.

Will she recognize the little girl she used to carry in her arms?

Will she be happy with the woman I've become?

Or will she wish she had been there to teach me a few more things?

Especially now na kailangan na kailangan siya ni Daddy. Minsan naiisip ko kung paano nakakaya ni Daddy na bumangon araw-araw nang wala siyang katabi o kayakap sa kama. He could have left me to fend for myself, but he didn't. Strikto man si Daddy noon, naiintindihan ko na kung bakit ganoon siya sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone. Bumungad sa akin ang message ni Alezandro.

‘Go inside. It’s freezing.’

Nilingon ko ang paligid at namataan siyang nakasandal sa puno ng niyog malayo sa aming cottage. Ganito naman talaga siya kaalaga sa amin ni Felize noon pa ngunit hindi ko lang maiwasan bigyan ng ibang kahulugan. I texted him back.

‘Sinusundan mo ba ako? Miss na miss a.’

Lumalakas ang loob natin, Rassa ha. Tapos iiyak-iyak pag nasaktan.

‘Hihingi pa sana ng isang kiss’ he texted back.

Tinipa ko ang cellphone ko ngunit hindi ako makabuo ng simpleng message man lang. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at pagbuo ng maliliit na butil ng pawis sa aking noo. Napakagat ako sa aking labi sa kaharutan ni Alezandro.

A few minutes went by at nag-text ulit siya sa akin.

‘Go inside, I’m serious. ‘

Tumayo naman ako agad sa aking pwesto at nilingon siya. Nakasandal pa rin siya sa puno ng niyog. Naka-palit na siya ng damit. Mas gwapo siya ngayon sa suot niyang black tshirt at pajama. Alam kong kahit medyo malayo ang pagitan ng niyog at aming cottage ay nakangiti ito sa akin dahil sa ikinikilos ko.

You better be serious about that kiss, Alezandro, bulong ko sa aking sarili.

Pumasok naman ako sa cottage na tulog na tulog si Felize. Ni hindi na ata niya napansin na medyo napalakas ang pagsara ko sa p***o dahil sa lakas ng hangin sa labas. Binilisan ko ng mag-shower bago humiga sa aming kama.

Hindi ko maalis sa isipan ang iginawad na halik ni Alezandro. Kung bakit bigla niya akong hinalikan, kung bakit napakabilis ng pangyayari at ano ang ibig sabihin niyan itinaboy niya ang mga manliligaw ko.

Ngunit isa lamang ang sigurado ako.

I am falling for him even more.

And I am scared of it.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Drowned Beneath His Ocean   CHAPTER 5

    flashback“Where have you been yesterday, Maria Rassa?!” bulyaw ni Daddy. If looks could kill, kanina pa ako nailibing at naiburol ni Daddy at the same time. “Ni hindi ka nagpaalam! Ni hindi ka umuwi! Ano bang pumasok sa kokote mo?!”Tumakas kasi kami ni Felize kagabi para pumunta sa party ng kaklase namin. The plan was to get home by 10 p.m. since Daddy usually arrived home around 10:30. Ang problema, alas-otso pa lang ay lasing na kaming dalawa ni Felize, at nabutasan pa ng gulong ang kotse niya.Hindi rin namin ipinaalam kay Alezandro kung saan kami pupunta. Nang mag-text si Daddy sa kanya kagabi para itanong kung nasaan ako, hindi ko rin sinagot ang mga tawag at mensahe niya. I even turned off my phone. Hindi ko lang talaga alam kung paano niya kami nahanap sa bahay ng kaklase ni Felize.Ang natatandaan ko na lang ay nagising kaming dalawa sa loob ng sasakyan ni Alezandro, may McDonald's breakfast pang naghihintay sa amin.After dropping Felize off, Alezandro immediately drove to

  • Drowned Beneath His Ocean   CHAPTER 4

    Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong piningot ni Felize sa tainga. I swear, if she weren't my friend, sinigawan ko na siya kanina pa.“Masakit Felize ha!” pasigaw kong sinabi habang minamasahe ang tainga ko. What is this girl fuming about?“Something happened and you didn’t tell me!” maktol niya. “Hindi mo ba ako kaibigan?”“You were asleep last night! How was I supposed to tell you?” depensa ko. Lumipat naman ang tingin namin kay Alezandro na papalapit pa lamang. Ngayon ko lang napansin ang magulo niyang buhok. Suot niya ang white beach polo shirt at khaki shorts. Kahit basahan ang ipasuot mo sa kanya ay hindi mo maipagkakailang pogi naman talaga siya. Kaya nga type kita e. “I’m sorry about that, Rassa,” malumanay niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko. What is he apologizing for? Ngayon lang naman kami nagkita ngayong araw.Napansin naman agad niya ang pagkunot ng aking noo. Umupo siya sa tabi ko bago tumikhim.“It wasn’t my intention to bring Dani here. Nagpumilit lang siy

  • Drowned Beneath His Ocean   CHAPTER 3

    Nauna nang gumising si Felize sa akin dahil may lakad sila ni Alezandro sa bayan. Hindi rin naman ako interesado sa pag-uukay ng damit kaya hindi na rin nila ako isinama. Nang kumalam ang aking sikmura, napagdesisyunan kong lumabas na ng cottage at magtungo sa dining hall ng resort. Nagdamit lang ako ng maikling shorts at crochet halter top. Wala rin namang ibang tao rito dahil nirentahan ng pamilya ni Alezandro ang east wing ng resort. The west side remains open sa public kaya dun siguro na-meet ni Alezandro si Dani. Whatever, Dani.Kumuha lang ako ng pandesal, bacon, at maraming strawberry. Hindi ko na pinansin ang iba pang nakahain dahil hindi naman talaga ako palakain pag umaga. Hindi ko lang kasi na-enjoy ang pagkain ko kagabi ng inihaw na tuna dahil sa lagkit ng tingin sa akin ni Alezandro kaya heto at ang bilis ko nagutom. Inienjoy mo rin naman matitigan.Ang lamig ng simoy ng hangin. May araw naman ngunit natatakpan ito ng mga ulap. Kaya pinili kong kumain sa labas sa para

  • Drowned Beneath His Ocean   CHAPTER 2

    “Maria Rassa!” sigaw ni Felize. Lumipat nga pala kami ng puwesto kanina kaya heto at sinisigaw niya ang pangalan ko, hinahanap kami. Agad naman akong kumalas kay Alezandro at iniwas ang aking tingin. I felt Alezandro smile because of my actions. ‘Wag mo ko titigan Alezandro. Natutunaw ako. “Felize!” sigaw ko sa kanya. Winagayway ko ang dalawa kong kamay para makita agad niya kami. Sumusungad pa lamang siya ay nakataas na ang kanyang kilay. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagtataka bakit kakaiba ang ikinikilos naming dalawa ni Alezandro pero ipinagkibit-balikat ko na lang. “Your dad is calling for us. Let’s go eat.” sabi nito kay Alezandro. Tumango naman kaming dalawa. Hinatak ko si Felize at nauna na kaming naglakad. “Gurl para kang nakakita ng multo.” natatawang sabi nito. “May ginawa ba sa’yo si Alezandro?” sunod niyang tanong. I shrugged and continued walking. Ang mga ganitong bagay ay dapat pinag-iisipan ikwento kay Felize dahil hindi niya ako tatantanan tanungin ng mga deta

  • Drowned Beneath His Ocean   CHAPTER 1

    Iniukit ko ang pangalan ko sa buhangin sa dalampasigan. Hinawi ng hangin ang mahaba kong buhok dahil sa malamig na simoy ng hangin, simbolo ng malapit na pagdiriwang ng kapaskuhan. Nandito kami ni daddy sa resort, kasama ang pamilya nila Alezandro at Felize. Belated graduation gift na rin daw namin ito dahil sa pagtatapos namin sa college. Isinabay na rin namin ang bonding naming tatlo dahil aalis na si Felize patungong New York kasama ang pamilya niya. Dagdag mo pa ang pagfa-finalize ng parents ni Alezandro at ni daddy ng merger at ng aming kasal. “Ra-ssa”, basa ni Felize sa aking pangalan. “Let me write my name beside yours.” Pinanood ko si Felize humanap ng stick pansulat habang tinabihan naman ako ni Alezandro at ramdam kong tinititigan niya ako. Batid kong may gusto siyang itanong sa akin, ngunit ilang beses lamang niyang binubuka ang bibig niya bago muling isara. As if he were rehearsing the words in his head. “Spill it, Alezandro.” udyok ko sa kanya at tinitigan siya sa kan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status