LOGIN
MADILIM ang gabi at hindi maiwasan na mapatingala ni Hiraya at sumalubong sa paningin niya nag madilim na kalangitan na wari’y ba ay nagbabadya ang malakas na ulan.
Direcho lang ang kanyang lakad at lihim na nagdarasal na sana hindi siya abutan ng malakas na ulan kaya lang, hindi pinakingan ng langit ang kanyang mumunting kahilingan. Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Hawak ang kanyang payong, mag-isang naglalakad si Hiraya sa madilim na kalsada, ang bawat hakbang niya ay sumasalpok sa mga naipong tubig-ulan. Basa na ang kanyang mga sapatos, manhid ang kanyang mga daliri sa paa dahil sa lamig. Matagal nang sira ang mga ilaw sa kalsadang ito, kaya balot ng dilim ang buong paligid. Takot siya sa dilim, at ramdam niya ang lamig sa buo niyang katawan. Humahalo ang magulong lagaslas ng ulan sa bahagyang naririnig na yabag ng mga paa, na malinaw niyang naririnig. Hindi niya napigilan na napakagat sa kanyang labi. Nanigas ang kanyang mga kalamnan at mariin niyang hinawakan ang hawakan ng payong—sobra ang higpit hanggang sa naramdaman niya na lang ang biglang pamamanhid ng palad. Palapit nang palapit ang mga yapak na naririnig niya. Tumayo na din ang balahibo niya sa matinding takot. Bumilis ang kanyang lakad, ngunit hindi siya nangahas na lumingon. Sa pagmamadali, inilabas niya ang kanyang telepono. Tumalsik ang tubig-ulan sa screen, ngunit wala na siyang pakialam. Nabura ang lahat sa kanyang isipan, at ang naninigas niyang mga daliri ay kusang tinawagan ang kanyang fiancé—si Alfred Villamor. Idinikit niya ang telepono sa kanyang tainga, ngunit walang sumasagot. Napakalapit na ng mga yabag—halos maramdaman na niya ang presensya nito. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata habang taimtim siyang nanalangin na sana’y sagutin ni Alfred ang tawag. Bago tuluyang maputol ang linya, magulong mga boses at kantahan ang narinig mula sa kabilang linya Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Nanginginig ang kanyang boses habang nagsalita, halos mabulunan sa takot. “Alfred… may sumusunod sa akin! Natatakot ako… Puwede ba… puwede mo ba akong sunduin?” *** ** Sa loob ng pribadong silid ng bar, umiikot ang usok, punô ang hangin ng amoy ng nikotina. Ang pulang at gintong ilaw ay sumasalamin sa mga baso at bote ng alak, umaapaw sa maluho at hindi mailarawan na karangyaan. Natigilan si Alfred Villamor, humigpit ang pagkakahawak sa kanyang kuwintas. “Gabi na. Ano bang ginagawa mo pa sa labas?” “Pumunta ako sa mall para bumili ng bagong iPad. Kailangan ko ’yon sa trabaho. Alfred, pakiusap! Natatakot talaga ako. Maaari ka bang pumunta?” Hindi naman mapigilan na mapakunot noo ni Alfred. Bago pa siya makasagot, narinig niya ang malanding pagtili ng isang seksi na babae na gumigiling sa ibabaw ng entablado. Nakuha nito ang kanyang buong attention at hindi niya mapigilan ang mapakat labi. “Hiraya naman! Tanga ka pa rin hangang ngayun. Kung nasa panganib ka man ngayun or whatsoever, tumawag ka ng pulis. Palagi ka na lang gumagawa ng eksena eh. Nakakairita ka na!” Hindi naman makapaniwala si Hiraya sa kanyang narinig mula sa kanyang kasintahan. Kasabay ng paghampas ng malaming na hangin at tubig ulan sa kanyang mukha ay ang reyalisasyon na kaya pala siyang baliwalain ng kanyang fiancé. Samantalang sa loob naman ng bar, Itinaas ni Jona ang kanyang baso kay Alfred. “Alfred, birthday ko ngayon. Nangako ka sa akin na icecelebrate natin ang birthday ko ngayung gabi. Walang aalis, dapat dito ka lang at mag enjoy tayong lahat.” Hindi naman mapigilan ang mapangiti si Alfred. Habang nakadikit ang kanyang cellphone sa kanyang tainga naririnig niya ang malakas na ulan mula sa kinaroroonan ng nobya niyang si Hiraya. “Sure! Iinom tayo ngayun! Let’s enjoy!” nakangising sagot ni Alfred sabay taas ng kopita na may lamang alak at direchong tinungga iyun. Wala siyang itinira na kahit na isang patak kaya naman hindi mapigilan na mapangisi ni Jona. “Ang decisive mo talaga! Mamaya, may reward ka sa akin. Alfred.” Nang-aakit ang tono ng boses ni Jona kaya naman hindi mapigilan ni Alfred na makaramdam ng pag-iinit. Muli nitong kinausap ang kawawang nobya na nasa kabilang linya at wala siyang pakialam kung ano man ang mangyayari dito ngayung gabi. “Hiraya, kasama ko ang mga kaibigan ko ngayun. Nandito kami sa bar at hindi ko sila pwedeng iwan. Mag-taxi ka na lang pauwi kung gusto mo.” Nakangising sagot niya sa kanyang nobya at tuluyan nang pinatay ang tawag. Pagkababa ng tawag, basta na lang niyang inihagis ang telepono sa tabi. “Alfred! Alfred!” sigaw ni Hiraya, halos nagwawala, ngunit katahimikan lamang ang sumagot. Dalawang taon ang tanda ni Alfred kaysa sa kanya, at sabay silang lumaki. Sa paaralan, inaalagaan siya nito. Nang mamatay ang kanyang mga magulang at siya’y kutyain at mabully, si Alfred ang tumayo para sa kanya at pinilit ang mga bully na humingi ng tawad. Nang magkasakit siya ng mataas na lagnat at mawalan ng malay, nagbantay si Alfred sa kanyang tabi buong magdamag. Ngunit simula nang opisyal silang naging magkasintahan isang taon na ang nakalipas, unti-unting nagbago ang lahat. May malapit na kaibigan si Alfred mula pa noong high school—si Jona. Palaban at matapang at mata-pobre. Matagal nang lumampas sa hangganan ang kanilang ugnayan. Paulit-ulit na pinaalalahanan ni Hiraya si Alfred tungkol dito. Laging ginugulo ni Jona ang sitwasyon, at kailanman ay hindi ipinagtanggol ni Alfred kay Jona. Sa halip, inaakusahan siya nitong sobra ang reaksyon at nag-iinarte. Maraming beses silang nagtalo dahil kay Jona, ngunit dahil sa mga utang-na-loob sa Pamilyang Villamor, siya ang laging unang humihingi ng tawad. Ang biglaang pagkakaputol ng tawag ay parang yelong bumalot sa kanyang buong katawan. Nang tinangka niyang muling mag dial para tumawag ng pulis, biglang may isang malaking kamay ang humawak sa kanyang braso, hinablot ang kanyang payong at bag kasabay ng maliwanag na kidlat ang gumuhit sa buong paligid. Malinaw niyang nakita ang lalaki. Nakasuot ito ng itim na kapote, magaspang at mamantika ang mukha, may dilaw na mga ngiping nakalantad at manyak na nakangisi. “BOOM!” Sumabog ang halos nakakabingi na kulog Patuloy na humahampas ang ulan, umuungal ang hangin na parang mabangis na halimaw, tila handa siyang lamunin. “Huwag mo akong hawakan! Tulong! Tulungan niyo po ako!” sigaw ni Hiraya desperadong nagpupumiglas at inihampas ang kanyang cellphone sa lalaki. Tinabig lang ng lalaki ang kanyang kamay, nabitawan niya ang cellphone at bumagsak iyun sa hindi kalayuan. Dumidikit ang kanyang manipis na summer dress sa kanyang katawan at kitang kita niya ang may pagnanasang tingin ng lalaki sa kanya. “Walang darating para iligtas ka! Mas mabuti pang magpakabait ka na, pretty girl!” kasabay ng malakas na halakhak na umalingawngaw sa buong paligid. Lalo namang pinaghinaan ng loob si Hiraya. Naghahalo na ang tubig ulan at luha sa kanyang pisngi dahil sa takot lalo nan ang bigla na lang hawakan ng lalaki ang kanyang damit at pilit na punitin iyun. Ngunit, isang malaking himala ang nangyari. Sa hindi kalayuan, bigla na lang mayuy tumagos na ilaw ng mga headlight ng sasakyan mula sa dilim. Natigilan ang lalaki at napasapo sa mga mata. Bumukas ang likurang pinto ng sasakyan bago pa man ito tuluyang huminto ay bumaba ang isang lalaking nakasuot ng perpektong itim na suit. Matangkad at nakakatindig-balahibo ang tindig, matalim ang hulma ng mukha, naglalabas ng awtoridad na pagalaw. Sa isang kisapmata, nasa harapan na ito ng lalaking naka-kapote Hinablot nito sa kwelyo, habang mariin na nakakuyom ang isang kamao. Umumbok ang mga ugat sa mga kamay. Dumilim ang mukha sa galit, at mula sa dati’y kalmadong mga mata ay sumiklab ang malamig at nakamamatay na mga titig. Ang lalaking naka-kapote—mayabang lang sa itsura—ay nanginig sa takot. Isang suntok ang tumama sa mukha nito. Tumalsik ang dugo at mga ngipin. Hindi pa nasiyahan, sinipa nang malakas sa tiyan. “Ah! Ah!” Gumulong ang lalaki sa lupa, yakap ang tiyan, humihiyaw sa sakit na para bang nagkalasog-lasog ang kanyang laman-loob.“Kanina lang, ipinagyayabang ni Alfred ang tinatawag niyang ‘kaibigan,’. Pinagsabihan ko siya, pero sinabi niyang nag-ooverthink lang daw ako at friendly lang naman siyang tao” wika ni Abner habang pasulyap na tinitingnan si Miguel, tila sinusubukang pagaanin ang mga salitang binitiwan. Ang tinutukoy niya ay si Jona na kung makalingkis ngayung kay Afred ay parang ito ang tunay na fiancé. Wala sa sariling napayuko si Hiraya, ayaw niyang makita ng mga kaharap niya ang hiya at pagkadismaya na nararamdaman niya ngayun. Ganito pala ang ibig sabihin ni Alfred ng pagiging “busy sa trabaho” at kaya hindi siya nito nasundo kanina. Ipinapakilala ang kunwari malapit na kaibigan na si Jona sa mga panauhin, ipinagmamalaki na parang ito ang hostess ng gabi. Tunay na nakakatawang isipin. Tiningnan ni Abner si Hiraya na tahimik at nakayuko lamang, saka hinarap si Miguel. “Miguel, siguro dapat mong kausapin si Alfred. Paalalahanan mo siyang magtakda ng hangganan.” Magkakaedad sina Abner,
“Uncle, sandali lang po. Bababa na ako ngayon.” Hindi maunawaan ni Hiraya kung bakit siya sinusundo ngayun ni Miguel Villamor. Habang isinuot niya ang kanyang high heels, muling dumaloy sa alaala niya ang naganap na aksidente ng nakaraan---- Hindi man niya personal na nasaksihan ang naturang aksidente, ngunit ang imahe ng duguang mga katawan ng kanyang mga magulang at ang kapatid niyang si Rommel ay malinaw pa rin sa kanyang balintataw, balot ng dugo, malubhang sugatan at walang malay. Tuwing naiisip niya iyon, parang hindi niya kinakaya ang sakit. Kaya nga simula noon, hindi niya na kayang magmaneho ng sasakyan. Sa sandaling maupo siya sa driver’s seat, naninigas ang buong katawan niya. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso, nanlalamig at naninigas ang kanyang mga kamay at paa, hirap siyang huminga, at parang nagyeyelo pati ang kanyang isipan. Hindi talaga niya kayang magmaneho. Kaya hindi niya ito ginagawa. Natatakot siya kaya nga simula noon, hindi niya na kayang humawak
Dumating na ang selebrasyon para sa kaarawan ni Lolo Villamor. Ang Pamilyang Villamor ay nasa pinakatuktok ng mataas na lipunan sa Maynila, at ang ikapitumpung kaarawan ng matandang patriyarka ay tunay na isang engrandeng okasyon. Nagningning ang mansyon ng mga Villamor sa liwanag, halos kasingliwanag ng araw. Walang patid ang pagpasok ng mga mamahaling sasakyan. Ang napakalawak na pangunahing bulwagan ay kumikislap na parang palasyo. Ang mga kristal na chandelier ay tila mga ilog ng bituin na bumababa mula sa kisame, ang malambot na liwanag ay sumasalamin sa mga desenyo sa dingding. Tinakpan ng mga hinabing Persian carpet ang sahig. Ang masinsing inukit na mga kagamitan sa mesa ay nakaayos nang perpekto. Ang mga sosyalita at mayayamang tagapagmana ay nakasuot ng nakasisilaw na mga gown, ang kanilang mga diyamante at hiyas ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw. Ang mga lalaki naman ay naka-tailored suit at walang kapintasan ang mga kurbata, ang mamahaling relo sa kanilang mga
Matapos makipag-usap sa kaibigang si Lina, agad bumalik si Hiraya sa pagguhit ng kanyang komiks. May likas na talento siya sa sining mula pagkabata, at nagsimulang maglathala ng mga komiks online sa edad na labing-walo. Mabilis na sumikat ang kanyang mga gawa, palaging nasa itaas ang rankings. Nakakontrata rin siya sa pinakamalaking domestic animation platform ang PixelGarden Studio. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipaalam ng kanyang editor na ang una niyang komiks, Oath of Love and Crown, ay isasalin bilang isang TV series—at siya mismo ang magiging screenwriter. Napili na ang gaganap bilang male lead, ngunit hindi pa napagdedesisyunan ang female lead. Medyo matatagalan pa bago magsimula ang filming. Masinsinang nagtrabaho si Hiraya, inaayos ang kuwento habang sinisikap panatilihin ang orihinal na diwa nito. *** ** Naputol ang kanyang konsentrasyon nang tumunog ang kanyang phone. Bahagya siyang nainis at sinilip ang caller ID. Nang makita ang pangalang “Alfred Vil
“Magkaibigan lang? Talaga lang ha? Gawain ba ng tunay na magkaibigan ang ginagawa ng dalawang ahas na ito?” malakas na sigaw ni Hiraya. Muling pumatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata habang tinitigan niya kung paano naghahalikan sila Alfred at Jona. Noong high school, magkatabi ang naging upuan nila Alfred at Jona at doon daw nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa. Two years ang agwat ng edad nilang dalawa ni Alfred at magkaiba ang kanilang mga social circle. Bukod pa roon, sinapit ng Pamilyang Natividad ang sunod-sunod na kamalasan na siyang naging dahilan kung bakit naging mailap siya sa ibang tao. Kaya nga hindi niya namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang fiancé niyang si Alfred kay Jona eh. Wala siyang alam. Hangang sa makita niya ang video na ito. Kung hindi dahil sa utang na loob, baka magdalawang isip din siyang pumayag sa engagement na ito eh. Lalo na at may iba pa siyang priority sa buhay. Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at ng malubhan
Pagkatapos maligo ni Hiraya, muli siyang lumabas ng silid kung saan nadatnan niya si Miguel na prenteng nakaupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone. Nakaligo at nakabihis na din ito at halatang hinihintay nito ang kanyang paglabas. “Uncle, salamat po.” Nakangiting wika niya sabay dikit ng mapula niyang labi sa pinsgi nito tanda ng taos pusong pasasalamat. “Walang anuman.” Parang na istatwa namang sagot ni Miguel sa kanya. Ilang minuto din na tulalang napatitig si Miguel sa dalaga bago siya nag-iwas ng tingin dito. “Uncle, kailan po pala kayo bumalik dito sa Pilipinas?” muling tanong ni Hiraya sa binata na sinabayan niya pa ng pagsinghot dahil feeling niya sisipunin siya. “Kaninang hapon,” sagot ni Miguel, bahagyang umangat ang kanyang kilay. “May gamot ka ba sa sipon dito?” “Meron.” Kinuha ni HIraya ang isang maliit na kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV stand. Inihanda iyon ng kanyang kuya para sa kanya. Kumuha si Miguel







