LOGIN
Isang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata ni Ruby nang maramdaman niya ang pagpasok ng pagkalalaki ng lalaking nasa ibabaw niya. Napakagaspang at walang kaiingat-ingat ang mga kilos nito ngunit huli na para umatras pa siya.
******
Halos mapalundag si Ruby nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong inabot at pinatay ang tawag. Nang makita niya ang oras ay dali-dali siyang tumayo mula sa kama at pinulot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Nang matapos magbihis ay aalis na sana siya ngunit halos matulos siya sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang baritonong boses mula sa likod niya.
“Mukhang may nakakalimutan ka yata?”
Dahan-dahan siyang lumingon dito. Kitang-kita niya ang puno ng pang-uuyam na mukha nito ngunit kapansin-pansin din ang malalamig nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.
Napalunok siya dahil parang nanuyo bigla ang lalamunan at bibig niya. Binuksan niya ang kanyang bag at naglabas ng ilang libo mula doon bago inilapag sa dulo ng kama. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi. “Thank you for last night. It was wonderful.” pagkasabi ng mga salitang iyon ay dali-dali na siyang lumabas ng hindi na lumilingon pa kahit na narinig niya ang pagtawag nito mula sa likod niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya paglabas niya ng silid bago napakagat labi. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng buong katawan niya lalong-lalo na ang mga pagitan ng mga hita niya.
*****
Hindi makapaniwalang napatitig si Zach sa perang ibinaba ng babae. Hindi siya makapaniwalang inisip nito na isa siyang bayarang lalaki. Natawa siya ng pagak. “What an experience.” bulalas niya bago napahilot sa kanyang sentido.
Kababalik niya lang sa bansa pero ito ang naging salubong ng pagdating niya. Nagtungo siya sa isang club kagabi para sana mag-enjoy ngunit bigla na lang niyang nakasalubong ang babae at kinaladkad dahilan para humantong siya sa ganito.
Hindi siya yung tipong basta-basta na lang nakikipag one night stand sa kung sino-sinong babae pero kagabi, hindi niya alam ngunit sa bawat halinghing at pag-ungol nito ay para bang nagiging musika sa kanyang tenga. Bukod pa doon ay hindi siya nakakatulog kapag may katabi siyang ibang tao sa kama ngunit kamangha mangha na ang babaeng iyon ay kakaiba dahil hindi lang basta siya nakatulog kundi napakahimbing ng tulog niya.
…
Nagmamadaling bumaba si Ruby mula sa taxi na sinakyan niya patungo sa hotel kung saan magaganap ang engagement party niya. Alas tres ng hapon ang simula ng party at mag-aalauna ng hapon nang dumating siya kaya may pailan-ilan na ring bisita ang naroon.
Dumiretso siya kaagad sa dressing room kung saan ay naabutan niyang naghihintay doon ang kanyang ama na nanlilisik ang mga mata. Lumapit ito sa kaniya at akmang sasampalin siya ngunit mabilis niya itong nasangga. Ngumisi siya. “Sigurado ba kayong gusto niyong makita ako ng ibang tao na namamaga ang mukha?” malamig ang mga matang tanong niya sa lalaking nasa harap niya na walang iba kundi ang kanyang ama.
Mabilis nitong binawi ang kamay at nag-aapoy pa rin ang mga matang tumingin sa kaniya. Sunod-sunod din ang ginawa nitong pagmumura. “Sa tingin mo ba ay nakakatuwa ang ginagawa mong yan Ruby? Alam mo ba kung anong araw ngayon huh?!” sigaw nito sa kaniya. “Ni hindi mo lang sinasagot ang tawag sayo. Binabalaan kita, kapag hindi natuloy ang engagement mo kay Ethan malalagot ka sa akin!” nagtatagis ang mga bagang nitong banta sa kaniya.
Ang pamilya Montefalco ay isa sa mga kilalang pamilya sa bansa dahil sa yaman ng kanilang pamilya. Hindi niya kailanman pinangarap na makasal sa pamilyang iyon ngunit dahil sa kasunduan ng pamilya nila at mga ito ay kailangan niya magpakasal sa isa sa mga Montefalco— si Ethan.
Kaya ganun ang reaksyon nito ay dahil alam din nito na dadalo sa araw na iyon ang isa sa mga mahalagang tao sa pamilya ng mga Montefalco— si Zachary Montefalco.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang nakatingin sa kanyang ama. “Bakit sa akin kayo nagagalit? Si Ethan ba, dumating na?”
Nakita niyang natigilan ito nang marinig ang sinabi niya dahilan para malaman niya kaagad na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ito. Tiyak na nagkakagulo na ang pamilya nito kahahanap rito. Isang mapang uyam na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Sa tingin niyo ba talaga ay darating siya? Ako na ang nagsasabi, hinding-hindi siya darating.”
Nag-aapoy ang mga mata nito tinalikuran siya. “Bilisan mo na lang magbihis, ang dami mong sinasabi!” sigaw nito bago tuluyang lumabas.
Nag-aalalang sinulyapan lang siya ng makeup artist na mukhang kanina pa rin naghihintay sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Ako na ang bahala sa sarili ko.” sabi niya bago tumalikod para maglinis muna ng katawan niya. Wala na siyang oras pang maligo kaya kahit papano ay maglilinis na lang siya.
Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang isipin na mukhang hindi niya magagawang tumakas para sa engagement na iyon. Isa pa, ayaw niyang may ibang tao na magmake up sa kaniya dahil matutuklasan ang isang pinakatatagong sikreto niya.
Bata pa lang siya ay sinabihan na siya ng kanyang ina na ang magandang mukha ay magdudulot lang ng problema kaya itinago niya iyon sa pamamagitan ng pagbabago ng anyo niya. Mas prefer niya ang maging pangit sa mata ng ibang tao kaysa ang makita ang tunay niyang ganda.
Nang matapos siyang maglinis ng sarili ay nag-makeup na siya sa banyo at paglabas niya ay muli siyang bumalik sa dressing room para magpalit ng damit kung saan ay rinig na rinig niya ang sigaw ng kanyang ama na minamadali siya.
…
Ang mga mata ni Ruby ay malamig na nakatingini sa mukha ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang kanyang camera at nag-record ng video. “Kung gusto mo na patawarin kita ay kailangan mong sabihin sa akin ngayon kung sino ang nag-utos sayo na gawin ang lahat ng iyon sa akin.” walang emosyon ang kanyang mukhang sabi rito. Alam niya na may nag-utos ditong gawin iyon sa kaniya.Napuno ng pag-aalinlangan ito sandali ngunit sa huli ay ibinuka din nito ang bibig para magsalita. “Ang nag-utos sa akin na gawin iyon ay walang iba kundi si Wendy. Si Wendy ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ang sabi niya sa akin, kung magagawa ako ang iniuutos niya ay bibigyan niya ako ng pera ay higit sa lahat at ipinangako niya sa akin na kung maging asawa na siya ni Ethan Montefalco ay sisiguraduhin niya na ako ang unang magkakaroon ng koneksyon sa pamilya Montefalco.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay halos gusto niya na lang matawa. “At naniwala ka naman sa sinabi niyang magiging asawa niya
“Ma’am, ayos lang po sana ang tungkol sa kahalayan ng ginawa ng asawa niyo. Kung iyon lang po ang problema sana ay pwedeng-pwede rin siyang makauwi kaagad kaso nga lang po ay may nagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa tangkang panghahalay.” sabi ng pulis sa asawa ni Benedict.“What?!” namilog ang mga mata nito bago nilingon ang kanyang asawa. “Anong sinasabi ng pulis? Totoo ba ang lahat ng ito?” Dahil wala ng magawa pa si Benedict ay napilitan na lang itong sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari para lang makalabas na siya kaagad doon. “Pero hindi ko talaga siya hinawakan man lang. Alam mo naman kung anong itsura niya hindi ba? Hinding-hindi ko siya pag-iinteresan. Siya nga itong namahiya sa akin nitong mga nakaraan.” paliwanag niya sa kanyang asawa.Sa galit nito ay muli siya nitong pinaghahampas. Talagang galit na galit ito dahil sa ginawa niya ngunit pagkatapos nito ay umalis din naman ito kaagad para linisin ang gusot na ginawa niya. Samanta
Sa backstage ay hindi na napigilan pa ng ama ni Mrs. Lozano ang galit nito. Hinarap niya ang kanyang anak at galit na galit na sumigaw. “Tingnan mo nga kung anong kahihiyan ang ibinibigay ngayon ng asawa mo sa akin! Sa dami dami ng lalaking pwede mong pakasalan ay talagang siya pa ang napili mo! Napakarami niya ng gusot at kahihiyang ginawa sa mga nakalipas na taon!” sigaw nito sa anak. “Sa tingin mo ba sa ginawa niyang ito ay hindi makakaapekto sa career ko? Kapag nasira niya ang lahat sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito!” ******Nang dalhin sa presinto si Benedict ay wala pa siyang kaalam-alam kung gaano na kagulo ang mga tao ngayon sa internet para pag-usapan siya. Hinid lang sa f@cebook siya ngayon sikat kundi sa ibat-ibang platform pa. Bukod pa doon, mabuti na lang at pinayagan sila ng mga pulis na kontakin ang kanilang mga pamilya para maayos na ang gusot. Sinabi rin sa kanila ng mga pulis na kailangan nilang manatili sa presinto ng sampung araw o higit pa
Hindi alam ni Ruby kung saan siya ngayon lalapit dahil naging palpak ang pakikipag-usap niya sa mga taong iyon. Kung sana lang ay matino silang kausap e di sana ay wala siyang problema ngayon. Ginamit lang siya ng mga ito para makapaghiganti sa kaniya ang Mr. Lozano na iyon sa kahihiyang ito rin naman ang may gawa. Ngayon ay mukha talagang kailangan na niyang seryosohin ang paggawa ng sarili niyang brand ngunit dahil hindi naman siya kilala ng mga tao ay tiyak na magiging napakahirap nito para sa kaniya. Ang una niyang naisip ay ang kumuha ng mga taong mag-iinvest sa kaniya at siya lang ang gagawa sana ng mga pabango at sila na ang bahalang magbenta. Pero ngayon ay malabo na iyon.Para makuha ang hustisya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya ay tumawag siya sa police station at inreport ang insidente para na rin makasuhan ang mga taong sangkot. Bukod pa doon ay may ebidensya naman siyang hawak at may mga kuha din ng cctv sa hotel. ******Nang dumating ang mga pulis sa silid kung saa
Halos magkandaligaw-ligaw si Ruby dahil sa lawak ng villa. Ni hindi niya natandaan ang mga dinaanan niya kanina. Mabuti na lang at naroon lang ang mga kasambahay kung saan ay itinuro sa kaniya ang daan. Bumalik muna siya sa silid na tinulugan niya para kuhanin ang mga gamit niya bago nagpaturo ng daan palabas. Napakalaki ng bahay na iyon at mag-isa lang ang lalaking nakatira. Sa dami ng bahay na napasukan niya ay parang ito pa lang yata ang napasok niyang ganito kalaki. Mas malaki pa ito sa mansyon mismo ng mga Montefalco. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa lalaking katulad ni ZAchary Montefalco e talaga namang napakayaman talaga nito as in. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lang at paglabas mismo halos ng villa ay highway na kaya may mga dumadaang sasakyan kung saan ay kaagad siyang pumara ng taxi para pumunta sa kanyang studio. Habang sakay siya ng taxi ay nakatanggap siya ng isang message galing sa kanyang kaibigan na si Missy at pinapapunta siya nito sa kumpanya dahil may kai
Pagkatapos lang umalis ni Alex ay tumayo na rin si Zach at nagtungo sa kusina. Umupo siya at hindi sinasadyang mapasulyap sa babaeng nauna ng nakaupo doon. Kahit na may makeup na ito ng mga oras na iyon ay ang tunay pa rin nitong mukha ang nakikita niya. Nagbawi lang siya ng tingin at hindi na ito nilingon pa nang marinig niya ang tinig nito. “Mukhang wala ka pang bumalik sa ibang bansa Tito…” Tumango siya.Hindi malaman ni Ruby kung bakit bigla na lang siyang napangiti nang malaman niyang hindi pa ito babalik sa ibang bansa. Para siyang isang bata na napagbigyan sa kahilingan niya. Muling napasulyap ng wala sa oras si Zach sa babae at ang unang napansin niya ay ang ekspresyon nitong masayang masaya. Bakit parang masaya ito na malaman na wala pa siyang balak bumalik sa ibang bansa? Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Sa murang edad nito ay baka ma mis interpret nito ang mga kilos niya lalo na at iniligtas niya ito mula sa mga taong iyon kagabi. Ito ang nobya ng pamangkin niya at
Hawak ni Wendy ang isang baso ng alak at dahan-dahan naglakas patungo sa tabi ng babae. Dahil nga medyo madilim sa napili nitong pwestuhan ay hindi nito napansin ang paglapit niya rito. Bukod pa doon ay nakatutok ang atensyon nito sa cellphone nito. Mabilis siyang nagtumba-tumbahan dahilan para mat
Nagpunta si Ruby sa madilim na parte ng bulwagan kung saan ay kakaunti lang ang mga tao. Habang nakatayo doon ay biglang napunta kay Zachary ang kanyang tingin at bigla na lamang siyang nangiti ng wala sa oras dahil hindi niya akalain na hindi naman pala ganun katigas ang puso nito kahit na sa mga
Mas lalo pang naging malamig ang mga mata ni Ruby dahil sa mga sinabi ni Ethan. Wala na siyang pagdadalawang isip pa na itinaas ang kanyang paa at biglang tinapakan ang paa nito. Ang suot niyang takong ng mga oras na iyon ay pointed kaya dahil sa pagtapak niya sa paa nito ay halos mapatalon ito ng
Kitang-kita ni Wendy kung paano tingnan ni Ethan ang babaeng iyon na nakatayo sa gilid. Kaagad na naging malamig ang kanyang mga mata dahil dito. Ilang sandali pa ay pilit niyang kinalma ang sarili niya dahil alam niyang walang mangyayari kung uunahin niya ang galit niya. Isa pa ay baka magalit lan







