LOGINNaging madilim ang mukha ng lalaki ngunit anong magagawa niya? Hindi siya nito pwedeng sisihin lalo na at ito ang pumasok doon ng kusa. Lumapit siya rito at bumulong. “Bakit hindi ka na lang muna magtago doon?” mahina niyang mungkahi dito at itinuro ang isang cabinet. Pwede itong magtago sa side nito.
Nabasa niya kaagad ang ekspresyon nito. “Hindi ka pwedeng lumabas dahil ano na lang ang sasabihin ng mga tao? O gusto mo akong tulungan na hindi matuloy ang engagement na ito?” tanong niya na may kalahating ngiti.
“Ruby? May kasama ka ba diyan?” muling tanong ni Wendy mula sa labas.
Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito ngunit sa huli ay mabilis din naman itong sumunod sa suhestiyon niya kahit na labag pa ito sa loob nito. Nang masiguro niyang nakapagago na ang lalaki ay binuksan niya ang pinto kung saan ay agad na nalukot ang mukha niya nang makita ang babaeng nakatayo sa harapan niya.
Gusto niyang matawa dahil sa itsura nito. Ni hindi man lang ito nag-abalang itago ang mga markang iniwan ni Ethan sa katawan nito sa halip ay mas inilalantad pa yata nito iyon. Ngumiti ito sa kaniya bago siya sinuyod ng tingin. “Bagay na bagay sayo ang suot mo.” puno ng inggit ang mga matang nakatitig sa kaniya.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at ni hindi man lang sinuklian ang ngiti. “Anong kailangan mo?” walang ekspresyon ang mukha niyang tanong dito.
Biglang sumeryoso ang mukha nito. “Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa Ruby, alam mo naman siguro kung ano ang pinagdaanan ko kaya please, nakikiusap ako sayo huwag mong ituloy ito.”
Napangiti siya at malamig na tiningnan ang babaeng minsan na niyang itinuring na parang sarili niyang kapatid. “Hindi ko akalain na magkakaroon ka ng lakas ng loob para sabihin sa akin yan, Wendy.”
Dahan-dahan itong lumuhod sa harapan niya. “Please Ruby, si Ethan na lang ang natitira sa akin kaya huwag mo na siyang agawin pa sa akin…” ang mga mata nito ay nag-umpisa ng magtubig habang nakatingin sa kaniya. Kaawa-awa ito ngunit wala siyang awang maramdaman habang nakatingin dito.
Ilang sandali pa ay isang sigaw ang narinig niya. “Wendy!” mabilis na hinila ni Ethan patayo ang babae na akala mo isang night shining armor. Katawa tawa ang eksenang nasa harap niya sa totoo lang.
Ang mga mata nitong puno ng poot ay tumama sa kaniya. “Talaga bang ganyan na kasama ang ugali mo para pati si Wendy ay idamay mo?!”
Tumaas ang sulok ng labi niya. Sinulyapan niya ang umiiyak na kaibigan sa bisig ng nobyo niya. “Bakit hindi mo sabihin sa boyfriend ko na ikaw ang nagpunta dito para magmakaawa sa akin?” puno ng pang-uuyam na tanong niya.
Mabilis naman na tumingin si Wendy kay Ethan. “Wala siyang kasalanan Ethan. Ako ang may gusto nito. Hindi ko kasi, hindi ko kasi kayang mawala ka sa akin.” nag-umpisa itong humikbi. Niyakap naman ito kaagad ni Ethan. Hindi niya matagalan ang nakakatawang eksenang iyon kaya umatras siya para isara ang pinto ngunit bago niya iyon maisara ay narinig niya pa ang mga salitang binitiwan ni Ethan sa kaniya.
“Kahit na makasal pa tayong dalawa, tandaan mong hinding-hindi kita kailanman magugustuhan itago mo yan sa bato dahil nakakadiri ka! Napakapangit mo!”
Tumigil siya at nilingon ito tyaka ngumiti. “Wala akong pakialam sayo, para sabihin ko sayo, hindi kita gusto at hinding-hindi rin kita gugustuhin.” sabi niya bago niya tuluyang isinara ang pinto.
Lumabas naman kaagad mula sa pinagtataguan ang lalaking si Zachary at mukhang narinig nito ang naging usapan nila sa labas. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ito sinulyapan. “Siguro naman ay narinig mo ang mga sinabi ng pamangkin mo?”
Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik.
Nang mapakiramdaman niya na tuluyan ng nakaalis ang dalawa at muli siyang sumulyap dito. “Mauuna na akong lumabas. Hindi pwedeng magsabay tayong dalawa.” sabi niya bago tuluyang lumabas ng hindi na hinihintay pa ang sagot nito.
NAIWAN si Zach sa loob ng dressing room. Wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang mapa buntong hininga na lamang at napatitig sa nakasarang pinto. Hindi niya alam ngunit bigla na lamang bumalik sa kaniya ang lahat ng alaala tungkol sa nakaraan, kung paano siya pinalayas ng sarili niyang pamilya at kung ano ang dinanas ng kanyang ina hanggang sa tuluyan na itong namatay.
Alam niya na wala ni isa sa kanilang lahat ang may gustong makita siyang muli dahil kinasusuklaman nila siya at baka nga walang ibang hiling ang mga ito kundi sana ay ang mamatay na lang siya. At ngayon, wala siyang iba gustong gawin kundi ang pabagsakin silang lahat. Gusto niyang pagbayarin ang mga ito sa mga ginawa nila sa kaniya noon.
Naging mabangis ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang lumabas ng silid na iyon. Pagbalik niya sa venue ay nakita niya kaagad na sinulyapan siya ng kanyang kapatid ngunit hindi ito nangahas na nagtanong nang makita ang nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha.
Nag-angat siya ng kanyang mga mata ay nakita niyang nag-uumpisa na ang party. Ipinakilala na ang dalawa, ngunit kapansin pansin na ang mga mukha ng dalawang taong nasa taas ng entablado ay napaka-gloomy, wala man lang sayang makikita sa kanilang mga mukha.
Nang tingnan niya ang mukha ng babaeng nakatayo sa stage ay agad niyang napansin na parang may mali. Bakit parang napaka kalmado ng babaeng iyon kahit na labag sa kalooban nitong pakasalan ang pamangkin niya? Hindi kaya may binabalak ito?
Hindi na niya nagawa pang mag-isip dahil biglang may videong nag-play sa malaking screen. Isa itong malaswang video kung saan ay malinaw na kita ang mukha ni Ethan at ng isang babae. Maikli man ang video ngunit sapat na para magkaroon ng komusyon sa lugar. Ang mga tao ay nag-umpisang mag bulungan.
“Sinong may gawa nito?!” galit at gulat na tanong ni Enrique. Wala na ba talagang alam gawin ang anak niya kundi ang ipahiya siya?
“Anong ginagawa niyo? Patayin niyo ang video!” sigaw nitong muli ng paulit-ulit mag-play ang video sa malaking screen.
Sa halip na mahiya dahil sa nangyari ay lakas loob pang binalingan ni Ethan si Ruby na noong mga panahong iyon ay nakatingin na sa kaniya, punong-puno ng kaguluhan ang mukha. “Alam kong gusto mong malaman ang dahilan kaya sasabihin ko sayo at pakinggan mong mabuti Ruby, walang matinong lalaki ang gugustuhing magpakasal sa babaeng kagaya mo! At bakit si Wendy? Dahil malayong-malayo siya sayo!”
“Kung ganun naman pala, bakit hindi na lang natin tapusin ang lahat sa harap nila? Ano pang silbi ng engagement na ito kung ganun pala?”
Hindi nagawang sagutin ni Ethan si Ruby dahil biglang pumagitna ang ama ni Ethan at sinuntok ang anak. Nanginginig ito sa matinding galit. “Sinabi ko ng ayusin mo ang sarili mo! Kahit anong mangyari, hindi pwedeng hindi kayo maikasal na dalawa at wala akong pakialam kung ayaw mo kay Ruby!”
…
Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumuko?” “Mr. Lozano, hindi ba at nakapag-usap na tayo ng maayos kagabi? Pumayag ka ng pirmahan ang kontrata pero bakit ngayon at tumanggi ka na naman?” “Ah iyon ba? Well, fine sige. Pero hindi ako pwede ngayon dahil busy ako.” mabilis na sagot nito sa kaniya.“Kailan ka pwede Mr. Lozano? Kahit na ako na mismo ang pumunta sayo mapirmahan lang ito.” sagot niya. Hindi siya papayag na hindi nito mapirmahan iyon.Sandali itong natahimik bago tuluyang sumagot. “Okay, sige. Mamayang gabi ay pwede ako.” sabi nito sakaniya. “Walang problema sa akin Mr. Lozano basta sabihin niyo lang sa akin kung saan ay pupunta ako dala ang kontrata.” Nang magkasundo silang dalawa ay nagpaalam na ito at hindi nagtag
“Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin ko siya.” kalamado pa ring sagot ni Ruby rito.Nagtagis ang mga bagang nito. “Bibigyan kita ng dalawang araw pa at kung hindi mo magawa, magpasensyahan na lang tayong dalawa Ruby.” Nagkibit balikat lang si Ruby. “Walang problema.” sabi niya at tumalikod na para lumabas ng opisina ng ama.Samantala, bigla namang humawak si Amelia sa balikat ng ama at ngumuso. “Dad, bakit hindi mo man lang siyang pinagalitan? Baka mamaya ay sinadya niya talagang hindi papirmahan si Mr. Lozano at wala siyang pakialam kung malugi man ang kumpanya. Isa pa, alam niyo naman na noon pa lang ay gusto na talaga niya itong pabagsakin hindi ba? Baka mamaya kaya niya ginagawa ang lahat ng ito ay para gumanti sa inyo at
Pagkatapos maluto ng niluluto ni Missy ay mabilis itong naghain at sabay silang dalawang kumain. Nang matikman niya ang niluto nito ay napangiti na lang siya at napuno ng kislap ang kanyang mga mata na nagsalita. “Masasabi ko na kung sinuman talaga ang mapapangasawa mo ay napakaswerte, napakasarap mong magluto!”Umingos lang naman si Missy sa aniya. “Tumigil ka nga sa pambobola mo Ruby.” sabi nito sa kaniya.Nagsalubong ang mga kilay niya. “Tapos ka na ab asa ginagawa mo kaya lumabas ka na sa lungga mo?” biglang tanong niya. Kapag kasi sobrang busy nito ay palagi lang itong nakakulong sa silid nito at hindi lumalabas. Bukod pa doon ay hindi man lang nito hawakan ang cellphone dahil talagang naka-focus ito sa ginagawa.Nang mabanggit niya iyon ay bigla na lang itong napanguso at masama ang tingin na ipinukol sa kaniya. “Grabe ka na talaga Ruby, parang hindi mo ako kaibigan ah?” sabi nito na may halong pagtatampo ang boses. “Bakit hindi mo man lang ako inimbitahan sa engagement party mo
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay lumabas siya ng banyo at doon pa lang sa labas nito ay nakita na niya kaagad ang isang lalaking nakatayo doon at mukhang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay inabot nito sa kaniya ang isang mainit na kape para daw sa hangover niya. Kaagad na napakunot ang noo niya ng wala sa oras. “Sino ang nag-utos sayo na bigyan ako ng kape? Si Tito Zachary ba?”Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito sa kaniya kaya kahit na hindi nito sinagot ang tanong niya ay alam na niya kaagad kung sino ang nag-utos na bigyan siya ng kape. Ilang sandali pa ay kinuha niya ang kape at bumalik sa silid kung nasaan niya iniwan ang lalaki ngunit hindi na niya ito naabutan pa doon. “Nasaan na siya?” muli niyang tanong sa lalaki ngunit nagkibit balikat lang ito sa kaniya. Tanging ang mga tauhan na lang ng hotel ang naabutan niya doon at naglilinis ng silid, wala na ang lalaki. Kesa mag-ubos pa siya ng kanyang oras para hanapin ang lalaki ay mabilis niyang inubos ang laman
Natigilan si Ethan nang marinig niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng pagkamali, tinig iyon ng kanyang tiyuhin hindi ba? Pero paanong nandito ito at kasama ni Ruby? Hindi kaya… Biglang tumayo ang lalaki sa likod at hinawi si Ruby na nakatayo sa kanyang harapan. Nang tuluyan niyang makita ang mukha ng kanyang tiyuhin ay halos malamig ang buo niyang katawan. Kahit na saang lugar o saang anggulo niya ito tingnan ay mayroon itong nakakatakot na awra. May malalamig itong mga mata na akala mo ay mangangain ng buhay anumang oras.Bigla siyang napaatras ng hindi niya namamalayan na para bang nakakita siya ng isang multo. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa taong nakatayo sa kanyang harapan. “Tito? An-anong ginagawa mo rito?” halos nauutal niyang tanong dito.Ang mga mata nito ay kumislap sa medyo madilim na silid. “Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo rito?” balik nitong tanong sa kaniya. “A-ako?” halos hindi alam ni Ethan kung anong isasagot niya rito ng mga oras na iy
Totoo naman ang sinabi ni Ruby dahil ilang beses ng sinabi ni Ethan sa kaniya na napakapangit niya. Iyon naman talaga ang gusto niya, yung tipong walang magkakagusto sa kaniya dahil sa mukha niya. Hindi niya akalain na kahit na ganun ang itsura niya kaninang nagpunta sa lugar na iyon ay makukuha pa rin siyang pag-interesan ng lalaking iyon. Sana pala ay mas pinapangit niya pa ang sarili niya kung alam niya lang na ganun din pala ang mangyayari. “Alam mo naman na ikaw ang nobya ni Ethan hindi ba?” muling paalala sa kaniya nito. Malamig pa rin ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Syempre ay hindi gugustuhin ng kahit na sino sa pamilya na ang babaeng magiging manugang nila ay napakalikot pagdating sa lalaki.” Hilaw na tumawa si Ruby nang marinig niya ang sinabi nito. “So iyon ang iniisip mo Tito? Kaya ako nagpunta dito ay para maghanap ng dahilan para maputol ang relasyon namin ni Ethan?” Nagtagis ang mga bagang nito ngunit hindi din ito sumagot at dahil dito ay malinaw niyang nala







