تسجيل الدخولNang makita ni Zach ang determinasyon sa mukha ng pamangkin niya na hanapin doon ang babae ay doon na siya naniwala na hindi nga talaga sinasadyang pumasok doon ng babae at isang trap lamang iyon para sa kaniya. Ayaw niya mang maniwala kanina ngayon ay mukha wala siyang choice kundi ang maniwala rito.
“Umalis ka na. Wala rito ang hinahanap mo.” malamig niyang sabi rito. Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang ekspresyon nito. Napuno ng panunuya ang mga mata nito. “Bakit pinapaalis niyo ako kaagad Tito? Don’t tell me ay talagang itinatago mo siya rito?” naningkit ang mga mata nito. “Hindi kaya may lihim kayong relasyon?” Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa sinabi nito ngunit pinanatili niya ang kalmadong ekspresyon. “At paano kung wala siya rito? Anong gagawin mo?” hamon niya rito. “Handa akong lumuhod sa harapan niyo para humingi ng tawad syempre.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Tumaas naman ang kilay ni Zach nang marinig ang sinabi nito. “Bakit sa akin ka lang hihingi ng tawad? Hindi ba dapat ay maging sa iyong nobya ay tama lang na humingi ka rin ng paumanhin sa ginawa mo?” Kitang-kita niya kung paano nagtagis ang mga bagang nito sa sinabi niya. “Fine, hihingi rin ako ng tawag sa kaniya.” Ngumiti siya rito at tumango. “Malaya kang maghanap hanggang gusto mo.” Samantala, mula sa ilalim ng kumot kung saan nakakubli si Ruby ay malinaw niyang narinig ang naging usapan ng dalawa. Sa totoo lang ay hindi niya akalain na tutulungan siya ng lalaki at higit sa lahat ay talagang gusto pa nitong humingi si Ethan ng tawad sa kaniya. Habang nasa loob ng kumot ay halos pigilin niya ang kanyang paghinga, takot na makagawa ng anumang ingay o galaw dahil baka mamaya ay mapansin siya ni Ethan na naroon. Idagdag pa na habang naroon siya ay nag-iisip na siya ng pwede niyang gawin. Pwede kaya siyang tumalon mula sa bintana? Kaya niya kaya ang tanong. Baka mamaya pagbagsak niya sa baba ay lasog na ang katawan niya. Kanina ay plano niyang magtago sa cabinet o kaya sa banyo, pero kung sakaling ginawa niya iyon ay tiyak na makikita pa rin siya ni Ethan dahil sigurado siya na determinado itong makita siya sa loob ng silid na iyon. Medyo nagpapasalamat siya sa lalaki na doon siya nito hinila sa kama at pinagtago sa ilalim nito. Kung mananatili siyang walang galaw doon ay tiyak na hindi nila mapapansin na naroon siya. Idagdag pa na hindi naman siguro ito maglalakas ng loob para itaas ang kumot na nakatakip sa lalaki hindi ba? Dahil sa kapal ng kumot na nakatakip sa kaniya ay halos wala siyang makita mula sa ilalim nito ngunit rinig na rinig niya ang bawat paghakbang ni Ethan habang naghahanap. Narinig niya rin ang pagbukas nito ng cabinet na naroon. Tahimik lang siyang nagkubli sa ilalim ng kumot habang ang kanyang ulo ay nakadikit sa mga hita ni Zach, bukod pa roon ay ramdam na ramdam niya kung gaano katigas ang muscle nito sa hita. Idagdag pa na katatapos lang nitong maligo kaya amoy na amoy pa niya ang sabong ginamit nito. Sa ginawang paghahanap ni Ethan sa loob ng silid ay wala siyang nakita na para bang nasayang ang lahat ng ginawa niya. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na napakuyom dahil sa matinding inis. Saan nagpunta ang babaeng iyon? “Pwede ka ng lumabas.” biglang sabi ng kanyang tiyuhin sa kaniya. Pero hindi pa siya pwedeng umalis hanggat hindi niya nahahanap ang babaeng iyon! Bigla siyang napatingin sa kumot na nakatakip rito. Biglang pumasok sa isip niya na pwedeng magtago doon si Ruby idagdag pa na medyo nakaumbok ito kahit na madilim ay halatang-halata ito. Tumingin siya sa mukha ng kanyang tiyuhin na may malamig na mukha. “Tito, pwede ko bang itaas ang kumot niyo?” Nang marinig ni Ruby ang mga salitang iyon ay bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil sa magkahalong takot at kaba. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ng lalaki. Samantala, nang maramdaman naman ni Zach ang mahigpit na yakap ng babae sa kanyang beywang ay halos kumalat ang apoy sa katawan niya. Pakiramdam niya ay para siyang isinalab sa apoy ng wala sa oras. Mas lalo pang nanlamig ang kanyang mukha dahil dito. Kung magpapatuloy pa ito ay baka, baka hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya ng wala sa oras. Alam niya sa sarili niya malakas ang kontrol niya sa kanyang sarili dahil wala naman siyang oras sa mga ganung bagay lalo na at subsob siya sa trabaho, idagdag pa na ni minsan ay hindi niya pa iyon naramdaman sa kahit sinong babae ngunit ngayon ay kakaiba ang pakiramdam niya. Para nitong binubuhay ang bawat himaymay ng katawan niya at katulad kagabi, ganito rin ang ginawa nito. Kahit na anong pilit niyang tulak dito ay ayaw nitong bumitaw. Halos maging malalim ang kanyang paghinga. Ngunit ang babae sa ilalim niya ay tila wala pa ring kaalam alam sa ginagawa nito sa kaniya dahil mahigpit pa rin ang yakap nito doon. “Talaga bang naghahanap ka ng gulo Ethan? Pati ba naman kumot ko gusto mo pang tingnan?” matalim ang mga matang tanong niya sa pamangking nakatayo sa kanyang harapan. Dahil naman sa mariing pagtanggi ni Zach ay mas lumakas ang pakiramdam ni Ethan na itinatago nga nito doon si Ruby. ayaw niya pa ring sumuko kahit na mukhang lalamunin na siya nito ng buhay. “Bakit ayaw niyong pumayag na tingnan ko kung talagang wala siya, unless nariyan siya sa loob at itinatago niyo.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay hindi niya maiwasang hindi mainis kay Ethan dahil kahit sino talaga ang kaharap nito ay talagang wala itong takot na ipakita ang kagaspangan ng pag-uugali nito. Napakawalang kwenta talaga nito kahit na kailan! Ilang sandali pa ay muli niyang narinig ay boses ni Zach. “at bakit mo naman naisip na itatago ko rito sa kama ko ang babaeng iyon? Sa tingin mo ba talaga ay pag-iinteresan ko ang katulad niya? Hindi ako bulag.” walang kagatol-gatol na sabi nito na nagpalaki sa mga mata ni Ruby. …Kahit na anong gawing pakikipag-usap ni Tobi kay Ruby ay nanatiiling mabangis ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Wala nga yata talaga itong naririnig. Ilang sandali pa ay lumapit sa kaniya si Zachary. “Ako na ang bahala sa kaniya. Asikasuhin mo na lang ang mga taong ito.” malamig na utos nito sa kaniya. Naging malamig naman ang ekspresyon ni Tobi nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. “Ako lang ang tanging kilala ni Ruby sa ating dalawa at ayaw niya akong pakinggan kaya mas sigurado ako na hinding hindi ka rin niya pakikinggan.” walang ekspresyon na sagot niya rito.Napakunot naman ang noo ni Zach habang nakatingin kay Ruby. hawak nito ang kutsilyo habang dumudugo ang kamay nito. Yumuko siya at sinubukan niyang kuhanin mula dito ang kutsilyo ngunit hindi nito binitawan iyon. Mahigpit itong nakahawak sa kutsilyo. Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Ruby, bitawan mo ang kutsilyo.” Nang marinig nito ang sinabi niya ay biglang nanginig ang buong katawan nito at nag-angat ng
May isang lalaki ang biglang dumating at mukhang sasakay din sa elevator. Hindi pinansin ni Tobi ito lalo na at hindi niya naman kilala ito. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang kausap nito sa telepono. Dahil nga naka loudspeaker ang cellphone ay rinig na rinig nila kung ano ang sinabi nito. “Ayos lang kaya ang lahat Mr. Marquez? Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.” “Ano ka ba. Wala kang dapat ipag-alala. Isa pa, si Mr. Lozano ang bahala. Tyaka tama lang din iyon dahil sa ginawa ng Ruby na iyon kay Mr. Lozano. Deserve niya ang bagay na iyon.” sagot nito at pagkatapos ay napahalakhak. “Pero napakarami nilang lalaki sa loob ng silid, makakaya kaya ng Ruby na iyon silang paligayahin lahat?” muling tanong ng lalaking nasa kabilang linya.“Hindi na natin iyon problema pa. Makaya niya o hindi ay labas na tayo. Tapos na ang trabaho natin.” Samantala, nang marinig ni Tobi at Zachary ang pangalan ni Ruby ay pareho silang natigilan. Kahit na pangalan lang nito ang nabanggit at
Isang paanyaya ang natanggap ni Ruby para sa isang dinner. Gusto daw ni Mr. Marquez na maging investor sa kanyang kumpanya at gusto daw siya nitong makausap kaya inimbitahan siya nitong mag-dinner sa isang hotel. Dahil medyo desperado si Ruby para sa inumpisahan niyang kumpanya ay kaagad siyang pumayag at nagtungo sa hotel na ibinigay sa kaniya. Pagdating niya sa lugar ay naging maganda naman ang daloy ng pag-uusap nila. Bukod pa doon ay kumain sila habang nag-uusap at uminom na rin ngunit habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ay biglang bumibigat ng bumibigat ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo siya at hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Marahil dahil sa pagod niya kaya nitong mga nakaraang araw? Napahilot siya sa kanyang sentido.Kaagad naman na napansin ng kausap niya na tila may problema siya. “Mukhang hindi yata maganda ang pakiramdam mo Miss Ruby, bakit hindi ka na lang muna magpahinga sa isa sa mga silid dito? Ikukuha kita ng kwarto.” concern na sabi nito sa kaniya ng
Nag-check in sina Ethan at Wendy sa kanilang karaniwang silid at pagpasok pa lang nila sa loob ay kaagad ng napansin ni Wendy na tila ba lutang pa rin ang isip ng lalaki. Tila ba iniisip pa rin nito ang tungkol sa pagpunta doon ni Ruby. Kahit na noong magbihis na siya ng sexy na pantulog ay parang wala pa rin itong epekto rito. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkabalisa ng wala sa oras. Bakit ba kailangan nitong isipin pa ang babaeng iyon e siya naman ang kasama nito? Dapat ay siya lang ang isipin nito at wala ng iba pa. “Ethan…” malambing na tawag niya rito.Nagpunta siya sa harapan nito at sinubukang akitin ang lalaki. Palagi itong tumitingin sa kaniya at kaagad na napupuno ng pagnanasa ang mga mata kapag ginagawa niya ang mga bagay na iyon ngunit ng mga oras na iyon ay parang wala itong nakikita na mas lalong ikinagalit niya. Para siyang hangin sa harapan nito ng mga oras na iyon. Dahil dito ay napatanong na siya. “May problema ba?” Nagtaas naman ng tingi
Hindi matanggap ni Ethan ang ipinapakitang kayabangan ni Ruby sa harap niya. Para siya nitong minamaliit at kung makipag-usap ito sa kaniya ay mayabang itong ekspresyon na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Hindi niya alam kung anong iniisip nito at kung bakit ganito siya nito itrato.“Pwede bang umalis ka na lang sa daraanan ko? Gusto ko ng umalis.” walang ekspresyon sabi ni Ruby dito. May mangilan-ngilang tao sa paligid at lumilingon na sa kanila. Ayaw niya ng magkaroon pa siya ng issue kaya ang umalis doon ang tanging gusto lang na gawin ni Ruby. wala siyang balak na makipag argumento pa sa lalaking nasa harapan niya. “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” naniningkit ang mga matang tanong niya pa ulit dito.“Ikaw ang dapat mahiya sa ginawa mo!” sagot nito sa kaniya na ikinakuyom lang ng mga kamay ni Ruby. talaga yatang sinusubok nito ang pasensya niya. “Hindi ako ang dapat mahiya kundi ikaw dahil wala akong ginagawang masama.” sagot niya at tuluyang nilampasan ito para umali
Alam ni Missy kung anong tipo ng lalaki ang gusto ng kaibigan niya. Tiyak na may nakita itong kakaiba sa lalaking iyon. Idagdag pa na nag-aalala lang siya para kay Ruby dahil mamaya ay baka lokohin lang ito ng kung sinong ponsyo pilatong iyon. Alam niya na ang mga lalaking madaming pera ay hindi dapat pagkatiwalaan. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Alam ko kung anong iniisip mo Missy at ako na ang nagsasabi sayo, wala kang dapat ipag-alala dahil alam ko kung hanggang saan lang kaming dalawa.” bahagya itong ngumiti sa kaniya.Alam ni Ruby ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ng lalaki. Kung tutuusin ay langit ito at lupa naman siya, napakalayo ng agwat nila kaya napaka imposible ng iniisip ng kanyang kaibigan. Idagdag pa na alam niyang hindi niya kayang tumagal sa kinaroroonan nito dahil hindi siya sanay. “Alam mo naman siguro ang mga pag-iisip ng mga lalaking mayamang hindi ba? Puro lang sila manloloko at higit sa lahat ay gagamitin
Halos mapamura si Zach sa loob-loob niya dahil sa ginawa ng babae sa ilalim niya. Kaunti na lang ay mawawalan na talaga siya ng kontrol sa sarili niya. Isa pa, hindi ba nito sinasadya ang ginagawa? Sinasamantala ba nitong may ibang tao doon a hindi niya ito masaway?Mabilis niyang pinigilan ang kam
Hindi napigilan ni Ruby na kurutin ang lalaki dahil sa sinabi nito ngunit hindi siya naglakas ng loob na lakasan dito dahil baka gumalaw ang lalaki at mahuli siya. Samantala, ang ginawa ng babaeng nasa ilalim niya ay maihahambing niya sa kalmot ng isang pusa, hindi naman ito masakit bagkus ay nagb
Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumu
“Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin k







