LOGINIsang kaswal na dress ang suot ni Ruby, hindi iyon magarbo katulad ng sa iba. “Ayusin mo ang ugali mo lalong-lalo na sa harap ng Tiyuhin ni Ethan.” bulong sa kaniya ng kanyang ama.
Ang lalaking tinutukoy nito ay walang iba kundi ang anak sa labas ng Lolo ni Ethan na pinalayas ng pamilya Montefalco noon, hindi niya alam ang detalye ngunit alam niyang may malalim na dahilan kung bakit.
Paglabas nila ay kaagad niyang nakita na may pinagkakaguluhan ang mga ito. Mula sa malayo ay kaagad niyang nakita ang isang pamilyar na mukha— walang iba kundi ang nakasiping niyang lalaki kagabi.
Kung kagabi ay napakalambot ng mga mata nito habang nasa ibabaw niya, ngayon naman ay ibang-iba ang itsura nito dahil hindi lang ito may malamig na mukha kundi may mabangis din itong mga mata. Isang tingin pa lang niya ay alam na niya kaagad na napaka mapanganib nitong tao at nakakatakot. Hindi siya nagulat na makita niya ito doon dahil ang totoo, alam niya na darating ito.
Hindi niya alam ngunit bigla na lamang itong napalingon sa direksyon niya kung saan ay nagtama ang kanilang mga mata. Agad na nagdilim ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya dahilan para mabilis siyang nag-iwas ng kanyang tingin dahil hindi niya matagalan ang bawat titig nito.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa padilim na ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin si Ethan.
Ilang sandali pa ay lumapit na sa kaniya ang ama nito na si Enrique Montefalco. “Hija, maghintay pa tayo sandali.”
Alam niya na kanina pa nito pinapahanap ang anak ngunit kahit saan nila ito hanapin ay hindi nila ito mahagilap. Ang mga taong dumalo sa pagtitipon na iyon ay nag-umpisa na ring magtaka kung bakit inabot na ng ganung oras ay hindi pa rin nag-uumpisa ang party.
“Maghintay pa? Malinaw na labag sa kalooban niya ang engagement na ito kaya hanggang ngayon ay wala pa siya.” walang emosyon na sagot niya rito.
Napuno ng pagkabalisa ang mukha nito. “Nagkakamali ka hija, may, may ginagawa lang si Ethan ngayon kaya hindi pa siya dumarating.” sagot nito habang nakatingin ang ilang mga tao na malapit sa kanila. Hindi naman bingi ang mga ito kaya paniguradong naririnig nila ang pinag-uusapan nila.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ruby nang marinig niya ang sagot nito. Pinagtatakpan pa rin ba nito ang anak o hindi talaga nito alam ang totoo? “Hindi niyo pa po siya nahahanap hanggang ngayon hindi ba? Gusto niyo bang ako ang magturo kung nasaan siya?” puno ng pang-uuyam na tanong niya rito.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ibinigay niya rito ang address ng kanyang matalik na kaibigan. Alam niyang may lihim na relasyon ang mga ito at hindi nila iyon itinago sa kaniya sa halip ay napakalakas ng loob ng mga ito na mag-send sa kaniya ng isang voice message kung saan ay rinig na rinig niya ang bawat pag-ungol nilang dalawa.
Sa sobrang hiya ni Enrique Montefalco sa lahat ng naroon ay kaagad itong nag-utos ng tauhan nito na puntahan ang address na ibinigay ni Ruby at makalipas lang ang kalahating oras ay dumating na ito sa venue ng hindi maipinta ang mukha.
“Ano yang suot mo? Alam mo ba kung anong oras na Ethan? Saan ka ba nanggaling?” sunod sunod na tanong ng ama nito, galit ito ngunit hindi nito magawang ipakita iyon dahil sa dami ng mga matang nakatingin sa kanila. “Magbihis ka doon ano pang hinihintay mo!”
Sinulyapan siya ng lalaki at pagkatapos ay tumingin sa ama nito. “Dad, hindi ba at sinabi ko na sa inyong hindi ko pakakasalan ang babaeng iyan? Hindi niyo ba nakikita kung anong itsura niya? Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao kung sakali? Gusto niyo ba talagang maging katawa-tawa ako sa ibang tao?” halos maiyak ng sabi nito bago siya muling sulyapan. Punong-puno ng pandidiri ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
Napakuyom ang mga kamay ng ama nito at mukhang naubusan na ng pasensya. Sumulyap ito sa tauhang nakatayo sa likod ni Ethan. “Dalhin mo siya sa dressing room ngayon din.” utos nito bago sinulyapan ang anak. “Matutuloy ang engagement mo ngayon sa ayaw at sa gusto mo.”
Kahit na ano pang pagtutol ang gawin ni Ethan ay hinding-hindi nito magagawang suwayin ang utos ng ama. Tumalikod din siya at umalis pagkatapos nito dahil kailangan niyang muling magbihis ng kanyang damit.
Magkaiba ang dressing room nila ni Ethan at dahil nga ayaw niyang magpatulong sa kahit na sino ay mag-isa lang siyang pumasok sa loob. Pilit niyang inaabot ang zipper ng suot niyang gown para isara sana ngunit na-stuck ito at ayaw mahila.
Biglang bumukas ang pinto. Nasulyapan niya kaagad mula sa salamin kung sino ang taong pumasok ngunit nagkunwari siyang hindi niya ito napansin sa halip ay yumuko siya at inilantad ang kanyang magandang leeg. “Pwede mo ba akong tulungang maisara ang gown ko?”
Naramdaman niyang lumapit ito sa kaniya at hinila pataas ang zipper. “Salamat.” sabi niya at nagtaas ng ulo. Sa kabila ng takot ay nagawa niyang tumingin dito.
Paano nito nagawang sundan siya doon? Isa pa ay anong ginagawa nito?
Halos mapigil niya ang kanyang paghinga ng mga oras na iyon dahil sa paraan na pagtitig nito. Bukod pa doon ay halos magsitayuan na rin ang mga balahibo sa buong katawan niya. Namilog ang kanyang mga mata nang bigla na lamang siya nitong isandal sa pader habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
“Pinaglalaruan mo ba ako?” puno ng poot na tanong nito. Halos hindi siya makahinga dahil sa ginawa nito ngunit wala siyang balak na magpakita ng kahit na anumang takot dito.
Mabilis na pinalambot ni Ruby ang ekspresyon. “Ano bang sinasabi ninyo Tito? Hindi ko alam na tiyuhin ka pala ni Ethan.” puno ng pagmamaang-maangan ang boses niya. Wala siyang balak na aminin dito ang totoo.
Mas lalo lang itong nagalit dahil sa sagot niya. Ang mga panga nito ay umigting sa labis na galit. “Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa sinasabi mo huh?” ang mga kamay nito ay halos bumaon sa mga braso niya. Masakit ngunit hindi niya magawang magreklamo.
Hindi niya akalain na mapapatunayan niya sa sarili niya ang mga bagay na naririnig niya lang tungkol dito noon. Sinalubong niya ang mga mata nito na walang katakot-takot. “Bakit? Nagagalit ka ba na may nangyari sa atin dahil pakiramdam niyo ay niloko ko siya?” mahina ngunit puno ng panunuya na tanong niya. “Hindi niyo ba nakita ang itsura niya? Kagagaling lang niya sa babae niya. Kung siya may karapatang magloko, ako ba wala?”
Binitawan siya nito. “Umaasa ka ba na hindi matutuloy ang engagement niyo ni Ethan?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya. “Nananaginip ka Miss.” malamig na dagdag pa nito.
Ngumiti siya nang marinig iyon. “Kung ganun naman pala, bakit ka pa nag-aksaya ng oras na pumunta rito? Hindi mo ba naisip na kapag may nakakita sa ating dalawa na magkasama ay baka iba ang isipin nila?”
Kahit na wala silang relasyon, hindi mo pa rin masasabi ang mga tao lalo na at silang dalawa lang ang nasa loob ng dressing room na iyon. “Huwag mong subukang magsalita ng tungkol sa—”
“Wala akong balak.” putol niya rito kahit na hindi pa man nito natatapos ang sasabihin. Hindi na ito nagsalita pa sa halip ay tinalikuran siya nito at akmang lalabas na sana ngunit isang tinig ang mula sa labas ng pinto dahilan para matigil ito. Maging siya ay nagulat.
“Ruby nariyan ka ba? May kailangan akong sabihin sayo.” tinig iyon ni Wendy— ang matalik na kaibigan niya at ang kalaguyo ng nobyo niya.
Nagkatinginan sila ng lalaki, kung bubuksan nila ang pinto ngayon ay tiyak na mahuhuli sila kahit na wala naman silang ginagawa.
…
Ang mga mata ni Ruby ay malamig na nakatingini sa mukha ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang kanyang camera at nag-record ng video. “Kung gusto mo na patawarin kita ay kailangan mong sabihin sa akin ngayon kung sino ang nag-utos sayo na gawin ang lahat ng iyon sa akin.” walang emosyon ang kanyang mukhang sabi rito. Alam niya na may nag-utos ditong gawin iyon sa kaniya.Napuno ng pag-aalinlangan ito sandali ngunit sa huli ay ibinuka din nito ang bibig para magsalita. “Ang nag-utos sa akin na gawin iyon ay walang iba kundi si Wendy. Si Wendy ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ang sabi niya sa akin, kung magagawa ako ang iniuutos niya ay bibigyan niya ako ng pera ay higit sa lahat at ipinangako niya sa akin na kung maging asawa na siya ni Ethan Montefalco ay sisiguraduhin niya na ako ang unang magkakaroon ng koneksyon sa pamilya Montefalco.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay halos gusto niya na lang matawa. “At naniwala ka naman sa sinabi niyang magiging asawa niya
“Ma’am, ayos lang po sana ang tungkol sa kahalayan ng ginawa ng asawa niyo. Kung iyon lang po ang problema sana ay pwedeng-pwede rin siyang makauwi kaagad kaso nga lang po ay may nagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa tangkang panghahalay.” sabi ng pulis sa asawa ni Benedict.“What?!” namilog ang mga mata nito bago nilingon ang kanyang asawa. “Anong sinasabi ng pulis? Totoo ba ang lahat ng ito?” Dahil wala ng magawa pa si Benedict ay napilitan na lang itong sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari para lang makalabas na siya kaagad doon. “Pero hindi ko talaga siya hinawakan man lang. Alam mo naman kung anong itsura niya hindi ba? Hinding-hindi ko siya pag-iinteresan. Siya nga itong namahiya sa akin nitong mga nakaraan.” paliwanag niya sa kanyang asawa.Sa galit nito ay muli siya nitong pinaghahampas. Talagang galit na galit ito dahil sa ginawa niya ngunit pagkatapos nito ay umalis din naman ito kaagad para linisin ang gusot na ginawa niya. Samanta
Sa backstage ay hindi na napigilan pa ng ama ni Mrs. Lozano ang galit nito. Hinarap niya ang kanyang anak at galit na galit na sumigaw. “Tingnan mo nga kung anong kahihiyan ang ibinibigay ngayon ng asawa mo sa akin! Sa dami dami ng lalaking pwede mong pakasalan ay talagang siya pa ang napili mo! Napakarami niya ng gusot at kahihiyang ginawa sa mga nakalipas na taon!” sigaw nito sa anak. “Sa tingin mo ba sa ginawa niyang ito ay hindi makakaapekto sa career ko? Kapag nasira niya ang lahat sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito!” ******Nang dalhin sa presinto si Benedict ay wala pa siyang kaalam-alam kung gaano na kagulo ang mga tao ngayon sa internet para pag-usapan siya. Hinid lang sa f@cebook siya ngayon sikat kundi sa ibat-ibang platform pa. Bukod pa doon, mabuti na lang at pinayagan sila ng mga pulis na kontakin ang kanilang mga pamilya para maayos na ang gusot. Sinabi rin sa kanila ng mga pulis na kailangan nilang manatili sa presinto ng sampung araw o higit pa
Hindi alam ni Ruby kung saan siya ngayon lalapit dahil naging palpak ang pakikipag-usap niya sa mga taong iyon. Kung sana lang ay matino silang kausap e di sana ay wala siyang problema ngayon. Ginamit lang siya ng mga ito para makapaghiganti sa kaniya ang Mr. Lozano na iyon sa kahihiyang ito rin naman ang may gawa. Ngayon ay mukha talagang kailangan na niyang seryosohin ang paggawa ng sarili niyang brand ngunit dahil hindi naman siya kilala ng mga tao ay tiyak na magiging napakahirap nito para sa kaniya. Ang una niyang naisip ay ang kumuha ng mga taong mag-iinvest sa kaniya at siya lang ang gagawa sana ng mga pabango at sila na ang bahalang magbenta. Pero ngayon ay malabo na iyon.Para makuha ang hustisya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya ay tumawag siya sa police station at inreport ang insidente para na rin makasuhan ang mga taong sangkot. Bukod pa doon ay may ebidensya naman siyang hawak at may mga kuha din ng cctv sa hotel. ******Nang dumating ang mga pulis sa silid kung saa
Halos magkandaligaw-ligaw si Ruby dahil sa lawak ng villa. Ni hindi niya natandaan ang mga dinaanan niya kanina. Mabuti na lang at naroon lang ang mga kasambahay kung saan ay itinuro sa kaniya ang daan. Bumalik muna siya sa silid na tinulugan niya para kuhanin ang mga gamit niya bago nagpaturo ng daan palabas. Napakalaki ng bahay na iyon at mag-isa lang ang lalaking nakatira. Sa dami ng bahay na napasukan niya ay parang ito pa lang yata ang napasok niyang ganito kalaki. Mas malaki pa ito sa mansyon mismo ng mga Montefalco. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa lalaking katulad ni ZAchary Montefalco e talaga namang napakayaman talaga nito as in. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lang at paglabas mismo halos ng villa ay highway na kaya may mga dumadaang sasakyan kung saan ay kaagad siyang pumara ng taxi para pumunta sa kanyang studio. Habang sakay siya ng taxi ay nakatanggap siya ng isang message galing sa kanyang kaibigan na si Missy at pinapapunta siya nito sa kumpanya dahil may kai
Pagkatapos lang umalis ni Alex ay tumayo na rin si Zach at nagtungo sa kusina. Umupo siya at hindi sinasadyang mapasulyap sa babaeng nauna ng nakaupo doon. Kahit na may makeup na ito ng mga oras na iyon ay ang tunay pa rin nitong mukha ang nakikita niya. Nagbawi lang siya ng tingin at hindi na ito nilingon pa nang marinig niya ang tinig nito. “Mukhang wala ka pang bumalik sa ibang bansa Tito…” Tumango siya.Hindi malaman ni Ruby kung bakit bigla na lang siyang napangiti nang malaman niyang hindi pa ito babalik sa ibang bansa. Para siyang isang bata na napagbigyan sa kahilingan niya. Muling napasulyap ng wala sa oras si Zach sa babae at ang unang napansin niya ay ang ekspresyon nitong masayang masaya. Bakit parang masaya ito na malaman na wala pa siyang balak bumalik sa ibang bansa? Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Sa murang edad nito ay baka ma mis interpret nito ang mga kilos niya lalo na at iniligtas niya ito mula sa mga taong iyon kagabi. Ito ang nobya ng pamangkin niya at
Ang totoo, kaya ganun na lang ang reaksyon ni Andrea ay dahil nakita niya mula sa malayo na makailang beses sinulyapan ni Tobi ang babaeng kasama ni Missy. Kahit siya na babae ay nagagandahan dito kaya paano pa ang lalaki hindi ba?Hindi siya nagkaroon ng problema sa pagtataboy sa mga babaeng nagka
Nilingon ni Missy ang kaibigan pagkatapos nilang masaksihan pareho ang pangyayari. “Nakita mo ba iyon Ruby? Mukha yatang may plano na namang humanap ngg ibang babae ang lalaking iyon. Paniguradong hindi magtatagal ay ibabasura na rin niya ang WEndy na iyon.” Mabilis na umikot ang mga mata ni Ruby.
Bigla na lamang siyang kinalabit ni Missy ng wala sa oras kaya kahit na gustuhin niya mang yumuko na lang sana ay hindi niya nagawa. Mukhang excited pa itong sabihin sa kaniya ang nangyayari sa kanilang harapan. “Tingnan mo Ruby, nakita mo ba ang itinuturo kong lalaki sayo? Ang daming babaeng gusto
Tumigil lang sina Missy at Ruby nang makarating sila sa isang sulok. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Missy bago siya nito nilingon. “Nakita mo na kung paano nila ako tratuhin? Talagang hindi yata ako welcome sa pamilyang ito.” may himig ng lungkot na sabi nito sa kaniya.“Una pa







