Share

CHAPTER 45 “THE PROPOSAL”

INIHATID rin siya ni Joaquin nang gabing iyon.

Kailangang aminin ni Lara na nakakaramdam siya ng hiya sa kanyang ama tuwing umuuwi siya at galing sila ni Joaquin sa bahay sa bahay nito. Although iyon ang ikalawang beses kung tutuusin. Hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng ganoon. Sa kabila iyon ng katotohanang engage na sila ng binata.

Pasado alas nueve pa lamang nang maihatid siya ng nobyo. Pero inisip pa rin ni Lara na uuwi rin kaagad si Joaquin. Kaya naman labis niyang ikinabigla nang marinig ang sinabi ng binata sa kanyang ama na si Rodolfo.

“May gusto po sana akong sabihin sa inyo, Tito Rodolfo,” ani Joaquin.

Iyon ay nang mailapag ni Lara ang tasa ng kape sa center table na nasa sala.

Hindi sumagot si Rodolfo at sa halip ay tango lang ang naging pamamaraan nito ng pagresponde sa sinabing iyon ni Joaquin.

Agad na kumabog ang dibdib ni Lara sa kaniyang narinig. Awtomatiko siyang napatitig sa gwapo at perpektong mukha ni Joaquin na ngumiti lang sa kanya.

“Bakit hindi ka maup
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status