Se connecterTRICIA'S POVNakabusangot akong nakaupo sa malawak naming hardin. Nakasandal ako sa komportableng garden chair habang pinagmamasdan ang mga halamang maayos na inaalagaan ng mga gardener namin.Hays! Ano ba kasi, nakakatampo na talaga si Zypier.Mag-iisang buwan na, pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam nang maayos. Simula kahapon, wala man lang akong natatanggap na update mula sa kanya. Kahit simpleng text o tawag lang sana para malaman kong okay siya. Pero wala talaga.Hays!I miss him so much.Alam kong marami siyang inaasikaso sa airlines company, pero hindi naman siguro ganoon kahirap maglaan ng ilang minuto para tawagan ako, right?Napabuntong-hininga ako bago marahang hinaplos ang tiyan ko."Daddy mo, baby, hindi na nag-u-update sa atin. Busy na yata siya at nakalimutan na niya tayo," malungkot kong bulong habang nakatingin sa tiyan ko.Napailing ako at bahagyang nag-pout."Sabihin mo nga sa daddy mo na miss na miss na siya ng mommy mo."Napangiti ako sa sarili k
ZYPIER POVNasa loob kami ngayon ng malawak na conference room ng aming airline company. Nakapalibot sa mahabang conference table ang mga department heads, miyembro ng legal team, at iba pang mahahalagang personnel na may kanya-kanyang responsibilidad sa pagpapatakbo sa kumpanyang ito.Katabi ko si Attorney Santos, kasama ang ilan sa mga miyembro ng legal team niya. Nasa kabilang bahagi naman ng mesa si Timothy, kasama ang ilang cabin crew at pilots na dumalo rin sa meeting.Sinimulan namin ang conference sa pamamagitan ng pagpapakilala sa bagong management ng kumpanya. Ipinakilala ko ang sarili ko bilang bagong Chief Executive Officer o CEO. Si Tito naman ang kasalukuyang Chairman of the Board, habang si Attorney Santos ang Chief Legal Officer o CLO na mamamahala sa lahat ng legal matters, contracts, at iba pang dokumentong may kinalaman sa operasyon ng kumpanya.Ipinakilala rin namin ang iba pang mga taong magiging bahagi ng bagong management. Mahalaga sa akin na malinaw sa lahat ku
THIRD PERSON POVNasa loob na ng itim na Lamborghini ang lalaking kanina lamang ay nakabunggo kay Tricia. Tahimik siyang nakasandal sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. Wala na ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Muli na namang bumalik ang malamig at seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Where to, sir?" magalang na tanong ng driver habang hawak ang manibela.Hindi agad siya sumagot. Sa halip, bahagya siyang lumingon at muling tiningnan ang direksyong pinanggalingan ng babae. Para bang sariwa pa rin sa kanyang isipan ang babaeng sinadya niyang banggain kanina.Bahagyang kumunot ang kanyang noo bago tuluyang ibinalik ang tingin sa harapan."Sa puntod ng kapatid ko," malamig niyang sagot.Magalang na tumango ang driver at hindi na nagtanong pa. Agad nitong pinaandar ang sasakyan at mabilis na pinaharurot palabas ng parking area.Nanatili siyang tahimik sa buong biyahe. Nakatitig lamang siya sa labas ng bintana habang unti-unting bumabalik sa kanyang alaala ang
TRICIA'S POVNasa loob ako ngayon ng clinic, kaharap ang OB-GYN ko habang maingat nitong sinusuri ang kalagayan ng baby ko. Tahimik akong nakahiga sa examination bed habang nakatingin sa monitor. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa mukha ng doktor, hinihintay ang sasabihin nito."Everything looks good, Tricia. Healthy ang baby mo, and there's nothing to worry about for now."nakangiting sabi ng doctora.Napangiti ako nang marinig iyon."Talaga po, Doc? Okay lang po ba talaga siya?"Tumango ito habang patuloy na tinitingnan ang resulta ng examination."Yes. Normal naman ang development niya. Just make sure na nakakakuha ka ng enough rest, kumakain sa tamang oras, at hindi masyadong napapagod. You're carrying a baby, so you have to take care of yourself, too.""Yes, Doc. I'll keep that in mind."Matapos ang huling pagsusuri, tinulungan niya akong makaupo. Dahan-dahan akong bumaba mula sa examination bed at umupo sa gilid nito habang inaayos ang damit ko.Napahawak ako sa tiyan ko at b
WEEKS LATER ZYPIER'S POVSunod-sunod ang pag-slide ng mga dokumento sa ibabaw ng mahabang conference table. Nasa magkabilang panig nito ang halos limampung investors na dumalo sa meeting namin ngayong araw. Ang ilan ay tahimik na nagbabasa ng financial reports, habang ang iba naman ay abala sa pagsusuri ng mga proposed business plans na inihanda ng team namin.Ipinatong ko ang magkabilang kamay sa mesa bago tuluyang tumayo at humarap sa kanila."As you can see, gentlemen, these are the latest financial reports of the company. We've managed to settle some of our outstanding liabilities, and we're currently working on restoring the operations of our remaining aircraft."Inilipat ko ang presentation sa malaking screen, kung saan nakapakita ang updated financial figures at listahan ng mga eroplanong nakatakda nang bumalik sa operasyon."May ilang aircraft pa tayong kailangang ipaayos at ipa-inspect bago makakuha ng clearance. We don't want to rush things. Safety and reliability should r
TRICIA'S POVKakatapos lang naming magdasal ni Mommy. Ipinagdasal namin na sana ay nailigtas ni Zypier si Daddy. Pero kahit tapos na kaming magdasal, hindi pa rin nawala ang sobrang kaba at pag-aalala sa dibdib ko.Sinubukan din naming tawagan si Kuya Timothy, pero hindi talaga namin siya ma-contact. Ilang beses na akong tumawag at nag-message, pero wala pa rin siyang sagot.Honestly, naiinis na talaga ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang siya nagpaparamdam sa amin. Sa dami ng nangyayari sa pamilya namin, imbes siya ang maasahan namin sa ganitong klaseng situation, pero wala siya. Hindi niya na talaga kami mahal,? Sobrang laki na talaga ng tampo ko sa kaniya.Alas-dose na ng hatinggabi, pero hindi pa rin ako makatulog. Nasa Istanbul ang isip ko. Iniisip ko kung ano na ang nangyayari roon at kung ligtas na ba sina Daddy at Zypier.Gusto ko na talagang lumipad papunta roon, pero alam kong hindi puwede. Delikado ang sitwasyon, at baka lalo lang akong maging dah
WARNING MATURE CONTENT ⚠️ TRICIA POV Isang oras na ang lumipas at tila nagmumukha na akong tanga sa paghihintay dito. “wala pa rin siya,” pabulong kong saad sa gitna ng namumuong inis, habang marahang pinapaikot ang alak sa loob ng aking baso. “You'll pay for this Mr. Engineer!”mariin ko
ZYPEIR POV Nakapikit ang aking mga mata habang nakaluhod sa luluhuran ng simbahan. Naramdaman kong merong tumabi sa akin ngunit hindi ko lang pinansin. Vacante kasi ang kabilang side dahil ang kapatid kong naupo kanina ay kumandong na na kay Dad na katabing naka-upo sa likod katabi ni mommy.“Mags
PATRICIA POVMalamig na hangin mula sa aircon ang unang humalik sa balat ko kasabay ng matapang na amoy ng alkohol at gamot. Sa pagmulat ng aking mga mata, bumungad ang nakakasilaw na puting kisame na tila walang katapusan.Sa gilid ng aking pandinig, ritmiko ang bawat beeping ng monitor—isang palat
TRICIA POV“Ma'am delicado po dyaan!”narinig kong sigaw sa mga trabahanteng nasa itaas ng tinatayong building. Nagtaka naman akong tumingala sa mga ito bago iginala ang aking paningin upang tingnan kung meron bang hazardous na daan. Ngunit wala naman akong nakita kaya nagpatuloy ako sa aking paglal







