UMUWI si Velora na malalim ang iniisip. Una niyang pinuntahan ang kapatid niya sa kuwarto nito. Bago umuwi ay nakapagbihis na siya ng kanyang damit.
"Bakit gising ka pa?" nakangiting tanong niya nang makita si Vanna na nakaupo sa kama. Payat ito, naninilaw ang mga mata at balat dahil sa sakit sa kidney. "Hindi ako makatulog, ate. Bakit maaga ka umuwi ngayon? Di ba, mamaya pa ang tapos ng part time job mo?" Natigilan si Velora. Walang kaalam alam si Vanna tungkol sa kanyang maruming trabaho. Inililihim niya dahil ayaw niyang kasuklaman siya ng sariling kapatid. Lalo pa mataas ang tingin nito sa kanya. "P-Pagod lang ako kaya umuwi na lang ako. Nagpaalam na lang ako sa boss ko," alibi ni Velora, pinilit niyang maging kaswal para hindi mahalatang nagsisinungaling. "May pasalubong ako sa'yo, hamburger at fries. Halika, kain tayo." Gumuhit ang masayang ngiti sa mukha ni Vanna. "Talaga po, ate? Yehey!" Nahawa na rin si Velora sa kasiyahan ng kapatid. Simple lamang ito pero ang laki ng hatid sa kanya. Makita lang niyang masaya ang kapatid niyang maysakit at masayang masaya na rin siya. Nang matapos silang kumain magkapatid ay inihanda na ni Velora ang higaan ni Vanna. Napainom na din niya ito ng gamot. "Matulog ka na, Vanna. Masama sa'yo ang magpuyat." Tumango sa kanya ang kapatid at nginitian siya. "Good night po, ate." "Good night din sa'yo. Mahal ka ni ate," nakangiti ding tugon ni Velora at binigyan ng halik sa noo ang kapatid. "Mahal din po kita, ate." Lumabas si Velora sa kuwarto ng kanyang kapatid. Dumiretso siyang tumungo sa kuwarto niya. Pagkapasok sa loob ay kinuha ang kanyang passbook at tila maliit na vault. Binuksan niya ang kanyang vault, binilang ang mga perang nakatago sa vault. "One hundred thousand pesos... kulang na kulang pa ito para sa pagpapa-opera ng kapatid ko." Nausal niya habang nakatingin sa mga pera at sa kanyang passbook na naglalaman ng three hundred thousand pesos. Malaki pa ang kailangan niya, na halos lagpas sa kalahati ng kabuuang halaga ng pagpapa-opera ni Vanna ng kidney. Parang 'di na niya masikmura ang trabaho niya sa club. Ilang buwan na din siya sa ganoong trabaho. Pero, kulang pa rin ang pangtustos niya sa pagpapagamot niya sa kapatid. Marahas na napabuntong hininga si Velora. Hindi na niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang kapalaran. Alin ang pipiliin niya, ang dangal na iniingatan o ang buhay ng kanyang nag-iisang kapatid? Pumatak ang takas na mga luha sa kanyang mata. Hindi sana magkakaganito ang buhay nilang magkapatid kung hindi sila iniwan ng kanilang mga magulang. Bata pa siya at limang buwan palang si Vanna noong mawala ang mama nila. Pagkatapos ay iniwan na lamang sila ng kanilang ama para sumama sa babae niya. Pinili ng sarili niyang ama na samahan ang ibang tao kaysa sariling mga anak. Kaya ang laki ng galit niya sa ama. Nasa puso niya ang ginawa nitong pag-iwan sa kanila. Maagang gumising si Velora para ihanda ang pagkain ng kapatid. Check din niya ang mga gamot nito na iinumin sa buong maghapon habang wala siya. Baka may kulang o mali ang oras na nakalagay. Mayamaya'y darating ang magbabantay kay Vanna habang nasa trabaho. "Ate Len, nailagay ko na sa lagayan ang mga gamot ni Vanna. May oras na din doon, ipainom mo na lang at 'wag kalimutan. Dapat ay tama sa oras lahat. Kung may anumang problema, itawag mo kaagad sa akin," mga bilin ni Velora sa magbabantay sa kapatid. "Tatandaan ko lahat. 'Wag kang mag-alala kay Vanna dito sa bahay." Napatiim na tumango si Velora sa babae at kinuha ang kanyang bag. "Sisilipin ko lang si Vanna at aalis na ako." Pinuntahan niya ang kapatid sa kuwarto nito. Pinihit ang seradura ng pinto at binuksan ng maliit para masilip si Vanna sa loob. Masarap ang tulog ng kanyang kapatid, kaya di na niya ito inistorbo pa. Lulan ng taxi si Velora papunta sa kanyang trabaho. Sa araw ito ang trabaho niya, bilang isang admin assistant sa kilalang kompanya. Pero, dahil minimum lang ang kanyang sinasahod at kailangan niyang magdoble kayod. Napilitang siyang pumasok bilang guest relation officer, sa madaling salita, G.R.O. siya sa club. Huminto ang taxi sa harap ng isang matayog na gusali. Solara Essence, isang kilalang brand ng pabango, hindi lang sa loob ng bansa, maging sa labas ng bansa. Sa Solara, presentable ang kanyang pananamit. White blouse na top at black mini skirt, tinernuhan lang niya ng flat shoes. Simpleng simple kumpara sa kanyang ayos tuwing gabi sa Maison Rouge. "Oy, Velora. Ang ganda mo ngayon. How to be you po?" Birong bati ni Aster sa kaibigan. Sa itsura niya madalas nga siyang mapagkamalang mayaman. Makinis at maputi. Ang ganda ng mukha na parang santa. Pero hindi nila alam na may itinatago siyang bulok na pagkatao. Aster Venus, kaibigan ni Velora. Ngunit, wala itong alam sa totoong pagkatao niya. Ang trabaho niya sa gabi ay never niyang nabanggit sa pinakamatalik niyang kaibigan. "Aster, 'wag mo na akong bolahin. Dumating na ba si boss?" "Iyong boss nating super sungit? Akala mo parating gustong makipag-away sa lakas ng boses..." bulalas ni Aster saka umiling. "Dinig ko hindi ata papasok ngayon. May pupuntahan daw. Mawawala nga raw ng isang linggo 'yon. Ewan ko lang kung totoo, ha." Ini-on ni Velora ang kanyang computer saka umupo sa kanyang upuan. Parang na-curious siya na biglang nagbakasyon ang CEO ng Solara Essence. "Teka... teka... mawawala siya ng one week? Ano 'yon bakasyon?" Napakibot ng kanyang balikat si Aster. "Ma at pa. Malay ko at pakialam ko!" "Hoy! Kayong dalawa, kapapasok n'yo lang nagma-marites kaagad kayo. Magsipag-trabaho na nga kayo!" Bulyaw na saway ng kanilang department head. Nagulat si Aster at biglang napaupo sa kanyang silya habang si Velora ay kunwari'y nagta-type sa kanyang keyboard. Magkatabi lang ang kanilang mga desk. Encoder si Aster sa Salora. Napatingin siya sa gawi ng kaibigan. Pinipigilan niyang tumawa ng malakas. Dahil tila naging seryoso at nabahiran ng takot ang mukha. "Mapapel talaga 'yan si Miss Amoyo. Palibahasa kasi ayaw sa kanya ni Mr. Hughes." Mahinang bulong ni Aster na dumukwang pa kay Velora para bumulong. "Marinig ka. Pag-iinitan na naman tayo..." saway niya sa kaibigan. Napa-roll ng kanyang mata si Aster saka humalukipkip. "Hmmp.. insecure lang 'yon sa'yo. Ikaw kasi ang pinakamaganda dito sa buong Solara. Iyong anak nga ng presidente gustong ligawan ka. Hindi pa nagsasabi basted mo na agad." "Walang gusto sa akin si Rocco at hindi din siya nanligaw. Kaya hindi ko siya binasted." Napairap si Aster. "Pa-humble ka pa. Kalat sa buong Solara na nag-inom si Sir Rocco dahil binasted mo daw. 'Wag mo ng ikaila, Velora." Napailing na lang siya at itinuon ang mata sa kanyang computer. "Magtrabaho na nga tayo. Kung ano anong pinagsasabi mo. Baka bumalik si halimaw at masigawan na naman tayo," pag-iwas na bulalas ni Velora. Iniiwasang pag-usapan ang issue tungkol sa kanila ni Rocco. Rocco Enriquez, head ng accounting, binata at anak ng presidente ng Solara. Mabait naman ito pero wala talaga sa isip niya ang mag-boyfriend. Mas tinututukan niya ang mga pangangailangan ni Vanna kaysa kanyang sariling kaligayahan. Saka makakapaghintay naman ang pag-ibig. Sa ngayon, ayaw muna niyang pumasok sa isang relasyon hangga't di magaling si Vanna. LUMABAS ng kanyang magarang sasakyan si Dewei, ang tunog ng kanyang branded na leather shoes ay tumama sa sementadong daan. Suot ang kanyang dark-tinted sunglasses, tinanggal niya iyon at walang sabi sabing iniabot sa kanyang personal assistant. Natataranta namang kinuha nito ang kanyang salamin. "Sir, I didn’t know na papasok kayo. You told me—" Hindi na natapos ni Jai, ang kanyang assistant, ang sasabihin dahil biglang bumaling si Dewei sa kanya, ang tingin nito ay sapat na para manliit ang sinuman. "I told you what? Hah?" matigas na sabi ni Dewei, malamig ang titig. "And now you think you know better than me? Who are you again? Tauhan lang kita. So tell me, anong karapatan mong makialam sa mga desisyon ko?" Nanigas si Jai sa kanyang kinatatayuan. Mabilis siyang yumukod habang halos magkandautal sa pagsasalita. "P-Pasensya na po, Sir—" "Shut up," malamig na putol ni Dewei, habang marahan ngunit mariing tinapik ang balikat ni Jai gamit ang daliri. "P.A. ka lang. Alalahanin mo 'yan. You’re not paid to question my decisions. I canceled my leave plans because I had a sudden change of mind. Naiintindihan mo? I don’t owe you or anyone an explanation. At tandaan mo, walang sinuman ang pwedeng magsabi kung kailan ako papasok o hindi. Naiintindihan mo ba, Jai?" Mabilis namang tumango si Jai, na bahagyang namutla. Parang hindi makahinga sa bigat ng presensya ng kanyang amo. Si Dewei Hughes, CEO at nagmamay-ari ng pinakamalaking kompanya ng pabango, ang Solara Essence. Bunsong anak nina Solara at Donny Hughes. Ang ama niya ang nagtayo at nagpalago, na ipinangalan sa kanyang butihing may-bahay na si Solara. Walang sinuman ang may lakas ng loob na sumalungat kay Dewei. Maging ang kanyang mga magulang ay hinahayaan siya sa lahat ng kanyang mga gusto. Nagsitakbuhan ang mga empleyadong nasa lobby nang makita si Dewei. Nag-unahan ang ilan sa pagpila at pagyuko habang dumadaan ang CEO ng Solara Essence. Ganito kalaki ang takot ng mga empleyado sa kanya. Walang pakialam si Dewei sa paligid. Tuloy tuloy lang siyang naglakad papunta sa executive lift na parang wala siyang nakikita. "Do I have appointments today, Jai?" tanong niya nang makapasok sila sa loob ng elevator. Agad na pinindot ni Jai ang close button bago binuklat ang hawak niyang journal. "As of 10 a.m., all your appointments are canceled. But if you want to resume—" Itinaas ni Dewei ang kamay para patahimikin siya. "No. Let it stay that way. I have something to do later," maikli niyang sagot. "Ipatawag mo si Velora. Sabihin mo pumunta siya sa opisina ko." "Noted, sir," sagot ni Jai habang pilit na pinapanatili ang mahinahon niyang boses. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa CEO lounge na sila. Bumukas ang pinto, at mag-isang lumabas si Dewei. Dumiretso papunta sa kanyang opisina na hindi nilingon ang kanyang assistant na naiwan sa loob ng lift."VELORA, ipinapatawag ka ni Mr. Hughes," sabay na napalingon sina Aster at Velora sa bagong dating na si Mr. Jai."Okay po, Mr. Jai." Magalang na tugon ni Velora at nagyuko pa ng ulo ng pagsang-ayon."Bilisan mo. Alam mong ayaw ni Mr. Hughes ang naghihintay."Opo..." inis niyang sabi sa P.A ng amo nila. At walang paalam na umalis na ito."Alam mo, palagi ka na lang ipinapatawag ni Mr. Hughes. Ano bang iniuutos niya sa'yo? Saka, ang pagkakaalam ko ay hindi siya papasok ngayon. Anong masamang hangin na pumasok si Mr. Terror?" Natanong ni Aster nang nakaalis si Mr. Jai.Napaiwas ng tingin si Velora sa kaibigan. "W-Wala naman. May ipinapagawa lang sa computer niya.""Hmm. Every week bang sira ang computer ni sir? Saka, bakit ikaw pa ang kailangan na mag-aayos? Wala na ba siyang pera para umupa ng computer technician?" Usisa pa ni Aster, hindi na ito natigil katatanong sa kanya tungkol sa amo nila.Nanlaki ang mga mata ni Velora at napalinga sa paligid."Ano ka ba, Aster? May makarinig sa'
"AHH... f^č̣k! I don't know why it felt so good when I felt your hotness." Napapapikit pang ungol ni Dewei.Napangiwi si Velora sa sobrang pagiging brutal ng amo. "Sir, ang bastos n'yo po. Para kayong hindi CEO ng Solara Essence."Pinaglandas ni Dewei ang kanyang daliri sa balikat ni Velora. Nakiliti and dalaga pero hindi niya ipinahalata sa amo n'ya."Sa'yo lang naman ako ganito. May narinig ka bang girlfriend ko o ibang babae dito sa kompanya ko?""Wala po. Pero, hindi po ako bagay sa isang katulad mo..."Natigilan si Dewei at seryosong napatitig sa mukha ni Velora."I'm contented every time you make me feel happy. Mas mapapasaya mo ako kung ibibigay mo sa akin ang nais ko. Sayang nga lang dahil ayaw mo," wika ni Dewei na nagpatitig sa mukha ng dalaga. Tila nanghahamon ang uri ng paninitig."Sabi n'yo nga kuntento na kayo na ganito tayo. Then, let's stay like this. I need you for my sister's operation. At kailangan mo ako para makaraos," walang pasubaling sabi ni Velora.Napangisi s
"VELORA… Velora, are you still there? Come out, the food is already here," katok ni Dewei sa pinto ng washroom.Mabilis na naghilamos si Velora ng mukha at hinagod ng daliri ang kanyang buhok. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Medyo namumula pa ang kanyang mga mata, pero umaasa siyang hindi mapapansin ni Dewei na kagagaling lang niya sa pag-iyak.Huminga siya ng malalim, inayos ang blouse at skirt niya, saka marahang lumapit sa pinto."L-Lalabas na..." sagot niya, bago pinihit ang seradura upang buksan ang pinto. Unang bumungad sa kanya ang malapad na ngiti ng amo niyang si Dewei Hughes. Napadako ang tingin niya sa loob ng opisina. Naroon si Mr. Jai, ang assistant ng CEO. Hindi siya nakatagal sa pagtitig sa lalaki kaya kusa niyang ibinaba ang kanyang tingin."You can go, Jai. May pag-uusapan pa kami ni Velora while taking our breakfast," madiing utos ni Dewei, hindi inaalis ang tingin kay Velora.Pagkaalis ni Jai, binalingan ni Dewei si Velora. Naglakad siya palapit sa dalaga
SINABUNANG maigi ni Velora ang kanyang buong katawan at nag-shave din siya ng kanyang gitna. It's her first night at gusto niyang maging memorable kahit na hindi sa lalaking pakakasalan niya.'Di niya maintindihan ang sarili, na-e-excite siya ngayong gabi sa mangyayari. Nagsinungaling pa siya kay Rosenda para lamang mapayagang hindi pumasok sa club.Pagkalabas niya ng banyo, nadatnan niya si Len na inihahanda ang pagkain ni Vanna."Papasok ka na ba, Velora, sa part time mo?" tanong ng ginang."Opo, ate. Kayo na po muna ang bahala kay Vanna. Dadagdagan ko na lang po ang bayad ko sa inyo." Tugon ni Velora. Pakunswelyo sa dagdag na oras na pagbabantay at pag-aalaga sa kapatid niya."Naku, itong batang 'to. Kahit 'wag na. Okay naman ang ibinabayad mo sa akin buwan buwan. Nakakasapat sa panggastos naming mag-anak," tangging sagot ni Len. Sobra naman ang buwanang sahod na natatanggap niya mula kay Velora."Nakakahiya naman po. Halos kayo na po ang palaging kasama ni Vanna. Wala din po akong
KABADO si Velora, pinagpapawisan ang kanyang palad sa nerbiyos habang nakatingin sa pinto ng condo unit ng kanyang amo na si Dewei. Wala na itong atrasan, andito na siya at hindi na makakawala pa sa anumang gustong gawin ng binatang amo.Napahinga siya ng malalim saka kinuha ang key card na inabot sa kanya sa reception kanina. Ang pakilala niya ay empleyado ni Mr. Dewei Hughes. Maigi na lamang ay nag-iwan pala ang binata ng spare key card para sa kanya. 'Di na niya maistorbo ang amo para pagbuksan siya ng pintuan."Para sa pagpapagamot ni Vanna. Kaya ko 'to..." ani Velora, kahit halata ang pag-aalangan sa kanyang tinig.Nai-swipe niya ang key card at agad bumukas ang pinto. Naihakbang ni Velora ang paa papasok sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa loob ng condo unit ng amo. Dinig niya na hindi ito madalas puntahan ni Dewei. Dahil naninirahan ito kasama ng parents at kapatid na bata sa kanya ng limang taon.Dahan dahan ang bawat hakbang ni Velora, tila nag-iingat na huwag m
"LET'S bathe together. I can clean your whole body and pour soap all over," nalambing na aya ni Dewei, sabay hila kay Velora upang tumayo."Sir, nakaligo na po ako kanina bago pumunta dito. Kayo na lang po. Hintayin ko na lang po kayo dito sa sala," mariing tanggi ni Velora nang makatayo. At nahihiyang tumitig sa mga mata ng amo.Napatiim ng labi si Dewei. Naningkit ang mata nito habang pinagmamasdan siya, tila hindi natuwa sa sagot niya."Don't say that. I can't accept a no. I want you to feel relaxed in soothing water. It's your first night, right? Gusto kong alisin ang pagka-ilang mo sa gagawin natin buong magdamag. And warm water will help," aniya, may bahagyang ngisi sa labi. Hinawakan nito ang kanyang beywang at hinapit siya palapit hanggang sa magdikit ang kanilang mga katawan.Nangilabot si Velora sa titig ni Dewei. Parang may naglalarong mga paru paro sa kanyang tiyan, lalo na’t ramdam niya ang init ng bisig nitong nakayakap sa kanya at wala nang pagitan sa kanilang dal'wa.
PAGDATING sa loob ng banyo ay buong ingat na ibinaba ni Dewei si Velora. Nang lumapat ang kanyang mga talampakan sa malamig na tiles ay bahagyang kilabot ang gumapang sa kanyang katawan.Nakatingala si Velora na nakatitig sa mukha ng binata. Maging si Dewei ay di inaalis ang mga mata sa kanya. Kapwa sila puno ng init at namumungay ang mga mata.Nagsimulang hubarin ni Dewei ang lahat ng kanyang kasuotan. Pigil hiningang pinanood siya ni Velora. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon naghuhubad si Dewei Hughes. Pangarap siya ng maraming babae, pati na siya. Sino bang babae ang di papangarapin ang isa sa pinaka-gwapo at mayamang lalaki na katulad ni Dewei? Nagkakandaluhod nga ang iba sa harapan ng kanyang amo."Ginagawa mo din yun, Velora." Usal ng sariling isip. Parang nahiya siya sa kanyang sarili. May dahilan siya kaya ginagawa niya iyon. Kailangan niya ng pera, hindi para sa kanya. Kundi para sa pang-dialysis ng kapatid niya.Isa isang bumagsak sa sahig ang mga damit ng
NAGING malikot ang katawan ni Velora. Bawat himaymay sa kanyang sistema ay binubuhay ng init na dulot ng sensasyong dinadala ni Dewei sa kanya."Sh^t!" Paanas na mura ni Dewei, kagat kagat ang pang-ibabang labi habang naglalakbay ang kanyang mga daliri sa hiy@s ni Velora. Naglal@wa kaagad ang ibaba ng dalaga, di niya tuloy mapigilan ang sarili na ipasok ang isang daliri."S-Sir, 'wag d'yan..." pipigilan sana ni Velora ang kamay ni Dewei pero mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay."Allow me, Velora... don't worry, di kita sasaktan. Masisiyahan ka pa lalo sa gagawin ko sa iyo."Mariing ipinikit ni Velora ang kanyang mga mata at nahigit ang paghinga. Unang beses na mayroong papasok sa kanya kaya sobrang kabado siya."S-Sir....""Call me by my name. Moan my name, Velora..." namamaos ang boses na nakikiusap na sabi pa ni Dewei.Napaliyad ang katawan ni Velora nang maramdaman ang pagpasok ng isang daliri ni Dewei sa kanyang loob. Napangiwi siya dahil may kaunting hapdi siyang naramdama
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina
AKAY ni Jai si Aster papasok sa loob ng apartment na inuupahan ng dalaga. Nahirapan pa siya sa pagkuha ng susi ng bahay dahil hindi na niya makausap ng matino si Aster. Nakayuko na lang ito at tulog sa sobrang kalasingan. "Hey, Aster! Where is your room here?" Tinatapik ni Jai ang pisngi ng dalaga para magising. Pero, wala. Hindi ito sumasagot at ang himbing ng tulog. Muling tinapik ni Jai sa pisngi si Aster. Nagmulat ng kaunti ang mata nito at nginitian siya. "S-Si Jai ka ba?" Sisinok-sinok na tanong nito. Napakunot ang noo ng binata. "Of course. Sino bang inaakala mong maghahatid sa'yo pauwi? Otherwise, may inaasahan kang lalaking maghatid sa'yo..." Ngumisi si Aster. Malakas na sinampal ang pisngi ni Jai. "Ouch! Bakit mo ako sinampal?" Daing na tanong ng binata. "Naninigurado lang ako," sabay tawa ni Aster. "Confirm, si Jai ka nga. Nangungunot na kaagad ang noo mo." "Tell me where your room is, para makauwi na ako..." mariing sabi ni Jai. Natutop ni Aster ang kanyang bibig
PINATAYO si Velora ng lalaking stripper. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Napaigtad at nagmulat ng mata nang maramdamang halos ang lapit ng katawan ng dancer sa kanya. "Lumayo ka nga!" Singhal niya. Ngumisi lang ang lalaki at iniyakap ang dalawang kamay ni Velora sa beywang niya. Todo iwas naman si Velora. Hindi na talaga nakakatuwa ang pinaggawa ng lalaki sa kanya. Napadako ang tingin niya sa mga kapatid. Nanlaki ang mga mata niya nang pati si Marilyn ay sumasayaw kasama ang isa sa mga dancer. Si Aster ay yakap-yakap na ang isa pang stripper at walang pakialam. "Sila na ang nag-e-enjoy." Nausal ni Velora. "Why? You're not having fun, too?" tanong ng lalaking kasayaw. Parang nanigas si Velora sa kanyang kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Parang kilala niya kung sino ang kanyang kasayaw. Mariing napatiim siya at hinarap ang lalaki. Hinawakan niya ang maskara nito at tinanggal. Malawak na ngisi ng asawa niya ang bumungad kay Velora. Malakas niyang hinampas
MABILIS na tumulin ang mga araw. Makalipas ang isang taon, kinabukasan ay kasal na nina Velora at Dewei. Ginanap ang bridal shower ni Velora sa condo ni Dewei. Sabi ng asawa niya mas okay na roon kaysa umupa pa sila ng mamahaling kuwarto sa hotel. Pero ang totoo ayaw ni Dewei payagan ang asawa sa idea ng bridal shower. At dahil kasal na rin nila kinabukasan ay pinagbigyan siya ng kanyang asawa. "Sure ka bang walang palpak ito, Aster? Baka pagalitan ako ni Dewei kapag malaman niyang may lalaki sa bridal shower ko. Ang kondisyon pa naman nun ay dapat walang lalaki," nag-aalalang tanong ni Velora. "Ako pa. Kapag ako ang nagplano walang palpak. Huwag mo ngang intindihin ang asawa mo. First time mo lang mararanasan ang bridal shower. Itodo mo na! Enjoy mo lang ang gabi mo!" May agam-agam naman si Velora. Hindi niya talaga gusto ang idea na 'to ni Aster. Nag-hire ang kaibigan niya ng stripper. Kabado siya sobra. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na mag-asawa, lalo na sa