PAPALUBOG na ang araw, ngunit nasa dalampasigan pa rin sila. Ang malamig na simoy ng hangin ay sumasayaw sa paligid, dinadala ang amoy ng inihaw na isda at manok. Plano nilang magpalipas ng gabi roon at umuwi kinabukasan ng umaga.Dalawang tent ang dala nila para magsilbing tulugan, ngunit sa ngayon, mas ninanais nilang sulitin ang tahimik at payapang gabi sa tabing-dagat.Habang sina Velora at Nanay Igna ay abala sa pag-iihaw, sina Dewei at Tatay Tacio naman ay nakaupo sa isang mahabang bangko, may tig-iisang bote ng beer sa kamay. Ang liwanag ng bonfire ay sumasayad sa kanilang mukha, nagbibigay ng banayad na liwanag sa madilim na paligid."Tay, uubusin po natin lahat itong isang case," biro ni Dewei, sabay tawa.Natawa rin si Tatay Tacio at umiling. "Naku, hijo, mahina ako sa alak. Tama na ang dalawang bote sa akin. Hindi na sanay ang katawan ko sa ganito."Napalingon si Dewei kina Velora at Nanay Igna, saglit na pinagmasdan si Velora habang maingat nitong iniihaw ang manok. Napang
"TACIO, ang likot-likot mong matulog kagabi. Hindi ako makatulog. Nakakainis din ang mga pusa sa labas. Ewan ko, paano nagkaroon ng pusa dito sa tabing-dagat," reklamo ni Nanay Igna. Umubo si Velora habang pilit namang pinipigilan ni Dewei ang malakas na pagtawa. Sabay na napalingon ang mag-asawa sa dalaga. "Velora, uminom ka nga ng tubig. Sasakit ang lalamunan mo niyan," mungkahi ni Nanay Igna. Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ng matanda. Uminom siya ng tubig at napatingin kay Dewei. Pinanlakihan niya ito ng mata, dahilan para biglang matikom ang bibig ng binata. "Kasalanan ito ni Dewei. Sobrang malandi at ayaw paawat. Sinaid ang lakas ko kagabi," naiinis na usal ni Velora sa isip. "Maligo na tayo, uuwi na tayo maya-maya," yakag ni Tatay Tacio sa asawa. Tumayo na ang matandang lalaki at sumunod na rin si Nanay Igna. Tumakbo sila papunta sa dagat. Nang makaalis ang mag-asawa ay mabilis na hinampas ni Velora sa balikat si Dewei. "It's hurt, babe..." daing ni Dewei na n
HINDI na maalis ang masayang ngiti sa labi ni Velora habang nasa labas siya ng bahay at tumutulong sa mag-asawa sa paglilinis. "Hija, sa loob ka na. Kami na ang bahala dito," sabi ni Nanay Igna. "Nay, okay lang po. Wala naman po akong ginagawa." "Puntahan mo na lang si Dewei. Baka may kailangan siya," taboy pa rin ni Nanay Igna. Napatiim si Velora. "Baka po naghahanda na 'yon sa pagpasok sa kompanya." Nauna siyang nagising kay Dewei. Hinayaan niya na makapagpahinga ito. "Huh? Sabi niya hindi pa rin siya papasok sa kompanya." Nasabi ni Nanay Igna. Napatigil si Velora. Wala ata siyang alam na nagpasya si Dewei na hindi ito papasok sa Solara ngayong araw. Biglang binitawa ni Velora ang hawak na walis. "Thank you po, nanay. Puntahan ko lang po si Dewei." Paalam niya at nagtatakbo papasok sa loob ng bahay. Napapailing na lang si Igna. "Ang mga kabataan ngayon, oh..." Hinihinga si Velora na pumasok sa loob ng kuwarto nila ni Dewei. Naabutan niya ang binata na nakaupo sa
NASA isang restaurant sina Dewei at Velora para sa kanilang unang dinner date. Kaya pala hindi muna lumuwas si Dewei pa-Manila—gusto niyang matuloy na ito, matapos ang naudlot nilang date noon. "Bakit dito mo pa ako dinala? Puwede naman sa bahay na lang tayo," sabi ni Velora. Tiningnan niya ang mga pagkaing nakahain, bago bumaling kay Dewei. "Bakit naman hindi kita puwedeng dalhin dito?" sagot ng binata. Napalinga si Velora sa paligid, saka inilapit ang mukha kay Dewei. "Ang mahal dito tapos ang konti ng pagkain," bulong niya. "Ipagluluto na lang kita. Mas mabubusog ka pa..." Muntik nang matawa nang malakas si Dewei. Sa dami ng pwedeng ikomento ni Velora, iyon pa talaga ang napansin niya. "Babe, this is a fine dining restaurant. Talagang ganito ang serving ng food. At huwag mong isipin ang presyo—you deserve to be treated like a queen," sabi ni Dewei habang hinawakan ang kamay ng nobya sa ibabaw ng lamesa. Alanganing ngumiti si Velora. Hindi pa rin siya sanay sa ganitong pangma
"SURE ka ba na okay lang kay Sir Dewei na dito ako matulog ngayong gabi? Nakakahiya naman sa kanya," nag-aalangan na sabi ni Aster. "Oo naman. Sasabihin ko. Alangan pauwiin pa kita. Anong oras na?" "Hindi talaga ako makapaniwala na kayo ni Sir Dewei." Komento ni Aster, lumapit pa siya sa kaibigan. "Ano, ha? Malaki ba? Masarap ba?" Nanlaki ang mata ni Velora at mabilis na tinakpan ang bibig ni Aster. "Ang bibig mo, marinig ka niya.." mahina niyang sabi. Tumawa-tawa si Aster habang tinatanggal ni Velora ang kamay sa bibig nito. "Ikaw ang naggawi, girl. Buruin mo, nagsasama kayo ni Mr. Hughes sa isang bahay na parang mag-asawa. Akala ko noong una ay masama talaga ang ugali niya. Pero, shete! Napatino mo ang terror na boss natin!" Giit ni Aster. Hindi maiwasan niya na magtaka sa relasyon nila ni Velora. Napilitan na ngumiti si Velora. Marami itong hindi nalalaman tungkol sa kanila ni Dewei. At hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan kung paano nagsimula ang lahat. M
PUMASOK si Jai sa resthouse. Sabay-sabay sina sina Dewei, Velora, at Aster na napalingon sa bagong dating. Nagtataka si Velora nang makita ang assistant ng nobyo. "G-Good morning, Sir. Pinapunta mo ako dito. May iuutos ka ba?" tanong ni Jai na napatingin kina Velora at Aster. Umiwas ng tingin si Velora dahil sa hiya. Mas mataas ang posisyon ni Jai sa kanya sa Solara Essence. Tapos malalaman nito na girlfriend siya ng boss nila. Tumayo si Dewei. "Pakihatid mo si Aster hanggang sa bahay nila. Kagabi pa siya andito sa resthouse at mas maganda na ikaw na lang ang maghatid sa kanya pauwi." Nagkatinginan sina Velora at Aster. Iyon pala ang dahilan ng pagpunta ni Jai. "Sir Dewei, huwag na po. Hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong mag-commute. Sobra-sobra na nga po ang abalang ginawa ko sa inyo nitong si Velora," nahihiyang tanggi ni Aster. "No, Aster. Mapapanatag ako kung si Jai ang maghahatid sa'yo sa Manila. I can drive you home, pero I have work to do." Ani Dewei na napatingin k
NAGTAKA si Velora sa kahon na hawak ni Nanay Igna. Nang makalapit ang ginang ay ibinigay sa kanya ang kahon na lalong ipinagtaka."Ipinadala para sa'yo. Galing daw sa asawa mo," sabi ni Nanay Igna."Ano po 'to?""Buksan mo. Baka regalo para sa'yo," sagot ni Nanay Igna.Dali-daling binuksan naman ni Velora ang kahon at napatulala siya sa nakita sa loob. Maging si Nanay Igna ay natigagal sa nakita sa loob.Nang makahuma ang dalaga ay marahang pinaglandas ang mga daliri sa damit. Isa iyong black dress. "Ang ganda naman po nito, nay." Humahangang sambit ni Velora.Ang itim na gown ay talaga namang nakakaagaw ng pansin, lalo na sa makinis nitong satin finish. Ang halter neckline ay parang babagay nang husto sa mga balikat niya, habang ang corset-inspired na bodice ay tiyak na hahakab sa kurba ng kanyang katawan. Mula sa baywang, banayad na bumabagsak ang malalambot na pleats, nagbibigay ng understated na texture at galaw. May daring na thigh-high slit pa."Ang bongga! Sosyalin po, nay. Mag
LULAN sina Dewei at Velora ng kotse ng binata, ang binata ang nagda-drive habang si Velora ay tahimik na nakaupo sa driver seat. "Parang ang lalim ata ng iniisip mo, babe. May problema ba?" tanong ni Dewei na ang mga mata’y nakatuon sa kalsada. "K-Kinakabahan ako sa totoo lang. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin mo na ipakilala ako sa pamilya mo. Dewei, hindi biro ang buhay ko kapag nalaman nila 'yon. At alam mong pandidirihan nila ako, pati na ikaw ay madadamay..." Marahas na napabuga ng hangin si Dewei. 'Please, stop overthinking. Ihaharap kita sa pamilya ko kasi gusto kong maging legal tayo sa kanila at sa lahat ng tao na makakakita sa 'tin. Malakas ang kutob ko na matatanggap ka nila. Gaya ng pagtanggap ko nang buong ikaw..." "Ikaw 'yan, Dewei. Matatanggap mo ako kasi mahal mo ako. Ang pamilya mo, hindi ko alam kung tao pa ba ang magiging tingin nila sa akin kapag nalaman nila ang totoong pagkatao ko," giit niya. Pinangungunahan si Velora nang takot sa kanyang dibdib. Hin
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina
AKAY ni Jai si Aster papasok sa loob ng apartment na inuupahan ng dalaga. Nahirapan pa siya sa pagkuha ng susi ng bahay dahil hindi na niya makausap ng matino si Aster. Nakayuko na lang ito at tulog sa sobrang kalasingan. "Hey, Aster! Where is your room here?" Tinatapik ni Jai ang pisngi ng dalaga para magising. Pero, wala. Hindi ito sumasagot at ang himbing ng tulog. Muling tinapik ni Jai sa pisngi si Aster. Nagmulat ng kaunti ang mata nito at nginitian siya. "S-Si Jai ka ba?" Sisinok-sinok na tanong nito. Napakunot ang noo ng binata. "Of course. Sino bang inaakala mong maghahatid sa'yo pauwi? Otherwise, may inaasahan kang lalaking maghatid sa'yo..." Ngumisi si Aster. Malakas na sinampal ang pisngi ni Jai. "Ouch! Bakit mo ako sinampal?" Daing na tanong ng binata. "Naninigurado lang ako," sabay tawa ni Aster. "Confirm, si Jai ka nga. Nangungunot na kaagad ang noo mo." "Tell me where your room is, para makauwi na ako..." mariing sabi ni Jai. Natutop ni Aster ang kanyang bibig
PINATAYO si Velora ng lalaking stripper. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Napaigtad at nagmulat ng mata nang maramdamang halos ang lapit ng katawan ng dancer sa kanya. "Lumayo ka nga!" Singhal niya. Ngumisi lang ang lalaki at iniyakap ang dalawang kamay ni Velora sa beywang niya. Todo iwas naman si Velora. Hindi na talaga nakakatuwa ang pinaggawa ng lalaki sa kanya. Napadako ang tingin niya sa mga kapatid. Nanlaki ang mga mata niya nang pati si Marilyn ay sumasayaw kasama ang isa sa mga dancer. Si Aster ay yakap-yakap na ang isa pang stripper at walang pakialam. "Sila na ang nag-e-enjoy." Nausal ni Velora. "Why? You're not having fun, too?" tanong ng lalaking kasayaw. Parang nanigas si Velora sa kanyang kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Parang kilala niya kung sino ang kanyang kasayaw. Mariing napatiim siya at hinarap ang lalaki. Hinawakan niya ang maskara nito at tinanggal. Malawak na ngisi ng asawa niya ang bumungad kay Velora. Malakas niyang hinampas
MABILIS na tumulin ang mga araw. Makalipas ang isang taon, kinabukasan ay kasal na nina Velora at Dewei. Ginanap ang bridal shower ni Velora sa condo ni Dewei. Sabi ng asawa niya mas okay na roon kaysa umupa pa sila ng mamahaling kuwarto sa hotel. Pero ang totoo ayaw ni Dewei payagan ang asawa sa idea ng bridal shower. At dahil kasal na rin nila kinabukasan ay pinagbigyan siya ng kanyang asawa. "Sure ka bang walang palpak ito, Aster? Baka pagalitan ako ni Dewei kapag malaman niyang may lalaki sa bridal shower ko. Ang kondisyon pa naman nun ay dapat walang lalaki," nag-aalalang tanong ni Velora. "Ako pa. Kapag ako ang nagplano walang palpak. Huwag mo ngang intindihin ang asawa mo. First time mo lang mararanasan ang bridal shower. Itodo mo na! Enjoy mo lang ang gabi mo!" May agam-agam naman si Velora. Hindi niya talaga gusto ang idea na 'to ni Aster. Nag-hire ang kaibigan niya ng stripper. Kabado siya sobra. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na mag-asawa, lalo na sa
"I want us to get married in the church, babe. Hindi pa tayo nagpapakasal sa simbahan. Ako lang ang nakakaalam na kasal tayong dalawa. Maybe it's time I show the world how much I love you, Velora," wika ni Dewei, punong-puno ng pagmamahal. Suminghot si Velora habang nakatitig sa mga mata ni Dewei. Tumulo na ang luha, hindi na niya iyon napigilan nang pumatak sa kanyang pisngi. Inihilig niya ang ulo sa balikat ng asawa. "Ano, itutuloy pa ba natin ang pag-uusap na 'to? Mukhang okay na ang lahat kina Dewei at Velora," biro ni Donny, sabay ngiti habang tinitingnan ang dalawa. Nagmo-moment na sila sa kanilang upuan. Nagtawanan ang lahat. Napaayos ng upo si Velora, namumula ang pisngi, pero bakas sa mukha ang tuwa at kilig. "Puwede ko po bang makausap kayo, Papa Vener?" seryosong tanong ni Dewei sa ama ni Velora. Biglang natahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatuon kay Dewei, nakikiramdam sa susunod niyang sasabihin. "Oo naman, hijo. Ano ba 'yon?" sagot ni Vener, tumango-tango hab