DAHAN-DAHAN pa na lumalapit si Vanna sa Ate niya. Pilit na itinatago ang kanyang phone sa likuran. Nang makalapit sa kapatid ay inilapit ang mukha kay Baby Devor. Gumilid pa sa tabi ni Velora pagkatapos ay pumunta sa unahan. Pero hindi naman nagsasalita. Napakunot ang noo ni Velora nang mapansin si Vanna na tila hindi mapakali. "Anong problema mo, Vanna? Parang kang buntis na 'di mapaanak. Umupo ka nga!" Inis na saway niya. Napalunok si Vanna nang biglang tumaas ang boses ng Ate niya. Kinabahan siya bigla, 'di niya alam kung ano magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang gusto siyang makausap ng Papa nila. Hindi pa rin nagsalita ang nakakabatang kapatid. Napatitig siya sa kapatid at pinanonood lang ang bawat galaw nito. Napabuga ng hangin si Velora. "Ano ba, Vanna? May sasabihin ka ba?" Naiiritang tanong niya. Napayuko si Vanna, nahihiya talaga siyang ibukas ang usapin tungkol sa kanilang Papa. "Ate... ka-kakausapin ka raw ni Papa." Pauna niya na nauutal-utal pa. Nag-iba ang ti
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Velora? May ilang oras ka pa para magback-out," paniniguradong tanong ni Aster. Napabaling siya ng tingin kay Jai na busy sa kausap sa phone. Nasa airport na silang lahat. Sabay-sabay na sila pabalik ng bansa. "Kailan ko pa pupuntahan ang Papa ko? Matanda na siya at mahina na. Ito na rin ang pagkakataon ni Vanna na makilala ng personal ang Papa namin. Maliit pa siya noong umalis siya ng walang paalam," sagot ni Velora at napadako ang tingin sa anak niyang tulog, na nakahiga sa trolley. "Napatawad mo na ba Papa mo? Wala ka na bang galit sa kanya?" Usisa pang tanong ni Aster. "Mahal ko ang Papa ko. Siyempre, patatawarin ko na siya ngayon. Ayokong sayangin na maging masaya na buo kami, kasama namin si Papa." "E, pano kapag nakita kayo ni Dewei? Handa ka na bang harapin siya?" "Sa totoo lang pagdating kay Dewei, natatakot ako. Ayoko na magtagpo ang landas naming dalawa. Kailangan kong protektahan ang anak ko," tugon ni Velora. Inaalala ang kal
PARANG may ibig ipahiwatig ang mga sinabi ni Marilyn. Na pera lang ang ipinunta niya kaya niya ito sinadya pa sa eskwelahan ng kaniyang apo. "Anak, hindi ako manghihingi ng pera. Kayo pa nga ang iimbitahin kong kumain sa labas. Nakakuha naman ako ng pera mula sa pension ko." "Baka kulangin pa po 'yun. Saka, saan n'yo naman po kami ililibre ni Marizca?" Nakataas ang kilay na tanong ni Marilyn. Lumamlam ang mukha ni Vener. Ang dating sigla sa mga mata’y nawala, napalitan ng lungkot na hindi niya kayang itago. "Halos hindi ko na kayo nakakasamang mag-ina," sabi niya. Pero napangiti rin si Vener nang sumagi sa isip ang kanyang pakay. "Mayroon lang akong importanteng sasabihin din sa'yo. Tiyak na matutuwa ka." "Pa, pumunta pa kayo dito para lamang doon. Puwede namang tawagan na lang ako." Tila naiiritang gagad ni Marilyn. "Anak, kailangang personal ko na sabihin. Excited lang din talaga akong makita kayo ni Marizca. Nami-miss ko na kayo. Hindi na kayo pumapasyal sa condo," nahimigan
NAGING abala ang buong araw ni Dewei sa restaurant at sa opisina. Bukas pa ang balik ni Jai sa trabaho, pero may malaki silang event na kailangang asikasuhin—iyon ay ang booking mula kay Mr. Velasco. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tanggapin iyon dahil may nararamdaman siyang kakaiba. Pero, ipinagsawalang-bahala na lang niya ang kutob. "Sir, kukunin n'yo po ba 'yung booking para sa event? Sayang, malaking event pa naman po ’yun..." tanong ng isang empleyado ni Dewei. "Tanungin ko si Jai mamaya. Pero tama ka—sayang ang opportunity," sagot niya habang tumango. Magkikita sila ni Jai mamaya sa condo dahil may mahalaga silang pag-uusapan. Nag-ring ang telepono ni Dewei. Napalingon siya rito at agad itong kinuha. Tumalikod na ang tauhan niya at tahimik na lumabas ng opisina. "Mr. Galvez, napatawag ka..." bungad ni Dewei. "Magandang gabi po, Sir Hughes. I have good news and bad news. Kayo na lang po ang bahalang pumili kung alin ang gusto ninyong marinig muna." "I would rath
NAKAUPO si Dewei sa couch, hawak ang isang basong may lamang whisky. Ilang saglit pa, narinig niya ang doorbell. Inaasahan na niya ang kaibigan niyang si Jai ang nasa labas ng pintuan. Pagbukas ng pinto, nakangiting pumasok si Jai sa loob ng unit. Walang naging reaksyon si Dewei. Malalim siyang napabuntong-hininga saka muling umupo sa couch. "Sit down," malamig na utos ni Dewei. "Let's drink." Tahimik na sumunod si Jai. Pinanood niya ang kaibigan habang nagsasalin ito ng alak sa isa pang baso, saka iniabot iyon sa kanya. "Bakit umiinom ka na naman, Dewei? Hindi ba d'yan nasira ang buhay mo? Sa pag-iinom mo..." Napabaling ang tingin ni Dewei sa kanya. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya, saka muling lumagok mula sa baso. "So, you knew where she was... all this time." Natigilan si Jai sa biglaang pahayag. "W-What do you mean?" tanong niya, litong-lito. "Don't lie to me!" singhal ni Dewei sabay tayo mula sa couch. "You let me suffer. You watched me search for her like
“DAHIL kung hindi mo sasabihin sa akin ngayon, ako na mismo ang hahanap sa sagot. Pupunta ako sa bahay na pinagdalhan mo sa kanila." Babala ni Dewei, binitawan ang kwelyo ni Jai. Marahas na napahinga ng malalim na malalim si Dewei. Inayos ni Jai ang kanyang nagusot na t-shirt. "Akala mo siguro hindi ko malalaman. Itinawag sa akin ni Mr. Galvez na nakita na siya sa Taiwan pero nakaalis din sila kaagad pagkarating ng tauhan niya doon. Sobra akong nagulat na kasama ka pala nila. Alam mo lahat, kaya siguro matagal bago ko nalaman kung nasaan si Velora. Dahil hinaharang mo ang impormasyong makakapagturo kung nasaan siya." Nakagat ni Jai ang labi. Ayaw niya sana pero hindi niya alam kung paano pa itatago kay Dewei ang lahat. “I have to break a promise,” mahina pero buo ang boses niya. “And I know she’ll hate me for this... but maybe you need to know.” Napatigil si Dewei, naghihintay sa aaminin ng kaibigan niya. Humigpit ang pagkuyom ng mga palad. “Velora has a child.” Saglit na nati
HALOS hindi dalawin ng antok si Dewei. Para siyang lumulutang matapos malaman ang totoo na may anak na sila ni Velora. Hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang maniwala. Sa bawat segundo, lalo lang siyang nasasabik na makita ang kanyang mag-ina. “Para tayong zombie at magnanakaw dito, Dewei. Ang aga-aga pa, andito na kaagad tayo malapit sa tinitirhan nina Velora,” reklamo ni Jai. Kanina pa pumuputok ang butsi niya sa sobrang inis, dahil sa sobrang agang pagyayaya ni Dewei na umalis at puntahan si Velora. Nasa loob sila ng kotse ni Dewei. Nanghahaba ang leeg ng binata habang sumisilip sa gate ng bungalow-type na bahay ng kanyang asawa. Maaga pa lang ay pinuntahan na nina Dewei at Jai ang bahay nina Velora. Madilim pa nang siya’y magsimulang maghanda. Gusto niyang sa paggising ng mag-ina ay kaagad niyang makita ang mga ito. “Mas maganda nang maaga tayo para walang makahalata…” “Anak ng pusa, oh. Hindi talaga tayo mahahalata. E, madilim pa,” inis na sabi ni Jai, sabay kamot sa ulo. N
"VELORA, may padala para sa'yo daw..." sabi ni Aster. Hawak iniabot sa kanya ng delivery boy. Napakunot ang noo ng dalaga. Nagtataka. Padala para sa kanya? "Kanino daw galing?" tanong niya na lumalapit kay Aster. Nagulat pa siya nang makita ang mga bulaklak at stuffed toys na hawak ng kaibigan. "Hindi ko alam. Tignan mo kung may card na nakalagay." Tugon ni Aster na ibinigay ang mga bulaklak at stuffed toys sa kaibigan. Inamoy muna ni Velora ang bulaklak. Napangiti siyang maamoy ang mabangong aroma mula sa roses. Check niya ang bulaklak kung may nakaipit na card at maging ang laruan. Pero wala siyang nakita. "Walang card..." sambit niya. "Huh? E, sino naman kaya ang nagpadala ng mga iyan?" Mga tanong ni Aster. Napakibit ng kanyang balikat si Velora. Wala pa naman siyang sinasabihan na nakabalik na sila sa bansa. Saka, walang magbibigay ng ganito kagagandang mga bulaklak sa kanya. "Naku! Alam ko 'yan, e," sabi ni Aster na nailagay ang isang daliri sa labi. "May stalker
NAGKATITIGAN sina Aster at Jai. Nang dahan-dahan nang lumalapit ang mukha ng binata sa kanya ay pilit niyang iginalaw ang mga daliri sa kamay at mariing napapikit ng kanyang mga mata habang tikom ang bibig. Sabay tulak kay Jai palayo. Napaiwas ng tingin si Aster. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi na normal ang tibok ng puso niya. Hinihingal siya na parang tumakbo ng sampung kilometro. "Inhale, exhale, Aster. Breathe..." pagpapakalma niya sa sarili. Tumalikod si Jai at marahas na napabuga ng hangin. Muntik na siyang makalimot. Kamuntikan na niyang mahalikan si Aster. "As I was saying, pumapayag ka na ba, Aster? Or, gusto mo bang dagdagan ko pa ng limang milyong piso pa? Name your price para lamang pumayag ka..." sabi ni Jai na may pagkadesperado. Kailangan na niyang may maiharap na asawa sa Tatay Rey niya. Nang sa gayon ay mapanatag ang loob nito na magagawa niya ang lahat sa napagkasunduan. Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster. Umaakyat ang offer ni Jai hangga't hindi si
KINAGABIHAN, kabado na kipkip ni Aster ang kanyang bag habang na tahimik nakaupo sa sopa, nasa condo siya ni Jai. Hindi pa niya alam kung ano pa ang pag-uusapan nila bukod sa magiging kontrata nila bilang mag-asawa.Puwede naman kasing totoohanin na lang nila. Bukas siya sa usaping 'yon at hinding-hindi tatanggi. Sino ba siya para tanggihan ang isang Jai Gonzales? Para siyang nagtampo sa bigas. Halos nasa binata na ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Saka, si Jai na 'to, ang pangarap niyang lalaki.Napangiti si Aster sa kilig sa mga tumatakbo sa kanyang isip.Isang tikhim ang kanyang naulinagan. Napaigtad siya sa gulat at napaayos ng upo. Napatunghay siya sa matangkad na binata sa kanyang harapan.Lumabas mula sa kusina si Jai na walang pang-itaas na damit at naka-pajama lamang na puti. Inilapag nito ang dalang drinks sa ibabaw ng center table.Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster at naihilig ang ulo.Isang mala-Piolo Pascual ang lalaking nasa kanyang harapan. Sa tindig, tangka
ANG aga-aga pa ni Aster sa bahay nina Velora at Dewei. Dumayo pa siya sa Batangas para lamang sabihin ang napag-usapan nila ni Jai kagabi. Hindi na naman mapakali ang makating dila para ikuwento sa kaibigan ang lahat ng napag-usapan nila ng kaibiga. Nangako ito na dapat sila lang dalawa ni Jai ang makakaalam ng sekreto nila. "Ewan ko sa'yo, Aster. Baka magalit si Jai na sinabi mo sa akin ang sekreto ninyong dalawa. Ikaw talaga, oh. Hindi mo talaga kayang magtago ng sekreto. Nangako ka pa naman sa kanya. Lagot ka talaga kapag nalaman ni Jai 'to." "Sa excited lang ako. Bigyan mo nga ako ng tips," sabi ni Aster. Napaismid si Velora. "Tips? Para saan?" "How to be a good kisser? Siyempre, ikaw may asawa ka na. May anak na rin kayo ni Dewei. So, may experience ka na," kaswal na sagot niya. Gustong bumanghalit ng malakas na tawa ni Velora. "Loka-loka ka talaga. Tips, paano talaga maging good kisser?" Lumapit pa siya sa kaibigan at inilapit ang bibig sa tenga niya. "Ano kaya kung 'yung a
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a