Share

124

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-04-17 23:29:50

NAPATAYO si Dwight. "Walang magagawa si Kuya Dewei sa 'tin. 'Wag mong ipakitang natatakot ka. Saka, sino bang may sabi na puntahan mo siya?"

Namumutla pa rin ang labi ni Marilyn. Nasukol sila ni Dewei, at magiging malaking kahihiyan kung lalabas sa publiko ang relasyon nila ni Dwight. Lalo't alam ng lahat na kasal sila ni Dewei.

"Dwight, natatakot talaga ako. Paano si Marizca?" tanong niya. Kumalma siya ng kaunti. "Matagal na siyang hindi nagpapakita, kaya noong may nagsabi sa akin kung nasaan siya. Pinuntahan ko siya para kumbinsihing bumalik dito sa mansyon. Saka, may inamin siya sa akin..."

Napabaling si Dwight kay Marilyn. "Ano naman 'yon?" Curious niyang tanong

"Hi-Hindi kami totoong mag-asawa."

"What did you say? Anong hindi totoong mag-asawa?" Sunod-sunod na mga tanong ni Dwight.

Marahang tumango si Marilyn at napayuko. “We're not really married. Hindi kami totoong mag-asawa. We had a church wedding, pero to be honest… we're not legally husband and wife. Iyon ang sabi niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
naoperhan c vanna .. ngaun likitaw un papa nya..
goodnovel comment avatar
Pepa Gy
thanks author more updates please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   336

    MARIING napakuyom ng kamao si Mayor Oscar. Naramdaman niya ang kirot ng kanyang pagkatalo at ang pag-igting ng kagustuhang bumawi, na mabawi si Vanna. “Hindi ko hahayaang tuluyang mawala ka sa akin, Vanna,” malamig niyang bulong habang hindi inaalis ang tingin sa mag-asawa. Maya-maya pa’y pinaandar niya ang sasakyan, dahan-dahang umalis sa kinatatayuan. Pero ang plano niya, nagsisimula pa lang. "MA, nakauwi na po kami.." anunsyo ni Zander pagkapasok nila ni Vanna sa loob ng bahay nila. "Pasok muna ako sa loob ng kuwarto," abiso na sabi ni Vanna sa asawa. Tango lamang ang naging sagot ni Zander na nakangiti. Kinuha niya ang bag niya at maging ang itim na bag ng asawa. Saka pumasok sa loob ng kuwarto. Pagkatalikod ni Vanna ay agad pumunta si Zander sa kusina para puntahan ang ina. "Ma..." tawag niya habang nakangiting naglalakad. Ngunit bigla siyang napahinto nang mapansin ang pamilyar na pigura sa loob. "Pa?" nanlalaki ang mga mata ni Zander, hindi makapaniwala sa nakikita. Tah

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   335

    EXCITED nang umuwi si Zander. Siyempre, makikita niya ang mahal niyang asawa. Susunduin niya si Vanna sa university. Kahit na kasal na sila, hindi siya dapat magpakampante na lulubayan ni Mayor Oscar ang kanyang asawa. "Pauwi ka na ba, Zander?" Agad napatunghay siya sa taong pumasok sa loob ng opisina niya. Nakita niya si Drea na nakatayo malapit sa lamesa niya. Hindi siya nagsalita, sa halip ay aarahan siyang tumango. Pagkatapos ay muling itinuon ang mata sa inaayos na ang mga gamit. Nakasunod naman ang mata ni Drea kay Zander. Balewala na nga siya dito at ni hindi pinag-aksayahang matagal na tignan. "P-Puwede ba tayong magsabay umuwi? Sabi mo kukunin mo ang mga naiwan mong gamit sa apartment..." Napatigil si Zander at umayos ng tayo. "Maybe some other tIme pupunta ako sa apartment para kunin ang mga gamit ko. For now, kailangan ko nang umuwi dahil may pupuntahan pa ako." Kinuha niya ang kanyang itim na bag at isinukbit sa balikat. Tatalikod na sana siya nang muling magsalita

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   334

    “Z-ZANDER…” ulit niyang tawag sa asawa. “Hmm?” tugon nito na nakapikit pa rin. Pero hindi na mapigilan ang ngumiti. “Hindi ba't… nasa gilid ka ng higaan?” pilit na pinaalala ni Vanna ang puwesto ng asawa. “Eh, gininaw ako. At nakita ko namang may espasyo pa sa kama.” Pagsisinungaling na sagot ni Zander. Pero sa loob-loov niya, si Vanna ang naunang yumakap. “Hindi mo rin naman ako tinulak, ‘di ba?” Hindi na siya nakasagot pa. Totoo naman. Hindi niya pinigilan. 'Di niya rin maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay komportable siyang nakayakap sa lalaking isang araw pa lang niyang opisyal na asawa sa mata ng iba. Tahimik silang pareho. At sa katahimikang iyon, mas umingay ang tibok ng puso ni Vanna habang yakap pa rin ni Zander. "MA, alis na po kami ni Vanna," paalam ni Zander sa ina. Pareho na silang bihis ni Vanna. Papasok siya sa trabaho at ang asawa naman niya ay sa university ang punta. Nilingon ni Len ang mag-asawa. "Mag-iingat kayong dalawa." "Ihahatid ko lang po si Vann

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   333

    UNANG gabi sa katatapos lang na kasal nina Vanna at Zander. Hindi mapakali si Vanna na nakaupo pa sa gilid ng kama. Biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Zander. Napatunghay ang tingin niya sa kanyang asawa. Hubd-baro ito na naka-pajama lamang ang pang-ibaba. Gulo-gulo pa ang buhok, nakaligo na at halatang matutulog na. "Check lang kita, kaya pumasok ako dito. Matulog ka na, Vanna. May pasok ka ba sa university bukas?" Walang salita na sumagot si Vanna at tumango lamang sa asawa. "Ihahatid kita sa university. Baka naghihintay na naman sa'yo ang matandang 'yon," sabi pa ni Zander. Napalingon si Vanna sa kanya. Napakunot ang noo. "Si Mayor Oscar?" Tumikhim si Zander at lumapit pa ng kaunti. “Oo. Alam kong hindi siya dapat na pagkatiwalaan. Hindi ako kampante kapag naglalakad ka na mag-isa. Masyadong makulit ang matandang 'yon. Kahit na ilang beses na itinaboy ay hindi pa rin tumitigil," giit ni Zander na tila mayroong galit sa tono ng boses niya. “Hindi mo kailangang magselos,”

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   332

    NAPAKAGAT-LABI si Vanna. Tumitig siya kay Zander, kita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Doon siya muling nayanig dahil alam niyang may bahagi rin ng puso niya na bumibigay. Unti-unti nang hindi sumusunod sa pinirmahang kasunduan. "Kuya Zander…" mahina niyang tawag. Ngunit bago pa siya makasunod pa ng salita, marahan siyang hinalikan ng lalaki sa noo. "Isa pa 'yan, puwede bang tanggalin mo na ang tawag mo sa aking kuya. Hindi mo na ako Kuya," nangingiting sabi ni Zander. Marahang tumango si Vanna. Sasananayin niya pa ang sarili na tawagin sa pangalan ang asawa. Simula't sapol iyon Kuya Zander na kasi ang tawag niya rito. "Magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag tapos ng magluto si Mama. Nagluto siya ng kaunti para pagsaluhan nating talot." Tumayo na si Zander. "Baka matulog ako sa kuwarto ko," aniya pa habang papunta sa pintuan. "Para hindi ka mailang. Alam ko na maninibago ka sa akin, kung dito na ako agad natutulog sa kuwarto mo." Nagulat si Vanna. "Hindi mo

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   331

    TAHIMIK sila sa loob ng taxi, magkatabi sina Len at Vanna sa passenger seats habang si Zander ay katabi ng driver. Ramdam na ramdam ang ilang sa kanilang tatlo. Binabagtas nila ang pauwi sa bahay. Pagkatapos ng kasal ay diretso lang sila ng uwi, walang engrandeng handaan at magandang venue. Tahimik pa rin si Len, bahagyang nakasandal sa bintana habang pinipigilan ang sariling mapaluha. Kanina pa siya hindi kumikibo, pero hindi rin maikakaila ang bigat ng nararamdaman niya. Hindi ganito ang inakala niyang mangyayari sa kasal ng anak. Walang masasayang bisita, walang selebrasyon, at lalong walang saya. Si Vanna ay nakayuko, nilalaro ang mga daliri sa kandungan niya. Gusto niyang magsalita kahit humingi ng tawad man lang kay Len. Pero hindi niya alam kung anong tamang salita ang sasabihin. Alam niyang masakit ito para sa ginang. Alam niyang sa mata ng itinuring niya ina, isa siyang sumira ng plano at pangarap para sa anak nito. Minsan ay lihim siyang sumusulyap kay Zander sa harap. N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status