"VELORA, may padala para sa'yo daw..." sabi ni Aster. Hawak iniabot sa kanya ng delivery boy. Napakunot ang noo ng dalaga. Nagtataka. Padala para sa kanya? "Kanino daw galing?" tanong niya na lumalapit kay Aster. Nagulat pa siya nang makita ang mga bulaklak at stuffed toys na hawak ng kaibigan. "Hindi ko alam. Tignan mo kung may card na nakalagay." Tugon ni Aster na ibinigay ang mga bulaklak at stuffed toys sa kaibigan. Inamoy muna ni Velora ang bulaklak. Napangiti siyang maamoy ang mabangong aroma mula sa roses. Check niya ang bulaklak kung may nakaipit na card at maging ang laruan. Pero wala siyang nakita. "Walang card..." sambit niya. "Huh? E, sino naman kaya ang nagpadala ng mga iyan?" Mga tanong ni Aster. Napakibit ng kanyang balikat si Velora. Wala pa naman siyang sinasabihan na nakabalik na sila sa bansa. Saka, walang magbibigay ng ganito kagagandang mga bulaklak sa kanya. "Naku! Alam ko 'yan, e," sabi ni Aster na nailagay ang isang daliri sa labi. "May stalker
LUMAPIT si Dewei sa magulang niya at hahalik sana sa pisngi ng ina nang iniwas nito ang mukha. Galit pa rin ito sa kanya dahil sa ginawa niya. "What are you doing here? Inimbitahan ka ba ni Mr. Velasco?" malamig na tanong ni Solara. "Madam, kami po ang caterer ng event. Actually, Dewei owns a restaurant. May five branches na po siya, dito lang sa Manila," sabat na pagmamalaki ni Jai. Tinaasan ni Solara ng kilay ang binata, na assistant lamang dati ng kanyang anak sa kompanya. "We're business partners. Hindi na siya assistant," pagtatama ni Dewei. "Oh… akala ko empleyado pa rin siya hanggang ngayon. Katulad noong nasa Solara Essence pa siya." "Mom, hindi naman po tamang imsultuhin n'yo ang kaibigan. Kahit noong nasa Solara siya hindi ko siya empleyado. Kaibigan ko po si Jai," pagtatanggol ni Dewei may Jai sa ina. "Dewei, we didn't come here to argue. We're simply trying to reconnect with old friends, including Mr. Velasco," sabi ni Donny sa anak. "Hindi po ako nakikipag-away. K
NILALARO ni Vanna si Baby Devor habang ninenerbiyos si Velora na nakaupo katabi ang kanyang kapatid. Panay ang tingin niya sa pintuan at kada bukas ay tinitignan kung sinong pumapasok. "Ate, umayos ka naman..." kastigo ni Vanna sa kapatid. "Maayos ako. Ano bang gusto mong ayos ng upo ko?" Namilosopo niyang tugon. "Ate, hindi ka kalbo para magpatawa. Alam kong kinakabahan ka dahil makikita natin si Papa ngayon. Relax ka lang. Order na lang muna kaya tayo para naman kumalka ka." "Bahala ka nga, Vanna." Napipilitan na sabi ni Velora. Tumawag ang Papa nila kay Vanna at nabanggit nila na nasa bansa na sila. Walang pagsidlan ang tuwa sa mukha ng Papa nila nang malaman 'yon. Kaya inaya na nilang makipagkita ito sa kanilang magkapatid. Halos trenta minutos na silang naghihintay, 'di pa dumadating ang Papa nila. Natapos na rin silang kumain. "Ate, nagbago ata isip ni Papa na makipagkita sa atin," sabi ni Vanna, mahina at may lungkot ang tono ng boses. "Baka busy lang siya. Saka, may ib
HINDI malaman ni Velora ang sasabihin pagkatapos marinig iyon mula sa kanyang ama. Pangalawang pamilya pala sila, kabit ang Mama niia. Paano nilang itinago iyon sa napakahabang panahon? Naglihim sila pareho ng Mama niya. Kaya pala halos isuka sila ng mga kamag-anak ng Mama niya. Walang umako sa kanilang magkapatid na mga kamag-anak noong mawala ito. "Papa, ibig sabihin po ba 'nun kabit n'yo si Mama?" tanong ni Velora. Masakit na malaman na ganoon nga ang naging papel ng Mama nila sa kanyang Papa. Kaya pala hindi sila ikinasal noon at dala pa rin nila ni Vanna ang surname ng ina. Napayuko si Vener. "Patawarin n'yo ako. Kasalanan ko ang lahat..." yumugyog ang balikat niya dahil sa pag-iyak. Tinanggal ni Velora ang kamay sa ama. Tahimik na tumulo ang mga luha niya. "Napakasakit pong marinig na niloko n'yo po kami. Iyong pag-iwan mo po sa amin noong mamatay si Mama, hinarap ko 'yun mag-isa. Binuhay ko si Vanna sa pagtitiyaga ko. Pa, hindi ko na po alam ngayon kung ano pa ang ma
GABI. Abala ang buong restaurant, puno ng mga kumakain, tawanan, at masayang ambiance. Sa bar area, kalmado si Dewei habang nakikipag-usap sa isa sa kanilang suking customer. Ang lahat ay tila nasa ayos, hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na naka-uniporme, mga food inspector team. Lumapit ang isa sa kanila. “Magandang gabi po, sir,” bungad niya. “May natanggap po kaming report... tungkol sa umano’y expired na mga sangkap na ginagamit sa restaurant na ito.” Napakunot ang noo ni Dewei. “Report? Galing kanino?” “Hindi po namin maaaring sabihin kung sino. Anonymous tip po. Pero kailangan naming tugunan ang anumang food safety concern, kahit pa hindi kilala ang nag-report. Pasensiya na po sa abala.” Tumango si Dewei, pilit pinanatiling kalmado ang tono, pero halatang naninigas ang panga niya. “Walang problema. You’re free to check. Wala kaming itinatago.” Nagsimula nang mag-ikot ang team. Tahimik na sumunod ang mga staff sa kitchen, halatang kinakabah
"HAY^P ka! Sinabotahe mo ang negosyo ko. Pinataminan mo ng expired goods ang isang box na naideliver kahapon. At ikaw, din ang tumawag sa inspection team. Di ba?" akusang tanong ni Dewei. "No! That's not me. Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Malaki ang galit mo sa akin. Naiinggit ka dahil nasa akin ang lahat! You don't even have your own identity. Unlike me, may pangalan na sa larangan ng negosyo." Napataas ang gilid ng labi ni Dwight. "Dewei! Dwight, anong nangyayari dito?" sigaw ni Solara na palapit sa mga anak. Sabay na napalingon ang magkapatid sa sumigaw na ina. "Anong pinag-aawayan ninyong dalawa? Magkapatid kayo, hindi dapat kayo nagtatalo ng ganito!" tanong ni Donny. "Ang magaling ninyong anak, sinabotahe ang negosyo ko. Nireport niya ang restaurant ko at ipinalabas na expired ang mga ginagamit namin sa kitchen. Ngayon, gusto nilang ipasara ang restaurant ko!" Matalim ang tingin ni Dewei sa kapatid na sagot sa ama. Napaamang si Solara. "Totoo ba 'yun, Dwight?" Mabilis na
NAPATINGIN silang lahat kay Jai, kaibigan ni Dewei. "Usapang pamilya ito. Bakit ka ba andito?" Sita ni Solara. "Mom, he's with me, and he is my friend," matigas na sagot ni Dewei. "Ma-Mayroon lang po sana akong sabihin sa inyong lahat. Sana'y hindi n'yo po masamain. Even Dewei didn't know this. Alam ko na ikabibigla ninyong lahat..." ani Jai. Nahaluan ng pagtataka si Dewei sa tinuran ng kaibigan niya. "What is that, Jai? Mayroon ka pang itinatago sa akin?" "Sorry, pare. Ilang buwan ko ring itinago ito sa'yo. Kumukuha lang ako ng tiyempo pano ipaalam ang nalalaman ko. Tutal, naglabas ka na ng sama ng loob mo sa pamilya mo. Gusto kong mabawasan ang guilt na nararamdaman mo," litanya ni Jai. Napaamang si Dewei. Hindi niya akalaing mayroon png itinatago ang kaibigan niya. "Jai, siguraduhin mo lang na hindi na kita masusuntok dahil sa paglilihim mo..." Napangiti si Jai. May kinuha siyang white envelope sa bulsa ng kanyang slack. Naging tahimik ang buong sala habang dahan-dahang bi
HINDI nakahuma si Dwight sa matinding galit na nakikita niya sa mga mata ng ama. "See, ayokong bawiin sa'yo ang pamamahala ng Solara Essence, dahil ayokong magkaroon ka ng sama ng loob sa akin. Pero gusto kong linisin mo ang lahat ng kalat na ginawa mo. Ayusin mo ang lahat ng nasira mo. Akuin mo ang lahat ng kasalanan mo sa Kuya mo. Baka kung magagawa mo lahat 'yon, mapatawad pa kita sa lahat ng pagkakamali mo," mariing bitaw ni Donny kay Dwight. Nilapitan ni Solara si Marilyn. "We treated you well, hija. Wala akong anak na babae. Ibinuhos ko ang pagmamahal ko sa'yo. Tapos sisirain mo ang dalawang anak ko. May anak, isa ka na ring ina. Sana naisip mo kung gaano kasakit makita sa isang ina na makitang dalawang anak niya ang nagsisiraan nang dahil sa'yo. Apo ko pa rin si Marizca, kaya hindi ko gustong makitang nahihirapan siya. Pero, ikaw... ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" "Tita, 'di ko po kayang mawalay sa anak ko..." umiiyak na sambit ni Marilyn. "Aasikasuhin namin ang
ANG aga-aga pa ni Aster sa bahay nina Velora at Dewei. Dumayo pa siya sa Batangas para lamang sabihin ang napag-usapan nila ni Jai kagabi. Hindi na naman mapakali ang makating dila para ikuwento sa kaibigan ang lahat ng napag-usapan nila ng kaibiga. Nangako ito na dapat sila lang dalawa ni Jai ang makakaalam ng sekreto nila. "Ewan ko sa'yo, Aster. Baka magalit si Jai na sinabi mo sa akin ang sekreto ninyong dalawa. Ikaw talaga, oh. Hindi mo talaga kayang magtago ng sekreto. Nangako ka pa naman sa kanya. Lagot ka talaga kapag nalaman ni Jai 'to." "Sa excited lang ako. Bigyan mo nga ako ng tips," sabi ni Aster. Napaismid si Velora. "Tips? Para saan?" "How to be a good kisser? Siyempre, ikaw may asawa ka na. May anak na rin kayo ni Dewei. So, may experience ka na," kaswal na sagot niya. Gustong bumanghalit ng malakas na tawa ni Velora. "Loka-loka ka talaga. Tips, paano talaga maging good kisser?" Lumapit pa siya sa kaibigan at inilapit ang bibig sa tenga niya. "Ano kaya kung 'yung a
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️