Share

206

Auteur: RIDA Writes
last update Dernière mise à jour: 2025-05-16 15:08:10

AGAD na sinikmat ni Jai ang pala-pulsuhan ni Aster. "Let's go home," madiin niyang saad.

Nakapameywang lang na nakamasid si Dewei habang hatak ni Jai ang asawa palabas ng opisina nila.

Nagpaubaya na lamang si Aster at nagpahila papunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ng asawa.

Tahimik siya na pumasok sa loob ng kotse ni Jai. Napalingon ang asawa niya sa gawi niya.

"Put on your seat belt, Aster..." malumanay na utos ni Jai.

Hindi kumilos si Aster, parang ipinapakita ang pagkainis sa lahat ng pinaggagawa ni Jai sa kanya.

Marahas na napabuntong-hininga si Jai. Umusog siya para makalapit kay Aster at siya na mismo ang nagkabit ng seat belt.

Napaatras si Aster, pilit na inilalayo ang mukha sa mukha ng asawa. Hindi nakaligtas sa kanya ang malaking ngisi ni Jai. Inirapan lang niya ito at napaiwas ng tingin.

Maya-maya’y narinig ni Aster ang tunog ng makina, at pinaharurot na ni Jai ang sasakyan paalis.

Paano pa kaya niya ipagpapatuloy ang napagkasunduan nila kung anak
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
naku jai nllason n ung tatay mo sana malaman mo agad
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   214

    BIGLANG kumuha ng puting T-shirt si Jai at mabilis itong isinuot. “Di ba may pangako ako sa’yo? Tuturuan kitang mag-drive,” aniya habang inaayos ang laylayan ng suot. Natigilan si Aster. Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa, saka sunod-sunod ang tango. Parang bata siyang nakatanggap ng matagal nang hinihintay na regalo. “Well, let’s go. Tuturuan na kita ngayon habang wala akong pasok sa restaurant,” dagdag pa ni Jai. “Talaga?” Excited na tanong ni Aster, halos hindi makapaniwala. Tumango si Jai habang nakapameywang, saka ngumiti sa kanya, isang ngiting palaging nagpapakaba sa puso niya. Pinamulahan ng mukha si Aster at agad siyang yumuko para itago ang sariling ngiti. Ang gwapo talaga ng asawa niya at ang bait pa. "Halika na at baka magbago pa ang isip ko..." turan ni Jai at kinuha ang susi ng kotse niya saka lumabas ng kuwarto. Sumunod naman si Aster sa asawa niya na hindi maalis ang ngiti sa labi. Pagkalabas nila ng mansyon, dumiretso sila sa parking lot kung saan nakaparada an

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   213

    Naglalakad si Aster sa garden, dahan-dahan ang mga hakbang habang ninanamnam ang katahimikan ng paligid. Ngunit naputol ang kanyang pag-iisa nang mapansin siya ni Tony. "Good morning, Aster..." mahinahong bati ng binata, may bahid ng pag-aalinlangan sa tinig. Napalingon si Aster, bahagyang nagtaka, pero agad ding ngumiti. "M-Magandang umaga rin sa'yo," tugon niya, may kapirasong hiya sa boses. "Mag-isa ka? Si Jai?" "Ah... hindi pa siya umuuwi," sagot ni Aster, halos pabulong. Umiiwas ang tingin, parang biglang may bumigat sa dibdib niya. Tahimik na tumango si Tony. "Nag-breakfast ka na ba?" tanong niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "Halika, sabayan mo ako." Bahagyang napaatras si Aster. Hindi agad nakasagot. Naalala niya ang eksenang ayaw na niyang balikan, ang tensyon sa restaurant, ang araw ng kasal nila ni Jai. Hindi niya alam kung makakaya pa ba niyang humarap nang normal sa binatang minsan na ring nagpaguluhan ng damdamin niya. Napansin iyon ni Tony. Kita sa m

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   212

    "NAY!" sigaw ni Jai, halos mabali ang pinto sa bilis ng pagkakabukas niya. Napatigil siya sa gitna ng sala, habol ang hininga, nanlalaki ang mga mata. Mula sa kusina, humahangos na lumapit si Jena. Nanginginig ang mga kamay, habang humahagulhol at halos matumba sa panghihina. "Jai, anak..." basag ang tinig niya. "Ang Tatay Marlon mo..." Parang may kung anong sumabog sa dibdib ni Jai. Agad niyang niyakap ang ina, mahigpit, parang siya na lang ang natitirang sandigan ng babae. "Ano na naman po bang nangyari, Nay?" tanong niya habang pinupunasan ang luha nito at maingat na inaakay paupo. Sandaling hindi makapagsalita si Jena, tanging paghikbi lang ang maririnig. Nang sa wakas ay nakapagsalita, parang kutsilyong dumaan sa puso ni Jai ang bawat salita. "Nadampot siya kagabi, anak... kasama sa mga hinuli... nakakulong ang tatay mo mula pa kagabi." Napatingin siya sa anak, nagmamakaawa ang mga mata. "Jai, anak, ilabas mo ang tatay mo... ayokong makita siyang nakakulong. Hindi ko kaya.

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   211

    'DI niya kayang itanggi pa ang mga nangyayari sa pagsasama nila ni Jai sa Mama niya. Mas maigi na alam nito para kahit paano'y mayroon siyang kakampi at mahihingahan ng sama ng loob. She's stuck because of Jai. Hindi niya alam kung paano siya makakalaya sa pagkakakulong dulot ng sobrang pagmamahal niya sa asawa. May bahagi sa kanya na gusto nang tumakas at iwan ito. Pero ayaw ng puso niya. Idinidikta nito na gusto pa rin niyang manatili hangga't kaya niya. "Basta kapag kailangan mo ako, andito lang ako. At kung mapagpasyahan mo na umalis, sasamahan kita. Kahit saan." "Salamat po, Ma." Inihilig ni Aster ang ulo sa dibdib ng ina. Napangiti siya na nagkaroon siya ng lakas at katatagan ng loob. Kasama niya ang Mama niya at alam niyang hindi siya iiwan nito. BIGLANG nakatanggap ng tawag si Jai mula sa Nanay niya. Umiiyak ang ina sa kabilang linya. Kaya nagmamadali siyang nagbihis. "Papunta na po ako, Nay," sabi ni Jai sa ina nasa tenga niya ang cellphone at panay pa rin ang iyak nito

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   210

    PANGITI-NGITI si Tony habang nakaupo nasa nakamasid sa labas mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto. "Saan ka ba galing kagabi? Bakit ngayon ka lang umaga umuwi? Buti na lang naunahan mo silang dumating kung hindi malilintikan ka sa akin," bungad ni Renan sa anak. "Dad, will you sit down and relax. Ang puso n'yo..." Napatiim si Renan. Nakuha pa talagang magbiro ni Tony. Inuumaga na naman ito ng uwi at kung saan-saan pumupunta. Baka makatunog ang kapatid niya na hindi pumapasok ang anak niya sa kompanya. "How can I be relaxed? Puro night out, puro barkada ang inaatupag mo. Imbis na ang kompanya ang iniintindi mo, babae ang nasa isip mo palagi..." sermon ni Renan. "Kararating lang nila. Easy po..." "Dahil sa ginagawa mo maagawan ka ng puwesto. Makukuha ni Jai ang kompanya sa'yo. Sana ang problema muna nating ang atupagin mo," pakiusap ni Renan. Napapailing na lamang siya dahil sa pagiging easy ng anak. Nagpapabaya sa kanyang tr

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   209

    "MAGUGUSTUHAN n'yo ni Mama tumira dito sa mansyon. Saka, marami na kayong makakasama. Andito si Tita Carlita para makakuwentuhan n'yo at mabait din siya," litanya ni Jai habang hinuhubad ang t-shirt na suot. "Sana nga..." nasabi na lamang ni Aster. Ang totoo ay hindi niya alam kung totoo ngang magugustuhan niyang tumira kasama ang pinsan ni Jai. "May request sana ako, kung okay lang sa'yo." Napatigil si Jai sa pagkuha ng kanyang damit sa built in cabinet. "Ano 'yon?" untag niya at matiim na tumingin sa asawa. "P-Puwede ba akong mag-drive ng sasakyan? Minsan kung gusto kong ilabas si Mama, magiging madali sa akin..." aniya na naghintay ng sagot mula kay Jai. "Iyon lang ba?" tanong ni Jai at tumango naman si Aster bilang sagot. "Okay. I will buy you a new car. Ako ang magtuturo sayong magdrive." Unti-unting sumilay ang malaking ngiti sa labi ni Aster. Wala sa sariling napatayo siya at niyakap si Jai sa sobrang tuwa. Naestatwa sa kinatatayuan si Jai sa ginawa ng asawa. 'Di niya mal

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   208

    SINUYOD ng tingin ni Aster ang mansyon ng mga Bautista, sa ama ni Jai. Bumaba mula sa sasakyan si Wendy. Kita rin ang paghanga sa mukha niya. "Ang ganda pala ng bahay n'yo, Jai..." komento ni Wendy sa manugang. "Hindi po sa akin ito, Ma, sa Tatay ko po." Pagtatama ni Jai habang ibinababa niya ang mga maleta nila. Nangiti si Wendy. Pa-humble pa ang kanyang manugang. "Sa iyo na rin. Dahil Tatay mo naman 'yon." Ngiti lang ang naging sagot ni Jai sa kanyang biyenan. Hindi inakala ni Aster na ganito pala kayamanan ang ama ng kanyang asawa. Sobrang lawak ng lupain na sakop ng mansyon. Parang sa football field lang, o baka mas malaki pa. Hila ni Aster ang kanyang maleta habang papasok sila sa mansyon. Nakahilera ang apat na kasambahay ng mga Bautista. Habang nasa dulo naman ang buong pamilya ng kapatid ng ama ni Jai. Natuon ang mata ni Aster sa pinsan ni Jai na tila may kakaibang kislap ang ngiti sa labi nang makita siya. Umiwas kaagad siya ng tingin, na napatingin sa asawang si Jai

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   207

    WALANG kakibo-kibo si Aster habang nakaupo sa gilid ng kama. Nakatayo sa harapan niya si Jai, hawak ang kontratang pinirmahan nila. Ayaw na sana niyang magsalita pa. Wala rin namang saysay ang bawat salita niya. Napapagod na siyang makipagtalo pa kay Jai. Simula nang mawala ang Papa niya, halos wala na siyang pahinga sa mga problema. Parang hindi na siya makahinga sa dami ng nangyayari. Dumadagdag pa ang nararamdaman niya sa bigat ng lahat. "Read the last page," sabi ni Jai, sabay lapag ng papel sa tabi niya. Natuon ang mga mata ni Aster sa kontratang pinirmahan nilang dalawa. Nanginginig pa ang kamay niya nang damputin iyon. Gaya ng sinabi ni Jai, binasa niya ang huling pahina ng kontrata. Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napaangat ng tingin sa binata. "Nanlaki ang mata niya. "You are careless and don't want to read the whole contract..." simula ni Jai. Ang bawat salitang binibitawan nito ay parang patalim na dumudurog sa kanya. "Tinanong kita makailang beses kung tata

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   206

    AGAD na sinikmat ni Jai ang pala-pulsuhan ni Aster. "Let's go home," madiin niyang saad. Nakapameywang lang na nakamasid si Dewei habang hatak ni Jai ang asawa palabas ng opisina nila. Nagpaubaya na lamang si Aster at nagpahila papunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ng asawa. Tahimik siya na pumasok sa loob ng kotse ni Jai. Napalingon ang asawa niya sa gawi niya. "Put on your seat belt, Aster..." malumanay na utos ni Jai. Hindi kumilos si Aster, parang ipinapakita ang pagkainis sa lahat ng pinaggagawa ni Jai sa kanya. Marahas na napabuntong-hininga si Jai. Umusog siya para makalapit kay Aster at siya na mismo ang nagkabit ng seat belt. Napaatras si Aster, pilit na inilalayo ang mukha sa mukha ng asawa. Hindi nakaligtas sa kanya ang malaking ngisi ni Jai. Inirapan lang niya ito at napaiwas ng tingin. Maya-maya’y narinig ni Aster ang tunog ng makina, at pinaharurot na ni Jai ang sasakyan paalis. Paano pa kaya niya ipagpapatuloy ang napagkasunduan nila kung anak

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status