"PAANO na si Tatay Marlon mo kung iiwan ko siya? Anak, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung wala siya, baka matagal na akong sumuko… at baka wala ka ngayon, kasama ng totoong tatay mo," sabi ni Jena. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, ngunit mas nangingibabaw ang takot, hindi para sa sarili kundi sa lalaking itinuring niyang tagapagligtas kahit ilang beses na siyang sinaktan nito. Marahas na napabuntong-hininga si Jai. Mariing ipinikit ang mga mata, pilit nilulunok ang galit. Minsan, naiisip niya na parang pera lang ang dahilan kung bakit mahalaga siya sa kanyang ina. Para lang may maibigay itong pera sa lalaking palaging sumusugat sa pagkatao ng kanyang ina. "Magbihis po kayo," malamig niyang sambit, hindi makatingin nang diretso sa ina. "May kasama po ako, gusto ko po siyang ipakilala sa inyo. Takpan n’yo na lang po ang kamay n’yong may pasa." Nanatiling tahimik si Jena. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Muling bumagsak ang tingin niya sa kam
NAIPARK ni Jai ang minamanehong kotse sa isang lumang garahe. Nasa lumang bahay nina Jai ang mag-asawa. Nagtatakang tinapunan ng tingin ni Aster ang kanyang asawa. "B-Bahay ng Nanay mo?" Tumango si Jai. "Yes. This is my mom's house. At dito rin ako lumaki. Sa bahay na 'to ako natututong magsikap." "Bakit tayo andito?" Saglit na natahimik si Jai. In-unbuckle niya ang seat belt at hinarap si Aster. “Dahil gusto kong makita mo 'yung other side ko,” mahinang sabi niya. “Puro magaganda lang kasi ang nakikita mo, 'yung maayos, masaya, at seryoso. Pero hindi laging ganun. May mga bagay sa akin na mahirap tanggapin. Gusto kong makita mo 'yon… at sana, manatili ka pa rin.” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Gusto kong ipakilala ka kay Nanay. Gusto kong iharap ka sa kanya, ipagmalaki ka. Sabihin na, I found my new home. Sa'yo. Sa atin.” Hindi alam ni Aster kung ano ang mararamdaman. May kung anong gumapang na init sa dibdib niya, hindi lang kilig, kundi isang uri ng pagta
"GOOD morning, misis ko," magandang bati ni Jai sa umaga sa asawang si Aster. Nilapitan niya at hinalikan ito sa noo saka ibinaba ang dalang tray na may lamang breakfast. Siya ang nagluto niyon para kay Aster. Espesyal ang araw na 'to dahil ito ang unang araw na manliligaw siya sa kanyang asawa. Natatawa man na ngayon pa naisip ni Aster ang tungkol sa panliligaw. May anak na sila at kasal. Pero, ibibigay niya para maramdaman nito kung gaano niya ito kamahal. Nagising si Aster at agad ngumiti kay Jai. Umupo siya sa kama at nilagyan ng asawa niya ng unan ang kaniyang likuran. Magsasalita sana siya pero... kaagad napantingin sa gawi ng pinto nang may kumatok. "Ako na. 'Wag ka nang tumayo..." prisinta ni Jai. Nginitian siya ni Aster at marahang tumango. "Good morning po, Sir Jai. Ito na po ang pinabibili ninyong bouquet ng flowers," saad ni Anya, ang private nurse ni Aster. Kinuha ni Jai ang mga bulaklak kay Anya. "Thanks. Puwede kang mag-off today, Anya. Ako na muna ang bahala sa m
MAHINANG tinapik ni Aster ang pisngi. Baka panaginip ito at mali ang gising niya kaninang hapon. Napapadalas na kasi ang pagiging antukin niya, na normal lamang sa isang buntis na kagaya niya. "Binabangungot na ata ako..." bulalas niya na muling tinapik ang nagkabilaang pisngi. Muling humalakhak si Jai nang malakas. Parang akala ni Aster ay tila hindi iyon galing sa mismong bibig niya. Baka iniisip rin nitong maaring nagbibiro lang siya. "Do you want me to repeat what I said? Kasi handa naman akong ulit-ulitin 'yon hanggang sa maniwala ka... mahal kita," seryosong sabi ni Jai, sabay hawak sa mukha ni Aster. Nakipagtitigan siya, mata sa mata. Naglumikot ang mga mata ni Aster. Napapikit-pikit pa siya ng kanyang mga mata. "Y-Yeah. Puwedeng pakiulit? Iyong dahan-dahan para rinig na rinig ko ang bawat kataga na binibigkas mo." Ngumiti si Jai. Dahil mahal niya si Aster, pagbibigyan niya ang special request nito. Wala na sigurong problema kung hindi na niya itatago pa ang nararamdaman.
"MATULOG ka na. Babantayan kita. Ako naman ngayon ang magbabantay sa’yo. Ni hindi nga kita nadalaw sa ospital. Dapat ako, na asawa mo ang nag-aalaga sa’yo," mahaba at taos sa pusong sabi ni Aster. Nakokonsensya siya sa nangyari sa kanyang asawa. Pinakain niya ito ng bayabas na may ketchup kaya sumama ang tiyan nito at hindi nakayanan kaya na-ospital. "Hindi mo na kailangang magbantay. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka nakadalaw sa ospital. At saka, ayos lang sa akin ’yon. Ospital ’yon, bawal sa’yo ang amoy ng gamot. Makakasama kay baby. Tabihan mo lang ako, okay na ako ro’n..." Ngumiti si Aster habang naiiyak. Humikbi siya, hindi niya mapigilan ang bugso ng damdamin. "Oh, why? Why is my wife crying like a baby?" Hilam ng luha ang mga mata ni Aster habang nakatingin kay Jai. "Kasalanan ko kung bakit ka na-ospital. Hindi ko akalaing sasama ang tiyan mo, kasi okay naman ako. Walang nangyari sa akin. Pero bakit ikaw? Bakit ikaw pa ang nagkasakit, e? Nakokonsensya tuloy ako,"
NAKALABAS na sa ospital si Jai at nagpapahinga na lamang sa bahay. Isang araw din siyang na-confine, at si Dewei ay hindi halos umalis sa tabi niya at nagbantay sa kanya sa ospital. Tahimik ang paligid habang nakahiga si Jai sa kama, nakatitig sa kisame. Maya-maya’y bumukas ang pinto at pumasok si Rey. "How do you feel, Jai?" tanong ni Rey, habang lumalapit sa kama. Nakatayo siya sa gilid nito. Saglit na tumahimik si Jai bago sumagot. "I’m okay, Dad... medyo pagod lang." Umupo si Rey sa gilid ng kama. "I got scared, anak. Akala ko... something worse would happen. Sobra mong pinagbigyan ang asawa mo." Napatingin si Jai sa kanyang ama. Mahina ngunit may ngiti sa kanyang labi. "But I’m still here, right?" Hindi na nagsalita si Rey. Sa halip, marahang hinaplos ang buhok ng anak at napabuntong-hininga. Ramdam niya ang bigat ng pinagdaraanan nito, kahit pilit nitong pinapawi sa pamamagitan ng ngiti. "Pinahirapan ka talaga ng asawa mo. Biruin mo, inubos mo lahat ng bayabas... may ketc