Share

215

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-05-19 13:42:51

KITA ang saya sa mukha ni Aser nang makauwi sila sa mansyon. Isang bagong-bagong kotse ang binili ni Jai para sa kanya. Kumakabog ang dibdib niya sa tuwa habang pinagmamasdan ang makintab na sasakyan na kulay itim na isang Lexus LM, isang mamahaling brand ng sasakyan.

"Hmm… congrats, pamangkin, sa new car mo. Lexus LM, bongga ang presyo," sambit ni Carlita, kasabay ng pagtaas ng isang kilay. May halong pang-uuyam ang kanyang tono, na para bang may ibang kahulugang nakapaloob sa bawat salita.

Napatingin si Wendy sa kanyang anak. Napabuntong-hininga siya, pinipigilan ang sarili na makapagsalita ng hindi maganda, lalo na’t nasa harapan sila ng buong pamilya. Ramdam niyang may bahid ng inggit o panunumbat ang sinabi ni Carlita, ngunit hindi ito ang tamang oras para patulan.

"Masaya ako para sa'yo, Aser," nasambit niya habang iniharap ang anak sa kanya. Pinilit niyang ngumiti ng matamis, kahit may bahagyang bigat sa dibdib. Hinaplos niya ang pisngi ng anak, pinipilit intindihin ang mabi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Judea Estrella
update more plss
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
ayiiii mkkabuo naba.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   228

    ANG sarap ng kain ni Aster sa bayabas na may chicharon at ketchup na parang wala nang bukas kung ngumata. Halos lumuwa na ang mata ni Jai sa katitig, panay lunok at pigil-hinga habang nanonood. Nakasandal sa sofa si Wendy, nanlilisik ang mata pero may halong aliw sa anak. "Anak, huminga ka naman saglit. Subo ka nang subo. Inom ka nga ng tubig. Baka mabulunan ka," saway ni Wendy sa anak. Sunod-sunod kasi ang ginagawa nitong pagsubo ng bayabas. "Ang sarap po, Mama. Gusto n’yo?" alok pa ni Aster, may ketchup pa sa gilid ng labi. Mabilis naman umiling si Wendy sa anak at napatingin sa manugang. "Sa'yo lang 'yan, Aster..." sabi ni Jai. "Oh, siya. Ako'y matutulog na. Mukhang busog na itong si Aster," paalam ni Wendy. Binalingan muli niya si Jai. "Ikaw na ang bahala sa asawa mo... marami naman siguro itong dinala mong bayabas. Tiyak na mayroon pang mangangata itong anak ko," natatawang sabi pa niya. "Salamat po, Ma, sa pagbabantay kay Aster," pasasalamat ni Jai sa biyenang babae. Nak

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   227

    NAPABALIKWAS ng bangon si Aster. Kumakalam ang kanyang sikmura, at tila may hinahanap ang kanyang lalamunan na makain. Nanunuyo na talaga ang lalamunan ni Aster. Mabilis niyang niyugyog ang natutulog na si Jai. "Hmm.." sagot ng kanyang asawa na nakapikit pa ang mata. "Jai, nagugutom ako..." Napamulat bigla si Jai at napabangon. "Nagugutom ka? Di ba, naubos mo ang isang cake kanina?" tanong niya, napapakamot na lang siya ng kanyang ulo dahil si Aster lang naman ang kumain ng pasalubong niyang cake kanina. "E, sa nagugutom ulit ako. Sige ka, magagalit itong anak mo sa loob ng tiyan ko!" Pananakot ni Aster na humalukipkip at napaiwas ng tingin. Nalaglag ang panga ni Jai. Makakaya ba niyang magtampo sa kanya ang anak, pati ang asawa? Napatingin siya sa wall clock. Napa-second look pa siya nang makita ang oras saka bumaling kay Aster. "Wife, it's only one in the morning. Tulog pa ang mga tao sa buong Pilipinas. Saka, ano ba talaga ang gusto mong kainin?" Saglit na natahimik

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   226

    "YOU wouldn't believe what I found out, Renan," sabi ni Carlita sa kanyang asawa.Katatapos lang hubarin ni Renan ang suot niyang coat nang magtanong siya, nahaluan ng kuryosidad sa tono ng kanyang asawa. Kagagaling lang nila sa kompanya at ngayon ay nasa mansyon na ng kanyang kapatid.Lumapit si Renan kay Carlita at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama."What is it, Carlita?"Napangisi si Carlita, tumataas ang isang sulok ng kanyang labi."They're hiding something. Jai and Aster are just husband and wife on paper. Ibig sabihin, nagkukunwari lang silang mag-asawa, maybe just to get all the benefits. Properties. Connections. Reputation. Lahat 'yon, Renan. It's all a big act."Napakunot ang noo ni Renan. "Are you sure about this?""Yes," sagot ni Carlita na tila sabik na sabik pa sa isusunod na ibabalita. "Narinig ko sila kanina ng best friend niya na nag-uusap sa sala. She said the marriage is part of a deal... a contract that ends in one year. At alam mo ba?""One year?" Ulit ni Renan,

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   225

    DALAWANG buwan nang buntis si Aster at nananatili siyang naka-bed rest dahil sa kondisyon ng pagbubuntis niya. Hindi biro ang pinagdadaanan niya araw-araw, kaya’t bukod sa Mama niya at sa asawa niyang si Jai, may inupahan silang private nurse na nag-aalaga sa kanya. Araw-araw itong naka-duty, lalo na kapag nasa trabaho si Jai. Pero kahit abala si Jai sa opisina, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya kay Aster. Bago siya umalis ng bahay, sinisigurado muna niyang maayos ang kalagayan ng asawa, mula sa iniinom nitong vitamins hanggang sa pagkain nito. Sa bawat pagbalik niya, lagi rin niyang tinatanong kung naging magaan ba ang araw nito, dala ang pag-aalalang baka may hindi siya nabantayang detalye. Napatayo si Velora nang makita ang best friend niya. Inaalalayan ito ng babaeng nurse habang bumababa sa hagdan. "Velora..." sambit ni Aster nang makalapit sa kaibigan. Sinalubong ni Velora ng yakap si Aster. Hawak naman ni Yaya si Devor. "Namiss kita, Aster." "Ako rin... sobra," tug

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   224

    BIGLANG napabangon si Aster at mabilis na tumakbo papunta sa banyo. Napatukod ang kanyang mga kamay sa sink at nagsuka, pero wala naman siyang nailabas. Hingal na hingal siyang napatingin sa salamin. Naghilamos siya, saka pinunasan ang mukha gamit ang face towel. Muli siyang tumingin sa salamin. Pagkatapos nang mainit na tagpo nila ay nakatulog kaagad siya sa sobrang kapaguran. Nagising naman siya na parang hinahalukay ang tiyan. "Are you okay, Aster?" mahina at nag-aalalang tanong ni Jai, habang nakatayo sa may pinto. Hindi niya maalis ang tingin sa asawa, halatang nag-aalala siya sa kalagayan nito. Marahang tumango si Aster. Nilapitan siya ni Jai at marahang niyakap mula sa likuran, sabay hawak sa tiyan niya. "Huwag mong pahihirapan si Mommy, baby..." bulong ni Jai habang marahang hinihimas ang tiyan ni Aster. Napangiti si Aster. Dama niya ang init ng yakap ni Jai, at kahit mahina pa ang pakiramdam niya, tila nawala ang bigat sa dibdib niya sa mga sandaling 'yon. "Sorry, I'm o

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   223

    NAALIMPUNGATAN si Jai at biglang napamulat ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagbangon, kumirot agad ang sintido niya."Fck! I was wasted last night. Hindi ko na alam paano ako nakauwi ng bahay..." mahinang nausal niya habang hawak ang sintido."Dinala ka ni Tatay Rey dito sa kuwarto at hinatid ka sa bahay ni Dewei. Nagulat nga ako na lasing na lasing ka. Anong nangyari sa'yo? May malamig na tubig dito, inumin mo para medyo mawala ang hang over mo," biglang usal ni Aster.Ito ang unang beses na nakita niyang hindi makahugalapay si Jai dahil sa sobrang kalasingan. Noong nagkaroon sila ng away, medyo nasa katinuan pa ito, at iyon din ang gabing unang may nangyari sa kanila. Pinamulahan ng mukha si Aster nang maalala niya iyon.Nilingon kaagad ni Jai ang asawa. Napakamot siya sa kanyang ulo, hiyang-hiya siya kay Aster na umuwi siya na lasing."Sorry, wife. Napasarap ang inom ko," hingi ng paumanhin ni Jai. Hindi siya makatingin ng diretso kay Aster. "What time already?""Six in the mornin

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   222

    HINATID ni Dewei si Jai sa bahay nito. Lasing na lasing ang kaibigan niya dahil nagcelebrate pa sila. Binaha ng inumin ang restaurant. Ngayon lang niya nakita na ganitong kasaya si Jai. Matagal na niyang kilala ang kaibigan. Pero habang tumatagal ang pagsasama nila ng asawa nitong si Aster, unti-unti nagbabago ang ugali ni Jai. Napapalabas din ni Aster ang hindi natural na ugali ng kaibigan niya. Parang gusto na niyang maniwala na maganda ang naging epekto ng kontrata sa buhay ni Jai. "Good evening, Mr. Bautista. Hinatid ko lang po si Jai..." sabi ni Dewei nang makaharap ang ama ng kaibigan. Inihiga niya muna si Jai sa sopa. Napakunot ang noo ni Reynaldo at napabaling ang tingin sa anak. Tulog na tulog ito sa sobrang kalasingan. Muli niyang hinarap si Dewei. "Anong nangyari sa best friend mo, Dewei? Pwede bang Tito Rey na lang ang itawag mo sa akin?" Napangiti si Dewei. "Nagkayayaan lang po sa resto. Sinagot po lahat ni Jai ang inumin sa restaurant, Tito. Masayang-masaya po at bun

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   221

    NAKAHIGA si Aster sa kama, nakasandal ang kanyang likod sa headboard ng kama. Habang si Jai ay nakadapa at nakatapat sa impis pang tiyan ng asawa. "Ano kayang ginagawa ni baby ngayon?" Inosenteng tanong ni Jai. Napaangat ang kanyang tingin kay Aster. Pinipigilan ni Aster ang tawa. Napatampal ng mahina sa balikat ni Jai. "Daig mo pa ang bata, kung magtanong. Ano bang gagawin ni baby sa loob ng tiyan ko? Kundi ang magpalaki lang naman at maghanda sa paglabas niya..." nangingiting sagot niya. Umayos ng higa si Jai, kinuha ang isang unan ang inilagay sa ilalim ng ulo. Kinuha ang isang kamay ni Aster at dinala sa labi niya. Napatulala na naman si Aster. Unusual na gesture ni Jai, para siyang hihimatayin sa kilig. "I haven't said this to you yet, but thank you, wife. Nakita mo ba ang itsura ni Tatay kanina?" tanong ni Jai na mabilis na bumangon at humarap sa asawa na hawak pa rin ang kamay nito. "Sobrang saya niya." Unti-unti namang nawala ang ngiti sa labi ni Aster. Biglang hinalikan

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   220

    INAALALAYAN ni Jai ang asawa palabas ng kotse, ingat na ingat na parang mamahaling glass na pinakaiingatan. Agad na sumalubong ang tatlong kasambahay na sina Dang, Tata, at Bebs. “Paki-kuha na lang po ng mga gamit namin sa trunk ng kotse. Salamat po,” magalang na utos ni Jai. Hindi siya sanay mag-utos. Mas sanay siya na siya mismo ang gumagawa ng mga bagay-bagay. Mabilis na kumilos ang tatlong babae at nagtungo sa likuran ng kotse. Nilapitan ni Jai ang kanyang asawa, hinawakan ang kamay nitong nakaangkla sa kanyang braso, saka siya nginitian ng ubod tamis. Lumundag ang puso ni Aster sa kilig. Hindi niya masabayan ang malakas na tibok nito. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib, sa tapat ng puso niya. Hindi na naman siya mapakali. Alam niyang dinig na dinig iyon ni Jai. “Let’s go inside. They’re all waiting for us to come home,” malambing na aya ni Jai nang mapatingin si Aster sa kanya. Tumango si Aster saka gumanti ng ngiti sa asawa. Naglakad na sila papasok sa loob ng mansyon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status