LUMIPAS pa ang dalawang araw, limang araw na ay hindi pa rin bumabalik si Jai sa resort kung nasaan sina Aster. Ayaw mag-isip ng masa ni Aster. Pero hindi niya talaga maiwasan, lalo't hindi naman tumatawag sa kanya si Jai. "Ma, gusto ko na pong bumalik sa Maynila..." sabi ni Aster sa ina. 'Di na ata niya mahihintay si Jai. Limang araw na siyang pinapaasa ng kanyang asawa. Hindi pa sabihin na wala na itong balak na balikan siya sa resort. Naiinis siya, ginagawa na lang siyang parang uto-uto ni Jai. Dinala sa resort, tapos basta na lang iniwan na parang hayop. Wala man lang paliwanag o pasabi kung babalik pa. "Sigurado ka na ba roon, Aster? Baka nabibigla ka lang. Hintayin pa natin si Jai, siguro sobrang abala lang niya sa trabaho kaya hindi ka niya natatawagan o kaya'y napupuntahan dito sa resort," pangungumbinsi pa ni Wendy na hintayin pa ng ilang araw si Jai. "Ilang araw pa po ba ang hihintayin ko? Baka tubuan na po ako ng ugat kahihintay kay Jai. Ni hindi man lang siya tumatawag
Pinuntahan ni Jai ang ama sa ospital. Umalis muna pansamantala si Tony para makalimot. Hinayaan na rin niya dahil hindi rin madali ang pinagdadaanan ng kanyang pinsan. Humihiling nga ito na manirahan na muna sa malayo. Wala naman silang magawa ng Tatay Rey niya kung ito ang pasya ni Tony. "Kumusta na po ang pakiramdam n'yo?" tanong ni Jai sa ama. "Okay sa okay na," nakangiting sagot ni Reynaldo. "Anong balita kay Sandro, anak?" "Nakakulong na po siya ngayon. Siguro naman po ay pagdudusahan niya ang lahat ng ginawa niya." Tumango si Reynaldo. May bahagyang lungkot sa kanyang mga mata, pero dama ang gaan sa loob. "Magiging maayos na ang lahat," sabi ni Jai. "Unti-unti po kaming babangon. Lalo na si Aster. Wala nang Sandro na susundan o tatakutin siya. Wala nang panganib. Hindi na rin po makakapanggulo sina Tito Renan at Carlita." Hinawakan ni Reynaldo ang kamay ng anak. "Salamat, anak. Alam kong hindi naging madali 'to para sa'yo... sa ating lahat. Pasensiya ka na dahil pati kayon
"HOY, bilisan mo, Sandro! Ang kupad-kupad mong kumilos. May mga sako ka pang bubuhatin dito! Sayang ang ibinabayad ko sa'yo kung hindi mo matatapos lahat!" bulyaw ng foreman kay Sandro. Walang magawa si Sandro kundi gawin ang ipinag-uutos sa kanya. Wala nang tumatanggap sa kanya sa trabahong natapos niya noon. Mayroon na siyang masamang rekord na mahirap burahin, kaya nagtitiis siya ngayon sa construction kahit mahirap ang trabaho, sobrang pagod at maliit pa ang kita. Kinuha niya ang isang sako ng buhangin at pinasan sa kanyang balikat. Hirap na hirap siya habang binabaybay ang daan papunta sa hagdanan. Dadalhin niya ito sa ikatlong palapag. Ngunit biglang dumating ang mga pulis. Nagkagulo sa paligid. Tumigil sa trabaho ang ilang manggagawa at napatingin sa pagbaba ng mga armadong lalaki mula sa kanilang sasakyan. Matitigas ang mukha ng mga pulis, tila ba may hinahanap. "Ikaw ba si Sandro Pascual?" tanong ng isa, diretso sa kanya. Napahinto si Sandro sa paghakbang. Bumigat
SA labas ng villa, nakapalibot silang apat sa paligid ng bonfire. Hawak ni Jai ang gitara, tumutugtog habang mahina siyang kumakanta. Tahimik lang sina Wendy at Jena habang nakikinig. 'Di maalis ang ngiti sa labi ni Aster na kumakain ng marshmallow. Napatingin si Aster kay Jai. Hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ito. Ang simpleng tugtog, ang boses nitong may lamyos, at ang para bang sinasadyang pag-iwas ng tingin nito sa kanya, lahat iyon ay bumabalot sa kanya ng init na hindi galing sa apoy. Pagkatapos ng huling nota ng kanta, nagpalakpakan sila. Tumigil si Jai sa pagtugtog at sandaling tumingin sa asawa. "May gusto ka bang kantahin?" tanong niya kay Aster, medyo mahina, parang sila lang ang nagkakaintindihan. Nagkibit-balikat si Aster. "Wala. Pero gusto kong makinig pa ng kanta mo." Ngumiti si Jai. "Okay. Pero next song, para sa’yo ‘to." Nagbiro si Wendy sa anak. "Uy, Aster, special mention!" Nagkatawanan silang lahat. Pero si Aster, hindi sumagot. Na
NASA biyahe na si Jai, papunta sa resort. Pansamantalang nasa ospital ang kanyang ama upang mas tutukan pa ang paggaling nito. Kahit mabigat ang loob niyang iwan ito, alam niyang kailangang bumalik muna sa resort. Hindi lamang para sa mga naiwan doon, kundi lalo na para sa taong pinangakuan niyang babalikan. Habang binabaybay ang pamilyar na daan, napatingin siya sa tabi ng upuan kung saan nakapatong ang tatlong bouquet ng bulaklak. Isa para kay Nanay Jena, na matiyagang nag-alaga at nagmahal sa simula noong siya'y isilang. Ang isa naman ay para kay Mama Wendy, na sa kabila ng lahat ay itinuring siyang tunay na anak at ang huli ay ang pinakaespesyal, para sa kanyang mahal na asawa. Napangiti siya habang iniisip ang reaksyon ni Aster. "Sana mapawi ng bulaklak na 'to ang tampo mo," bulong niya sa sarili. "At sana, maiparamdam ko sa'yong hindi ako umalis para iwan ka… kundi para ayusin lahat." Hinawakan niya sandali ang pinaka-eleganteng bouquet, may halong lilies at white roses,
"HELLO," bungad na sabi ni Jai sa kabilang linya. "Jai, nasaan ka ba? Hindi ka na bumalik sa resort." Napangiti si Jai. "Miss mo na 'ko?" "Ano bang klaseng tanong 'yan? Siyempre naman, miss na kita." Napapikit si Jai habang nakasandal ang likod sa pader. Ang tinig niya'y tila naging mas banayad. "Sorry. May kailangan lang akong ayusin sa restaurant. Pero pupunta rin ako diyan… baka bukas ng umaga." May saglit na katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita si Aster. "Okay ka lang ba?" Tumango si Jai kahit hindi siya nakikita. "Oo. Lalo na't narinig ko na boses mo." Napatawa si Aster sa kabilang linya, at parang may kung anong gumaan sa dibdib ni Jai. "Hintayin kita rito, ha? Huwag ka nang masyadong patagal. Hinahanap ka na rin nina Mama at Nanay Jena. Hinatid mo lang kami tapos bigla ka nang nawala," wika ni Aster na may bahid ng tampo sa tinig. "Promise," tugon ni Jai. "Miss na rin kita." "Siguraduhin mong may dala kang pasalubong pagbalik mo rito," pabirong hirit