Nag-aagaw na ang aking antok nang maramdaman kong nagbukas ang pinto ng aming cottage. Sa pag-aakalang si Julia at Miana na ang pumasok ay itinuloy ko nalang ang naunsiyami kong tulog. Hindi ko na cheneck dahil nakapatay ang ilaw sa aming cottage.Pasado alas onse na nang gabi at antok na antok na ako kaya nauna na akong nagpaalam kanina sa kanila. Ang naiwan ay sina Julia, Miana, Johnson, Jessica, Ronila at Ronnie. Nagulat nga kami kanina at bigla nalang sila nakisali sa aming grupo. May dala dala silang mga alak. Dahil nga hindi kami mahilig sa alak ay kumuha nalang ng juice si Jessica at iyon ang binigay sa akin.Si Julia at Miana naman ay nagiging madaldal na dahil sila ay tumikim naman ng alak dahil sa panunulsol ni Jessica at Ronila. Kahit na pinigilan na sila ni Johnson ay tawa lang sila ng tawa. Si Johnson naman ay naka ilang bote na rin ng beer pero nakokontrol pa rin niya ang kanyang sarili, hindi kagaya ni Ronnie na tahimik lang pero medyo nakalungayngay na ang kanyang ulo.
Nagtataka ako sa ikinikilos ni Ronila. Ano ang pinagsasabi niya-Biglang bumukas ang pinto ng aming cottage. Lumabas mula doon si Ronnie. Bigla etong sumigaw ng makita ako sa cottage nila Ronila.“Ronila hold that b*tch. Tinusok niya ang mata ko.” Galit na sigaw ni Ronnie. Pasuray suray na etong naglalakad papunta sa amin. Tumakbo naman si Ronila palapit sa kakambal at tinulungan eto. Hawak hawak ni Ronnie ang kanyang mata. Kanina nang lumapit ang mukha niya ay tinusok ko ang kanyang mata dahil iyon lang ang alam kong paraan para makatakas sa kanya.“R-ronnie, w-what happened? B-bakit p-parang okay naman ang pakiramdam ni Anaya? Di ba pinainom naman natin siya ng juice? H-hindi ba gumana ang g-gamot?” paulit ulit pa rin sa pagsambit ng gamot si Ronila.Ngayon ay parang unti unti ko na ring naiintindihan ang ibig sabihin ni Ronila. May gamot ang juice na ibinigay ni Jessica sa akin sa pool. May plano silang masama sa akin. Mga hayop talaga ang magkapatid na ‘to. Tama nga si Nanay Luci
Sa loob ng police station ay pinagkasundo na lang kami nina Ronila. Kinunan din sila ng police blotter report. Habang nagbibigay sila ng kanilang salaysay ay patuloy lamang ang pananangis ko sa gilid ng police station. Si Ronnie na parang nahismasan na ay hindi na makatingin sa akin. Sising sisi sa ginawa sa akin. Hindi lang eto makalapit dahil nakabantay si Ronila at pinandidilatan siya tuwing nakatingin sa akin. Napansin ko din na bahagyang namula at may konting dugo sa kaliwa niyang mata. Eto siguro ang napuruhan ko nang tinusok ko siya. Kulang pang kabayaran ang pag tusok ko sa mata niya dahil sa pananamantalang ginawa niya sa akin. Nang matapos na ang blotter report ay hinatid pa sila pabalik sa beach resort. Samantalang ako ay nakasuot ng isang itim na oversized tshirt na binigay ng police officer kaninang madaling araw at wala pang tsinelas. Awang awa ako sa sarili ko dahil ako na nga ang nadehado tapos ako pa ngayon ang lumabas na masama. Habang patuloy sa paglandas ng luha s
"Anaya!""Anaya... ""Anaya?" "Anaya...? " Bakit marami ang tumatawag ng pangalan ko sa labas. Labasin ko muna ang mga tumatawag sa akin. "Andiyan na po..." Nakita ko sa labas ng bakod si Aling Bebang at ilan naming kapitbahay. "A-naya..m-madali ka ang N-nanay Lucia at M-manang Inday mo.. n-nasagasaan ng sasakyan sa labas ng palengke. Malubha sila at nasa Santa Barbara Municipal Center sa tabi ng munisipyo ngayon." nangangatal na sabi ni Aling Bebang. Napatigil ako. Bigla ay parang nabingi ako sa narinig. Parang hindi pa pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Aling Bebang. " ANAYA!" untag sa akin, "Ang Nanay Lucia at Manang Inday mo, nasagasaan. Halika ka na sa Center," untag ulit ni Aling Bebang sa aking kamalayan. "A-aling Be-bang.. h-hindi po t-totoo 'yan..." naglandas na ang luha ko kahit na hindi ko pa nakikita si Nanay Lucia at Manang Inday. Kung kanina ay matindi ang aking kaba, ngayon ay parang puputok na.. parang hindi na ako makahinga.Sinabihan ulit ako ni Aling Bebang
Matapos maideklara na patay na sina Nanay Lucia at Manang Inday ay kinausap ako ni Mama Baby na siya na ang bahala sa pag-aasikaso ng lahat. Sa burol at lamay pati na ang gastusin. Dahil menor de edad pa lamang ako ay si Mama Baby din ang kinausap ng doktor tungkol sa mga bayarin sa ospital. Ipinaliwanag ng doctor na baka magka-trauma ako lalo at dalawang mahal ko sa buhay ang biglang nawala. Kailangan na bantayan din akong maigi at baka mag breakdown ulit ako. Habang nagpapaliwanag ang doktor ay pumayag naman eto na sa tumabi ako kay Mama Baby kahit hindi ko maintindihan ang kanyang mga paliwanag. Ayon sa pagsusuri, ang dahilan ng pagpanaw ni Nanay Lucia ay internal bleeding samantalang si Manang Inday ay broken ribs at spinal cord injuries. Ayon na din sa doktor na kahit na dalhin pa sa Maynila ang dalawa ay hindi pa rin sila aabot dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanila. Noong tinanong namin ang doctor kung sino ang nagdala at kung sino ang nakabangga ay wala etong mai
Kilala ko ba siya?Kilalang kilala. "S-senyor Roberto!?" nagitla ako nang makita si Senyor Roberto. Ibig sabihin siya ang nakasagasa sa Nanay Lucia at kay Manang Inday. Nawala lahat sa isip ko ang sinabi ng Hepe. Sa isang iglap lang nasa harap na ako ni Senyor Roberto at pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Hindi ko na rin mapigilan ang aking emosyon at bigla ay bumuhos na naman ang aking luha. Mabilis din akong hinaklit ni Hepe palayo kay Senyor Roberto. "W-walanghiya kayo Senyor Roberto bakit ninyo sinagasaan ang Nanay Lucia at si Manang Inday ha.." nagsisigaw na ako sa loob. "P-patawarin mo ako. Hindi ko 'yon sinasadya. Madilim at bigla na la-" "Kahit kailan ay hindi pa tumawid si Manang Inday para lamang pumara ng sasakyan. Sa ilang taon naming pagsasama alam na alam ko ang ugali niya lalo pa at may polio siya," gigil na sigaw ko. Napansin kong parehong nagulat si Hepe at Senyor Roberto sa sinabi ko na hindi tumatawid si Manang Inday. Si Senyor Roberto ay parang biglang lumikot
Si Madam Carmina ang bumaba sa passenger seat. Pasuray suray pa eto. May dugo sa kanyang noo. Umiiyak eto pagkalabas sa sasakyan tapos tiningnan ang harapan ng sasakyan. Nang makita na may taong nakahandusay ay naghisterikal na eto. Maya maya pa ay may tinawagan eto atsaka pinuntahan ang driver seat. Panay lamang ang iyak nito. Nakita pa ni Jon-jon at Mike ng binuksan ni Madam Carmina ang driver seat at nakita nila si Senyor Roberto na walang malay. May ilan nang mga tao na nakiusyoso sa aksidente. Hindi na pumunta ang dalawa dahil parang natulos na lang sila sa kanilang pwesto. Pati nga ang tindera ng burger stand ay nanginginig din na nakayuko. Ang mga taong nakiusyoso ay parang kinausap ni Madam Carmina. May ibinigay siyang calling card. Tapos maya maya ay dumating na din ang police patrol at may ambulance. Isinakay sa ambulance si Senyor Roberto at Madam Carmina at umalis na eto. Binigyan na nang paunang lunas ng mga rescuer sa ambulansiya sila Nanay Lucia at Manang Inday at ang
"Tawagin mo na lamang akong Tita Crisanta." sabi ng matanda."Baka naikuwento na rin sa inyo dati ni Inday na hindi kami close. Dahil nga sa sakit niyang polio ay hindi siya mahal ng mga magulang namin. Kasalanan din nila dahil lagi nilang kinakahiya at inaapi si Inday kaya pati kami tuloy ay kinawawa din namin si Inday kahit na siya ang aming bunso. Naglayas 'yan sa amin at kung saan saan naghanap ng trabaho hanggang sa huli ay nalaman namin na nagkaroon pala siya ng pwesto sa palaisdaan dito sa Santa Barbara. Siya rin ang unang nakipagkita at kumausap sa aming mga magulang at kapatid sa probinsiya. Kahit na marami kaming hindi magandang ginawa sa kanya ay tinulungan niya pa rin kami. Kaya nga siguro swerte ang negosyo niya sa palaisdaan dahil isa siyang matulunging kapatid." sa narinig kong kuwento ni Tita Crisanta ay talagang laking pasasalamat ko sa Diyos at siya ang tumulong sa amin ni Nanay Lucia nang pinalayas kami sa mansiyon ng mga Capili."T-ita Crisanta, kumain na po ba kay