แชร์

EXOTIC GIRL 13

ผู้เขียน: Apple Balboa
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-05 11:19:42

"Nanay, tapos na po ako magsaing. May ipapagawa pa po ba kayo sa akin?"

"Ang sipag sipag talaga ng Anaya ko. Wala na dahil ginawa mo na lahat."

"Nanay gusto niyo masahiin ko kayo. Alam ko lagi kayong pagod galing sa palaisdaan at babalik pa kayo maya maya para tulungan si Manang Inday sa pagsasara."

"Aba, malambing ngayon ang Anaya ko. May hihilingin ka ba bakit panay ang lambing mo?" nagtataka siguro si Nanay bakit nga ang lambing ko.

"Nanay... K-asi...kasi.." hindi ko alam 'pano ako magpapaalam kay Nanay Lucia.

"Kasi.. k-kasi?" nagtatanong ang Nanay Lucia.

"Nanay, papayagan mo ba ako pag dumalo ako sa birthday party ng kaklase ko?" paalam ko kay Nanay Lucia.

"Depende.. hhmm.. kaninong birthday party 'yan?" patay baka hindi ako payagan.

"Nanay kasi si Ronila inimbitahan kami sa birthday ni Jessica, iyong kaibigan niya. Alam niyo ang Anantara Haven Beach Resort sa baranggay Tubigan, malapit lang 'yon dito sa atin. Sila Jessica ang may-ari nun. Bali kasama ko naman po Julia, Mian
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR   EXOTIC GIRL 81 (FINALE)

    EXOTIC GIRL ( ANAYA VIJAR) FinalePabiling biling ako sa higaan. Parang may nakahawak sa aking kamay. Nakapikit pa rin ang aking mata. Ang huli kong naalala ay kausap ko si Johnson. Bigla kong naalala si Jude. Nawawala si Jude at ang sabi ni Johnson ay magkasama sila. Bigla kong naimulat ang aking mata."Thank God, gising ka na. Nag-alala ako sa'yo kanina." Totoo ba 'tong nakikita ko. Bakit si Rodolfo ang nagisnan ko.Mahigpit ang pagkakahwak niya sa aking kamay. Sobrang lapit din nito sa akin. Nilagay nito ang isang silya sa tabi ng aking kama.Biglang umagos ang aking luha. Hinawakan ko ang kanyang mukha. Bakit parang totoo?Ngumiti eto sa akin. Hinalikan ang aking kamay. Napansin kong umiiyak na din eto."God, I missed you so much!" Tumabi na eto sa akin at humiga na din sa aking kama.Totoo nga. Totoo si Rodolfo."Totoo ako?" nakangiti na eto. Niyakap niya ako. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Isiniksik ko lalo ang aking katawan sa kanya."Rodolfo, I'm so sorry.. S-sorry kun

  • EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR   EXOTIC GIRL 80

    Kasalukuyan akong nagluluto para sa hapunan naming tatlo nina Julia at Jude ng maalala kong tingnan si Jude. Dumaan muna ako sa kwarto nina Julia. Sinilip ko si Julia. Nakita kong nakahiga eto at hawak hawak ang tiyan. Parang umiiyak. Mabilis kong isinara na ang pinto.Mahal na mahal talaga nito si Johnson. Magkaibigan nga kami kasi pareho kami ng kapalaran, sawi sa pag-ibig.Lumabas na ako ng sala at tiningnan si Jude. Wala sa sala si Jude. Lumabas na ako ng bakuran namin. May mga nagkalat na laruan sa labas pero wala si Jude. Napatingin ako sa gate. Sarado naman ang gate. Kumabog na ang dibdib ko.Jude, nasaan ka na? Kinalma ko muna ang sarili ko dahil baka nasa likod lang siya ng bahay. Pumunta ako sa likod. Wala din doon si Jude. Nawawala si Jude. Kailangang makita ko si Jude bago pa mapansin ni Julia na nawawala ang anak niya. Baka kapag nagkataon ay tuluyan nang mabaliw ang kaibigan ko. Wala na nga si Johnson, pati si Jude nawawala din.Saan naman kasi nagpupunta ang batang 'yo

  • EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR   EXOTIC GIRL 79

    Tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng tumalikod ako sa kasal namin ni Senyor Roberto. Umuwi lang ako sa El Leon ng isang araw at pagkatapos noon ay naglagi na ako sa dati naming bahay- sa bahay ni Manang Inday. Ang tanging nakakaalam lamang kung nasaan ako ay si Mama Baby, Tita Crisanta, Ms. Anna at si Julia dahil magkasama kaming dalawa pati ang anak niya.Noong hapon ng araw ng kasal ko ay tinawagan ako ni Julia. Naghahanap din eto ng lugar na mapagtataguan nila ni Jude. Buntis na naman eto at ang nakabuntis sa kanya ay walang iba kundi si Johnson. Hindi pa alam ni Johnson na buntis siya dahil bumalik eto ng Amerika at may inasikaso lamang. Isang linggo pag-alis nito ay dumating naman ang girlfriend ni Johnson na isa ring Filipino-American at nag eskandalo sa harap bahay nila. Kung ano ano ang sinabi kay Julia at ang pinakamasakit pa sa lahat ay may pinakita etong picture na naghahalikan sila sa Mommy at Daddy niya. Nagalit at dinamdam iyon ni Julia dahil akala niya ay may pagt

  • EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR   EXOTIC GIRL 78

    “Kung pinapanoond mo eto Rodolfo, ibig sabihin ay patay na ako. Ang una kong sasabihin sayo ay PATAWAD. Patawad dahil hindi ako naging totoong ama sa'yo. Patawad dahil ngayon mo lang malalaman ang totoong kuwento tungkol sa pagkamatay ng Mama mo. Patawad dahil naging duwag ako. Totoo, ako ang nakapatay sa Mama mo. Limang taon ka pa lamang noon ng dinala ka niya sa Abu Dhabi para magbakasyon dahil gusto kang makita ng Lola mo. Isang taon ang usapan namin na doon ka muna sa Lola mo at tatlong buwan lamang ang Mama mo doon at babalik din dito. Sa loob ng tatlong buwan na 'yon maraming nangyari. Pagkaalis ninyo, ang kaibigan ng Mama mo- si Carmina ay nilasing ako ng pumunta dito sa mansiyon. May nangyari sa aming dalawa. Palagi na siyang pumupunta dito dati pa at lagi na niya akong inaakit noon pa dahil kaibigan siya ng Mama mo. Hindi ko siya pinatulan dahil tanging ang Mama mo lang ang minahal ko. Pagkatapos ng isang beses na nangyari sa amin ay nabuntis ko si Carmina. Hindi ko eto matan

  • EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR   EXOTIC GIRL 77

    Andito ako ngayon sa loob ng ambulansiya. Katabi ko ang dalawang paramedics na siyang nagbigay ng paunang lunas kay Papa. Minomonitor nila ang kanyang kalagayan. May mga nakakabit silang bagay na inilagay kay Papa para lang manatiling buhay siya. Kailangan niyang masalinan kaagad ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi pareho ang type ng dugo namin kaya hindi ko siya pwedeng salinan kahit na gustuhin ko man.Mga kalahating oras pa ang aming lalakbayin para makarating sa pinakamalapit na ospital dahil kapag dinala pa siya sa Manila ay hindi na siya aabot. Nakatingin lamang ako sa walang malay na katawan ni Papa habang nakahiga siya. Medyo nahimasmasan na rin ako sa galit ko sa kanya. Naisip ko na kahit patayin ko pa siya ay hindi na rin naman magbabago pa ang lahat. Marami siyang nagawang kasalanan pero ama ko pa rin siya.Ngayon ang tanging nais ko na lamang ay ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Mama para matahimik na din ako. Limang taong gulang pa lamang ako ng

  • EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR   EXOTIC GIRL 76

    Bang!Bang!Bang!Bang!Sh*t!“Ano ‘yon?!” Kinabahan ako sa tunog ng baril. Bigla kong naalala na kasal pala ngayon ni Papa at ni Natanya.. no.. hindi siya si Natanya. Siya ang aking si Anaya.D*mn!Sa sobrang kalasingan ko ay marami akong nakalimutan. Hindi sila puwedeng ikasal. Akin lang si Anaya. Lalo pa ngayon na alam kong ako lang ang tanging lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili.Dali dali akong nagbihis at bumaba para alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng nagkasalubong kami ni Manang Diday.“S-senyorito R-rodolfo.. si ..si.. S-senyor Roberto po..” umiiyak na nagsasalita si Manang Diday.“Anong nangyari kay Papa, Manang?!” niyugyog ko si Manang Diday dahil panay lang ang iyak niya.“Binaril po si Senyor Roberto! Malubha po ang lagay niya. Nasa may hardin—“Iniwanan ko na si Manang Diday at tinakbo ang hardin. Pagdating ko doon ay nagkakagulo na ang mga tao.“Papa! Papa!”Si Anaya ba ang bumaril kay Papa?“R-rodolfo, 'andito a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status