Si Madam Carmina ang bumaba sa passenger seat. Pasuray suray pa eto. May dugo sa kanyang noo. Umiiyak eto pagkalabas sa sasakyan tapos tiningnan ang harapan ng sasakyan. Nang makita na may taong nakahandusay ay naghisterikal na eto. Maya maya pa ay may tinawagan eto atsaka pinuntahan ang driver seat. Panay lamang ang iyak nito. Nakita pa ni Jon-jon at Mike ng binuksan ni Madam Carmina ang driver seat at nakita nila si Senyor Roberto na walang malay. May ilan nang mga tao na nakiusyoso sa aksidente. Hindi na pumunta ang dalawa dahil parang natulos na lang sila sa kanilang pwesto. Pati nga ang tindera ng burger stand ay nanginginig din na nakayuko. Ang mga taong nakiusyoso ay parang kinausap ni Madam Carmina. May ibinigay siyang calling card. Tapos maya maya ay dumating na din ang police patrol at may ambulance. Isinakay sa ambulance si Senyor Roberto at Madam Carmina at umalis na eto. Binigyan na nang paunang lunas ng mga rescuer sa ambulansiya sila Nanay Lucia at Manang Inday at ang
"Tawagin mo na lamang akong Tita Crisanta." sabi ng matanda."Baka naikuwento na rin sa inyo dati ni Inday na hindi kami close. Dahil nga sa sakit niyang polio ay hindi siya mahal ng mga magulang namin. Kasalanan din nila dahil lagi nilang kinakahiya at inaapi si Inday kaya pati kami tuloy ay kinawawa din namin si Inday kahit na siya ang aming bunso. Naglayas 'yan sa amin at kung saan saan naghanap ng trabaho hanggang sa huli ay nalaman namin na nagkaroon pala siya ng pwesto sa palaisdaan dito sa Santa Barbara. Siya rin ang unang nakipagkita at kumausap sa aming mga magulang at kapatid sa probinsiya. Kahit na marami kaming hindi magandang ginawa sa kanya ay tinulungan niya pa rin kami. Kaya nga siguro swerte ang negosyo niya sa palaisdaan dahil isa siyang matulunging kapatid." sa narinig kong kuwento ni Tita Crisanta ay talagang laking pasasalamat ko sa Diyos at siya ang tumulong sa amin ni Nanay Lucia nang pinalayas kami sa mansiyon ng mga Capili."T-ita Crisanta, kumain na po ba kay
" S-sige.. Senyor Roberto, tatanungin ko po ulit k-kayo.. bago ko tanggapin ang iniaalok niyo. T-tumawid ba talaga ng kalsada si N-nanay Lucia at Manang Inday kaya sila n-nasagasaan?" "Hija, t-to-toong t-tumawid sila.." medyo alanganin ang sagot nito at hindi nakatingin sa akin."Roberto! Nag-aaksaya lang tayo ng panahon dito. Umalis na tayo dito. Matapang talaga ang batang 'yan kahit noon pa. Mana sa Nanay niya-""Huwag na huwag ninyong iinsultuhin ang Nanay ko lalo na at wala na siya kung ayaw ninyong kayo ang sumunod sa kanya sa kabaong!" galit na sabi ko kay Madam Carmina.Nahintakutan bigla si Madam Carmina sa sinabi ko. Nagbabaga ang tingin ko sa kanya sa mga oras na 'yon."Tingnan mo Roberto kung paano magsalita ang hampaslupang 'yan. Hoy! babae kung ako sa'yo huwag mo kaming takutin dahil hindi mo pa kami kilala. Kahit idemanda mo pa kami walang maniniwala sa'yo dahil wala kang witness." ngayon ay ako naman ang dinuro duro ni Madam Carmina."Kahit hampaslupa po kami Madam Car
Bayan ng El Leon"Mabuti naman hija at napag isip isip mong sumama sa akin. Sisiguraduhin ko sa 'yong hindi ka magsisisi. Alam mo dito sa mundong ibabaw dapat utak ang pinapairal hindi puro puso lang." tuwang tuwa si Tita Crisanta nang sumama ako pabalik sa kanya sa El Leon. "Tita Crisanta, gusto ko lang po klaruhin na kaya po ako sumama hindi po para patulan si Mr. Griff, gusto ko lamang magtrabaho sa kanya kasi sabi niyo sa akin noong nasa Santa Barbara na meron siyang mga gym sa Maynila. Gusto ko din po kasing makarating ng Maynila at baka magkita kami doon nila Julia at Miana kasi doon naman sila nag-aaral. Pwede po ba na hilingin ko kay Mr. Griff na magtrabaho at mag-aral para naman po makapagtapos ako ng kolehiyo," itinama ko si Tita Crisanta baka isipin niya kaya ako sumama sa kanya para patulan si Mr. Griff. "Pwede mong kausapin si Mr. Griff kong papayag siya tungkol sa plano mong pag-aaral. Sa trabaho naman, umabot ka naman ng high school kaya pwede ka sa opisina o kahit na
Taguig, Metro ManilaKatulad ng sinabi ni Mr. Griff ay dinala niya ako sa Maynila. Kinausap na ako ni Tita Crisanta na sundin lamang kung ano ang pinapagawa sa akin Mr. Griff para hindi eto magalit. Mabait naman eto sa kanyang mga loyal na tauhan. Napansin ko nga na iilan lang talaga ang may direktang komunikasyon sa kanya. Nasanay na din ako kakatawag sa akin ni Mr. Griff ng 'my dear'. Normal na tawagan lang pala 'yon para sa mga British lalo na kung malapit ka sa kanila. Sa Maynila ay pinaturuan ako ni Mr. Griff kay Ms. Anna ng mga bagay na dapat kung malaman. Tungkol sa mga pagmamay-ari na negosyo ni Mr. Griff at kung saan ang mga eto. Katulad ng usapan namin ay mag-aaral ako sa kolehiyo habang nagtatrabaho sa kanya. Tourism Management ang kinuha kong kurso sa isang pamantasan sa Taguig dahil mas malapit lang iyon sa tinutuluyan naming condo. Ang hindi ko lang maintindihan ay parang hindi naman ako nagtatrabaho kay Mr. Griff dahil eskwelahan at bahay lang ang routine ko. Hatid su
Nagtaka ako bakit nakataas ang aking damit at nakababa na ang aking pajama. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Nagririgodon dahil may pumapasok na masamang ideya sa aking isipan. Biglang nagliwanag ang aking silid. Nakita kong may tao sa aking paanan. "M-mr. Griff!" Gulat na gulat ako ng makita si Mr. Griff sa paanan ng aking kama habang nakatingin sa akin at nakaupo sa kanyang wheelchair. "Did I disturb your sleep?" Bigla kong hinila ang kumot at napasiksik sa headboard. "W-what a-are.. are you doing here inside my r-room, Mr. Griff?" nahintakutan na ako sa tanong ni Mr. Griff. "I'm watching over you." Pinalapit ni Mr. Griff ang kanyang wheelcheer sa kabilang side ng aking kama kung saan ako sumiksik. Paglapit niya ay kaagad akong lumipat ng pwesto sa kabilang side ng kama ko. "P-please.. Mr. G-griff, wh-what do you want from m-me?" nangangatal na ang boses ko sa takot. "I won't do anything bad to you, my dear. I told you, I just want to see you sleeping." Akmang hah
2013Harlow World Sports GymBGC, TaguigHarlow World Sports Gym. Isa etong kilalang health and fitness gym sa buong bansa. Halos lahat ng mga kilalang personalidad at kilalang artista ay dito nagpupunta para mag gym dahil sa first class facilities at world class trained instructors. Mayroon pa etong branch sa Davao, Cebu, at Manila. Nandito ang pinaka main branch ng gym ni Mr. Griff sa BGC sa loob ng isang kilalang mall. Dito siya lagi tumatambay, kaya pag wala siya sa condo ay malamang andito lang siya. Isang sports enthusiast si Mr. Griff lalo na noong kabataan niya. Lahat na lang ng mga extreme sports activities ay naranasan na nito kaya siguro hindi eto takot mamatay. A daredevil.“Natanya, my dear, where are you going? Don’t you want to take a rest? You just arrived from your flight. I thought that when you finish your study you will stay with me.” May hinampo na sa tinig ni Mr. Griff. Pinuntahan ko lang si Mr. Griff sa kanyang opisina para magpaalam. Simula nang magkaroon kami
“Magandang hapon, Miss Natanya. Medyo nahuli po ‘ata kayo nang dating. First time nangyari ‘to.” Tumawa pa ang kausap ko. “Huwag kang tumawa diyan Detective Alonso kung gusto mong bayaran kita.” Naiinis kong wika. “Bakit ka ba na late, ha? Hindi ako maniniwala kapag sinabi mong trapik eh tapat lang ng nitong coffee shop ang mall kung saan ka galing.” Nagtatakang tanong ni Detective Alonso. “Ggrr.. nangigigil kasi ako doon sa lalaking nakabangga sa akin. Hindi niya tinitingnan ang kanyang dinadaanan. Look at my phone,” malungkot na ipinakita ko ang aking cellphone kay Detective. “Oh, anong nangyari diyan? Ba’t basag yan? Nag-away ba kayo ni Mr. Griff at ibinato mo ‘yan kaya wasak na wasak?” nang-aasar pang sabi ng kausap ko. “Hindi! Hindi ka kasi nakikinig eh. Nabangga nga ako ng lalaki malapit sa escalator habang kausap ka kanina sa phone. Nagtaka ka siguro kung bakit biglang namatay. Kasi nga may bumangga sa akin at nalaglag ang cellphone ko mula sa 2nd floor hanggang sa 1st flo