Share

Chapter 4 - Beyond Boundaries

I woke up so early so I had the time to prepare myself a breakfast kahit 9 am pa naman ang start ng klase ko. Maybe I’ll clean my room and arrange my things accordingly para alam ko agad kung nasaan nakalagay ang mga gamit ko if ever hanapin ko.

I know na kapag nandito lang si mama ngayon ay kanina pa nagreklamo ‘yon dahil sobrang disorganize ng mga gamit ko ngayon.

Pagkadating ko sa school ay diretso na ako sa building namin. May mga kakilala akong nadadaanan ko kaya hindi ko rin maiwasan na bumati at huminto. That's life anyway. Kapag hindi kasi nabati or pinansin, sasabihin kaagad maarte, snob or galit.

I mean, that's how life works right?

"Tala! Oh my god kumusta? Inom tayo later sa distrito, G?" sabi ni Sab na ahead ng isang year sa akin. Umiling kaagad ako sa kanya.

"Pass muna Sab, maraming babasahin." Sabi ko naman. Ayokong mag-aksaya ng panahon sa mga bagay na ganito. Like hindi naman mayaman ang mga magulang ko, sapat lang para ma-enroll ako rito sa law school.

I shouldn’t waste my time partying when I know my parents are working hard to earn money just to send me here.

"Oh okay. But if you'll change your mind, just contact Faye. You have her number right? You know where to come naman if ever." She said. Hindi ba siya nagmamadali or what?

"Sige Sab! Salamat. Una na ako ha, bye!" Kumaway ako at dali-daling naglakad na.

Sumegway pa ako sa pakikipag-usap. Halos lahat ng kakilala ko ay palaging night out ang puntirya at isa na doon si Sab, I mean hindi naman sila pariwara, they have good grades naman and all, they party a lot but they know when to peak. Curious nga ako if how they did that, I mean partying and at the same time studying as well.

Mabait naman halos lahat ng mates ko, pero talagang kung makapagwaldas ng pera at gumala akala mo hindi on-deck sa recit kung makainom ng wagas.

My phone vibrated kaya napatigil muna ako saglit para sagutin ang tawag, it was a call from Kaila.

“Nasaan ka na?” bungad niya ng wala man lang hello. Itong babaeng ‘to talaga.

“On the way madam, huwag kang atat.” Sabi ko naman.

“Gagi, gumising ako ng maaga para hiramin notes mo, ‘di ko gets ‘yong akin.”

“Deserve mo ‘yan,” sabi ko.

“Kung kutusan kaya kita?” tumawa lang ako saka inend na ‘yong call. I was walking silently on the hallway, walang tao kaya sobrang tahimik, malamang ay nasa loob na ng room. Napakunot ang nook o nang makita kong may naghahalikan doon sa gilid ng pader. Hindi siya gaanong madilim kaya kitang-kita talaga.

Their guts to do it here publicly?! Hindi ba sila naaawa sa mga virgin eyes ng mga estudyante rito?

“Ano ba ‘yan, ang aga-aga tikiman aga,” bulong ko sapat na para marinig nila.

“Get a roo-” nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang maliwanangan ang mga mata ko nang napatingin silang dalawa sa akin. My god! Dito pa sila talaga gumawa ng kahayupan?!

He was making out with a woman publicly tapos ako pa talaga ang makaka-witness no’n? Shocks! My entire being is screaming for alcohol.

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanilang dalawa ng magtama ang tingin namin. What the fuck talaga!! Ang ganda ng gising ko today tapos ito lang madadatnan ko rito sa school? Where’s the justice in that anyway?

Dali-dali na lang akong lumakad papaalis sa kanila and acted like I didn’t saw them doing something.

Pagkadating ko ay medyo puno na ang room. Umupo na ako sa usual spot ko which is on the left wing beside the window. Pinili ko talagang maupo malapit sa bintana. Katabi ko si Kaila then si Cha naman ang kasunod nito, si Belle naman ay nasa likod ko. Si Kaila at Cha ay busy sa pagchismis ng mga crush nila habang ako naman ay tamang upo lang habang naghihintay ng Professor namin.

Maya-maya lang ay may pumasok sa room namin, napaupo agad ako ng maayos at kinalabit ko si Kaila, but I noticed na iba naman ang built ng katawan. It took me 3 seconds to notice his back feature, kaya noong humarap na siya hindi ko alam kung gaano na kaliit ang mga mata ko.

Biglang kumulo ang dugo ko sa utak when I remembered how he called me little star last night and iyong nangyari a while ago.

Wait! First and foremost, what is he doing here? And why does he appears to my sight everywhere?

The moment he saw me, he was a bit startled but as soon as he realized something, he smirked at umupo sa Professor’s table. What is he doing?

“Oy gagi, greek god ba ‘yan? Pota bakit ang gwapo niyan?” I heard Kaila whispered, and by the look on her? Para na siyang maiihi sa kilig.

“Kung ganyan lang naman kagwapo ang Professor natin, baka mag-top ako sa BAR exam.” Si Cha naman ang nagsabi noon.

Siguro ay nakuha niya ang kunot ng noo ko kaya tumayo siya at nagpunta sa unahan.

He introduced himself to us and told us that Attorney Pantaleon will not be around, pero nagbigay lang ng quiz sa mga cases na sinabi niyang basahin namin, and he will be the one to watch us.

Naghiyawan ang mga lalaking kaklase namin, not because Attorney isn’t here but because Attorney will not be the one to give the quiz, because we know Attorney well pagdating sa quiz. And gosh, kahit siguro galawin mo lang ng kaunti ang ulo mo kahit hindi ka naman talaga kumokopya ay parang babatuhin ka ng kutsilyo kung makatitig.

He started the quiz and I’m still confident though because I reviewed well last night. While answering, I felt like someone’s eye is staring at me intently, only to find out that he was the one staring at me, nadi-distract tuloy ako sa pagsagot.

I eyed him with full annoyance, sinigurado ko talaga na makikita niya sa mukha ko ang iritasyon para mapatigil siya sa pagtitig sa akin, but I didn’t get nothing but a smirked on him. He then reminded everyone the time left kaya hindi ko na pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagsasagot ko, mamaya siya sa akin pagkatapos ko rito.

“Time’s up everyone, pass your papers in front.” Sabi nito. Sakto at natapos ko kaagad, Kaila groaned dahil hindi niya natapos ang huling case. I just tapped her shoulder and urged her to stand up para magpasa ng sagot namin. After passing and glaring at him ay bumalik na ako upuan ko, narinig ko pa ang pagtawa nito na kinainis ko lalo.

“Thanks everyone, good luck with your quiz score.” Sabi nito, everyone is ready to leave pero napatigil ang lahat when he called me by my full name. Pota?

“Talia Carmela Ramirez…” he uttered.

“Yes?” sabi ko naman.

“Samahan mo akong ilagay ang mga papers niyo sa desk ni Attorney.”

“Bakit ako?”

“Why not? Saka may pag-uusapan pa tayo.” He gave me that bored look again. Iyong mga classmates ko ay ready nang umalis pero nakatayo pa rin sila ngayon at pinagtitinginan kami.

“Wala tayong dapat pag-usapan.” I fired back.

“It’s about the notes.” Sabi niya. I heaved a sigh, akala ko naman gets niya na sa Wednesday pa ako available?

“Diba sabi ko sayo sa Wednesday pa ako available?” iritadong sambit ko. Hindi agad siya nakapagsalita, I guess he give up? But seconds after, nagsalita ulit siya.

“I never kissed her, just so you know.” He uttered out of the blue, I heard gasps all over pero rinig na rinig ko talaga ang pagsinghap ni Kaila.

“Why are you even explaining to me Lexus? Ano ba kita?” kuryosong tanong ko. So what if I saw him kissed that girl? Saka bakit pa ba tumatanggi kahit na kitang-kita ng dalawang mata ko?

“Grabe mapanakit ka na ah,” I heard him said that. Hindi ko napigilang iikot ang mga mata sa kanya.

“Stop rolling your eyes.” He said.

“At bakit?”

“You look cute doing that.”

And at that moment, I swear kung hindi ko pa tinakpan ang tainga ko ay siguradong mababasag ang eardrums ko sa sigaw ng mga kaklase ko. What the eff?!

But seriously, kung hindi ko pa pinigilan ang sarili ko, alam kong ngingiti ako. I don’t know if banat niya lang ‘yon or what but, I got swayed…a bit.

“You look cute daw ampota, kilig ako doon ah.” I heard Angel uttered and looked at me na ngayo’y pulang-pula na.

“Ako mismo ‘yong kiniss noong babae, I didn’t want that, nabigla lang din ako.” He added. Bakit ba kasi siya nag-eexplain eh hindi naman niya ako girlfriend or what?

“Sinungaling…” I said and then I heard him groaned.

“Whatever, see you on Wednesday anyway.” He said then walked-out of our room.

Dinumog agad ako nina Kaila at Cha ng mga tanong kung bakit may ganoong eksena, saan ko siya nakilala at kung matagal na ba kaming nagkikita. Rinig ko pa ang ibang kaklase kong lumalabas sa room namin na parang naka-witness raw sila ng rom-com na movie. While Belle on the other hand is still on shocked.

Kaya kahit sa pagkain namin ay panay ang tanong nilang dalawa sa akin, I was bombarded wth their questions like I’m on a hot seat.

“So paano nga kayo nagkita?” Cha asked again for the third time. I heaved a sigh, I started telling them the whole story how did we crossed paths. It was ironic and so rare incidences but it did happened to me.

“Gago?!” they both reacted.

“I know right.”

“Gago! Ang swerte mo!” sabi ni Kaila at nag-thumbs up pa. tumaas ang kilay ko dahil sa reaksyon nila. So in favour silang nangyari talaga sa akin ‘yon? Where’s my friends here though?

“Tadhana ‘yan, sure ako dyan.” Sabi naman ng isa.

“Ayan na naman tayo sa tadhana na iyan. Remember ‘yong last na naging boyfriend ko? My god, sobrang cancel!” I uttered. Naalala ko na naman tuloy ang panloloko ng h*******k na ‘yon.

Cheaters must go to hell!

Imagine he broke-up with me just because I didn’t kiss him back and I’m too conservative raw pero matagal na pala niya akong niloloko, which I think I don’t really deserve.

I mean, kasalanan ko bang conservative ako at sobrang lakas lang ng tawag ng libog niya? Umiinit tuloy ang ulo ko.

Umpisa pa lang klaro naman na sa kanya noong sinagot ko siya that I have boundaries, na ayoko ng mga sobrang touchy things like kissing. Holding hands is okay with me, kasi we’re just a freaking high school that time.

Yes, maaga akong lumandi, and it’s so embarrassing to remember these things.

“That’s why I suggest you watch porn na kasi, in case lang magka-boyfriend ka this year. And duh? College ka na sis, you can do better than holding hands na.”

“Bad influence talaga kayong dalawa sa buhay ko.” Sabi ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako. But on the other side, mukhang gusto kong e-consider ang sinabi ni Kaila. I mean, hindi naman siguro masama manuod ng rated-x video kahit isang beses lang?

I laughed inside my mind because of my inner thoughts. My gad, the peer pressure is real though. But I admit, I want to go beyond my boundaries, I wanted to have a taste in breaking rules. Kinabahan tuloy ako sa naiisip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status