Share

Chapter 3

Chapter 3

Dream Adelone Cortes

KINAKABAHAN ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakaharap ko na si Blaze Villacorta. Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti, o ano at wala akong maisip na dapat kong sabihin sa kaniya. Well, may dapat ba akong sabihin? Should i tell him that I like him from the very first time we met? Duda ako na naaalala niya pa ang araw na 'yon pero baka lang naman. Teka, kailangan ko bang sabihin na nagkita na kami noon?

Ring ring

“Ay kalabaw!” napatalon ako nang mag-ring ang cellphone ko. Kabado ko itong dinampot at agad na napasimangot nang makitang si Kit ang tumatawag.

“Ano ba, bakla! Kinakabahan na nga 'ko dito e.” nag-iinarteng sabi niya sa kaibigang bakla.

[Aba, kasalanan ko? Bruha 'to, magrelax ka nga. Ang sabi, gusto ka lang makita, hindi sinabing gusto kang ikama. Reaksyon mo para kang kakangkangin.]

Napasinghap ako sa bulgar na pananalita ni Kit. Ang baklang 'to talaga. Minsan conservative, minsan naman walang preno ang bibig.

“Tumigil ka nga. Bakit ka ba napatawag?” nakasimangot kong tanong.

[Well, paalala lang, sisteret. H'wag munang ibubuka ang legs, okay? Kailangan pabebe ka muna para machallenge ang hombre.]

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano ba, Kit!”

[Che! Arte nito. Sige na, babush.]

Napatawa nalang ako sa kagagahan ni Kit. Nang ibaba niya ang tawag ay napabuntong-hininga ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Marahan ko ring hinaplos ang dibdib ko.

Gahh! I'm really nervous. Sana lang hindi siya maweirduhan sa 'kin.

Ilang saglit pa ay nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng katok sa pinto. Napalunok ako ng sunod-sunod saka dahan-dahang lumapit. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga saka binuksan ang pinto. Agad akong ngumiti ng pagkatamis-tamis kaya napatitig siya sa 'kin habang nakaawang ang bibig.

Napakamot ako ng batok. “Uh—”

Suminghap ako at natulala nang bigla niya akong halikan. Malalim ang ginagawa niyang paghalik sa 'kin at para na akong mauubusan ng hangin sa baga.

“Miss Cortes?”

Napaigtad ako at umubo. “Ehem! Uh... H-Hinalika—” natigilan ako. Hinalikan nga ba niya ako? Oh no! Hindi niya ako hinalikan. Nangarap ako ng gising. Anak ng...

“Yes?” tanong niya gamit ang napaka-manly  na boses.

Tumikhim ako. “I-I mean, halika muna sa loob?”

Ngumiti siya at umiling dahilan para magwala ang puso ko. Sobrang gwapo niya at para akong hihimatayin. God!

“Mas maganda kung aalis na tayo ngayon para mas mahaba ang oras natin na makapag-usap.” sabi niya sa mababang boses.

“Okay.”

Agad akong lumabas. Inalalayan niya ako kaya parang gusto kong mangisay sa kilig habang hawak niya ang likod ng baywang ko. Kung palagi kaming ganito, talagang kakapalan ko na ang mukha ko na iyakap ang braso ko sa braso niya.

Nag-uumpisa na naman akong mangarap nang ilang hakbang palang ay tumigil siya. “Uh miss Cortes.”

Nilingon ko siya. “Bakit?”

“Iyong pinto ng bahay mo.”

Suminghap ako at dali-daling binalikan ang bukas na pinto. Nakakahiya! Grabe! Nanginginig ang kamay na inilock ko ito saka siya muling hinarap. Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong dress na hanggang tuhod at awkward na ngumiti sa kaniya.

Mahina siyang natawa. “Shall we?”

Kiyeme akong tumango at napakislot nang abutin niya ang kamay ko at isinabit sa braso niya.

Oh my gosh! Feeling ko nagtatalunan ang mga bituka ko at sumasayaw ang mga organs ko. Simpleng paghawak palang ang nangyayari sa amin pero grabe na ang pakiramdam ko. Para akong umaawas.

Nakarating kami sa harapan ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng passenger seat. Agad naman akong pumasok matapos magpasalamat sa kaniya. Habang nagkakabit ng seatbelt ay pinanuod ko siyang umikot sa kabilang bahagi ng kotse papunta sa driver seat.

Ang gwapo niya lalo habang hinahangin ang buhok niya. Grabe!

Nang makasakay siya ay agad niyang in-start ang kotse. Sinulyapan niya ako. “Kumain muna tayo?”

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka tumango. “Sige.”

Ngumiti siya at nagsimulang magmaneho. Habang tahimik akong nakaupo at pasulyap-sulyap sa kaniya ay bigla siyang nagsalita. “Payag ka ba talaga na magpakasal sa 'kin?”

Napaubo ako. Tinatanong pa ba 'yon? Syempre oo! Gustong-gusto kong makasal sa kaniya dahil matagal ko na rin siyang gustong-gusto.

“B-Bakit hindi?” iyon ang tanging naisagot ko sa kabila ng kadaldalan ko sa loob-loob ko.

“May mga kailangan akong sabihin sa 'yo mamaya.” sabi muli ni Blaze.

Hindi na ako nagsalita. Tumango nalang ako dahil bigla akong kinabahan sa sasabihin niya. Baka kasi mamaya ay ayaw niya palang magpakasal at napilitan lang siya dahil blinackmail siya ng ama niya o kaya naman ay may kapalit ang pagpapakasal nito sa kaniya.

Ilang saglit lang ay nakarating kami sa isang restaurant. Nalaman kong nagpabook na siya dito. Inihatid kami ng waiter sa mesa para sa amin at nagpaalam na iseserve na ang inorder ni Blaze.

Mariin ko namang nilukot dress ko sa mga kamay ko habang nakaupo kaharap ni Blaze. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya kaya nanahimik nalang ako.

Nang dumating ang pagkain ay nagsimula na kaning maghapunan. Habang kumakain naman ay nag-uusap kami tungkol sa mga random na bagay. Sa trabaho, sa childhood namin at sa mga hobbies. We share the same hobby of music at masaya ako doon.

Nang matapos kaming kumain ay kapuwa na kami natahimik hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Miss Cortes?”

Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya. “Uhm... Dream nalang.”

Ngumiti siya at tumango. “Unique name.” komento niya. “So, miss Dream—I mean Dream, we're getting married next week. I just want to he honest with you. Alam mo naman siguro ang reputasyon ko, hindi ba? Sigurado akong alam mo rin na nainlove ako at nabigo sa first love ko,”

Bumuntong-hininga siya saka napailing. “Hindi pa ako nakakamove on sa kaniya. Nagpapanggap lang ako dahil ayokong malayo sa kaniya at sa mga anak ko.”

Napaawang ang labi ko. Anak? Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pagiging straight forward niya o kung dapat ba akong maoffend na sinabi niya 'yon sa 'kin sa kabila ng katotohanang ikakasal na kami.

“Pakakasalan pa rin kita pero hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan emotionally dahil nararamdaman ko. I'm on the process of moving on, Dream at umaasa ako na matutulungan mo ako,”

Lumunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko o kung may dapat ba akong sabihin sa kaniya.

“H'wag mo sanang isipin na ginagamit lang kita. Gusto ko na ring makalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya nagdeside akong magsettle down imbes na makipagdate kung kani-kanino. Sana lang, hindi ka sumuko sa 'kin gaya ng pagsuko niya.”

Yumuko ako. Nanatili akong tahimik. Pakiramdam ko'y na-drain ang energy ko. Ang hirap palang marinig mula sa kaniya na mahal niya pa rin ang ex niya. Malinaw naman sa 'kin na hindi pa siya nakaka-move on pero ang hirap pala talagang marinig mo mismo mula sa kaniya.

“I have two kids. Sina Alesana Grace at Gavin Ace. Ales is 8 years old while Ace is just 3 months old. They're living with their mom and dad.”

Parang may kumurot sa damdamin ko habang nakikita ang sakit sa kaniyang mga mata. Bakit ba kasi ganito ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nasaktan ng husto?

Sigurado akong napakasakit ng naranasan niya sa first love niya. Hindi siya nito pinili, sa kabila ng mabuting pagkatao niya. Maaring nagawan niya ng mali ang first love niya kaya ito sumuko pero para sa akin na gustong-gusto ang lalaking 'to, masyado bang mababaw ang pagmamahal ng ex niya sa kaniya para sukuan siya kahit may anak sila?

“Wala ka bang sasabihin?” tanong niya matapos ang ilang sandali.

Bumuntong-hininga ako at ngumiti. “H'wag kang mag-alala, hindi ako mag-eexpect ng kung ano pero sana, magampanan natin ang tungkulin natin sa isa't-isa kapag mag-asawa na tayo.”

Ngumiti siya at tumango. “I know my responsibilies with you. Graduate na rin ako sa pagiging playboy kaya wala kang dapat ipag-alala.”

“Salamat naman kung gano'n.”

***

MATAPOS ang dinner ay nanuod pa kami ng sine saka niya ako hinatid pabalik ng bahay. Nasa tapat na ako ng pinto habang nasa likuran ko siya.

“Goodnight, Dream.” nakangiting paalam niya.

Ngumiti rin ako. “Goodnight, Blaze. Nag-enjoy ako, sobra.”

“Mabuti naman kung gano'n. Sige na, pumasok ka na. Kapag nakapasok ka na, saka ako aalis.”

Tumango ako at tiningnan ang mga kamay ko. Walang pouch. Kinapa ko rin ang balikat ko at wala akong suot na sling bang. Suminghap ako at natutop ang bibig.

“Bakit?” tanong ni Blaze nang makita ang reaksyon ko.

Nanlalaki ang matang hinarap ko siya. “Naiwan ko sa loob 'yung pouch ko. Wala akong susi.”

Napakurap-kurap siya saka biglang natawa. Sumimangot naman ako at muling hinarap ang pinto. “Sisirain ko nalang 'to.”

Hinawakan ni Blaze ang braso ko. “No, bukas na. Wala ka nang matatagawan na mag-aayos niyan. Kapag sinira mo 'yan, hindi ka rin safe sa loob dahil hindi mo malolock ang pinto.”

Napakamot ako ng ulo. “E saan ako matutulog?”

“I'm living in a condo. Doon ka nalang muna magpalipas ng gabi.”

Umawang ang labi ko at hindi kaagad nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Matutulog ako ngayong gabi sa condo unit niya? Kami lang dalawa? Uhm... hindi ba awkward 'yon? Saka baka mamaya... kung anong mangyari sa 'min.

“Don't worry, I wont sleep with you.” paniniguro niya.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. “H-Hindi ko naman iniisip 'yon.”

Mahina siyang tumawa. “Then, let's go. Tutulungan nalang kita dito bukas. Ako mismo ang sisira at mag-aayos ng lock ng pinto mo.”

Tinitigan ko siya. Malakas ang pintig ng puso ko dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Mga posibilidad at senaryo na hindi ko alam kung bakit naiisip ko. Nahahawa na yata ako kina Yannie at Kit.

“S-Sige na nga.”

“Great!”

Muli kaming sumakay sa kotse niya. Nagmaneho siya hanggang sa makarating kami sa magandang condo unit. Inalalayan niya ako pasakay ng elevator hanggang sa makarating sa floor kung saan naroon ang unit niya. 

Umiwas ako ng tingin nang ilagay niya ang passcode ng unit niya at nang mabuksan ang pinto ay agad niya akong inaya papasok.

“Do you want to take a bath first?” tanong niya na ikinalunok ko.

Take a bath? Kapag naligo ako, may posibilidad na pumasok siya sa banyo kapag nakalimutan niya na may kasama pala siya na naliligo sa banyo niya. O kaya naman ay bigla akong madulas dahil sa sabon at pumasok siya na nag-aalala. Sa puntong 'yon ay makikita niya ang hubad kong katawan tapos matutulala kami sa isa't-isa, mapapatitig at makakaramdam ng init hanggang sa bigla niya akong hahalikan at tutugon ako tapos may mangyayari sa 'min.

“Dream.”

Napaigtad ako. “Ha?”

Mahina siyang natawa. “Ano bang iniisip mo? Namumula ka tuloy.”

Mabilis kong sinapo ang mukha ko. Napalunok ako ng sunod-sunod dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot kong dahilan sa kaniya kaya imbes na depensahan pa ang sarili ko ay umiwas ako sa kahihiyan. “I-Inaantok na ako e. Pwede bang matulog na? Saan ba ako matutulog? Dito ba sa sofa? Okay lang naman ako dito—”

Napakislot ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa tangkang paglapit ko sa sofa. Napalunok ako at tiningala siya. Nakatitig siya sa akin at sobra akong naiilang.

“Doon ka sa kwarto, ako ang dito sa sofa.”

Umawang ang mga labi ko. “Ha? H-Hindi ba nakakahiya? Makikitulog lang naman ako tapos 'yung may-ari pa ang matutulog sa sofa. H'wag na. Dito nalang ako sa sofa.”

Bahagyang bumaba ang mukha niya sa 'kin kaya napigil ko ang hininga ko at bahagyang lumayo sa kaniya.

Sumingkit ang kaniyang mga mata. “You're safer inside the bedroom. Kapag dito ka natulog, maaaring mangyari ang naiisip mo kanina kapag lumabas ako ng hatinggabi.”

Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko. Ramdam ko ang grabeng pag-iinit ng buong mukha ko at para akong nanliliit dahil sa titig niya. Nakaramdam ako ng kung anong kiliti sa kaibuturan ko nang makita sa isipan ko ang senaryong maaring mangyari dahil sa sinabi niya.

Suminghap ako at mabilis na lumayo sa kaniya. “S-Saan—Saan ang kwarto?” tarantang tanong ko.

Tumawa siya at itinuro ang direksyon papunta sa kwarto kaya dali-dali akong tumakbo papunta doon habang sapo sapo ang nag-iinit kong mukha.

Nakakahiya!

TO BE CONTINUED...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
hay nsku drean lakas mo mg daydream...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status