Share

Chapter 5

Chapter 5

Dream Adelone Cortes

I TOLD Kit and Yannie about everything that happened. As usual, tawang-tawa nanaman sila sa kagagahan ko. Napanguso ako habang grabe nila akong tingnan.

“Nakakahiya ka, bruha!” patiling sabi sakin ni Kit.

Inismiran ko siya. Makapagsalita 'kala mo naman hindi niya nakalimutan sa loob ng kotse niya ang susi ng kotse niya. Tinulungan ko pa nga siyang basagin 'yung bintana dahil pa lambot-lambot siya tapos muntik pa akong arestuhin ng napadaang pulis dahil akala ay magnanakaw ako.

“Shungaers ka talaga, Dream. Naku baka naman kapag kasal na kayo ay makalimutan mo ang duty mo gabi gabi.”

Nangunot ang noo ko. “Duty gabi gabi? Paano ko makakalimutan e nakalagay na sa note ko ang duty ko—aray!” napaigtad ako nang katukin ni Kit ang ulo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sa laki ng kamay niya, ang lakas niya kumutos. Sasakalin ko 'to e!

“Tanga! Sexy time ang ibig niyang sabihin!” bulyaw sa akin ni Kit.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. Tumingin ako sa paligid at mas lalo akong kinain ng kahihiyan nang makitang maraming nakatingin. Nakakainis naman kasi 'tong dalawang 'to.

“Si Doc pogi!” biglang sabi ni Kit saka siniko si Yannie.

Humagikhik ang dalawang maharot saka ako hinila at pinatayo sa tabi. Inismiran ko silang dalawa.

“Hi, doc.” maharot na bati ni Kit.

“Hi, doc Reeve.” ngising-ngisi na bati rin ni Yannie.

Tumingin sa amin ang gwapong doktor at ngumiti siya. “Hello.” bati niya sa dalawa saka ako tiningnan, “Hi, miss Dream.”

Napaawang ang labi ko. Kilala niya ako?

Sumeryoso na ang mukha niya saka isinilid sa bulsa ng coat na suot niya ang kaniyang mga kamay. “Magcocoffee ako, gusto mo ba?”

Napakamot ako ng pisngi saka sinulyapan sina Yannie at Kit. Nakatunganga silang dalawa sa akin.

Tiningnan ko ulit si Doc Reeve. “Katatapos ko lang magkape e.”

Tumango siya saka nagpaalam na. Nang makalayo si Doc Reeve ay magkasabay na hampas ang natanggap ko mula kina Yannie at Kit.

“Aray!” reklamo ko saka lumayo sa kanila.

Pinandilatan ako ni Kit ng mata. “Edi ikaw na ang maganda!”

Inirapan ko siya. “Kasalanan ko bang maganda ako?” pinitik ko pa ang buhok ko saka tumawa.

“Pero infairness, kilala ka ni Doc.”

Nagtawanan kaming tatlo saka napailing. Bakit nga kaya kilala ako ni Doc Reeve. Siguro dahil doon sa incident nung araw na dumating siya. Iyong time na nahostage ako.

***

ILANG ARAW pa ang matulin na lumipas. Sa isang araw ay ikakasal na kami ni Blaze at hindi ko alam kung dapat ba akong maexcite o kabahan. Sa loob ng ilang araw na lumipas ay nagkikita pa rin kami ni Blaze, 'yon nga lang, hindi na para magdate kundi para asikasuhin ang kasal namin. Tulad nalang ngayon na susunduin niya ako mamaya para diretso kami sa pagsusukat ko ng gown.

“Dream, susunduin ka kamo ni Blaze Villacorta?” tanong ni Yannie na mukhang kinikilig-kilig pa.

Nginitian ko siya at tinanguan. “Oo, baka maya-mayang 6 am nandito na 'yon.”

“Pwede makisabay?” nakangising tanong naman ni Kit.

Sinimangutan ko sila. “Gusto ko ng time with my future hubby. Saka nalang kayo, sa araw ng kasal.”

Bigla akong tinulak ni Yannie na halatang kinikilig dahilan para mabunggo ko ang kung sino.

“Naku, sorry po!” agad na paghingi ko ng tawad.

“It's okay.”

Natutop ko ang bibig ko. “Doc Reeve.”

Ngumiti siya at tinanguan ako saka umalis na. Bakit ba lagi ko nalang nakakatagpo si Doc Reeve? Ah! OA ko yata masyado, malamang lagi kaming magkikita kasi nasa iisang hospital kami nagtatrabaho.

“Hoy, bruha! May papa ka na, ipaubaya mo na sa 'kin si Doc Reeve, h'wag kang sugapa!” 

Sinamaan ko ng tingin si Kit. “Grabe ka talaga sa 'kin.”

Maya-maya pa ay natanaw ko ang isang gwapong lalaki na naglalakad sa hallway. Napanganga ako habang sinasalubong ang maganda niyang mga mata at sobrang gwapong mukha. Naka-man bun ang medyo may kahabaan niyang buhok at may hawak siya sa kaliwang palad niya, isang disposable na bilog na lalagyan na may lamang...sopas?

“Good morning.” tipid ang ngiti na bati niya nang makalapit siya sa akin.

Napalunok ako at kumamot ng pisngi. “N-Nandiyan ka na pala.”

“Ay hindi, sopas na naglalakad 'yan, beh. Imagination mo lang na si Blaze Villacorta 'yan.” biglang sabat ni Kit kaya dahan-dahan ko siyang nilingon at sinimangutan.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Blaze kaya awtomatikong nag-init ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

Nakakainis naman kasi 'to si Kit.

“Hi, Blaze, I'm Yannie.” nakangiting pagpapakilala ni Yannie kay Blaze. Nagkamay silang dalawa saka binalingan ni Blaze si Kit.

Humagikhik ang maharot na bakla. “I'm Kit, the prettiest sa aming three.”

Napaismid ako sa kaconyohan ni Kit.

“Gusto ko sanang makausap pa kayo dahil mukhang masaya kayong kasama pero may lakad pa kasi kami ni Dream.” nakangiting sabi ni Blaze.

“Ay! Dream lang? Walang endearment? Walang paepek na ganern na magpapakilig ng husto sa lola mo?”

Nangunot ang noo ni Blaze. “Uhm...patay na ang lola ko.”

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang nagbabadya kong paghalakhak dahil sa sinabi ni Kit.

Tiningnan ako ni Kit. “Kaloka! Inosente naman pala ang felix bakat mong papa, panaginip. Di naman ako nainform, nahagardo versoza ang lola mo.”

Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang bumaba ang paningin sa bandang zipper ng pantalon ni Blaze. Napalunok ako. Bakat nga!

Mabilis kong ibinalik sa mukha ni Blaze ang paningin ko. Kunot ang noo niya, halatang hindi naintindihan ang sinabi ni Kit at mukhang nawiweirduhan na siya dito.

Awkward akong ngumiti kay Blaze. “Uhm...tara na?”

Ngumiti siya at tumango sa 'kin. Pinagtaasan ko naman ng kilay si Yannie na balak pang magsalita. Sa huli ay sumimangot ito at kumaway sa amin habang naglalakad kami palayo.

“Your friends are funny.” komento ni Blaze habang naglalakad kami palabas.

Ngumiti ako. “Talaga?”

“Hmm. Medyo weird lang 'yung gay, but don't get me wrong, I don't dislike people like him. It's just that, they have words na hindi ko magets, that makes me feel uncomfortable. Pakiramdam ko nilalait niya ako.”

Napatawa ako sa sinabi niya. “Hindi ka naman niya nilalait. Saka mabait naman 'yon si Kit. Iyon nga lang, minsan mataray.”

“Really?”

“Oo, pero makakasundo mo 'yon kasi mukhang type ka niya.”

Nanlaki ang mga mata niya kaya napahalakhak ako ng napakalakas. Grabe! Ang cute pala pagtripan ng isang Blaze Villacorta.

TO BE CONTINUED...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status