Share

CHAPTER ONE

Author: Em N. Cee
last update Last Updated: 2021-12-07 07:43:53

   Sa site ko na lang nalaman na si Patti lang pala ang magpa-flyering sa MOA. In-assign ako ni Sir Tomas, iyong agent na kakilala ni Patti sa game booth na sponsored ng isang kilalang brand ng baterya ng kotse.

   Panay ang hatak ko pababa sa suot kong red body con dress - kung dress pa nga bang maituturing iyon. Pakiramdam ko, konting yuko ay sisilip na ang kuyukot ko sa kaprasong damit na iyon.

   Napansin ako ni Patti. "Bakla, okay lang 'yan, ang sexy mo kaya. Ang puti mo pala, chosko."

   "Nahihiya nga ako," conscious na sabi ko habang naglalakad kami papunta sa booth. "First time ko magsuot ng ganito. Sana man lang dalawa tayo."

   "Bastos ka. Eh 'di nagmukha akong shanghai roll sa damit na 'yan."

   Tawanan kaming dalawa.

   Nagkalat na ang mga tao sa venue, mostly mga kalalakihan. May nadaanan pa kaming pinagkakaguluhan ng crowd, iyon pala, seksing babae na naka-two piece na gumigiling-giling sa harap ng isang kotse habang kunwaring nagka-carwash.

   Culture shock. Ganito pala sa car show.

   Narating namin ni Patti ang booth namin. Kinuha niya doon ng flyers na ipamimigay niya sa entrance ng venue. Pagka-alis niya ay naiwan akong mag-isa. Inayos ko ang set-up ng wire loop game na siyang pakulo ng aming booth. Kung sinumang magtatagumpay na maitawid ang laro nang hindi naba-buzz ay siyang mananalo ng special prizes na tulad ng leather jacket, car decal stickers at iba pa.

   Unti-unting lumapit ang mga tao sa game booth ko. Pasimple akong huminga ng malalim bago ko sila hinarap. Lalaki silang lahat. Nanalangin ako sa aking isipan na sana ay walang bumastos sa akin. 

   "Sir, try niyo po," alok ko sa kanila. Wala kasing nagtatangkang maglaro. Nakatingin lang sila at para bang inaaral kung paano itatawid ang rod sa loop.

   "Anong premyo nito, number mo?" tanong ng isang matandang lalaki. Nagtawanan ang ibang mga naroroon.

   Napalunok ako. Bumanat pa talaga ng ganoon si tatang.

   Nag-isip ako ng pang-counter kahit nahihiya pa rin ako. "Sir, may mas maganda akong pa-premyo ke'sa sa number. Ito pong leather jacket namin. Bagay 'to sa 'yo. Nakikinita ko na kapag suot mo na 'to, kasing-guwapo niyo po si Jeric Raval, Sir."

   "Ayos, Miss, ah." Ngumisi siya. "Pasubok nga."

   Iniabot ko sa kanya iyong metal rod na ilulusot sa wire loop. Dapat ay hindi dumikit ang anumang parte ng wire sa rod. Pero 'di pa man nakaka-abante si Sir ay na-ground na siya agad.

   "May remaining two tries ka pa po, Sir. Try lang po." Pang-eencourage ko sa kanya. Pero dahil may edad na nga, pasmado na rin siguro siya kaya na-dead din siya.

   Pagkatapos niya ay sunud-sunod nang sumubok ang mga naroon, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay na makuha ang grand price. May mangilan-ngilang nakarating sa gitna ng loop ngunit hindi umabot sa dulo. May premyo din iyon pero maliit lang tulad ng key chain, car charger, o car stickers at decals.

   Hanggang isang matangkad na lalaki ang lumapit sa booth. Agaw-atensiyon dahil guwapo siya, in fairness naman, bukod pa sa matangkad siya kumpara sa mga lalaking nagkukumpulan ngayon sa harap ng booth ko. May kasama siyang dalawang lalaki at may hitsura rin ang mga iyon.

   Nang hindi magtagumpay iyong lalaking kasalukuyang naglalaro ay nagsalita iyong guwapo na bagong dating, "Miss, puwedeng pasubok?"

   Nagtawanan iyong dalawang kasama niya at isa sa kanila ay nagsalita, "Dude, that's just leather jacket for a prize."

   "Wala, trip ko lang," sumagot iyong guwapong lalaki. "Parang exciting, eh."

   "Kunwari pa 'to. 'Yong model lang talaga puntirya mo, eh," biro noong isa pa niyang kasama. Ang tinutukoy niyang model ay ako.

   "Puwede rin." Lumapit siya sa akin. "Three succeeding wins, Miss, date me."

   Wow. Lakas.

   "Sir, 'di po ako kasama sa prize," sabi ko na ikinatawa ng mga tao roon. "If you win three times, I'll give you three leather jackets. Sakto po, tatlo kayo, tag-iisa po kayo ng mga kasama mo. For sure, bagay sa inyo 'to."

   Nakita kong lihim na natawa iyong dalawang kasama niya na nakatayo sa likuran niya. Akala naman nito ni Sir o-oo ako agad dahil guwapo siya.

   Hindi ako easy. Loko 'to.

   "Give me that," ma-awtoridad na sabi niya sa akin. Iniabot ko sa kanya iyong rod. Kumindat pa siya sa akin bago simulang maglaro.

   Sa unang subok ay mabilis na naitawid ni Sir ang rod sa wire loop. Ang galing. Matapos noon ay mayabang na nagkibit-balikat pa siya.

   Sa pangalawa at pangatlong subok ay matagumpay niya ring nailusot ang rod nang hindi naga-ground. Nanlaki ang mga mata ko. Seryosong na-bilib ako sa ginawa niya. Bukod kasi sa mahaba iyong wire ay komplikado pa iyong mga twists. Dinisenyo talaga iyon para hindi basta-basta makuha iyong grand prize.

   "Congratulations, Sir! Ang galing niyo po! Pasok na pasok! Walang mintis."

   Nasabi ko iyon sa tuwa ko dahil sa wakas ay may nanalo na. Pero hindi ko alam kung bakit nagtawanan ang mga tao sa paligid ko.

   Kumukuha na ako ng stocks ko ng leather jacket nang magsalita siya, "I don't need those. Thank you."

   "Huh?" Nagtaka ako. Nagpakahirap siya pero hindi kukunin ang premyo? 

   "Puwede bang sa 'yo naman ako pumasok?" Umangat ang isang sulok ng labi niya.

   Kumunot ang noo ko habang tumatawa pa rin nang nakakaloko ang mga tao. Hindi ko gets. “Pumasok? Sa akin?” Itinuro ko pa ang sarili ko.

   "Pumasok sa buhay mo." Sabay bawi niya nang makita niya sigurong hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

   "Ang suwabe no'n, dude." Tawanan iyong dalawang kasama niya.

   May kinuha siya sa bulsa niya, parang maliit na card. Nagulat ako ng isuksok niya iyon sa maliit na bulsa ng damit na suot ko. "You still owe me a date. Give me a ring if you're ready to give me my prize."

   Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at lumakad palayo. Sumunod ang dalawang kasama niya. Naiwan akong tulala.

    "Miss, ako naman." Kung hindi pa may nagsalita sa harap ko ay baka tulala na ako habambuhay.

   "Sige po, Sir, sige po," sabi ko. Iniabot ko sa kanya iyong metal rod.

   Kaso, napansin ko bigla iyong cellphone na nakapatong sa bandang dulo ng wire loop. "Ay, naiwan."

   "Doon sa lalaki kanina 'yan, eh," sabi ng isa sa mga naroon.

    Dinampot ko iyon. "Teka, sandali lang po, hahabulin ko lang. Pause game lang po."

   Mabilis akong umalis mula sa booth at hinabol iyong grupo noong Sir na guwapo. Nagpalinga-linga ako. Ang bilis naman nilang nawala.

   Hanggang sa nakita ko sila sa kaliwang bahagi ko na naglalakad patungo sa isang car showroom. Sinundan ko sila. "Sir, Sir! Wait po Sir!"

   Iyong isang kasama niya ang lumingon sa akin. Nakita kong siniko niya iyong taong pakay ko at saka lang sila lumingon lahat sa akin. Huminto sila sa paglalakad.

   "O, ang bilis mo namang mag-desisyon." Ngumiti siya nang pilyo pagkalapit ko sa kanila. "Shall we? Paunahin ko na bang umuwi 'tong dalawa?"

   Natawa ang mga kasama niya.

   "Supportive kami, dude, so go," biro pa ng isa sa kanila.

   "Hindi Sir, naiwan niyo po ito." Ipinakita ko ang cellphone na dala ko.

   "Dude, phone mo 'yan!" Tila nagulat pa iyong isang chinitong lalaki na kasama niya.

   "Oo nga." Kinuha niya iyong CP mula sa kamay ko. "How should I be able to receive your call for our date if I lose this."

   Natigilan naman ako.

   Ano ba namang lalaki ito. Muntik na ngang mawalan ng phone, kalandian pa iniisip.

   "But seriously, thank you." Nawala ang mapanuksong ngiti sa labi niya, napalitan iyon ng sinserong ngiti na may kalakip na pasasalamat. "You're an angel. I hope you find a better job where guys won't be trolling around you that much. You don't seem to belong here."

   Gusto ko sana siyang sagutin na hindi naman talaga ito ang trabaho ko, pero sa kung anumang dahilan ay para akong nababato-balani sa pagkakatingin sa kanya.

   "Nice meeting you, baby girl." Ginusot niya ang buhok sa ituktok ng ulo ko na para akong bata. "Thank you."

   Matapos noon ay tinalikuran niya na ako.

***

   Nagliligpit na ako sa booth dahil tapos na ang event. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa si Patti, samantalang ang usapan namin ay dito siya pupunta at sabay kaming uuwi.

   May nakapa ako sa bulsa ko na parang card. Ay, ito iyong inilagay noong guwapong lalaki na ang lakas ng trip. Kinuha ko, calling card pala iyon.

   Binasa ko, "FlipPage Media. Ledesma.."

   "'Oy, baks, sorry, pina-puwesto pa kasi ako ni Sir Tomas sa ibang entry points kaya 'di ako agad nakabalik," nagsalita si Patti sa likod ko kaya naputol ang pagbabasa ko.

   Pasimple kong ibinalik sa bulsa ko ang calling card bago humarap sa kanya. "Okay lang, nagliligpit pa lang din ako."

   "Game, tulungan na kita." Nag-volunteer na siya. "Para maka-uwi na tayo."

   "Sige, bes."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   EPILOGUE

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-THREE

    "Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-TWO (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-ONE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SIXTY-NINE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status