MasukSAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya sa pagsakay ng kabayo. She will play dumb so no one could notice that she knew enough—more than enough that everyone could know.
Naupo siya sa nakatambak na dayami at pinagmasdan ang buong paligid. Sa di-kalayuan ay nahagip ng kanyang tingin si Ramon—ang driver ni Xander—na nakikipagkuwentuhan sa mga tauhan ng hacienda. Lumapit siya dito upang makisali sa kanilang usapan. "Hi," bati niya. "Oh, Eunice, hindi ka ba sumama kay Señorito sa pag-iikot sa buong hacienda?" tanong ni Ramon habang inaayos ang hawak na tabako. "Ah, hindi, pinaiwan niya ako dito at dito na lang daw maghintay," ani niya sabay upo sa tabi nito. Natawa nang mahina si Ramon. "Buti ka pa nga at nakapagpahinga. Alam mo ba, simula nang dumating si Señorito dito sa hacienda, parang nagbago na ang ihip ng hangin. Dati, masaya at maingay dito. Ngayon, parang may multong nagpapalipad-hangin." Napakunot-noo si Eunice. "Bakit naman? Ano bang ginagawa ni Señorito?" Sumulyap si Ramon sa paligid bago bumulong, "Sobrang higpit. Kahit maliit na pagkakamali, pinalalabas na malaking kasalanan. Marami nang natanggal at pinauwi nang walang bayad. Takot na takot na silang lahat. Sabi nila, dugo talaga ng Montes ang nananaig—malupit at dominante." Nanikip ang dibdib ni Eunice sa narinig. Kumpirmasyon iyon ng hinala niya. Minamaltrato nila ang mga taong walang kalaban-laban. "Pero alam mo," dagdag pa ni Ramon at tumingin sa kanya nang may halong pagtataka, "iba ka talaga. Kahit katulong ka lang, may ibang dating ka. Parang hindi ka sanay sa ganitong buhay. Sigurado ka bang sanay ka sa hirap?" Napangiti si Eunice nang mapait. "Sanay na sanay po, Ramon. Masanay ka man o hindi, kailangan mong buhayin ang sarili mo." "Oo nga po, sigurado ka bang katulong ang pinasok mo dito?" singit ng isang babae na tingin niya ay nasa edad trenta lang, ngunit bakas sa mukha nito ang kulubot at maitim na balat dulot ng init ng araw. "Oo naman, lumuwas ako dito para manilbihan," saad niya at malapad na ngumiti. "Kung gano'n pala, araw-araw namin nasisikatan ang kagandahan mo, 'di ba mga kasama?" malakas na sabi ng lalaki sa ibang mga tauhan doon. Sumang-ayon ang karamihan at nagtawanan. "Hay, Eunice, ngayon ko lang ulit narinig ang mga tao dito na tumawa ng ganyan kalakas," wika ni Ramon. "Naku, dapat lagi tayong masaya kahit marami tayong problema," saad niya. Parang may kumurot sa bahagi ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang mga tauhang masayang nagbibiruan at nagtatawanan. Ito iyong uri ng kasiyahang pinagkait at unti-unting naglalaho dahil sa mahigpit na pamamalakad ni Xander. Napakuyom ang kanyang mga kamao at ang kanyang ngipin ay nanangis dahil galit. Hindi niya tuloy napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Napapiksi siya nang hinawakan siya ni Ramon sa balikat. "Eunice, okay ka lang ba?" Tanong nito. "Ahm...okay lang ako, may naalala lang." Sabay pahid ng luha sa pamamagitan ng palad niya. "Sigurado ka ba? Bakit ka umi— Agad niyang pinutol ang sasabihin ni Ramon. Hinarap niya ang lalake ."Huwag kang mag-aalala okay lang ako," sabay ngiti niya. "Basta kung may problema ka o kailangan mo ng kausap, nandito lang kami." "Maraming salamat, Ramon," tanging nasabi niya at muling ibinaling ang tingin sa malayo. Ilang sandali pa ay narinig nila ang paparating na mga kabayo. Bumabalik na pala sila Xander at Jasper. Agad na tumayo si Eunice at mabilis na inayos ang sarili. Bumaba si Xander sa kanyang kabayo at ibinigay ang tali kay Jasper. Nanlilisik ang mga mata nitong pinagmasdan ang buong grupo. Nagkatinginan ang mga tauhan at agad na naghiwa-hiwalay, bumalik sa kani-kanilang gawain nang halatang takot. Naiwan si Ramon na yumuko nang malalim bago tuluyang umalis papunta sa parking area. Lumapit si Xander sa kanya, at bago siya tuluyang harapin, muli pa itong sumulyap at pinagbantaan ng tingin ang mga natitirang tauhan. "You are not allowed to talk with anyone here in Hacienda, understood?" masungit at may diing saad nito. Tumango lamang si Eunice at yumuko. "Opo, Señorito." Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang pinagmamasdan ang likuran ng binata na naglalakad palayo patungo sa parking area. "May araw ka rin Xander Montes, sa ngayon pagbibigyan kita, pero darating ang oras ikaw at ang pamilya mo ang lalakad ng paluhod at nagmamakaawa sa harap ko," usal niya, na puno ng poot.HINDI inalis ni Eunice ang tingin kay Don Federico. Ang kanyang titig ay matalim, na parang nakakamatay; kulang na nga lang ay sugurin niya ito at gilitan sa leeg. Bawat hakbang ng matanda papasok sa loob ay lalong naaninag niya ang mukha nito — unti-unting bumabalik sa kanya ang alaala noong gabing pinakulong ang kanyang Papa at pinalayas sila mula sa mansyon. Napakuyom ang kanyang mga kamao dahil sa matinding galit. Lalapitan niya sana si Don Federico at bigyan ng isang malakas na suntok, ngunit mabuti na lang at nakapagpigil pa siya at isinaalang-alang ang kanyang misyon sa pamilyang Montes.Ilang sandali pa, isang magarang sasakyan ang pumarada sa harap ng mansyon. Halos humaba ang mga leeg ng mga katulong, maging siya, upang masilip kung sino ang lulan ng mamahaling sasakyan.Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Don Federico nang makita kung sino ang sakay nito — si Governor Francisco Legaspi, ang makapangyarihang politiko sa buong lugar.“Kumpadre, nauna lang ako sa’yo
HALOS mamula si Vida sa galit. Nanginginig ang kanyang mga kamao habang nakatitig sa saradong pinto, tila gustong habulin at sakalin si Eunice dahil sa sinabi nito. Pasalampak siyang umupo sa sofa at hinablot ang isang magasin. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at pawiin ang init ng ulo. Binuklat-buklat niya ang magasin, ngunit hindi man lang niya tinitingnan ang mga pahina nito; halos mapunit na nga ito dahil sa higpit ng kanyang paghawak at pagdadabog. "Ma'am Vida, may napili na po ba kayo?" Tanong ng designer niya. "Ah! Padabog niyang inilapag ang magazine na ikinagulat naman ng baklang designer na si Venus. "Sorry, may hindi ka ba nagustuhan?" tanong nito. s "Hindi naman sa ganon, nakakainis!" Sabay sandal sa malambot na sofa at nag-cruise arms. "Wait a minute...ano bang ikinainit ng ulo mo?" nagtatakang tanong ng designer. "That maid!" singhal niya. "Huwag mong sabihin na insecure ka sa katulong na' yonx?" Sabay taas ng kilay ni Venus. "No way... Hindi ko lang
"WHAT? Ano pa ang hinihintay mo? Kneel down and I will forgive you," nakangising saad ni Vida habang ang mga kamay nito ay naka-cross arms sa dibdib.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Eunice at pinukol ng tingin ang dalaga. Napakagat-labing pa siya dahil sa galit na nararamdaman; kung hindi lang mahalagang manatili sa mansyon, hindi lang sampal ang matitikman nito sa kanya—sisiguraduhin niyang hindi ito makakalakad dahil lumpuhin niya ito."Ano, tatayo ka na lang ba?" inis na sabi nito at bumaling kay Xander. "Honey, I think you need to get this woman out of your mansion. Mukhang wala siyang balak humingi ng tawad sa kasalanang ginawa niya," dagdag pa ni Vida.Humakbang palapit si Xander sa kanya, at ang talim ng mga titig nito ay parang apoy na tutunaw sa kanya anumang oras. Akmang hahawakan siya ng binata sa braso nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harap ni Vida."Kasalanan ko na po. Patawad, hindi na po mauulit, Ma'am Vida," usal niya.Isang nang-uuyam na ngit
NAPAKUYOM nang mahigpit ang mga palad ni Eunice. Sa wakas ay makakaharap niya na si Don Federico Montes—ang lalaking nagpakulong sa kanyang ama sa kulungan at siya ring dahilan ng pagdurusa ng kanyang ina. Bigla siyang natahimik habang pinagmamasdan ang kanyang mga kapwa kasambahay. Para bang huminto ang pagtakbo ng oras at bumagal ang bawat kilos sa kanyang paligid; tila tuluyang tumigil ang ikot ng kanyang mundo.Agad itong napansin ni Linda. Nakita nito ang matinding pag-iisip sa mukha niya habang ang mga mata niya ay tila tumatagos sa kaloob-looban. Dahan-dahan siyang hinawakan at tinapik-tapik ni Linda sa balikat.“May problema ba? Ayos ka lang ba?”“Ah! Oo naman,” mabilis niyang sagot habang nagkunwaring ngumingiti.“Bigla ka kasing natahimik at parang nawala sa sarili kanina,” nag-aalalang sabi ni Linda.“Ayos lang ako. Makikiraan muna ako sa inyo, mayroon lang akong kailangang asikasuhin,” sagot ni Eunice.Tumango lamang ang dalaga at muling bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa i
Tumigil siya sa pagtawa nang makita si Xander na nakatingin sa kanyang direksyon habang kausap si Vida. Seryoso ang mukha ng binata, nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya na tila binabasa ang bawat lihim na nasa isipan niya. Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, at bawat hakbang ay tila bumibigat ang hangin sa paligid dahil sa tindi ng awtoridad at galit nito. "What are you laughing at?" tanong nito, boses na tila yelong dumadaloy sa hangin. Kunwari ay nagulat si Eunice at mabilis na yumuko. "W-wala po, Señorito! May naalala lang po ako," aniya, pilit pinapanatiling kalmado ang boses. Tinitigan siya ni Xander nang matagal, saka dahan-dahang itinaas ang kamay at hinawakan ang baba niya, pilit itong inangat para magtama ang paningin nila. Parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan niya sa pagdampi ng palad nito sa balat niya. "Eunice... don't play games with me. I hate people who lie," bulong nito. Bumalot sa kanya ang amoy ng mamahaling cologne ng binata, at sa is
"KASAL?" sambit ni Eunice at napatawa nang mahina.Bumangon siya sa pagkahiga at naupo sa gilid ng kama. Rumerehistro sa isipan niya ang ginawa ni Vida sa kanya kanina—ang pagmamaliit nito sa kanya at kung paano siya tingnan na parang nililibak ang kanyang pagkatao.Pero hindi siya maaaring magpaapekto kay Vida. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay kung paano niya magagamit si Vida sa kanyang paghihiganti sa mga Montes. Alam niya ang ugali ng mga babaeng katulad ni Vida—mapagmataas, selosa, at madaling kapitan ng inis. Perpektong sandata iyon para wasakin ang tiwala at buhay ni Xander.Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na idinial ang numero ni Arthur. "Hello Arthur, it's me, Eunice. May ipapagawa ako sa'yo." "Tell me, what is it?" tanong ni Arthur mula sa kabilang linya. "I want you to look into the personal information of Vida Legaspi," saad niya na may awtoridad ang boses. "No problem." "I want the details as soon as possible." "Makakaasa ka," sabi ng kaibigan na bu







