/ Romance / Entangled with the Enemy / CHAPTER FIVE THE HAUGHTY BEAUTY

공유

CHAPTER FIVE THE HAUGHTY BEAUTY

작가: Miss Eryl
last update 게시일: 2026-04-17 22:55:07

PAGBALIK sa mansyon, nabungaran ni Xander si Vida na naghihintay sa living room. Halata sa mukha nito ang pagkainip at siguradong kanina pa nito hinihintay ang binata. Mabilis itong tumayo sa sofa nang masilayan ang anino ni Xander.

"Xander, finally you're back," saad nito na may himig na pagtatampo.

"Oh, I never knew that you were coming here," ani Xander.

"Don't you remember? Ilang linggo na natin itong pinag-usapan, 'di ba?" inis na turan nito sabay pag-cross ng braso sa dibdib.

"I'm sorry. Hindi ko matandaan," matamlay na sabi ng binata at saka umupo nang padabog sa mahabang sofa.

Umupo naman si Vida sa tabi nito at idinantay ang binti sa hita ni Xander bago masuyong hinalikan ang labi nito. Wala itong pakialam kahit makita pa sila ng mga katulong o kahit pa masilayan sila ni Eunice na nakatayo sa di-kalayuan at pinagmamasdan ang kanilang mga kilos. Gumanti naman ng halik si Xander, dala ng init ng kapusukan ni Vida.

Sandaling bumitiw ito sa mga labi ng dalaga nang mapansin si Eunice na nakatitig sa kanila na parang nanonood ng libreng palabas. Halos mahubaran na kasi si Vida dahil sa tindi ng halikan at litaw na rin ang bahagi ng dibdib ni Xander dahil nakabukas na ang ilang butones ng damit nito.

"Can you get out of here?" utos nito kay Eunice.

"Yes, I'm sorry, Señorito," paghingi niya ng dispensa at akmang aalis na sana.

Doon lang napansin ni Vida si Eunice. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa at kitang-kita ang pagsalubong ng mga kilay nito sa inis.

"Who's this?" tanong ni Vida na halos umabot na sa anit ang pagtaas ng kilay habang nanlilisik ang tingin sa kanya.

"Never mind her. She's a new maid," sabi ni Xander na tila wala lang sa kanya ang presensya ni Eunice.

Tumaas lalo ang kilay ni Vida at hindi inalis ang matalim na tingin sa dalaga. Ramdam ni Eunice ang matang mapanuri nito, na tila sinusukat at kinukumpara ang ganda ng mayroon siya.

"New maid?" ulit nito sa tono na may halong panghahamak. Humarap ito kay Xander at hinaplos nang dahan-dahan ang dibdib nito. "But she looks so... different. Not the usual maid you hire, baby. Maganda masyado para maging katulong lang. Baka may tinatago ka sa akin?"

"As I said, she's just a maid," mariing putol ni Xander at itinulak nang bahagya si Vida para ayusin ang nakabukang butones at gusot ng sariling damit.

Hindi pa rin natitinag si Vida. Dahan-dahan itong lumapit kay Eunice hanggang sa halos dikitan na siya nito. Inamoy-amoy pa nito ang damit niya na parang may hinahanap na baho o dumi.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Vida nang padabog.

"Eunice po, Ma'am," mahinahong sagot niya, bagama't sa loob-loob niya ay gustong-gusto niyang ipamukha sa babae kung sino talaga siya.

"Eunice..." tumikhim si Vida at tumawa nang mahina, parang narinig niya ang pinakakatawa-tawang pangalan sa mundo. "Makinig ka, Eunice. Kapag nandito ako, huwag kang basta-basta magpapakita o papalakad-lakad dito. Understand? Ayokong nakikita ang mga mukha ng katulad mo na sumisira sa ganda ng paligid."

Tumango lang si Eunice at yumuko nang malalim. "Opo, Ma'am," sagot niya.

"At isa pa," dagdag pa ni Vida at marahas na hinawakan ang baba niya, pilit itong itinaas para magtama ang paningin nila. "Simula bukas, hindi lang si Xander ang pagsisilbihan mo, naiintindihan mo?" Binitiwan niya ito nang mariin kaya halos napaurong si Eunice dahil sa lakas ng tulak.

Bumalik si Vida kay Xander at muling yumakap, ngumisi na halos umabot na sa tenga ang bibig nito. "Let's go upstairs, baby. I missed you so much."

Hinila ni Xander si Vida paahon ng hagdan, hindi man lang nilingon si Eunice na naiwan sa sala.

Nang mawala na ang anino nila sa taas, doon lang dahan-dahang umangat ang mukha ni Eunice. Namumula ang mga mata sa tindi ng galit at pandidiri.

"Antipatika," bulong niya. Pinunasan niya nang mariin ang pisngi kung saan humawak ang kamay ni Vida, parang may dumikit na maruming bagay doon. Tumingin siya sa hagdan kung saan sila dumaan.

"Enjoy your moment, Xander. Tungkol sa babaeng 'yan? Tingnan natin kung hanggang saan ang tatag ng loob niya," natatawang saad niya, puno ng panlilibak. Ngayon pa lang ay may nabuo na sa kanyang isipan kung paano buwesitin at gagawing miserable ang buhay ng babaeng iyon.

Palabas na siya ng living room nang masalubong niya si Annie.

"Eunice, nandito ka na pala."

"Kadarating ko lang," nakangiting sagot niya.

"Ah," dumungaw pa ito sa loob ng living room na tila may tinatanaw o hinahanap.

"Si Vida ba ang hinahanap mo?"

"Ha? Ah... eh, oo," nauutal na sagot nito.

"Umakyat na sila. Kasama si Señorito."

"Hay... salamat," saad ni Annie na tila nakahinga ng maluwag.

"Bakit naman parang nabuhayan ka ng loob sa sinabi ko?"

"Hay naku... kung hindi mo lang alam ang ugali ng babaeng 'yon. Diyos ko!" Napahawak pa ito sa ulo na parang may malaking problema.

"Talaga ba? Kung ganoon, bagay pala sila ni Xander," ani niya, na labis naman ikinagulat ni Annie.

"Hoy! Kapag narinig ka ni Señorito na tinatawag mo lang siya ng pangalan, baka mapaalis ka ng mansyon ng wala sa oras!" sabi pa nito at sunod-sunod na sumisilip-silip sa paligid para tiyaking walang ibang nakikinig.

"Huwag kang mag-alala, walang ibang nakarinig. Tayong dalawa lang dito."

"Eunice, kung gusto mong tumagal dito sa mansyon, dapat pakisamahan at pagsilbihan mo na rin si Ma'am Vida. Dahil sa susunod na buwan ay ikakasal na sila," dagdag pa ni Annie.

Tumaas lang ang kilay ni Eunice sa narinig na balita. Sa halip na madismaya, lalo lang siyang naging interesado sa babaeng iyon. Nagsimula nang gumawa ng plano ang isip niya—paano sisirain at pabagsakin si Xander Montes, gamit ang mismong babaeng pakakasalan nito.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER SIX GAME ON

    "KASAL?" sambit ni Eunice at napatawa nang mahina.Bumangon siya sa pagkahiga at naupo sa gilid ng kama. Rumerehistro sa isipan niya ang ginawa ni Vida sa kanya kanina—ang pagmamaliit nito sa kanya at kung paano siya tingnan na parang nililibak ang kanyang pagkatao.Pero hindi siya maaaring magpaapekto kay Vida. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay kung paano niya magagamit si Vida sa kanyang paghihiganti sa mga Montes. Alam niya ang ugali ng mga babaeng katulad ni Vida—mapagmataas, selosa, at madaling kapitan ng inis. Perpektong sandata iyon para wasakin ang tiwala at buhay ni Xander.Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na idinial ang numero ni Arthur. "Hello Arthur, it's me, Eunice. May ipapagawa ako sa'yo." "Tell me, what is it?" tanong ni Arthur mula sa kabilang linya. "I want you to look into the personal information of Vida Legaspi," saad niya na may awtoridad ang boses. "No problem." "I want the details as soon as possible." "Makakaasa ka," sabi ng kaibigan na bu

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FIVE THE HAUGHTY BEAUTY

    PAGBALIK sa mansyon, nabungaran ni Xander si Vida na naghihintay sa living room. Halata sa mukha nito ang pagkainip at siguradong kanina pa nito hinihintay ang binata. Mabilis itong tumayo sa sofa nang masilayan ang anino ni Xander. "Xander, finally you're back," saad nito na may himig na pagtatampo. "Oh, I never knew that you were coming here," ani Xander. "Don't you remember? Ilang linggo na natin itong pinag-usapan, 'di ba?" inis na turan nito sabay pag-cross ng braso sa dibdib. "I'm sorry. Hindi ko matandaan," matamlay na sabi ng binata at saka umupo nang padabog sa mahabang sofa. Umupo naman si Vida sa tabi nito at idinantay ang binti sa hita ni Xander bago masuyong hinalikan ang labi nito. Wala itong pakialam kahit makita pa sila ng mga katulong o kahit pa masilayan sila ni Eunice na nakatayo sa di-kalayuan at pinagmamasdan ang kanilang mga kilos. Gumanti naman ng halik si Xander, dala ng init ng kapusukan ni Vida. Sandaling bumitiw ito sa mga labi ng dalaga nang mapansin

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FOUR HIDDEN MEMORIES

    SAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya sa pagsakay ng kabayo. She will play dumb so no one could notice that she knew enough—more than enough that everyone could know. Naupo siya sa nakatambak na dayami at pinagmasdan ang buong paligid. Sa di-kalayuan ay nahagip ng kanyang tingin si Ramon—ang driver ni Xander—na nakikipagkuwentuhan sa mga tauhan ng hacienda. Lumapit siya dito upang makisali sa kanilang usapan. "Hi," bati niya. "Oh, Eunice, hindi ka ba sumama kay Señorito sa pag-iikot sa buong hacienda?" tanong ni Ramon habang inaayos ang hawak na tabako. "Ah, hindi, pinaiwan niya ako dito at dito na lang daw maghintay," ani niya sabay upo sa tabi nito. Natawa nang mahina si Ramon. "Buti ka pa nga at nakapagpahinga. Ala

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER THREE HACIENDA MONTES

    KUYOM-KUYOM ang mga palad nang lumabas si Eunice ng silid. Ano ba ang akala ng lalaking iyon? Na siya ay isang hangal? Akalain siguro nitong may pagnanasa siya sa katawan nito.Napahinto siya sa paglalakad nang muling maalala ang kabuuan ng binata. Oo, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan nito, guwapo, at sa tuwing ngingiti ito ay may kakaibang karisma na dala si Xander na kahit sinong babae ay malalaglag ang panty dahil sa kaguwapuhan nito. Pero, hindi siya dapat maakit sa binata. Bakit ba ang bilis ng kabog ng dibdib niya nang makita niya ang binata?Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tinapik-tapik ang pisngi upang magising ang sariling diwa. Ang misyon niya ay pagbayarin ang mga Montes at hindi ang maakit sa isang Xander Montes.Agad siyang bumalik sa kusina upang tumulong sa ibang gawain. Maghuhugas sana siya ng pinggan ngunit agad siyang pinigilan ng isa sa mga kasambahay—si Annie.“Ako na ang bahala diyan. Pinatawag ka ni Madam Lucia sa kanyang o

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWO THE MAID

    “SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.”Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwenta anyos ito—si Madam Lucia, ang mayordoma.“Bueno... kung ikaw talaga ang ipinadala, wala na akong magagawa,” sabi nito, bagamat halata sa boses ang pagdududa. “Mukha kasi wala kang alam na gawain at baka pagbubulakbol lang ang gagawin mo dito,” dagdag pa nito.Hindi niya masisisi ang matanda. Sa tindig, kutis, at ganda, talagang hindi siya bagay maging katulong. Inilahad niya ang kamay at ngumiti.“Ako po si Eunice. Marunong po akong magluto, maglinis, at mag-alaga. Kahit bata, aso, o kahit kabayo po, kaya ko,” sagot niya nang may kumpiyansa.“Hay, ang dami mong sinasabi. Sumunod ka sa akin—marami kang gagawin,” naiiritang sabi ng mayordoma.Sumunod siya patungo sa maid’s quarters. Napangi

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER ONE THE RETURN OF HEIRESS

    Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang tanawin. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari noon—isang bangungot na ayaw na niyang balikan.Pinagmamasdan niya ang lugar na minsan ay naging tahanan. Doon nabuo ang kanyang mga pangarap; doon namuhay nang masaya, tahimik, at sagana ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila naging usok na lamang sa kanyang isipan—mga pangyayaring unti-unting nagwasak sa kanilang pagkatao at buong pamilya. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa malayo."Arthur, ihinto mo ang kotse!" utos niya.Agad na sumunod si Arthur at itinabi ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Bumaba si Eunice at muling sinuyod ng tingin ang buong lugar. Tinanggal pa niya ang kanyang sunglasses upang mas malinaw na makita ang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status