Home / Romance / Entangled with the Enemy / CHAPTER SIXTEEN: STRANDED

Share

CHAPTER SIXTEEN: STRANDED

Author: Miss Eryl
last update publish date: 2026-06-11 08:48:44
ISANG oras na rin ang nakalipas, ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Muli siyang napatingin sa labas nang marinig ang malakas na dagundong ng kulog at ang pagkislap ng kidlat sa kalangitan.

Tumingin siya sa orasang pambisig; mag-aalas tres na ng hapon, at habang tumatagal ay lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Napayakap siya sa sariling katawan nang umiihip ang malakas na hangin. Binalingan niya ng tingin si Xander, na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hinaplo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY-THREE THE DEAL

    NAKATITIG lamang si Mary sa makapal na tumpok ng perang nakalatag sa mesa. Ang liwanag na tumatama rito ay tila nakakasilaw, ngunit mas nakakasilaw pa ang pangarap na hatid nito sa kanilang pamilya. Tila nawala ang lahat ng ingay sa paligid; ang tanging naririnig na lamang ng dalaga ay ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Limang milyon. Sapat na iyon para itayo nang maayos ang kanilang tahanan, para sa gamutan ng inang matagal nang may karamdaman, at para sa kinabukasan ng mga kapatid. Sapat na iyon para hindi na nila kailanman maranasan ang gutom at pangamba.Ngunit sa kabilang banda, ang pag-alis sa mansyon ay nangangahulugan din ng pag-iwan sa tanging trabahong matagal na pinagtiyagaan ni Mary.Napahawak si Mary sa gilid ng mesa at napayuko. Naghalo ang tuwa at takot sa kanyang nararamdaman."Bakit... bakit ganoon kalaki ang halaga?" nanginginig ang boses na tanong nito. "Ano ba talagang itinatago ninyo? Bakit kailangan ninyong bayaran ang pag-alis ko?"Tinitigan ni Eunice si M

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY-TWO: THE PRICE OF LEAVING

    KINABUKASAN, agad na nagtungo sina Arthur at Eunice sa probinsiya kung saan nakatira ang pamilya ni Mary. Tatlong oras rin ang kanilang biyahe patungo roon. Sa pagdating nila sa lugar ay hindi naman sila nahirapang hanapin ang bahay ni Mary dahil kilala ang pamilya nito roon.Ilang kilometro din ang kanilang nilakad bago marating ang tirahan ni Mary. Nang makita ang maliit na tahanan ng dalaga ay napahinto si Eunice at pinagmasdan ang buong paligid. Maliit ang bahay na yari sa yero ang dingding at manipis na plywood.Dahan-dahang humakbang si Arthur palapit sa nakabukas na tarangkahan, habang hindi maalis ang tingin ni Eunice sa maliit na bahay. Nakaramdam siya ng matinding awa dahil sa kahirapan ng buhay ng pamilya ng dalaga.Nag-agaw-pansin sa kanya ang isang batang babae — sa tingin niya ay nasa sampung taong gulang — na may dalang galon ng tubig. Lumapit ito kina Arthur at ngumiti sa kanila."Hi, magandang umaga," nakangiting bati ni Eunice.Yumuko ang batang babae at nag-atubilin

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY-ONE: EVERYTHING HAS A PRICE

    SINIMSIM ni Eunice ang alak habang pinagmamasdan ang labas ng rest house. Bumabalik sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ni Xander. Noong mga oras na iyon, akala niya ay mahuhuli na siya nito—na siya ay isang impostor na nagpapanggap lamang na katulong, na walang alam at naghihirap sa buhay.Mabuti na lang at mabilis siyang nakaisip ng paraan upang malusutan ang paghihinala ni Xander. Ngunit kahit nakaligtas na siya sa pagkakataong iyon, hindi nawala ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang huling pagkakataon na magtatanong ito.Xander is brilliant. Sa maikling pananatili niya sa mansyon, naobserbahan na niya ang tunay na pag-uugali nito. Katulad ito ng ugali ni Don Federico—matalino at mapagmatyag; walang sinuman ang mas hihigit sa kanila.Itinaas niya ang baso at inubos ang natitirang laman nito sa isang lagukan.“Wala nang atrasan ito,” bulong niya sa sarili habang ibinababa nang malakas ang baso sa mesa. “Kailangan kong tapusin ang sinimulan ko.

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY : TEMPORARY BREAK

    NANLAKI ang mga mata ni Eunice sa gulat at sakit. Ang init ng sampal ay tila kumalat sa buong mukha niya, ngunit higit pa rito ang galit na nararamdaman na parang gustong sumabog ng kanyang dibdib. Masyado nang umaabuso ang babaeng ito sa pananakit sa kanya, ani niya sa kanyang sarili. Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa gigil. Paano kaya kung patikimin niya ito ng isang malakas na suntok? Tiyak na sabog ang mukha nito at masasayang lahat ang mga produktong pampaganda na ginagamit nito sa mukha.“Sinadya mong hindi iuwi si Xander dahil gusto mong masolo siya at akitin! Hindi ba?” sigaw ni Vida. Namumula ang mukha nito dahil sa galit."Hindi ko gagawin ang binibintang mo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko wala ng iba," sagot niya."Liar!" Sigaw ni Vida, na halos lumabas na ang litid sa leeg. Akmang susugod pa sana ito, ngunit mabilis na hinawakan ni Xander ang kamay nito upang pigilan.“That’s enough, Vida. You don’t know what you are talking about,” saad ni Xander nang mahinahon nguni

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER NINETEEN: BACK TO THE MANSION

    "DON'T worry, Eunice. Xander will never see us," saad ni Ren habang hinihigop ang kape."So, what's the plan? Anong gagawin ninyo para hindi kayo makita ni Xander?" sabay tingin niya sa pinto ng silid ng binata."Relax," natatawang saad ng kaibigan."Huwag mo akong tawanan, Ren! At ikaw din!" sabay baling niya kay Arthur na natatawa rin."Hey, huwag kang mataranta, okay? We will never let your plans get ruined," sabi ni Arthur na hindi pa rin maalis ang ngiti na parang nang-uuyam."Good. I don’t want this to turn into nothing. Ang laki na ng sakripisyo ko, ha?""I told you. You don’t need to work as a housemaid in the Montes family," paalala ni Arthur sa kanya.Napasandal na lang siya sa upuan at hinigop ang kape. Ngayon pa ba siya magsisisi kung kailan malapit na niyang makuha ang tiwala ni Xander? Sa totoo lang, may ikinabuti ring nadulot ang masamang nangyari sa binata at ang pagkaka-stranded nila sa gitna ng malakas na ulan. Kung hindi dahil doon, hindi niya makukuha ang tiwala ng

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER EIGHTEEN: LOVE OR MERCY

    MABILIS na inalis ni Eunice ang mga kamay ni Xander sa kanyang baywang at humakbang palayo sa binata. Namumula ang kanyang mukha, na parang pinapaso ng init dahil sa mga titig ni Xander. "I'm sorry, hindi ko po sinasadya, Señorito. Tinitingnan ko lang kung bumaba na ang lagnat ninyo," pagpapaliwanag niya, habang nauutal. Nanatiling nakatitig si Xander sa kanya, dahilan upang lalong uminit ang pisngi ni Eunice. Pakiramdam niya ay nakakapaso ang mga tingin ng binata sa kanya, lalo pa't lalong lumalabas ang kaguwapuhan nito sa kabila ng maputlang kulay at benda sa noo. Dahan-dahang umupo si Xander sa kama, sinusuportahan ang sarili gamit ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang kanyang noong may benda. "Dahan-dahan, Señorito," mabilis na umalalay si Eunice sa binata at inalalayan itong sumandal sa kama. "I'm fine. Don't worry about me," wika nito. Tumango lang si Eunice at lumayo sa binata, ngunit nanatili siyang nakatitig dito. Pakiramdam niya ay hindi siya maaaring kumurap, na

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER ONE THE RETURN OF HEIRESS

    Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang buong lugar. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang ala

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FIVE THE HAUGHTY BEAUTY

    PAGBALIK sa mansyon, nabungaran ni Xander si Vida na naghihintay sa living room. Halata sa mukha nito ang pagkainip at siguradong kanina pa nito hinihintay ang binata. Mabilis itong tumayo sa sofa nang masilayan ang anino ni Xander. "Xander, finally you're back," saad nito na may himig na pagtatam

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FOUR HIDDEN MEMORIES

    SAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWO THE MAID

    “SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.” Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwent

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status