Home / Romance / Entangled with the Enemy / CHAPTER FIFTEEN: TRAPPED BY THE DOWNPOUR

Share

CHAPTER FIFTEEN: TRAPPED BY THE DOWNPOUR

Author: Miss Eryl
last update publish date: 2026-06-05 22:26:48

NANG makaalis si Catherine ay lumapit si Eunice sa binata upang kausapin. She had a bright smile as she approached Xander. May tila pang-aakit sa kanyang mga ngiti, na agad ding napansin ng binata.

“Señorito, may ipag-uutos po ba kayo?” tanong niya.

Sandaling natigilan si Xander at napatitig sa kanyang mukha. Sa tingin ni Eunice ay epektibo ang kanyang ngiti; alam niyang nakukuha nito ang atensyon ng binata, katulad ng sa ibang mga lalaking nakakasalamuha niya. She had that beautiful smile that
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER NINETEEN: BACK TO THE MANSION

    "DON'T worry, Eunice. Xander will never see us," saad ni Ren habang hinihigop ang kape."So, what's the plan? Anong gagawin ninyo para hindi kayo makita ni Xander?" sabay tingin niya sa pinto ng silid ng binata."Relax," natatawang saad ng kaibigan."Huwag mo akong tawanan, Ren! At ikaw din!" sabay baling niya kay Arthur na natatawa rin."Hey, huwag kang mataranta, okay? We will never let your plans get ruined," sabi ni Arthur na hindi pa rin maalis ang ngiti na parang nang-uuyam."Good. I don’t want this to turn into nothing. Ang laki na ng sakripisyo ko, ha?""I told you. You don’t need to work as a housemaid in the Montes family," paalala ni Arthur sa kanya.Napasandal na lang siya sa upuan at hinigop ang kape. Ngayon pa ba siya magsisisi kung kailan malapit na niyang makuha ang tiwala ni Xander? Sa totoo lang, may ikinabuti ring nadulot ang masamang nangyari sa binata at ang pagkaka-stranded nila sa gitna ng malakas na ulan. Kung hindi dahil doon, hindi niya makukuha ang tiwala ng

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER EIGHTEEN: LOVE OR MERCY

    MABILIS na inalis ni Eunice ang mga kamay ni Xander sa kanyang baywang at humakbang palayo sa binata. Namumula ang kanyang mukha, na parang pinapaso ng init dahil sa mga titig ni Xander. "I'm sorry, hindi ko po sinasadya, Señorito. Tinitingnan ko lang kung bumaba na ang lagnat ninyo," pagpapaliwanag niya, habang nauutal. Nanatiling nakatitig si Xander sa kanya, dahilan upang lalong uminit ang pisngi ni Eunice. Pakiramdam niya ay nakakapaso ang mga tingin ng binata sa kanya, lalo pa't lalong lumalabas ang kaguwapuhan nito sa kabila ng maputlang kulay at benda sa noo. Dahan-dahang umupo si Xander sa kama, sinusuportahan ang sarili gamit ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang kanyang noong may benda. "Dahan-dahan, Señorito," mabilis na umalalay si Eunice sa binata at inalalayan itong sumandal sa kama. "I'm fine. Don't worry about me," wika nito. Tumango lang si Eunice at lumayo sa binata, ngunit nanatili siyang nakatitig dito. Pakiramdam niya ay hindi siya maaaring kumurap, na

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER SEVENTEEN: BETWEEN HATRED AND HEART

    TUMAYO si Eunice nang mabilis at lumayo nang ilang hakbang, nakasandal sa basang dingding ng kubo habang hinahabol ang kanyang hininga. Napahawak siya sa kanyang labi, na hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang lambot ng mga labi ni Xander at ang matipunong dibdib nito na tila nadarama pa rin ng kanyang mga daliri.Napapikit siya nang mariin at pilit na iniwaksi sa isipan ang nangyari. Hindi tama ang mga pangyayaring ito. Kaaway si Xander. Ang pamilya nito ang dahilan ng pagbagsak ng kanyang sariling angkan.“$h**!” Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido at nagpakawala ng malalim na hininga.Nilingon niya muli si Xander; wala pa rin itong malay at kitang-kita ang panginginig ng katawan nito dulot ng lamig ng hangin. Kailangang makahanap siya ng paraan upang magamot ang binata.Pinagmasdan niya ang labas ng kubo. Gaya ng dati, hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan. Ang dagundong ng kulog at ang nagkikislapang kidlat sa kalangitan ang nagsisilbing tanging liwanag sa pa

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER SIXTEEN: STRANDED

    ISANG oras na rin ang nakalipas, ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Muli siyang napatingin sa labas nang marinig ang malakas na dagundong ng kulog at ang pagkislap ng kidlat sa kalangitan. Tumingin siya sa orasang pambisig; mag-aalas tres na ng hapon, at habang tumatagal ay lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Napayakap siya sa sariling katawan nang umiihip ang malakas na hangin. Binalingan niya ng tingin si Xander, na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hinaplos niya ang noo ng binata upang tiyaking huminto ang pagdurugo nito. Alam niyang hindi sila agad makakabalik sa mansyon kung patuloy ang pag-ulan; kailangang makahanap siya ng paraan upang makaalis sa lugar na ito. Hindi maaaring maabutan sila ng dilim, dahil delikado para sa kanila—sa tingin niya ay lalo pang nagiging masungit ang panahon. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon, ngunit nang mahawakan niya ito ay agad siyang nadismaya. Basang-basa na ito ng tubig. Sinubukan niya

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FIFTEEN: TRAPPED BY THE DOWNPOUR

    NANG makaalis si Catherine ay lumapit si Eunice sa binata upang kausapin. She had a bright smile as she approached Xander. May tila pang-aakit sa kanyang mga ngiti, na agad ding napansin ng binata.“Señorito, may ipag-uutos po ba kayo?” tanong niya.Sandaling natigilan si Xander at napatitig sa kanyang mukha. Sa tingin ni Eunice ay epektibo ang kanyang ngiti; alam niyang nakukuha nito ang atensyon ng binata, katulad ng sa ibang mga lalaking nakakasalamuha niya. She had that beautiful smile that every man admired.“You know how to ride a horse?” tanong ng binata.“Opo, medyo po. I mean—”“Come with me.”Sabay sumampa si Xander sa kabayo at pinatakbo ito. Dali-dali namang sumunod si Eunice at sumampa rin sa kanyang kabayo. Napalingon pa ang binata nang makitang malapit na niyang abutan ito, kaya’t lalo nitong binilisan ang takbo na para bang nakikipagkarera. Hindi alam ni Xander Montes na matagal na ring marunong mamangabayo si Eunice — ito pa nga ang isa sa mga paborito niyang gawin no

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FOURTEEN: UNDER THE SAME SKY

    WALA nang nagawa si Madam Lucia kung hindi ang manahimik na lamang. Hindi akalain ng mayordoma na basta-basta na lamang mapapatawad ni Xander ang dalaga. Sa buong pagkakakilala niya sa binata, wala itong pinapalampas kahit gaano kaliit ang ginawang pagkakamali.Isang matalim na tingin ang ipinukol ng mayordoma kay Eunice, tila nagbabanta na hindi na ito maaaring gumawa ng kahit anong mali pa. Umiwas naman ng tingin si Eunice at yumuko na lamang, nagpapanggap na walang alam at walang kinalaman sa nangyari.“Señorito, sigurado po ba kayo na hindi ninyo paaalisin si Eunice?” tanong ng matanda sabay sulyap sa kinaroroonan ng dalaga.Hindi sinagot ng binata ang tanong ng mayordoma. Binalingan na lamang niya ang natitirang kape sa tasa at inubos ito nang tuluyan.Pagkatapos nilang kumain ng almusal, inayos ni Catherine ang kanyang damit at tumayo.“Salamat sa masarap na almusal, Eunice. Siguradong hihilingin pa kita na maghanda ng ganito sa mga susunod na araw,” wika ng dalaga.Sumunod ding

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER THIRTEEN: MORE THAN JUST A MEAL

    “DI BA ang sabi ko sa’yo ay huwag kang gagawa ng kapalpakan kapag nandito ang buong pamilya ni Señorito Xander?” sermon ni Madam Lucia kay Eunice. Halos lumabas ang litid nito sa leeg dahil sa lakas na pagsigaw.Ang dahilan ng pagpapaalis kay Eunice sa mansyon at ang insidenteng nangyari kagabi. Bi

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER NINE : VIDA LEGASPI

    "WHAT? Ano pa ang hinihintay mo? Kneel down and I will forgive you," nakangising saad ni Vida habang ang mga kamay nito ay naka-cross arms sa dibdib.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Eunice at pinukol ng tingin ang dalaga. Napakagat-labing pa siya dahil sa galit na nararamdaman;

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER SEVEN ALLIES AND FOES

    Tumigil siya sa pagtawa nang makita si Xander na nakatingin sa kanyang direksyon habang kausap si Vida. Seryoso ang mukha ng binata, nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya na tila binabasa ang bawat lihim na nasa isipan niya. Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, at bawat hakbang ay tila bum

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER ONE THE RETURN OF HEIRESS

    Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang buong lugar. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status