เข้าสู่ระบบMalamig pa rin ang ekspresiyon ng mukha ni Rozen, at nanatili siyang nakatingin kay Lianne habang hawak niya pa rin ang phone nito.Namula naman ang mukha at tainga ng dalaga, pero tumikhim siya at sinamaan ng tingin ang binata.“Anong sinasabi mo riyan? A-Anong boyfriend kita, ha?” tanong ng dalaga sa medyo nauutal na boses.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. May kung anong kumiliti sa kan’yang puso, pero bigla rin siyang kinabahan dahil alam niyang hindi totoo ‘yon.‘Hala! Baka isipin ni kuya Flynn na nagdadala ako ng lalaki sa unit niya!’ isip nito, kasabay ng pamumutla ng kan’yang labi.“A-Akin na nga ang phone ko!” sigaw ni Lianne bago inunat ang kamay para kunin ang hawak ni Rozen. “Kailangan kong mag-explain kay kuya Flynn!”Lalong dumilim ang mukha ng lalaki nang marinig iyon.“Hmm?” Hinawakan ni Rozen ang palapulsuhan ng dalaga at inilagay iyon sa itaas ng ulo ni Lianne. “Bakit kailangan mong mag-explain? May gusto ka ba sa kan’ya?”“Ha? Hindi, ah!” kaagad namang sago
Sumulyap naman si Rozen kay Lianne nang marinig ang mga katagang iyon. Malamig ang ekspresiyon ng kan’yang mga mata nang kunin nito ang kan’yang phone at may hinanap doon.Hindi na siya nagsalita pa, at ipinakita na lang niya sa dalaga ang resibo ng payment nito sa isang sikat na designer.‘T-Totoo nga!’ Halos malaglag ang panga ni Lianne sa nakita. ‘Talagang… custom-made ang suit na suot niya! Grabe, may mga tao pala talaga na gagastos nang ganoon kalaki para sa isang damit?’“Uh… Kuya,” pagsasalita ng dalaga sa kan’yang phone. “Ipinakita na niya sa akin ang resibo para sa pants. Nasa milyon talaga ang halaga…”Dahil doon, pakiramdam ni Lianne ay lalagnatin na siya. Hindi pa nga siya nakare-recover sa nangyari sa kanila ni Rozen noong huli silang magkita, tapos ngayon ay may ganap na naman.Pero nalulula pa rin siya sa halaga ng suit ni Rozen hanggang ngayon.Pakiramdam niya, kahit magtrabaho siya habangbuhay at ibigay sa lalaki ang buong kinikita niya, hinding-hindi niya mabibilhan
Napakagat si Lianne sa kan’yang labi, hindi alam ang gagawin.Mas lalo namang idiniin ni Rozen ang katawan niya kay Lianne, na para bang hindi pa rin sapat ang lapit nilang dalawa sa isa’t isa. Parang sasabog na ang kan’yang katawan sa init na nararamdaman.Kung kanina ay nakakapag-isip pa siya nang tama sa kabila ng presensiya at mga sinasabi ni Rozen, ngayon ay hindi na niya alam kung saan tumatakbo ang kan’yang utak.Tila nadarang siya sa init at pagnanasang nagmumula sa katawan ng binata.“Isa… Dalawa…” pagsisimula ng lalaki sa pagbibilang.Ngumisi siya sa kan’yang loob dahil unti-unti nang nagbabago ang isip ng dalaga. Alam niyang nagagawa na naman niya itong akitin.Halata naman sa ekspresiyon ng mukha ni Lianne na gusto niya rin si Rozen, ngunit in denial lang ito.Bumaba ang tingin ni Rozen sa labi ng dalaga, na bahagyang kinakagat ni Lianne habang nag-iisip nang mabuti sa kung anong desisyon ang kan’yang pipiliin.Dumilim ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.“Three.”Saktong
Namula naman ang pisngi ni Lianne sa narinig. Iba kasi ang naisip niya sa mga salitang iyon.Umiwas tuloy siya ng tingin bago sumagot. “H-Hindi nga kasi puwede ‘yon, at saka… ang sabi mo… tapos na iyon…”“Hah.”Hindi napigilan ni Rozen ang sarili. Hinawakan niya ang baba ni Lianne at marahan itong kinurot bago muling iniharap ang mukha ng babae sa kan’ya.Madilim na ang ekspresiyon nito, at kita ang pag-aalab ng pinaghalong pagmamahal at pagnanasa sa kan’yang mga mata.“Totoo naman. It should be over, pero bakit nagpapakita ka na naman ngayon sa harapan ko?” tanong ng binata, tila may sakit sa tono ng kan’yang boses sa kabila ng lamig nito.“You even tripped in front of me. Isa ba ‘yan sa paraan mo para kunin ang atensiyon ko?”Kada makikita niya ang dalaga, malayo man o malapit, palagi na lang bumibilis ang tibok ng puso niya.Ni hindi na niya makontrol ang sarili.‘Kung hindi lang sana siya kusang magpapakita sa akin, baka kaya ko pang tiisin ang lahat,’ isip niya pa. ‘Pero ngayong
Kahit sobrang nagngingitngit na si Lianne sa galit ngayon sa loob-loob niya, mas pinili niya pa ring huwag na lang patulan si Rozen.Responsibilidad niya ang pagkasira ng pants nito. Kung hindi lang sana nakatakas si Chocolate, hindi mangyayari ang lahat ng ito.Nilagyan na ni Rozen ng disinfectant ang cotton swab, at iyon ang ginamit niya upang linisin ang sugat ng dalaga.“A-Aray!” Biglang inilayo ni Lianne ang kan’yang legs dahil sa sakit na naramdaman niya roon. “Dahan-dahan lang, Rozen… M-Masakit…”Nanunubig ang mga mata niya nang tiningnan si Rozen sa mga mata nito. Ang kaninang malamig na ekspresiyon ng binata ay biglang dumilim.‘Kung masakit ang paglalagay ko ng gamot, bakit parang umuungol siya ngayon sa pandinig ko?’ isip ng binata bago nagtiim ng bagang. ‘Dahil ba madali akong i-seduce kaya ganito siya sa ‘kin?’‘And she knows na hindi ko kayang tiisin kapag nagsimula na siyang akitin ako… Kahit na wala pa man din siyang ginagawa…’Ganoon pa man, hindi na lang nagsalita pa
Napanganga na lang si Lianne dahil sa gulat.‘Isang milyong piso mahigit para lang sa isang custom-made na suit? Eh kasi ibenta ko ang sarili ko ngayon, hindi iyon sasapat para mapambayad ko sa kan’ya!’Alam ni Lianne na custom-made iyon dahil noong malapit na si Rozen sa kinalulugaran niya, nagkaroon din siya ng tiyansa na matitigan nang kabuuan ang suit nito.‘Bakit ba kailangan ko na lang mapahamak palagi kapag malapit siya sa akin?’ hindi mapigilang tanong ni Lianne sa kan’yang isip.Samantala, tinitigan naman siya ni Rozen, tila pinag-aaralan nang maayos ang kabuuang kalagayan niya ngayong malapit na sila sa isa’t-isa.Kanina kasi ay sa medyo malayo siya nakatayo, kaya hindi niya kaagad nakita kung gaano na talaga kalala ang sugat ni Lianne. Tuklap na pala ang balat nito sa tuhod, at may mga gasgas na rin sa palad.Dumudugo pa nga ito.Dahil doon, mas lalong nahirapan si Rozen kontrolin ang sarili, lalo na nang maramdaman niya ang mumunting pagkirot na naman ng kan’yang puso.Nag
Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di







