LOGINNgayon ay dumako na sa mga mata ni Lianne ang tingin ni Eunice.“Umamin ka nga. Pinahirapan ka ba niya?” muling tanong ng kaibigan. “Dinala ka ba niya sa bahay niya para halikan ka, yakapin, hawakan, at para mag-se.x kayong dalawa?”Naramdaman ni Lianne ang pagpapawis ng kan’yang noo dahil sa sunod-sunod na tanong ni Eunice.Kahit hindi naman sila nag-se.x sa huli ni Rozen, ginawa na rin nila ang mga ibinibintang ng kaibigan kanina. Naghalikan, nagyakapan, at kung saan-saan din dumadapo ang kamay ng lalaki.‘Pero kung hindi siya tumawag kanina, baka nangyari na nga talaga ‘yon…’ isip niya pa. ‘At kahit hindi man natuloy kanina, alam kong gagawa pa rin ng paraan si Rozen—’“Anak ka ng tokwa, Lianne Corporal!” biglang sigaw ni Eunice at tinawag pa nga ang buo niyang pangalan.Napansin kasi niya ang teeth mark sa kaliwang balikat ni Lianne nang gumalaw siya nang bahagya.“Bakat na bakat pa! Ano, pinanggigilan ka sa kagat?”Ang kaninang kalmado na ekspresiyon ng mukha ni Eunice ay unti-u
Tumaas ang kilay ni Lianne sa narinig.Hindi niya kasi inakaala na ang isang lalaking kagaya ni Rozen ay magiging concerned sa kan’yang image.‘Mukha man siyang walang pakialam sa sasabihin ng iba, pero mukhang hinid naman pala siya ganoon, ano?’ isip niya pa.Bigla na lang kasing naging gentle si Rozen. Ni wala itong ginagawang kalokohan sa kan’ya ngayon kahit kanina niya pa pinatay ang tawag.Parang… hindi siya sanay sa ganitong klase ng pagbabago.‘Na para bang sumusunod na talaga siya sa akin…’“S-Sige… Thank you.” Iyon na lang ang sagot ng dalaga.Pumayag na siyang ihatid ni Rozen sa coffee shop kung saan sila magkikita ni Eunice. At kaya rin gusto ni Rozen sumama ay para makilala na rin niya si ang best friend ni Lianne.Nasa kotse na silang dalawa ngayon. Nasa driver’s seat si Rozen, habang nasa passenger seat naman si Lianne.Pagkatapos ng ilang minutong pagda-drive ng lalaki, nasa harapan na sila ng coffee shop.“Thank you ulit…” bulong ni Lianne at bubuksan na sana ang pinto
“Sabi pa ni Flynn, napilitan siyang panoorin kayong dalawa na maghalikan sa harap niya nang mahigit limang minuto. At aggressive raw ang pagkakahalik sa ‘yo? Halos mamula raw ang labi mo pagkatapos!” dagdag pa na saad ni Eunice.“Kung totoo nga iyon, e’di sumosobra na talaga siya! Hindi naman ganoon ang gawain ng lalaking kaibigan lang!”At sigurado si Eunice na kahit ikuwento ito ni Lianne sa iba, hindi rin maniniwala ang mga ito. Kahit aso!Mas lalong namula ang pisngi ng dalaga dahil sa mga naririnig niya ngayon. Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa kahit alam niyang imposible na mangyari iyon.‘Kuya Flynn naman… Talaga bang ikinuwento mo rin ito kay Eunice?’ isip niya na para bang nasa harapan niya si Flynn ngayon. ‘Aahhh, nakakahiya! Paano ko na silang lahat haharapin nito?’Hindi tuloy maiwasan ni Lianne na samaan ng tingin si Rozen, ang lalaking dahilan kung bakit kailangan niyang danasin ang lahat ng ito ngayon.Dahil kung hindi dahil sa ginawa ni Rozen, hindi niya rin san
Napapikit si Lianne sa biglaang sensasyon na naglakbay sa kan’yang katawan dahil sa ginawa ni Rozen.Mas lalong hindi rin siya mapakali dahil nararamdaman niya ang hininga ng binata sa kan’yang leeg.“Lianne… Nangako ka sa akin na makikipaghiwalay ka na sa boyfriend mo. Hindi mo na puwedeng bawiin ‘yon.”Masyadong malapit si Rozen sa kan’ya, dahilan para maamoy ni Lianne ang halimuyak nito. Sa mga oras nga na iyon, pakiramdam niya ay lumilipat ang amoy sa kan’ya.‘Lalaking-lalaki ang amoy…’ tila nadadarang na wika ng dalaga sa isip. ‘Ang sarap niyang singhutin—’Doon tuluyang natigilan ang dalaga. Biglang namula ang kan’yang pisngi, at
“‘Yong type mo bang lalaki, guwapo, maganda ang pangangatawan, magaling sa negosyo at sa gawaing bahay?” dagdag na tanong ni Rozen. “‘Yong lalaking kayang hugasan ang panty ng babaeng nagugustuhan niya? At isa pa…”Inilapit niya pa lalo ang mukha kay Lianne na para bang hindi pa sapat ang distansya nilang dalawa.“Isa pa, magaling sa kama, mataas ang stamina, kaya kang paligayahin kahit gaano pa katagal, at ‘yong kaya kang i-satisfy?”Biglang manula ang pisngi ni Lianne nang marinig ang mga katagang iyon.Alam niya na nagbubuhat si Rozen ng sarili niyang bangko sa mga sinasabi nito, pero hindi naman siya nagsisinungaling.‘Totoo naman ang sinabi niya kanina. Talagang mayroon si Rozen ng mga characteristic na iyon,’ isip niya pa.‘Pero may isang bagay siyang ginagawa na ayaw ko.’“Ayaw ko sa mga lalaking lumalandi ng kung sinu-sinong babae sa labas,” sagot ni Lianne habang naniningkit ang mga mata.Naalala niya si Irene na kung makalingkis kay Rozen kanina ay parang Koala, dahilan para
Tanging pag-iling lang ang ginawa ni Lianne, kasabay ng pagsubok niyang itulak ulit si Rozen palayo, ngunit mas lalo lang siyang naluluhod sa paghalik ng lalaki.Halos hindi na siya makahinga nang maayos dahil tila kinukuha ni Rozen ang hangin mula sa kan’yang katawan.Dahil doon, unti-unting nanubig ang kan’yang mga mata.Pakiramdam niya ay inaaway na naman siya ni Rozen sa ganitong paraan. Dahil palagi na lang ganito sa kan’ya ang lalaki kapag nagiging possessive ito.‘Palagi na lang niya akong pinipilit na halikan siya… Kahit minsan ay nahihirapan na ako…’ isip niya pa.At ganoon nga ang ginawa ng lalaki. Ni wala itong pasabi nang angkinin niya ang labi ng dalaga.Pero nang mapansin niyang lumilikot na talaga si Lianne, at tila nahihirapan na huminga dahil sa paraan ng paghalik niya ito, doon pa lamang siya lumayo.Pinagmasdan niya ang dalaga na nasa ilalim niya ngayon. Namamaga na ang labi nito, at tumutulo na rin ang luha mula sa kan’yang mga mata.“Sinamantala mo na naman ang ka
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,
Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K
Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la







