LOGINMay ibang mga babae na nagtaas kaagad ng kamay para kunin ang offer ni Rain.“Manager Rain, ako na lang! Willing ako na maging personal assistant mo!” wika ng isa sa mga babaeng empleyado.Nag-offer din ang iba pang matatapang na babae, habang ang ibang babae na may gusto rin kay Rain ngunit nahihiyang ipresinta ang kanilang sarili sa lalaki ay nanahimik na lang.Pero hindi sila pinansin ni Rain. Nanatili lang ang tingin niya kay Lianne bago nagsalita.“Lianne, you will be my personal assistant.”Tumahimik sa buong conference room, at dumako ang tingin ng lahat kay Lianne, na kanina ay walang pumapansin.Nakakunot ang noo ng iba habang halata ang pagtataka sa ekspresiyon ng kanilang mga mukha.‘Talaga bang… si Lianne ang gusto ni Manager Rain para maging personal assistant niya?’ hindi makapaniwalang tanong ng mga empleyado sa isip. ‘Bakit siya?’‘Kahit naging regular employee na siya, intern lang siya. Ganda nga lang ang ambag niyan dito at walang kahit anong skills.’‘Bakit siya pa
Biglang nakaramdam ng pagpa-panic si Rain, dahilan para mataranta siya kahit sinusubukan niya naman ang maging kalmado.Pakiramdam niya, habang tumatagal ay mas lalong lumalayo sa kan’ya si Lianne. Na kahit magkaharap naman silang dalawa ngayon, ni hindi niya maabot ang dalaga.“Makipaghiwalay ka na sa kan’ya, ngayon din!” wika niya.Walang ideya si Rain kung sa anong tono niya nasabi ang mga katagang ‘yon, pero iyon lang ang nilalaman ng puso niya. Gusto niyang makipaghiwalay na si Lianne sa kung sino man ang boyfriend nito. Wala na siyang pakialam ngayon kung ano man ang magiging tingin ng dalaga sa kan’ya.Nanlaki naman ang mga mata ni Lianne sa narinig. Hindi rin siya makapaniwala habang nakatitig kay Rain ngayon.‘Anong… Anong karapatan niya para utusan ako na makipaghiwalay kay Rozen?’ Umawang pa ang labi niya.“Manager Rain, sumosobra ka na,” ani Lianne bago nagtiim ng bagang. “Wala kang karapatang mangialam tungkol sa lovelife ko.”“Hah.”Isinuklay ni Rain ang mga daliri sa k
Biglang nag-alala si Jennica nang panoorin niya si Rain maglakad papalayo.“Lianne… Mukhang bad mood si Manager. Na-offend mo ba siya?” tanong pa nito habang namumutla ang labi. “Masama pa rin ba ang loob niya nang matalsikan mo siya ng kape?”Hindi na sinagot pa ni Lianne ang tanong na ‘yon. Imbes ay ngumiti lang siya.“Okay lang, babalik din ako kaagad,” wika niya na lang.“Ingat ka, ha?” paalala naman sa kan’ya ng kaibigan. “Baka bigla kang pag-initan ni Manager, eh.”Tumango na lang si Lianne. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang kan’yang sarili bago nagtungo sa office ni Rain.Pagpasok ni Rain sa office niya, halata ang inis sa ekspresiyon ng kan’yang mukha. Hindi kasi niya maalis sa isip ang ngiti ni Lianne habang nagkukuwento sa kan’yang boyfriend kanina.‘Ah, pucha!’ Habang mas iniisip ‘yon ni Rain, mas lalo lang siyang napipikon. ‘Anong karapatan niyang magkaroon ng boyfriend hangga’t nandito ako?’Hindi niya lang lubos maisip na ang batang babae na walang ibang gin
Samantala, pagdating ni Lianne sa project department, manghang-mangha ang kan’yang mga katrabaho dahil sa ganda ng dalaga ngayon.Ngayon ay nakasuot siya ng kulay asul na off-shoulder dress na may mesh at puff na sleeves, na bumagay sa kulay puti niyang heels. Mayroon ding ribbon sa kan’yang ulo na may flower design pa.Gandang-ganda sa kan’ya ang lahat, dahil mukha siyang isang prinsesa na napadpad lang sa kanilang village. Sobrang fresh ng itsura ni Lianne ngayon.Iyon ang isa sa mga damit na binili ni Rozen para sa kan’ya. Naalala niya pa ang sinabi ng binata noong iabot niya ang damit sa dalaga.“Noong nakita ko ang dress na ito sa department store, naisip ko kaagad na bagay ito sa ‘yo,” ani Rozen habang nakangiti. “Mukha ka nang prinsesa kaagad kahit simpleng damit lang ang suot mo.”“Siguradong mas lilitaw ang kaputian mo kapag sinuot mo ito.”Napatingin si Lianne sa damit. Tumango siya dahil alam niyang hindi nagsisinungaling ang lalaki. Maganda naman talaga ito, at sigurado si
Hindi kaagad sumagot si Rozen. Imbes ay patuloy lang niyang pinunasan ang mga luha ng dalaga.“Kung ganoon, bakit umiiyak ka pa rin?”Napakurap si Lianne sa tanong na ‘yon. Ni hindi nga niya matandaan kung kailan ba siya nagsimulang umiyak, at kung kailan din siya makakatigil.“Tears of joy iyan…” bulong niya.Ngumiti lang si Rozen bago hinalikan ang isang mata ni Lianne. Nalasahan niya pa ang mumunting alat dito dahil sa luha.“My crybaby little rabbit…” Marahang pinisil ni Rozen ang magkabilang pisngi ng dalaga, hindi alintana kung basa ito. “Huwag kang umiyak kada magpapakita ako ng kabaitan sa ‘yo.”“Ito pa lang ang umpisa ng lahat. Marami pa akong handang gawin para sa ‘yo,” wika nito sa sincere na boses bago tinitigan si Lianne.“At mula ngayon, lahat ng damit, sapatos, o kahit skincare products mo, ako ang magpo-provide,” dagdag niya pa. “Alam kong kaya mo rin naman para sa sarili mo, pero gusto kong gawin iyon para sa ‘yo.”Kaswal lang ang pagkakasabi ni Rozen ng mga katagang
Hindi naman sa pinipilit ni Rozen si Lianne, pero parang ganoon na nga. Gusto na kasi niya itong makasama madalas.Gusto niyang nasa tabi niya palagi ang kan’yang girlfriend, na kapag tumagal ay mapapangasawa na rin niya.Mas lalo namang kumunot ang noo ng dalaga sa narinig. Bahagya rin siyang ngumuso nang may maalala.“At kailan ka pa naghanda ng mga damit para sa akin, ha?” tanong ni Lianne na para bang nagdududa. “Pinunit mo ang damit ko kagabi, at sabi mo, bibilhan mo ako… Pero hindi mo ‘yon ginawa—”Bago matuloy ni Lianne ang kan’yng sasabihin, kaagad siyang hinawakan ni Rozen at dinala sa kung saan.“Wait, saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Lianne habang hila-hila siya ng binata, ngunit hindi siya sinagot ni Rozen.Maya maya ay dinala siya ng lalaki sa walk-in closet nito. Nanlaki ang mga mata ni Lianne nang makitang hindi lang ang mga damit ni Rozen ang nandoon, kundi pati damit pambabae na rin.Nasa kaliwa ang lahat ng damit ni Rozen, habang nasa kanan naman ang sa kan’ya.Na
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,







