LOGINDahil seryoso rin talaga ang sitwasyon, at valid ang rason ni Lianne kung bakit gusto niyang mag-leave, kaagad ding pinayagan ni Rain ang request niya.“Sige. Ako na ang bahala,” wika nito habang nakatingin pa rin sa dalaga. “Kailan ka babalik? Gusto mo bang ihatid na kita?”Ang totoo niyan ay gusto niyang sumama kay Lianne pabalik ng probinsya. Nakilala na rin naman kasi niya ang lola nito noon.Ngunit umiling lang ang dalaga. “Hindi na kailangan. Nakapag-book na ako ng flight ngayong hapon, kaya aalis na rin ako kaagad.”Hindi na sumagot pa si Rain. Imbes ay tumayo siya at kinuha ang coat niya sa clothing rack.“Ihahatid na kita sa airport,” aniya, ni hindi man lang nagtatanong kung payag ba ang dalaga sa gusto niya.Ngayon ay mas naging mariin ang pagtanggi ni Lianne.“Thank you, pero susunduin ako ng boyfriend ko ngayon. Sabay kaming pupunta ng airport.”Ang totoo niyan, hindi niya sigurado kung talaga bang pupuntahan siya ni Rozen ngayon sa Pristine Corporation. Nagsabi lang nama
Samantala, nagtungo na rin si Lianne sa loob ng project department, at dumiretso na kaagad sa kan’yang cubicle.Ang totoo niyan ay hindi pa rin siya mapakali dahil sa bigla-biglang pagyakap ni Rain kanina sa kan’ya. Hindi niya rin maintinidihan kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito kanina.‘Para sa kan’ya, isa lang naman akong babaeng madaling idispatsa kapag na-bore na siya sa akin…’ isip ng dalaga bago kumunot ang noo.‘Nilait niya ang tungkol sa nakaraan ko kahit alam niyang sobrang sakit ng pangyayaring ‘yon sa akin. Ginawa niya pa ‘yon sa harap ng mga kaibigan niya at ni Roxanne mismo.’At dahil napagtanto ni Lianne na hindi naman pala sincere ang kabaitan ni Rain, itinigil na rin niya ang pagkagusto sa lalaki. Hindi na siya umasa ng kahit ano pa mula rito.Mula noon ay mas pinatatag niya pa ang kan’yang puso, at para mas magawa iyon ay tuluyan na rin siyang naglaho sa buhay ng lalaki, kahit pa ang ibig sabihin no’n ay ang paglayo niya.‘Tapos kung kailan nakalimutan ko na
Bigla namang bumilis ang paghinga ni Rain nang marinig ang sinabi ni Lianne sa kan’ya kanina lang.‘Narinig niya pala ang sinabi ko roon sa birthday party….’ isip nito. ‘Kaya pala wala siya noong araw na ‘yon.’‘Kaya pala bigla na lang niya akong b-in-lock sa mga social media site, at nagpalit ng in-apply-an na university kahit ang usapan namin, papasok siya sa kung saan ako nag-aaral.’Napamura na lang siya nang sunod-sunod sa isip. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Lianne bago nauutal na nagsalita.“Lianne… H-Hindi ‘yon totoo. Nagbibiro lang ako…”Masyado pa siyang bata at mayabang noong mga oras na ‘yon, kaya hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng mga sinasabi niya.Isa pa, akala ng binata noon ay palagi lang bubuntot si Lianne sa kan’ya na parang aso, dahil siya lang ang mayroon ito. Siya lang ang bukod-tanging kumakaibigan sa kan’ya.‘Hindi niya kakayanin kapag wala ako,’ isip ni Rain, kaya nanatili siyang kalmado na hinding-hindi mawawala sa kan’ya si Lian
“Kahit hindi ka naghintay sa ‘kin, ilang messages ang ipinadala ko sa ‘yo. Tumatawag din ako. Puwede mo namang sagutin kahit ilang minuto lang, ‘di ba?” ani Rain.“Hindi mo ba alam na hindi ako makatulog nang maayos kagabi dahil nag-aalala ako sa ‘yo?”Umiwas ng tingin ang dalaga. “Naka-silent ang phone ko. Hindi ko napansin—”“Sinungaling! Pinatayan mo ako ng tawag!” Mas lumakas ang boses ni Rain ngayon.Ngunit hindi nagpatinag si Lianne. Nanatiling malamig ang ekspresiyon ng kan’yang mukha at hindi inaalisan ng tingin ang lalaki“Alam mo naman pala, eh. Kaya bakit tumatawag at nagte-text ka pa rin?”Kumunot ang noo ni Rain. “Sinabi ko naman sa ‘yo na nag-aalala nga ako!”Iyon ang ipinipilit ng lalaki kanina pa, ngunit hindi sumagot ang dalaga. Nanatili lang siyang nakatitig kay Rain na para bang nagtatanong at nagtataka.Wala naman siyang sama ng loob sa dating kaibigan, ngunit ngayon… wala na rin siyang pakialam.“Talaga bang nag-aalala ka sa akin? O nag-eenjoy ka lang na paglaruan
Iyon ang isang bagay na ni minsan ay hindi in-imagine ni Lianne noon. Na magkakaroon siya ng boyfriend na handa siyang asikasuhin, lalo na at nasanay siyang mag-isa.Sumilay ang ngiti sa labi ni Rozen bago bahagyang pinisil ang pisngi ng dalaga.“Kung nagustuhan mo…” Ikinuha pa ng lalaki si Lianne ng mas maraming lugaw at nilagyan ang kan’yang bowl. “...kumain ka pa nang mas marami.”Ngunit lingid sa kaalaman ni Lianne, gumawa na si Rozen ng mental note na ipaghanda ng makakain ang girlfriend niya, breakfast man hanggang dinner, basta ay magkaroon siya ng free time.‘Nagugustuhan niya pala kapag ipinagluluto ko siya ng pagkain, kaya gagawin ko ‘yon nang madalas para sa kan’ya.’Napakurap ang dalaga sa gulat. Bigla kasing dumami ang lugaw sa plato niya na paubos na sana.“M-Marami na akong nakain…” bulong ni Lianne bago napakagat sa labi, pero hindi niya matatangging masarap talaga ang luto ng kan’yang boyfriend.“Hindi pa.” Tinitigan siya ni Rozen. “Wala pang halos laman ang katawan
Napangiti si Rozen dahil sobrang satisfied siya, at pagkatapos ay tiningnan ang dalaga sa mga mata nito.“Don’t rush. Nag-e-enjoy pa akong kayakap ka nang ganito ngayon,” wika ng lalaki bago marahang hinaplos ang kan’yang buhok. “At sobrang ganda mo, Lianne. Gusto ko lang na titigan ka.”Bigla namang nahiya ang dalaga sa narinig, pero aaminin niyang nakaramdam din siya ng kilig.“Mags-shower rin tayo mamaya,” pagbibigay niya ng assurance kay Lianne. “Magpahinga lang muna tayo rito.”‘Kapag nakahubad na kami, mae-enjoy ko na naman ang katawan niya kanina.Lumawak ang ngisi ni Rozen sa naisip. Para sa kan’ya, hindi naman masama ang mga binabalak niya. Gusto lang naman niyang hangaan si Lianne, sa katawan man o ang pangloob na kabutihan nito.“T-Teka, tayo?” wika ni Lianne bago itinuro ang lalaki, pagkatapos ay ang sarili niya. “Mags-shower tayong dalawa?”Hindi kaagad sumagot si Rozen. Nanatili lang siyang nakatitig sa dalaga.Umangat ang sulok ng kan’yang labi nang makita ang nahihiyan
Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la
Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage







