LOGINMas lalong namula ang mukha ni Lianne bago umiwas ng tingin. Hindi niya kasi alam kung bakit ganito ang mga tinatanong sa kan’ya ng nurse. ‘Madaldal ba talaga ang mga nurse rito?’ wika niya sa isip. Samantala, nanatili lang na nakatitig si Rozen sa dalaga. Nang makita ang reaksyon nito ay nagsalita siya. “Five minutes are up,” saad nito bago tumingin sa kan’yang relo. “Makukuha mo na ba ang temperature niya?” “Ah… sorry, Sir. Muntik ko na makalimutan! Hehe.” Napasapo sa kan’yang noo ang nurse bago inalis ang thermometer mula sa kilikili ni Lianne. “36.5 degrees celsius na lang ang temperature mo, Miss.” Napangiti ang nurse. “Bumalik na sa normal. Mas okay na ito kaysa kagabi.” Tumango lang din si Lianne, at sa loob-loob niya ay nagpapasalamat siya dahil sa wakas, hindi na masama ang kan’yang pakiramdam. Binigyan ng nurse ang dalaga ng iilang instructions, at sinabing inumin nito ang mga gamot niya sa tamang oras, bago umalis ng hospital room. Nang maiwan si Lianne at Rozen sa
Noong una ay nag-aalangan pa si Lianne, pero maya maya ay umiling siya. Sinubukan niyang huwag mag-isip ng kung anu-ano nang dumampot siya ng fries sa lalagyan.“Ito, oh…” aniya at inilapit sa bibig ni Rozen ang fries. “Say ahh…”Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang ginawa ni Lianne. Inaasar niya lang kasi ito, pero hindi niya inaasahang susunod ang dalaga.Sino ba naman siya para tumanggi?Halata ang kasiyahan sa mga mata ni Rozen nang ilapit niya ang ulo, at ilagay ni Lianne ang fries sa bibig nito.Ordinaryo lang naman ang lasa ng fries, pero dahil si Lianne ang nagbigay nito sa kan’ya, pakiramdam niya ay sobrang sarap no’n.“Yummy,” bulong ng binata habang ngumunguya. “Isa pa.”“W-Wait.”Kumuha ulit si Lianne ng fries sa lalagyan, at muli itong inilagay sa bibig ni Rozen. Pero laking gulat niya nang dumampi ang labi ni Rozen sa daliri niya.Biglang nag-init ang pisngi ng dalaga na para bang sinisilaban siya ng sili. Doon niya lang napagtanto na daliri lang ang
Bigla na lang natigilan si Rozen nang mapagtanto ang mga sinabi niya kanina. Pakiramdam niya ay nahihibang na talaga siya.‘Talaga bang sinasabi ko ito sa isang babaeng may sakit?’ Bahagya siyang napailing. ‘At talaga bang gagawa ako ng paraan para lang mapasaakin siya?’Sunod-sunod na minura ni Rozen ang kan’yang sarili sa isip.‘Sa ganitong klase ng pag-iisip ko, ano pa ang ipinagkaiba ko sa isang lalaking ineengganyo ang isang kasal na babae para magloko?’Napabuntonghininga siya habang sinusubukan na maging logical. Pero naalala niya rin kung gaano kawalang kuwenta ang boyfriend ni Lianne.May sakit ang dalaga, at hindi lang basta ordinaryong sakit. Kinailangan pa nitong dalhin sa ospital dahil malala ang kan’yang lagnat. Pero ni hindi ito bumisita.At hindi lang iyon. Ni isang message ay wala itong s-in-end sa dalaga, na para bang wala na talagang pakialam ang boyfriend nito sa kan’ya.Para bang naglaho ito na parang bula.Hindi pa man din naiinis si Lianne sa boyfriend nito dahi
Nakahiga na si Lianne, at maya maya lang din ay may nakaturok na sa gitna ng braso niya. Hindi niya maiwasang makonsensiya dahil binabantayan pa rin siya ni Rozen kahit malalim na ang gabi.“Gabing-gabi na… Kaya umuwi ka na…” bulong ni Lianne, pero sapat lang para marinig ng lalaki. “Ayaw ko nang makaistorbo pa sa ‘yo—”Napatigil siya dahil sinamaan siya ng tingin ni Rozen. Nakaupo ito sa upuan sa kan’yang gilid habang nakakunot ang noo.“Stop talking.”Hindi na tuloy niya natuloy pa ang sasabihin. Para kasing galit na naman si Rozen sa kan’ya.‘Ano na naman ang mali sa sinabi ko?’ tanong ng dalaga sa isip. ‘Ayaw ko lang naman na maistorbo pa siya dahil alam kong busy rin siya… Mali ba iyon?’Napansin naman ni Rozen ang pag-iiba ng ekspresiyon ng dalaga. Tila nalungkot ito dahil sa pagiging cold niya, kaya naman ay lumapit siya rito.“Magpahinga ka nang maayos,” aniya sa gentle na tono. “Mag-usap tayo mamaya kapag tapos ka na malagyan ng IV drip.”“Oh…” Gusto pa sana magsalita ni Lian
Samantala, tiningnan naman ni Rozen ang buong unit ni Lianne. Malinis iyon at puro kulay pink at white ang mga kagamitan.Sa unang tingin, halatang babae ang nakatira rito.“You live here alone?” tanong niya.Nag-alangan pa saglit si Lianne bago sumagot. “Oo…”Nang malaman na mag-isa lang na nakatira ang dalaga sa unit ay tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Rozen. Hindi niya alam kung bakit biglang na-relax ang buo niyang katawan nang marinig iyon.Pero hindi niya rin maiwasan ang magtanong. “Nasaan ang boyfriend mo?”Hindi na iyon sinagot ni Lianne. Doon ay nagtiim ang bagang ng binata, dahil kahit sa ganitong sitwasyon, tila pinoprotektahan pa rin ng dalaga ang kan’yang boyfriend, kahit wala naman itong kuwenta.“May sakit ka, pero wala rito ang boyfriend mo para alagaan ka?”“Kaya ko alagaan ang sarili ko…” wika ni Lianne nang hindi idinidilat ang mga mata.Mas mahina na ang boses niya kaysa kanina. Matindi na rin ang pagpapawis niya, at tila umiikot na rin ang paningin kahit nak
Hindi namalayan ni Lianne kung gaano kahaba ang naging tulog niya. Nagising na lang siya dahil nakakarinig siya na parang may nagri-ring.Hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa matinding sakit ng ulo niya, o dahil may natawag na talaga sa kan’ya.“Hahayaan ko na lang muna kung sino man iyon…” wika ni Lianne sa nanghihinang boses, pero nagpatuloy sa pagtunog ang phone niya, dahilan kaya lalong kumikirot ang kan’yang ulo.At mukhang hindi ito titigil hangga’t hindi siya sumasagot.“Ito na nga…”Nang mapagtanto na nagri-ring talaga ang phone niya at hindi ito imagination lang, gumapang siya nang kaunti papunta sa side table.Sinagot niya ang tawag nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller.“Hello… Sino ‘to?”“It’s me.”Nang marinig ang malalim at pamilyar na boses na iyon ay napabalikwas si Lianne ng upo. Bigla pang kumirot ang ulo niya dahil doon, at dumilim ang paningin niya nang ilang segundo.“R-Rozen?” Tiningnan niya ang screen, at ang binata nga ang kausap niya ngayo
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la
Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k







