Kasalukuyan kaming kumakain ni Shin pero hindi ko maiwasang tingnan siya ng may tanong sa aking isip. Hindi niya kasi ako inaasar ngayon. Kaya iniisip ko kung may nangyari ba.
"Bakit ganyan kang makatingin sa'kin? May gusto ka pa bang ibang pagkain?"
"I'm full. Kakaiba lang kasi ang kilos mo ngayon."
Natawa siya sa sinabi ko bago ulit nagsalita.
"You're just being paranoid."
"Hindi noh. Saka may sakit ka na pala, bakit lumabas ka pa ng bahay niyo?" tanong ko. Nabanggit kasi niya na medyo masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok sa klase. Pero hindi naman daw malala. Sa tingin ko nga mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon, kumpara ng sinundo niya ko sa school kanina. Baka nga siguro nagugutom lang siya.
Sandali siyang nag-isip, pero hindi na din niya naituloy ang sasabihin dahil dumating na ang sundo ko. Kaya naman lumabas na din kami.
"Uwi na."
"Ayaw mo bang sumabay? Ihahatid ka na namin." aya ko sa kanya habang nakasilip ako sa kanya mula sa bintana ng kotse.
"Okey na ko dito." kumaway siya at ngumiti.
Kukulitin ko pa sana siya pero nagsimula na siyang maglakad palayo.
"See you tomorrow." sigaw ko at kumaway lang ulit siya.
Matapos ang araw na 'yon. Hindi ko na nakita si Shin.
Kahit sino man ay walang alam kung ano ang nangyari sa kanya. Inisip ko tuloy na baka kaya niya ko pinuntahan sa school ng araw na 'yon ay para magpaalam na sa'kin.
Naging malungkot ako ng halos isang buwan dahil sa hindi ko na nakikita si Shin. Walang kahit anong paramdam sa message ko sa kanya o kahit sa tawag. Sobrang nag-aalala ako kay Shin, at the same time naiinis ako sa kanya. Pakiramdam ko ay iniwan niya ko.
Minsan lang ako magkaroon ng kaibigan pero ngayon hindi ko na alam kung asan siya. Madami akong tanong sa kanya.
Kahit na sobrang lungkot ko ay hindi din naman iyon nahalata nila mom and dad. Mas naging busy sila ngayon sa business namin. Ni-hindi ko na din sila nakakasabay sa breakfast.
Minsan din ay hindi na nakakauwi si dad. Sinubukan kong tanungin si mom, pero hindi na rin kami makapag-usap ng maayos dahil sa madalas siyang may kausap sa phone niya.
Mukhang busy pa rin sila sa bagong project na building na itatayo sa ibang bansa. Kaya inintindi ko na lang din. Alam ko namang gusto lang nilang maging maayos 'yon.
Akala ko, ang pinakamalungkot na haharapin ko ngayon ay ang pagkawala ni Shin sa school. Pero hindi ko inasahan na mas guguho pa pala ang mundo ko.
"Dad, mom?" tawag ko sa kanila ng makalapit ako sa office room ni dad sa bahay.
I heard them having an argument because of our business. And then I saw my mom crying. Dad is also look so stress and down.
"Is there something wrong?" tanong ko at pilit kong pinigilan ang luha kong gustong tumakas sa'king mata. Dahil sa hindi ako sanay na marinig silang nag-aaway.
Agad umayos si mom and dad. They smiled at me like there's nothing wrong. Lumapit sa'kin si mom. Hindi ko na nakikita ang lungkot sa kanyang mukha.
"Nothing. We're just discussing some important part for the plan in our new building." Mom said.
Nakangiti lang din si dad at pilit akong kinukumbinsi sa ngiti na 'yon na wala akong dapat ipag-alala.
"Okay. Kung may problema po. Please, I want you to open up to me. I'm also part of this family." I said.
"Ofcourse. We know that." Mom still smiling and then she embrace me.
That is the last time I had a conversation with my parents.
Hindi ko na naman sila nakita ng madalas sa bahay.
I know, may tinatago sila sa'kin. Gusto kong malaman ang lahat. Pero hinihintay ko din na sila ang magsabi no'n sa'kin. Alam ko naman na gusto lang nila na hindi ako mag-isip sa kahit anong problema namin.
Matapos ang klase ko ay gaya ng dati, nag-abang ako sa labas ng school para sa sundo ko.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa aking relo ng medyo matagal na akong nakatayo sa labas. I tried to call our driver. Pero hindi sumasagot. Mukhang nasa company yata siya ngayon. Pinagkakatiwalaan din kasi ni dad ang driver namin. Kaya madalas ay iyon din ang kasama niya sa important meetings niya sa ibang mga lugar.
Nang medyo naiinip na ako sa paghihintay ay naisipan ko munang pumunta sa convenience store para bumili ng pagkain dahil medyo nagugutom na ko. Habang nagbobrowse ako sa phone ko ay di ko naiwasang hindi maalala si Shin.
Tiningnan ko ang contacts ko at hinanap ang pangalan niya.
I tried to call him. Pero wala talagang sumasagot.
Ano na kayang nangyari kay Shin? Okey lang kaya siya?
Nang matapos ko ang pagkain ko ay lumabas na ko. Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala pa ding reply ang driver namin. Wala ding tawag.
Dahil sa hapon na at malapit ng mag-gabi ay naisipan kong tawagan si mom and dad. Pero cannot be reach naman sila.
Mukhang may meeting siguro or baka may inaasikasong importante.
Naisip kong sumakay na lang ng bus para makauwi na ko. Mabuti na lang at malapit ang bus stop dito.
Malapit na sana ako sa bus stop pero napatigil ako dahil sa narinig ko.
"Isang malaking sunog ang naganap sa Hernandez's company. Madaming sugatan at nasawi dahil dito. Ang iba ay hindi pa nahahanap."
Hindi ako makapaniwala ng mapatingin ako sa balita. Nakita ko ang kumpanya namin na puno ng usok at apoy
Sila mom and dad!
Narinig ko ang pag-ring ng aking phone at nakita kong tumatawag sa’kin ang sekretarya ni dad.
May sinabi siyang location ng ospital at doon ako agad nagtungo.
"Where's my mom and dad?" I asked the doctor ng may makita ako. Gulung-gulo na din kasi ang isip ko.
“Ms. Mira.” agad akong napalingon sa tumawag sa’kin.
Nakita ko ang secretary ni dad, ginagamot siya ng isang nurse doon dahil may ilang sugat siya. Sinabi nilang dito dinala ang mga naaksidente sa aming kumpanya.
Agad akong lumapit sa kanya.
“Sila mom and dad?”
“Hindi ko pa sila nakikita. Pero tatanungin ko sa mga doctor.”
Nakipag-usap ang secretary ni dad sa ilang doctor at nurse sa ospital.
Napag-alaman na hindi daw dinala sa ospital na iyon sila mom at dad. I'm so stress. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin. I'm also worried. Baka may nangyari na sa kanila. I can't live without them. They are the only family I have.
Si mom ay tinakwil na ng kanyang pamilya ng piliin niya si dad while my dad is the only son of my grandfather and grandmother. My grandpa and grandma in my father's side already passed away.
Halos hindi na ko makalabas ng bahay ng mangyari ang sunog. Paano ko haharapin din ang naging problema sa aming kumpanya?
"Mira?"
Isang tawag ng isang matandang lalaki ang narinig ko habang umiiyak ako sa aming sala. Wala pa ding balita sa aking mga magulang. At napag-alaman ko din ang dami ng problema sa kumpanya. Sinasabi nila na nagnanakaw daw ang parents ko sa mga pera na ininvest ng ilang tao para sa aming business. Wala akong nagawa kun'di alalahanin din 'yong mga araw na madalas silang wala sa bahay. Kung magawa man nila 'yon ay alam kong may mabigat silang dahilan.
Kinukuha na din ang ilang gamit namin para ipambayad sa mga utang dahil sa naging epekto ng malaking sunog.
Umangat ang tingin ko sa tumawag sa'kin.
"Sino po kayo?" tanong ko at maririnig mo din sa aking boses na wala akong tigil sa pag-iyak. I feel like I'm so ugly now because I can't stop crying and thinking about my parents.
"Kaibigan ako ni Alfred at Syrra." sabi niya habang nakangiti.
Nabuhayan ako bigla ng marinig ko ang pangalan ng mga magulang ko. Agad akong tumayo at puno ng pag-asa ang aking isip. Iniisip ko nab aka ligtas sila mom and dad tapos gusto nilang makita ko na sila
"Talaga po? Alam niyo na po ba kung nasaan sila? I miss them. Please po, dalhin niyo na po ako ngayon sa kanila. Gusto ko pong malaman kung ayos ba sila." sabi ko habang umiiyak. May saya at lungkot akong nararamdaman ngayon sa hindi ko malamang dahilan.
Napawi ang ngiti ng matanda sa sinabi ko. Sandali niyang ibinaling ang tingin niya sa paligid.
"Mas mabuting sumama ka sa'min para mapuntahan mo na sila." iyon lang ang sinabi niya.
Sumakay na kami sa sasakyan. At sa buong byahe, wala akong narinig sa matanda o maging sa ilang kasama niyang bodyguard.
Nang makarating kami sa isang ospital ay dali-dali na akong pumasok sa loob para hanapin sila mom and dad.
"Mira." tawag ng matandang lalaki ang aking pangalan kaya napahinto ako sa paglalakad.
I don't know why I'm acting like crazy now. I just want to know if my parents are okay.
Nakita kong itinuturo na ng isang bodyguard ang isang daan.
Sumunod ako do'n. At halos nanginginig ang aking mga paa sa paglalakad papasok sa isang room na may ideya na ko kung ano. Pero hinihiling ko pa rin na sana mali ako.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaupo sa sahig.
"NO!!!" I shouted.
Inalalayan ako ng bodyguards para maitayo. Hindi ako makakuha ng lakas kahit sa pag-iyak ng mamasdan ko sila.
At lalo akong nanghina ng malapitan ko si mom at dad.
Tinanggal ko ang telang nakaharang sa kanilang mukha.
My heart almost stopped when I saw their faces.
"Mom! NO!" Hindi ako makapaniwala. I embrace her.
Hindi ko alam kung paano pa ako makakatigil sa pag-iyak. I feel like this is also the end of my life.
"DAD! Why? Why?!!"
This time I embrace my dad.
Wala akong ginawa kun'di umiyak ng umiyak at halos ayaw ko ng umalis sa tabi ng aking mga magulang na ngayon ay wala ng buhay.
Hindi ko alam kung paano pa ko makakaalis sa kalungkutan na ito. Kahit kailan ay hindi ko naisip na makita sila sa ganitong kalagayan.
Ang buong buhay ko ay naglaho na dahil sa pagkawala nila. Hindi ko kaya ang sakit na 'to. How can I begin without you mom and dad? I'm not as brave like both of you.
Bakit niyo po ako iniwan? Bakit hindi niyo ako isinama na mawala na lang? Why is this happening to our family? I don't know what to do in my life now.
Hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko matapos kong makita ang nangyari sa aking mga magulang. Dahil sa dami ng galit na tao sa nangyaring insidente sa aming kumpanya. Hindi ko na din pinatagal ang funeral nila mom and dad. Ayokong hanggang sa ganitong pangyayari ay makita ko pang nagagalit ang tao sa kanila. Hindi ko kakayanin na marinig ang kahit anong sasabihin nila sa aking mga magulang.Nakatingin ako sa puntod nila mom and dad. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko inaasahan na ngayon, wala na sila. Mag-isa na lang ako. At hindi ko din alam kung paano pa ako mabubuhay."Mom, dad. I miss you so much."Hindi ko pa rin maiwang mapaluha habang nababasa ko ang pangalan nila sa lapida."I'm sorry. Wala po akong nagawa para pigilan na mangyari 'to. I'm still weak for this. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili na bigyan ng ganitong sitwasyon."
Ngayon ay nasa bahay na ko ni Mr. Edgar. Hindi ako makapaniwala na kukunin ko din ang tulong na inaalok niya. Actually, I usually do everything on my own. Ayoko kasing nakakaabala ako sa mga tao. But this time, I know that I can't fix it alone. Maybe I can be just a good girl to him like his own daughter or granddaughter."Go to your room now. Pinahanda ko na 'yon." sabi ni Mr. Edgar ng makarating kami sa living room.Gaya nga ng inaasahan ko, napakalawak ng mansyon na tinitirhan niya. Medyo nahihiya tuloy akong gumalaw dahil naiisip ko na parang ginagamit ko ang yaman ni Mr. Edgar para masolusyonan ang problema ko. Pero utang lang naman 'to. Babayaran ko naman ang lahat ng magagastos niya sa tulong na 'to."Thank you po for your help." sabi ko nang makita ko na ang maid na dumating para ituro kung saan ang kwarto ko."It's too early to say that, Mira."
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung dapat pa ba kong magalit ngayon dahil sa pinalagpas ko naman na ang nangyari."Akala ko naman nalimutan mo na ko agad eh." natatawa niyang sabi."Kung akala mong natuwa ako sa ginawa mo. Hindi." sabi ko. Siya 'yong humalik sa'kin. Hindi ako makapaniwalang ang lakas ng loob niyang lapitan ako pagkatapos ng ginawa niya.Tawa pa rin siya ng tawa. Napaka-feeling close niya sa'kin."Bahala ka na dyan sa buhay mo. Madami pa kong gagawin." pagputol ko sa usapan namin dahil nasasayang lang ang oras ko."Ooops. Wait lang."Tumigil ako sa paglalakad at tamad na tumingin sa kanya."You're a rich guy kaya siguro wala kang magawa. Hindi mo ko kagaya. Kaya maghiwalay na tayo ng landas. Okay?"Tumalikod na ulit ako
Umaga na at halos hindi ko alam kung paano ako haharap kay Mr. Edgar matapos lahat ng nakita ko kagabi.Kanina pa ko sumisilip sa labas kung may tao na ba, pagkatapos hihiga lang din ako ulit sa kama.Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya, pero hindi pa rin magandang dahilan ang kahit ano para pumatay ka ng isang tao.Narinig kong may kumatok sa aking kwarto habang nakahiga at nag-iisip ako sa kama. Hindi ko nagawang lapitan yo'n o sumagot man lang para magtanong.Nakailang katok sa aking pinto hanggang sa may nagsalita na rin."Mira, ayos ka lang ba? Gising ka na ba?"Kinilabutan ako ng malaman kong si Mr. Edgar ang kumakatok. Naiisip ko, paano na lang kung magalit siya sa'kin at bigla niya kong patayin?Saka paano kapag nalaman niyang nakita ko lahat ng nangyari kagabi?Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa a
Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang humarap sa taong nakahuli sa'kin sa pag-alis ko. Alam kong pwede akong mamatay ngayong oras na 'to."Hindi ko gustong mamatay, kaya nga ako aalis.""Katapusan na ng buhay mo sa oras na lumabas ka sa pinto na yan.""Bakit? Kapag nag-stay ako dito. Sigurado kong papatayin niyo rin ako.""Hindi ka niya papatayin. Hindi mo ba nakikita 'yon?"This time, tumingin na ko sa kanya."Alam kong papatayin niya ko. Bakit ba nagsisinungalin ka pa sa'kin? Nakita ko lahat, alam kong alam mo 'yon.""Mahalaga ka sa kanya, kung may dahilan man siya para patayin ka. Iyon ay kung iiwan mo siya."Saglit akong natawa sa sinabi niya."Wala siyang awa. Kaya bakit ako maniniw
Nasa puntod ako ngayon nila mom at dad. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa kalagayan ko ngayon. Ang hirap kapag dumadating ka sa punto na gusto mo ng umalis sa isang sitwasyon pero hindi mo pa magagawa. Isa sa pinaka-hindi ko gustong bagay ay 'yong wala akong magawa para sa sitwasyon ko kapag nahihirapan na ko. Lahat naman ng tao pangarap na mabuhay ng tahimik at masaya. Kaya kapag sobra ng nahihirapan sa isang bagay, okey lang din kung bitawan mo na kapag sinubukan mo naman ng buong lakas mo pero hindi mo talaga kaya."Mom, dad. Hindi ko po akalain na malakas din pala ako tulad niyo. Kasi sa kabila ng lahat, ito pa rin po ako at hindi sumusuko. Wala po kayong dapat alalahanin sa'kin, kaya ko na po ngayon ang sarili ko."Ngumiti ako matapos kong sabihin 'yon.Ano kayang naghihintay sa mga susunod na buwan? Magiging masaya pa kaya ako kagaya ng panahong kasama ko sila mom and dad?
Hindi ko na kinaya pang alalahanin ang ibang pangyayari sa buhay ko. Tumigil na ako sa pag-iisip dahil dama ko na naman ang takot sa mga nangyari na 'yon."Lalaine."I heard Ren called my name. Pinunasan ko na agad ang mga luha ko na gusto pang tumulo bago ako humarap muli sa kanya.Ngumiti ako at agad na lumapit sa kanya."I told you to stay in your room so you can rest.""Lagi na lang akong nagpapahinga. Baka lalo akong manghina niyan." natatawa kong sabi."Iniisip ko din ang baby mo. Doctor's advice for you is to take long rest." seryoso niyang sagot. Lagi na lang siyang seryoso kapag tungkol sa'min ng dinadala ko ang usapan.Ibinaling ako ang tingin ko sa iba matapos ng sinabi niya."I don't know what happened to you. But you should take c
Agad akong sinalubong ng yakap ni Dionne matapos niyang makababa sa kotse. She look so happy to see me."Lalaine! I miss you!""Para namang ang tagal kong nawala.""Matagal naman talaga. Ang dami ng nangyari sa'kin. Gustung-gusto kong magkwento sayo, kaya lang ang tagal mo namang wala. Tapos hindi mo pa madalas sagutin ang tawag ko.""Tampo ba 'yan?" pabiro kong tanong sa kanya dahil nakikita ko na naman ang masungit niyang tingin."Ah basta, kailangan mong bumawi sa'kin."Lumipat ang tingin ko sa isang lalaking kakababa lang sa kotse."Mukhang okey na kayo ah?" mapanukso kong tanong. Agad ding lumipat ang tingin niya sa taong tinitingnan ko ngayon."Parang gano'n na nga. But there's a lot of things happened kaya nangyari 'to.""I'm happy for